Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

3

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Quarter 1 – Modyul 7:
Wastong Kilos at Gawi para sa
Sariling Kaligtasan
Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikatlong Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Quarter 1 – Module 1: Wastong Kilos at Gawi para sa Sariling Kaligtasan
First Edition, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Development Team of the Module


Writers: Cherry M. Fajagutana, Mary Grace D. Caňedo, Maricel M. Castillo,
Erly P. Benson, Faith Joy S. Saligbon
Editors: Jhun Ree M. Descartin, Myrvin C. Rollon
Reviewers: Pablo L. Eulatic, Jr., Jay Sheen A. Molina
Illustrators: Mahalia J. Carbon, Merbin M. Sulit
Layout Artist: Maquille Angelou C. Sabano, Shayne Mae L. Barte
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Management Team: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Ruth L. Estacio, Ph.D. CESO VI – Schools Division Superintendent
Carlos G. Susarno, Ph.D – Special Assistant to the SDS
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Cynthia G. Diaz, Ph.D. – REPS – Subject Area Supervisor
Lalaine SJ. Manuntag, Ph.D – CID Chief
Nelida A. Castillo, Ph.D – Division EPS In Charge of LRMS
Marichu Jean R. Dela Cruz, Ph.D- Division ADM Coordinator
Rosmie P. Salada, Ph.D – EPS – Subject Area Supervisor
Name of EPS – Subject Area Supervisor
Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
3

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Quarter 1 – Module 7:
Wastong Kilos at Gawi para sa
Sariling Kaligtasan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 3 ng Self- Learning


Module (SLM) Modyul para sa Ika-pito na Linggo: Wastong Kilos at Gawi para sa Sariling
Kaligtasan.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag- aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang- ekonomikong hamon
sap ag- aaral.
Ang tulong na ito ay umaasang makauugnay ang mag- aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga Gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag- aaral upang makamit ang mga kasanayang pan- 21 siglo habang
isinasaalang- alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala Para sa Guro


Ito’y naglalaman ng mga mahahalagang istratehiya o
pamamaraan para sa paglilinang ng kaalaman ng mga
mag- aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mga mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag- unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag- aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 3 Self- Learning Module (SLM)


Modyul ukol sa Wastong Kilos at Gawi para sa Sariling Kaligtasan.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag- aaral habang wala ka sa loob ng silid- aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Hindi kayo maaaring makapunta sa silid-aralan dahil sa pandemic na dinaranas natin ngayon.

1
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat ninyong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

2
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang


Sanggunian
ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi
ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

3
Alamin

Ang modyul na ito ay isinagawa upang ipaalam sa inyo ang


kahalagahan ng inyong mga kilos at gawi upang maging ligtas
ang inyong mga sarili sa anumang kapahamakan.

Ang bawat isa ay ipinanganak na may kahalagahang


kakayanan at likas na kakayanan upang matuto, umunlad at
lumaki na ligtas. Subalit ang mga kakayahang ito ay naayon din sa
inyong mga kilos at gawi.

Sa pamamagitan ng pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang


makagagawa ka ng mga wastong kilos at gawi sa pangangalaga
ng sariling kaligtasan.

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang


sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

Ang modyul na ito ay binubuo ng mga sumusunod na aralin:


Aralin 1 - Kaligtasan ng Bawat Isa, sa Tahanan Nagsimula!
Aralin 2 - Laging Nasa Isipan, Kaligtasan sa Paaraalan
Aralin 3- Kaligtasan ay Isaalang-alang Kahit Saan Ka Man!

Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto:


 Nakagagawa ng mga wastong kilos at gawi sa
pangangalaga ng sariling kalusugan at kaligtasan.
EsP3PKP–Ie-18

4
Subukin

Ligtas ka ba sa iyong mga kilos at gawi? Malalaman natin sa


pamamagitan ng inyong mga sagot sa mga katanungan.

Panuto: Isulat ang T sa patlang kung wasto ang isinasaad ng bawat


pangungusap at M kung di-wasto.

________ 1. Ang pagkukusa ay isang mahalagang gawain na


dapat isakatuparan.

________ 2. Hindi kayang gawin ng isang batang katulad mo ang


sumali sa mga gawaing pangkaligtasan.

________ 3. Magiging masaya ang pamilya kung ang isa sa mga


miyembro nito ay napapahamak dahil sa maling kilos at
gawi.

__________4. Maaaring ligtas mula sa karamdaman kung


nakagagawa ng wastong kilos at gawi tulad ng
pangangalaga ng sarili.

________5. Ang patuloy na pangangalaga sa ating kalusugan at

kaligtasan ay makasasama sa ating katawan.

Magaling! Natutuwa ako sa aktibo mong pakikiisa sa gawain natin.

5
Aralin
Kaligtasan ng Bawat Isa, sa Tahanan
1 Nagsimula!

Layunin:
1. Nakatutukoy ng mga wastong kilos at gawi para sa sariling
kaligtasan sa tahanan.
2. Napahahalagahan ang wastong kilos at gawi para sa
ariling kaligtasan.
3. Nakagagawa ng mga wastong kilos at gawi para sa
sariling kaligtasan.
Napakahalaga sa bawat isa ang pagkakaroon ng kaalaman
sa sariling kaligtasan. Pinapangalagaan mo ba ang sarili mong
kaligtasan lalo na sa panahon ngayon?

Balikan

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang puso kung ang isinasaad na kilos at
gawi ay nagpapakita ng kaligtasan at ekis (x) kung hindi.
1. Nililinisan muna ang mga kagamitan sa bahay bago
gamitin.
2. Naghahabulan kayo ng kapatid mo sa loob ng bahay.
3. Naglalaro ng posporo kapag walang kasama sa bahay.
4. Itinatapon sa tamang basurahan ang mga balat ng
prutas na pinagkainan.
5. Iniiwang bukas ang electric fan kahit walang tao sa
bahay.

6
Tuklasin

Gawain 1.1
Basahin ang usapan sa ibaba.
Mga anak, huwag
kayong maglaro ng
Mga anak, pupunta mga delikadong
kami ng tatay nyo sa bagay dito ha?
palengke. Maiiwan
muna kayo rito.
Opo,
Tatay

Subalit ng umalis na ang kanilang mga magulang…

Sige ate, ikaw


ang taya!

Ilang saglit, umiyak si Ana.

Aray! Ate, naipit


ng pintuan ang
kamay ko.

7
Suriin

Gawain 1.2
Balikan ang usapan at sagutin ang mga katanungan batay dito.
1. Ano ang mga bilin ng nanay at tatay ng mga bata?
________________________________________________________________
2. Sinunod ba ng mga bata ang bilin ng kanilang mga magulang?
Ano ang kanilang ginawa?
________________________________________________________________
3. Naging ligtas ba ang mga bata? Bakit?
________________________________________________________________

Pagyamanin

Gawain 1.3
Sa loob ng isang puso, sumulat ng isang “komitment o
pangako” upang maging ligtas sa loob ng tahanan.

8
Gawain 1.4
Piliin ang mga tamang kilos o gawi ng isang bata upang
maging ligtas sa loob ng tahanan at isulat sa loob ng kahon.

Maging masunurin sa mga magulang.


Kumuha ng mga gamit ng di nagpapaalam sa may-ari.
Palaging magsabi ng totoo.
Huwag maglaro ng mga matutulis na bagay.
Makipag-away sa nakababatang kapatid.

Isaisip

Sagutin ang mga katanungan.

1. Ano - ano ang mga dapat gawin ng isang bata upang maging
ligtas sa mga ginagawa nito sa bahay?

________________________________________________________________

2. Maaari kaya nating mabago ang mga di-wastong gawi o kilos


na nagdudulot sa atin ng pagiging hindi ligtas? Sa paanong
paraan?

________________________________________________________________

9
Isagawa

Iguhit sa loob ng kahon ang mga kayang mong gawin upang


maging ligtas ang sarili.

10
Aralin
Laging Nasa Isipan, Kaligtasan sa
2 Paaralan

Layunin:

1. Nakatutukoy ng mga wastong kilos at gawi para sa sariling


kaligtasan sa paaralan.
2. Napahahalagahan ang wastong kilos at gawi para sa
sariling kaligtasan.
3. Nakagagawa ng mga wastong kilos at gawi para sa
sariling kaligtasan.

Balikan

Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung tama at (x) naman kung mali ang
tugon mo sa sumusunod na sitwasyon:

Sitwasyon Tama Mali


1. hayaang nakabukas ang pintuan ng bahay kahit
gabi na
2. pag-aayos ng mga kumakalat na kagamitan
3. pagtatago ng mga matutulis at delikadong mga
kagamitan sa ligtas na lugar
4. paglalaro ng cellphone kahit malakas ang ulan
at may kidlat
5. pinupunasan ang basang sahig mula sa
natapong tubig

11
Tuklasin

Gawain 2.1
Basahin ang mga nakasulat na paalaala:

1. Bawal lumabas ng silid-aralan sa oras ng klase.


2. Dahan-dahang lumakad papunta sa kantina kung recess.

3. Bawal umakyat sa mga puno.

4. Iwasan ang pagbibisikleta kung nasa loob na ng paaralan.

5. Bawal ang pagdala ng anumang mga delikadong bagay.

Suriin

Gawain 2.2
Balikan ang mga paalaala. Sagutin ang mga katanungan.
1. Kanino mo palagi naririnig ang mga paalaalang nabasa?

________________________________________________________________
2. Kusang-loob mo ba itong sinusunod? Bakit?

________________________________________________________________
3. Makatutulong ba ang mga ito sa iyong kaligtasan sa loob ng
paaralan? Bakit?

________________________________________________________________

12
Pagyamanin

Gawain 2.3
Isulat ang mga dapat mong gawin upang mapangalagaan
ang sariling kaligtasan sa mga sitwasyong nasa ibaba.
Mga Sitwasyon Dapat Gawin
1. Oras ng recess

2. Oras na ng klase
3. Oras na para magtanim ng
gulay gamit ang pala o asarol
4. Oras na upang umuwi ng
bahay galing sa eskwela

Gawain 2.4
Panuto: Isulat ang maari mong gawin kung sakaling mangyari ito.

Nabitiwan ng kaklase mo ang hawak niyang baso. Nabasag ito


sa sahig.
________________________________________________________________

Nakita mong may matulis na barbecue stick sa playground ng


paaralan.
________________________________________________________________

Isaisip

Kompletuhin ang pangungusap.


Upang maging ligtas ako sa loob ng paaralan, kailangan
kong___________________________________________________________.

13
Isagawa

Ibigay ang mga gawaing pangkaligtasan kung nasa loob ng


paaralan.

14
Aralin
Kaligtasan ay Isaalang-alang Kahit Saan
3 Ka Man!

Layunin:

• Nakatutukoy ng mga wastong kilos at gawi para sa


sariling kaligtasan sa kapaligiran.
• Napahahalagahan ang wastong kilos at gawi para sa
sariling kaligtasan.
• Nakagagawa ng mga wastong kilos at gawi para sa
sariling kaligtasan.

Balikan

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem. Iguhit ang


kung ang sumusunod ay gawaing nagpapakita ng
pangangalaga sa sariling kaligtasan at naman kung hindi.
Iguhit dito
Mga Gawain
ang sagot
1. mahilig umakyat sa matataas na puno
2. maingat ang paggamit ng matatalim na
bagay
3. pinababayaan ang nakasinding kandila
4. naglalaro sa labas ng walang sapatos o tsinelas
5. maingat ang paggamit ng mga bagay na di-
kuryente gaya ng cellphone, laptop at iba pa.

15
Tuklasin

Gawain 3.1

Tingnan nang maayos ang larawan.

Suriin

Gawain 3.2
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang makikita sa larawan?
___________________________________________________________
2. Tama ba ang ginagawa ng mga bata sa larawan? Bakit?
___________________________________________________________
3. Ano sa palagay mo ang maaring mangyari kung tumatawid
tayo sa tamang tawiran?
___________________________________________________________

16
Pagyamanin

Gawain 3.3
Narito ang ilang sitwasyon. Ginagawa mo ba ang mga ito?
Oo o Hindi. Ipaliwanag ang sagot.

Sitwasyon Sagot Paliwanag


1. pagala-gala sa kalsada kahit
gabi na

2. lumalabas ng bahay na walang


face mask

3. naliligo sa ulan kahit malakas ang


kulog at kidlat

4. hindi masyadong nakikipag-usap


sa mga di kakilala

5. iniisip ang mga dapat gawin


kung sakaling may lindol

Gawain 3.4
Sagutan ang katanungan sa mga sumusunod na sitwasyon.

Niyaya kang mamasyal ng taong di mo kakilala. Papayag ka ba?


Oo o Hindi. Bakit?
__________________________________________________

17
Isaisip

Panuto: Buuin ang pangungusap. Piliin ang angkop na salita


sa loob ng kahon.

Tayo ay maging _______________ palagi sa anumang


kapahamakan kung _________________ natin ang pangangalaga
sa sariling ______________________.

ginagawa kaligtasan ligtas

Isagawa

Mag-isip ng pangyayari na ginawa mo ang sariling kaligtasan.


Magbigay ng halimbawa.

Ligtas ang may Alam!

18
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat sa bawat


patlang ang titik ng tamang sagot.

1. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kaligtasan sa


tahanan?
a. Tinatapon ni Ana kahit saan ang mga balat ng mga prutas.
b. Naglalaro ng apoy sina Karlo at Vince.
c. Pinapabayaang bukas ni EJ ang telebisyon buong
magdamag.
d. Hinuhugasan ni Katrina ang mga kamay bago kumain.
2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kaligtasan sa
paaralan?
a. Nakikipag-agawan sa palaruan.
b. Sinusunod ang mga paalaala ng guro.
c. Nakikipag-away sa kaklase.
d. Naghahabulan sa silid-aralan.
3. Paano mo maipakikita na ikaw ay ligtas sa iyong mga kilos at
gawi?
a. Sinisigurado ko na tama ang aking ginagawa.
b. Pinapakialaman ko ang gawain ng iba ng hindi
nagpapaalam sa kanila.
c. Ginagawa ko ang isang bagay na hindi sumusunod sa
tamang proseso.
d. Pinapagawa ko sa iba ang mga bagay na hindi ko kayang
gawin.

19
4. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin upang
maging ligtas sa panahon ng sakuna?
a. Magtago sa ilalim ng mga malalaking puno kapag
lumilindol.
b. Maligo sa dagat kapag may bagyo.
c. Maghanda ng mga bagay na dapat dalhin sa paglikas sa
panahon ng kalamidad.
d. Manood ng telebisyon kahit malakas ang kulog at kidlat.
5. Paano maging ligtas sa panahon ng pandemic tulad ng
COVID 19?
a. Maghugas palagi ng kamay bago kumain.
b. Gumala kahit saan lalo na sa mall.
c. Makisalamuha sa mga bagong dating na kaibigan.
d. Huwag makinig sa babala ng gobyerno.
e.

Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat ang iyong karanasan na nagawa mo mailigtas ang


iyong sarili sa kapahamakan.

20
21
1. d Balikan
Isaisip
2. b 1.
1. ligtas
3. a 2.
2. ginagawa
3.
4. c
3. kaligtasan 4.
5. a
5.
PANAPOS NA PAGSUSULIT ARALIN 3
Balikan Balikan Subukin
1. x 1. / 1. T
2. / 2. x 2. M
3. / 3. x 3. M
4. x 4. / 4. T
5. / 5. x 5. M
ARALIN 2 ARALIN 1
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:

Ambat, V., Bongat, L., Canlas, R., Caraan, M., Castillo, R.,
Catapang, R., Habijan, E., Pandiño, M., Roson, V., Sajise, R. and
Soriano, P., 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikatlong Baitang,
1st ed. Pasig City: Rex Bookstore, Inc.

Agunoy, T., Alcantara, G., Golloso, R. and Peralta, G., 2000.


Magandang Asal, Magandang Buhay-Ikatlong Baitang. 5th ed.
Quezon City: Vibal Publishing House, Inc.

22
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran
ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin
na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang
nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning
Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na
kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan
ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng
paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0.
Malugod naming hinihikayat ang pagbibigay ng puna, komento at
rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like