Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Noong unang panahon, may isang balo na nag ngangalang Rosa.

si aling Rosa ay may isang anak na


babae. Ito'y si Pinang.

Si Pinang ay mahal na mahal ng kanyang ina, tinuruan nya ang anak sa mga gawaing bahay. Ngunit si
Pinang ay madalas na may katwiran sa tuwing inuutusan ng kanyang ina.

Isang araw ay nagkasakit si aling Rosa, dahil hindi makabangon ay napilitan si Pinang na gumawa sa
gawaing bahay.

Inutusan ni aling Rosa na magluto ng lugaw si Pinang at agad naman itong kumilos ngunit kalaunay
lumabas din ito ng bahay para maglaro. Dahil napabayaang nakasalang ang lugaw, namuo at nanikit ang
ilalim nito sa palayok. Nagpasensya na lang si aling Rosa, kahit papaano nga nama'y napagsilbihan sya
nito.

Ilang araw pa ay si Pinang na ang kumilos sa bahay. Nung minsang magluto ay hindi nito makita ang
sandok. Lumapit ito sa ina at nagtanong. Nainis si aling Rosa.

"Naku Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at nang
hindi kana tanong ng tanong".

Umalis si Pinang upang hanapin ang sandok. Kinagabihan ay lubhang nag-alala si aling Rosa sapagkat
hindi pa bumabalik si Pinang. Napilitang bumangon at tawagin ang anak ngunit walang lumapit sa kanya.

Lumipas ang mga araw, habang nag wawalis, nakita ni aling Rosa ang isang misteryosong halaman na
tumubo sa kanilang silong. Kalaunay namunga ito. Nagulat si aling Rosa sa kadahilanang ang bunga ay
tila maraming mata.

Doon nya napagtanto ang huli nyang sinabi sa nawawalang anak na magkaroon sana ito ng maraming
mata.

You might also like