Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM


Province of Rizal

Pililla Campus
COLLEGE OF EDUCATION

Pamagat ng Kurso: FIL3 – Pagsusuri at Pagsusulat ng Akdang Pampanitikan


Instraktor: Christian L. Nievera
Mag-aaral: Armel V. Esquelito
Kurso, Taon at Seksyon:BSE-ENG 1B
Indibidwal na Gawain: 5 Pamagat: ANG IDOLO KONG MANUNULAT

Panuto: Panuto: Pumili ng iyong inidolong manunulat na Pilipino at magsaliksik ng


kaniyang pahayag o pilosopiya na iyong pinaniniwalaan din at ipaliwanag ito. Gamitin ang
templeyt at ipasa ito sa Google Form na makikita sa Google Classroom. I-convert sa pdf
kung maaari. (20 Puntos)

PAHAYAG AT MANUNULAT:
Ayon kay Jose Rizal, Walang mang aalipin kung walang mag papaalipin.

PALIWANAG:
“Walang mang aalipin kung walang mag papaalipin”,ang paniniwalang ito ni Gat. Jose
Rizal ay kahalintulad ng aking paniniwala na "walang magmamaliit sayo kung hindi mo
sila hahayaang maliitin ka", ganon din ang pahayag na ito ay isa sa mga nagpabukas sa
akin ng mata at isipan, na ang inaapi ay hindi aapihin kung hindi sila magpapaapi o sa
madaling salita, hindi tayo maalipin ng mga tao na ang tingin sa atin ay mababa kung
hindi natin sila bibigyan ng kalayaan para tayo ay gawing alipin.

Ang tinatapakan ay hindi mananatalili sa kanilang kalagayan kung sila ay marunong


umaray o marunong ipaglaban ang kanilang sarili at karapatan. Ganon din sa
paniniwalang ito ng ating bayani ito ang nagbigay sa atin ng kaalaman na ang ating
kalayaan at karapatan ay dapat nating ipagtanggol at ipakita sa mga taong nang-aabuso,
dahil sa oras na tayo ay minaliit, saktan at apakan lagi tayong matuto at huwag hihinaan
ng loob na bumangon at lumaban.

Matuto tayong lumaban kung kinakailangan lalo na kung alam natin na tama tayo. Huwag
tayo maging duwag upang hindi maulit ang pagiging mapalabis ng mga tao sa itaas.
Lumaban at maging matatag tayo para sa ating sariling kapakanan.

Sa huli, kung hindi natin ipapakita na mahina tayo o kaya tayong tapaktapakan ng iba, di
tayo magiging alipin sa katapangan na pinapakita nila. Dapat ipakita lang natin na
malakas tayo, at kaya natin lahat, na kung saan gawin natin kahit mahirap para wala sila
makita na kahinaan natin.

You might also like