Download as key, pdf, or txt
Download as key, pdf, or txt
You are on page 1of 45

ENGLAND

Ang England ay isang bansa na


bahagi ng United Kingdom.
Kahangganan nito ang Scotland
sa hilaga at Wales sa kanluran.
Sakop ng bansa ang higit sa gitna
at katimugang bahagi ng pulo ng
Gran Britanya na nasa Hilagang
Atlantiko at higit 100 maliliit na
pulo gaya ng Isles of Scilly at Isle
of Wight.
Stonehenge
Ang Stonehenge,
isang makasaysayan
at kilalang
monumentong
sinaunang panahon sa
Europa. Ito ay isang
Neolithic at edad
bronze na megalithic
na monument sa
Witshire.
Tower of London
Ang Tower of London ay isa sa
mga nangungunang atraksyon sa
London. Ang mga gusali at bakuran
nito ay nagsilbing makasaysayang
palasyo, isang pampulitikang
bilangguan, isang lugar ng
pagpapatupad, isang arsenal,
maharlikang mint,menriage, at
pampublikong talaan. Ito ay
matatagpuan sa hilagang pampang ng
Ilog Thames,sa matinding bahagi ng
borough ng Tower Hamlets, sa
hangganan na may gitnang Lungsod
ng London.
THE ROMAN BATHS AND GEORGIAN
CITYOF BATH
Pinakatanyag sa kamangha-
manghang 2000-taong-gulang
na Roman Baths na itinayo sa
paligid ng mga nakagaganyak
na hot spring ng
lungsod,pantay na kilala ito sa
mga kulay-taong
GeorgianTownhouse, tulad ng
mga matatagpuan sa Royal
Crescent
Kung sa panitikan naman, ang pagsisimula
ng panitikan ng England ay masasalamin sa
epikong Beowulf noong ika-8 hanggang ika-
11. Isa pa sa pinakamahalagang akdang
napatanyag sa larangan ng panitikan dito ay
ang The Canterbury Tales na akda ng
manunulat na si Geoffrey Chaucer (1343-
1400).
Ang
CANTERBURY
TALES ay
naglalarawan ito ng
pananampalataya
atpag-uugali ng
mga Ingles noong
unang panahon.
Ang EL CID
COMPEADOR
ay nagpapahayag
ng mga
katangiangpanlahi ng
kastila at ng kanilang
kasaysayang Pambansa.
ang BEOWULF
ay isa sa
pinakaunang
mga aklat na
nasa Ingles.
At noong huling mga taon sa pagitan ng ika-16
hanggang ika 17 na siglo sa panahon ng
Renaissance ay napatanyag ang mga pamosong
mandudula tulad ni Ben Jonson, John Donne
at William Shakespeare.
b
Si William Shakespeare ay
isang Ingles na makata,
manunulat at dramatista.
Siya ay itinuturing na isa sa
pinakamahusay sa mga
manunulat sa Wikang Ingles
at tanyag sa daigdig sa
literatura. Itinuturing siyang
maestro sa paggawa ng
mga soneta at dula.Ilan sa
mga isinulat niyang popular
na dulang trahedya ayang
William Hamlet, Othelio, King Lear,
Shakespeare Romeo at Juliet at
angMacbeth
Nakabatay ang balangkas ng dulang Romeo at
Juliet saisang kuwento mula sa Italy na isinaling wika
upangmaging taludtod bilang The Tragical History of
Romeus at Juliet (Ang Kalunos-lunos na Kasaysayan
nina Romeus at Julieta) ni Arthur Brooke noong
1562 at muling isinalysayna nasa anyong tuluyan
prosa sa Palace of Pleasure(Palasyo ng kaluguran)
ni William Painter noong 1567.Ang dulang ito ni
William Shakespeare ay isinalin namanni Gregorio C.
Borlaza sa wikang Filipino para maslubusang
maintindihan at mapahalagahan nating mgaPilipino.
PALAWAKIN MO.
Pumili ng kapareha at magpakita ng isang maiksing dula-dulaan upang
mailarawan ang tungkol sa alinman sa sumusunod na pahayag.

LOVE AT FIRST
SIGHT
Tayo na’t Magkuwentuhan
Magsalaysay ng kuwentong nabasa, napanood, narinig, at nasaksihan na
humantong sa trahedya ang wakas. Gamitin ang grapikong representasyon
sa pagsagot.
DULA
Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa
ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin
nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan
o entablado. Gaya ng ibang panitikan, ang
karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa
totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang
likha ng malikhain at malayang kaisipan.
Samantala, ang trahedya ay isang dulang ang
bida ay hahantong sa malungkot na wakas o sa
kabiguan. Mayroon ding mga uri ng ganitong
dulang may malungkot ngunit makabuluhang
wakas. Nagsimula ang ganitong uri ng drama
mula sa Sinaunang Gresya. Kabilang sa maagang
mga bantog na tagapagsulat ng trahedya sa
Gresya na sina Aeschylus, Sophocles, at
Euripides.
PAANO MO
MALALAMAN NA TUNAY
AT WAGAS ANG PAG –
IBIG?
“Ngunit sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo
ang inyong mga kaaway, [pagpalain ang
mga sumusumpa sa inyo, gawan ng mabuti
ang mga napopoot sa inyo,] at idalangin
ninyo ang [mga nanlalait at] umuusig sa
inyo” (Mateo 5:43–44).
SINTAHANG ROMEO AT
JULIET
Hango sa Romeo at Juliet na
Isinalin ni Gregorio C. Borlaza
TAUHAN
Romeo- ang kasintahan ni Juliet. Isang mapagmahal na binata,
ang anak ng Pamilyang Montague.
Juliet- ang kasintahan ni Romeo. Isang mapagmahal na dalaga,
ang anak ng Pamilyang Capulet.
Paris- ang karibal ni Romeo sa pag-ibig ni Juliet. Masugid na
manliligaw ni Juliet.
Padre Lawrence- ang pari na nagkasal sa dalawang
nagmamahalan na si Romeo at Juliet. Ang paring handang
tumulong sa dalawang nagmamahalan.
Pamilyan Montague at Pamilya Capulet-ang dalawang
pamilyang may alitan.
Ano ang damdaming
namayani kay Romeo nang
makita si Juliet?
Ilarawan ang pag-iibigan nina
Romeo at Juliet. Ano ang
nakita nilang balakid sa
kanilang pag-iibigan?
Paano ipinaglaban nina
Romeo at Juliet ang pag-
ibig nila sa isa’t isa?
Bakit humantong sa
masaklap na trahedya ang
pag-iibigan nina Romeo at
Juliet?
Kung ikaw si Juliet at alam mong
magkagalit ang inyong pamilya sa
lalaking iniibig mo, ipaglalaban
mo ba ang pag-ibig mo?
Pangatuwiranan.
Ano ang nadama ni Romeo nang
malaman ang sinapit ni Juliet?
Ano ang nadama ni Juliet sa
sinapit ni Romeo?
Anong mga pangyayari sa
nobela ang maaaring
iugnay sa tunay na buhay
o karanasan?
Ibahagi Mo
Isa kang binatang lubhang napaibig sa
isang dalagang napakahigpit ng
magulang? Anong plano o paraan ang
gagawin mo upang maipakilala ang wagas
na hangarin mo para sa kaniya? Anong
kultura ang naging batayan mo sa pagbuo
ng plano?
Pokus sa Kagamitan at Pokus sa
Pinaglalaanan
Pokus sa Kagamitan ang tawag sa
instrumento o kasangkapan sa
pagsasagawa ng kilos na isinasaad ng
pandiwa na gumaganap bilang paksa o
simuno ng pangungusap. Gumagamit ang
pokus na ito ng mga panlaping ipang-,
ma-+ipang
Halimbawa:

1. Ipanlalaban niya ang


sariling niyang mga
kuko sa malalaking
bato.
Ang simuno o paksang sarili
niyang mga kuko ang
nagsisilbing instrumento sa
kilos ng pandiwang
ipanlalaban.
2. Ipinambaril
niya ito sa
kawawang anak.
Ang panghalip na ito naman sa
ikalawang pangungusap ang
gumanap na simuno o paksa ng
pangungusap at kasangkapan
para sa pandiwang ipinambaril.
3. Sinubok niyang
ipang-areglo sa
kaso ang sampung
libong piso.
Ang sampung libong piso
na paksa sa ikatlong
pangungusap ang pokus
ng pandiwang ipang-
areglo.
Tinatawag naman na Pokus sa
Pinaglalaanan/Kalaanan ang
pandiwa kapag ang pinaglalaanan ng
kilos ay ang paksa o simuno ng
pangungusap. Ginagamit sa pokus na
ito ang mga panlaping makadiwang
i-, ipag-, ma+ipag-, ipagpa
Halimbawa:

1. Ihahanap niya ng
hustisya ang sinapit
ng kaniyang dalaga.
Ang pariralang sinapit ng
kaniyang dalaga ang
nagsisilbing kalaanan sa
kilos ng pandiwang
ihahanap.
2. Upang ihingi ng
tawad ang ginawa
nito sa kaniyang
anak.
Ang pariralang ginawa nito sa
kaniyang anak naman sa
ikalawang pangungusap ang
gumanap na simuno o paksa
ng pangungusap at kalaanan
para sa pandiwang ihingi.
3. Ipinaghiganti niya
ang sinapit ni Aida sa
anak ng Alkalde.
Ang paksang ang sinapit
ni Aida sa anak ng Alkalde
sa ikatlong pangungusap
ay pokus ng pandiwang
ipinaghiganti.

You might also like