Mischka Mahika - Maikling Kwento PT 2ndQ

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

PAGSULAT NG ISANG MAIKLING KWENTO SA ASIGNATURANG

FILILIPINO

PANGALAN : Sha Anne Marie J. Vasay


BAITANG AT SEKSIYON : 9 - Jade
IPAPAPASA KAY : Bb. JHERALYN O. MILANES

Mischka Mahika, Bumalik Ka.


TAUHAN AT KATANGIAN :
Mischka Mahika - Anak ni Soren at Michelle Mahika. Babaeng may
kapangyarihan.
Soren Mahika - Tatay ni Mischka. Asawa ni Michelle. Kapatid ni Frank.
Michelle Mahika - Nanay ni Mischka. Asawa ni Soren.
Francoise Mahika - Pinsan ni Mischka. Anak ni Frank at Irene. Kambal ni
Francis. Isa ring babae sa pamilya nila na may kapangyarihan.
Francis Mahika - Pinsan ni Mischka. Anak ni Frank at Irene. Kambal ni
Francoise.
Frank Mahika - Tiyo ni Mischka. Tatay ni Francoise at Francis. Asawa ni
Irene. Kapatid ni Soren.
Irene Mahika - Tiya ni Mischka. Nanay ni Francoise at Francis. Asawa ni
Frank.

TAGPUAN :

“Mischka, halika rito’t tulungan mo akong ayusin ang mga librong nakakalat,”
tawag ni Mama sa akin. Agad akong pumunta roon habang patuloy lang siya sa
pagsabi ng mga hinanakit niya. Huminga ako nang malalim at tsaka tinignan ang
libro, at ‘saka sumunod na tinignan ang lalagyan ng mga libro.
“Ang dumi-dumi nanaman ng silid aklatan! Ilang beses ko nang sinabi na
kapag natapos kayong magbasa, agad niyo ring ibalik sa pinanggalingan kun’di kayo’y
malalagot sa ak-” Natigilan kaagad si Mama sa pagsasalita nang bigla na lamang
bumalik ang libro sa kanilang pinanggagalingan.
“A-anong nangyari?” tanong ni Mama sa akin. “Misch… Mischka… Anong…
Anong ginawa mo?” gulat niyang sambit. Agad naman akong bumalik sa ulirat. Ano
nga ba ang nangyari?
“Soren, sinasabi ko na sayo! Kitang kita ko! Hindi maaaring magkamali ang
mga mata ko. Alam mo kung gaano kalinaw ito. Pati kasinungalingan ng tao’y
nakikita ko,” pilit na sambit ni Mama kay Papa na nakaupo lamang sa sopa sa sala.
Ako naman ay nakatayo sa tabi ni Mama, pilit na prinoproseso sa utak ko ang patuloy
na pag-ulit ng pangyayari kanina sa isipan ko.
Ano ang ginawa ko? Bakit… bakit biglang… Bakit biglang bumalik ang mga
libro sa mga pinanggalingan nila pagkatapos kong tignan ang mga ito at ang lalagyan
nila? Anong… Anong nangyari?
“Karylle.” Tumayo si Papa at tsaka hinawakan sa balikat si Mama. “Normal
lang ‘yan sa pamilya ng mga Mahika. Alam mo namang makapangyarihan talaga
tayo, hindi ba? Dapat ay hindi ka na magulat dahil may dugong Mahika si Mischka,”
paliwanag niya.
“Literal na Mahika?” nagtatakang tanong ko.
Tumango si Papa. “Literal.”
Pagkatapos ng insidenteng iyon, hindi na natapos ang paulit-ulit na paggamit
ko ng mahika ko. Minsan ay maganda ang naidudulot nito, pero madalas hindi. Dahil
hindi ko alam kung paano ito kontrolin.
“Hala! Si Dahlia inilagay ni Mischka sa wall! Isang monster si Mischka!”
Nagsitakbuhan ang mga kaklase ko nang makita nila si Dahlia sa pader. Mangiyak
ngiyak na si Dahlia ngunit hindi ko alam kung ano ang aking gagawin dahil hindi ko
alam kung paano kontrolin ang mahika ko.
Isang gabi, naabutan ako ni Mama na umiiyak sa aking kwarto.
“Mischka! Bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong niya sa akin.
Huminga ako nang malalim bago ako nagsalita. “Ma… Tinatawag nila akong
monster sa school dahil sa mahika ko… Hindi… Hindi naman po ako monster, ‘di ba?”
naiiyak kong sambit.
“Mischka, hindi ka monster. Naiinggit lang ang mga ‘yan dahil may powers
ka, at sila wala. Hayaan mo na lamang sila. Huwag na ‘wag mong gagamitin ang
mahika mo sa kanila,” sambit niya at tsaka ako binigyan ng mahigpit na yakap.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon, nag-usap kami nila Mama at Papa.
“Mischka, papipiliin ka namin. Gusto mo bang mawala ang iyong mahika, o
maghintay ng limang taon bago mo matututunan kung paano kontrolin ang iyong
mahika?” tanong sa akin ni Papa.
Nag-isip ako nang mabuti. Sinabi nila sa akin na maaari lang raw akong
mabigyan ng sapat na edukasyon tungkol sa aking mahika kapag ako ay tumuntong
na sa “legal age” o sa edad na 18. Ako ay 13 pa lamang kaya namang kailangan ko
pang maghintay ng limang taon para matutunan ang tamang paggamit at pagkontrol
ng mahika ko.
Naisip kong ang pangit ng ideya nila. Bakit kailangan ko pang maghintay ng
limang taon? Hindi ba’t mas maganda kung maaga pa lamang ay alam ko na kung
paano kontrolin ang mahika ko upang mapakinabangan ko ito kapag ako’y tumanda
na?
“Pag-iisipan ko po muna,” saad ko at tsaka tumayo sa hapag kainan at
umakyat papunta sa kwarto ko. Nawalan na ako ng ganang kumain dahil inisip ko
kaagad kung ano ang kahihinatnan ng magiging desisyon ko.
Lumipas ang ilang araw at dumating na ang araw na binigay sa akin nila Papa
para sabihin kung ano ang gusto kong mangyari.
“Ano ang plano mo, Mischka?” tanong sa akin ni Mama.
Huminga ako nang malalim bago sumagot. “Maghihintay na lamang po ako
nang limang taon,” sambit ko. Ngumiti silang dalawa pagkatapos kong magsalita.
Tumayo si Papa at tsaka tinapik ang balikat ko.
“Tamang desisyon, anak. Madaming kabutihan ang pagkakaroon ng mahika,”
saad niya bago tuluyang naglakad paalis sa sala.
Naisip kong magandang magkaroon ng mahika dahil sa mga pangyayari sa
aking buhay. Minsan man ay palpak ang pag gamit ko sa mahika ko, ngunit madalas
naman ay maganda ang resulta nito.
Disyembre 14
Limang taon ang nakalipas, kinabukasan pagkatapos ng aking magarbong 18th
Birthday, dinala ako nila Mama sa bahay ng tiyahin at babae kong pinsan na may
mahika rin.
“Magandang araw, Mischka!” masiglang bati sa akin ng isang babae na sa
tingin ko ay mas matanda lamang sa akin ng isang taon.
Siya siguro ang pinsan kong tutulong sa akin.
“Magandang araw po,” bati ko pabalik. Ngumisi siya sa akin at tsaka inilagay
ang kamay sa likod.
“Ikaw na pala iyan, Mischka. Napakatagal na rin nang huli kitang makita. Ang
laki-laki mo na,” sambit ng tiyahin ko.
“Tipikal na linyahan ng mga Tita,” wika ko sa aking isipan.
“Mischka, naaalala mo pa ba si Ate Francoise?” tukoy ni Mama sa pinsan
kong babae na nakangisi pa rin sa harap ko. Tumango ako at tsaka ngumiti pabalik.
Nagkwentuhan muna sila bago nila sinabi sa akin ang tunay na adyenda kung
bakit kami narito.
“Dito ka muna maninirahan hanggang sa simula ng pasukan ninyo. Sa
susunod na dalawang linggo, tuturuan ka ni Francoise kung paano mo kokontrolin
ang iyong mahika,” sambit ni Papa Tumango ako at tsaka tumingin kay Ate Francoise
na seryoso lang rin ang mukha.
“Huwag na ‘wag kang magpapasaway rito, Mischka. Hindi mo ito bahay.”
Muling nagsalita si Papa. “Huwag ka ring magbo-boyfriend nang kung sino-sinong
makikilala mo rito dahil panandalian ka lang na maninirahan dito at babalik ka rin sa
lalawigan natin. Kawawa naman ang lalaking iyon kung sakali,”paalala niya.
“Naku, Soren! Masyado mo naman yatang pinaghihigpitan si Mischka. Labing
walong taong gulang na siya, kapatid. Nasa tamang edad na siya. Sa ganyang edad
rin naman kayo nagkakilala at nag-ibigan ni Michelle,” pagtatanggol sa akin ni Tito
Frank.
Umalis sila Mama at Papa nang mapansin nilang palubog na ang araw.
Mahaba pa raw ang byahe nila kaya aalis na sila. Sinamahan naman ako ni Ate
Francoise sa silid pambisita sa bahay nila.
Malaki ang bahay namin, ngunit mas malaki pa rin ang kanila Ate Francoise.
Gobernador kasi ng lalawigan nila si Tito Frank na siyang tatay ni Ate Francoise at
kapatid naman ni Papa.
“Pasensya ka na’t medyo maliit ang silid pambisita namin. Hindi pa kasi
malinis ang dating kwarto ni Francis,” paumanhin ni Ate Francoise.
“Francis?” nagtatakang tanong ko. Kanina ko pa naririnig ang pangalan na
‘yan nang nasa hapagkainan kami, ngunit ngayon ko lang matatanong kung sino iyon.
Marahang tumawa si Ate Francoise. “Siya ang kambal ko, Mischka. Hindi mo
na ba siya naaalala? Sa bagay, muntik ko na nga rin siya makalimutan, eh. Lagi kasing
nasa bahay ng kaibigan,” sambit niya at tsaka umiling-iling. Tumango na lamang ako
at tsaka nagpaalam na mag-aayos muna ako ng mga gamit ko. Umalis na rin si Ate
Francoise maya-maya.
Kinabukasan, nagising ako dahil sa maingay na sigawan ng mga tao, mga
lalaki in particular. Agad akong nag-ayos nag-unat at nag-ayos. Binuksan ko ang pinto
ng kwarto ko at tsaka lumabas para sumilip sa baba ng hagdan.
May nakita akong lalaki na kamukhang-kamukha ni Ate Francoise, kasama
ang iba pang mga lalaki. Apat lang sila ngunit ang ingay na ginagawa nila ay para
silang dalawampung tao.
“Ano ba naman ‘yan, Francis!” Napatingin ako sa gilid ko nang may
umalingawngaw na boses. Iyon ay ang boses ni Ate Francoise. “Ang aga-aga
nagdadala ka agad ng mga lalaki rito! Maawa ka naman sa tainga ko! Ang ingay ingay
niyo pa!” reklamo niya at tsaka napatingin sa akin.
“Jusko! Muntik ko nang makalimutan na may bisita pala tayo. Nagising mo pa
yata siya!” sigaw niya ulit kaya agad namang napatingin sa akin sila Kuya Francis at
ang mga kaibigan niya. Nagkatinginan kami ng isa niyang kaibigan kaya agad akong
nag-iwas ng tingin.
“Sorry, Mischka!” paumanhin ni Kuya Francis sa akin nang makita niya ako.
Tumango na lamang ako at tsaka bumalik sa kwarto ko para maligo at magpalit sa
mas maayos at komportableng kasuotan.
Pagkatapos kong magpalit, bumaba na ako ata nagpunta sa hapag kainan
kung saan naroon rin sila Kuya Francis at mga kaibigan niya. Mukhang tapos na sila
kumain dahil halos wala nang laman ang mga plato nila. Umangat ang tingin nila sa
akin at tsaka nila ako sabay-sabay na binigyan ng malalaking ngiti. Muli kaming
nagkatingin ng isa niyang kaibigan. Umiwas rin ako kaagad dahil may iba akong
nararamdaman sa mga mata niya.
Bumaba na rin si Ate Francoise kaya agad na nagsi-alisan sila Kuya Francis.
Takot yata sila sa kanya. Mahina akong napatawa dahil doon. Malalaki silang tao
ngunit si Ate Francoise lamang ang nakakapagpa-amo sa kanila.
“Kain ka na, Mischka,” pag-aaya ni Ate Francoise. Tumango ako at tsaka
umupo sa upuan sa tapat ni Ate Francoise.
Hinainan kami ng mga kasama nila sa bahay ng kanin at ulam na dinuguan at
bacon. Naglagay kaagad si Ate Francoise ng kanin sa kanyang plato. Naglagay rin ako
sa plato ko pagkatapos niya. Kumuha ako ng dinuguan at tsaka nagsimulang kumain.
Nang matapos kaming kumain, sinabi sa akin ni Ate Francoise na magpahinga
muna bago kami magsimula sa gagawin mamayang 10am.
Nang sumapit ang alas-dies ng umaga, lumabas na kami ni Ate Francoise sa
malaki nilang bakuran. Una naming inensayo ang aking mahika gamit ang fountain sa
gitna ng bakuran nila.
“Sige lang. Subukan mong itigil ang pagdaloy ng tubig sa fountain,” sambit
niya. Ginamit ko ang lakas ko upang matigil ang pagdaloy ng tubig, at nang magawa
ko iyon, bigla akong nanghina.
Agad na tumakbo si Ate Francoise sa direksyon ko at ‘saka ako tinulungang
tumayo. “Ayos ka lang?” tanong niya. Tumango ako at tsaka huminga nang malalim.
“Bakit po ako nanghihina tuwing gumagamit ako ng pwersa sa paggamit ng
aking mahika?” tanong ko sa kanya.
“Dahil hindi ka pa sanay, Mischka. Ganyan rin ako noong una. Normal lang
‘yan.” Tinapik niya ang balikat ko at tsaka muling naglakad papunta sa pwesto niya
kanina. “Muli mong subukan,” sigaw niya.
Paulit-ulit namin iyong ginawa hanggang sa maitama at masanay ako.
Sumunod naming ginawa ay ang pag bubuhat ng mga paso ng halaman. Nagpatuloy
lang kami hanggang sa sumapit ang alas-sais ng gabi.
Agad akong bumalik sa kwarto ko upang maligo at magpalit sa pantulog na
damit. Nagtawag na rin sila para kumain kaya agad akong bumaba. Sabi ni Ate
Francoise, umuwi na ang mga kaibigan ni Kuya Francis kaya nakakulong na lamang
siya sa kwarto niya. Iyon daw ang lagi lagi niyang ginagawa.
“Alas-siyete tayo bukas, Mischka. Matulog ka na’t maaga pa tayo,” sambit ni
Ate Francoise bago ako umakyat sa kwarto ko.
Lumipas ang ilang araw at unti-unti ko nang natututunan na kontrolin ang
aking mahika. Hindi na ako gaanong nanghihina at hindi na rin ako masyadong
nahihirapan sa paghinga kapag ginagamit ko ang pwersa ko.
“Ang galing mo na, Mischka! I love it! Jusko! Napapa-ingles ako sa galing
mong gumamit ng mahika!” Nakangiti niyang sambit habang patalon-talon. Hindi ko
na rin napigilan ang pag-ngiti ko na napansin niya kaagad. “Ang ganda mo tuwing
ngumingiti ka! Ngumiti ka palagi!” saad niya.
Nagpatuloy pa rin kami sa pageensayo. Hindi nagtagal, natapos na rin ang
dalawang linggong paninirahan ko sa kanilang tahanan.
“Maraming salamat po, Ate Francoise. Salamat rin po Tita Irene at Tito Frank.
Pasabi rin po kay Kuya Francis paumanhin dahil sa hindi ko sinasadyang mailagay siya
sa pader,” itinaas ko ang hintuturo at gitnang daliri ko na bumubuo ng peace sign.
“Francis, sorry raw!” sigaw ni Ate Francoise kay Kuya Francis na nasa loob ng
bahay nila, kasama ang mga kaibigan niya. Lumabas naman sila kaagad. Muli
nanaman kaming nagkatinginan ng isa niyang kaibigan.
“Adoraine,” mungkahi niya nang walang boses. Kumunot ang noo ko. Iyon
ang aking pangalawang pangalan.
Paano niya iyon nalaman?
“Tara na, Mischka. Gagabihin nanaman tayo sa daan nito,” pag-aaya ni
Mama.
Nagpaalam na kami sa kanilang lahat at lalakad na sana kami palayo nang
muli akong mapatingin sa kaibigan ni Kuya Francis.

“Bumalik ka,”

You might also like