2nd Sumative Fil. 5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Department of Education

Region VI-Western Visayas


Division of Capiz
District of Cuartero
AGCABUGAO ELEMENTARY SCHOOL

Pangalawang Pagsusulit sa Filipino 5


Quarter 2

Pangalan: _____________________________ Baitang: ________ Petsa: ___________

I. Makinig sa kwento na babasahin ng guro “ Ang Unggoy at ang Buwaya”. Isalaysay muli
ang kuwento sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga pangyayari. Lagyan ng bilang 1-5.
_________ Pumunta ang tusong unggoy sa tabing ilog at tinawag ang pinuno ng
mga buwaya.
_________ Isang araw, habang masayang naglalambitin sa mga sanga ang
mga unggoy, napansin
_________ ng isa na maraming bungang-kahoy sa kabilang pulo.
_________Sa isang pulo ay may nakatirang mag-aamang lahi ng mga
unggoy.
_________Nakatawid ang Unggoy sa kabilang pulo ng walang kapagod-
pagod.
_________Sinabihan ng pinunong buwaya ang kanyang mga tauhan na
pumila
II. Panuto: Gamitin ang wastong pandiwa ayon sa panahunan. Isulat ang sagot sa patlang.
(handa) 1. _____________ ng pagkain si tita nang dumating kami.
(ligo) 2. Masaya kaming ________________ sa ilog kahapon.
(hintay) 3. ________________ ako sa iyong pagbabalik.
(hulog) 4. Muntik nang ______________ ang bata sa hagdanan.
(iyak) 5. Araw-araw nalang ______________ ang sanggol ng aming
kapitbahay.
(isip) 6. Ang _________________ ko ngayon ay kung paano
malulutas ang problema sa basura.
(payag) 7. Hindi ______________ si Aling Rita sa gusto ng anak.
(subok) 8. _______________ kong makabalik bukas kapag wala na ang
bagyo.
(tanggap) 9. Mahirap talagang ___________________ ang katotohanan.
(tibok) 10. Biglang ________________ ang aking puso nang makita ko siya.
III. Sundin ang bawat panuto.
1. Ano ang paborito mong pagkain? Isulat sa patlang ______________________
2. Bilugan ang salitang tumutukoy sa pangalan ng buwan.
Lunes Linggo Mayo Sabado
3. Salungguhitan ang pangalan ng isang bulaklak.
rosas kahoy ilaw upuan
4. Isulat ang kasunod na bilang ng 56
65 75 57 58
5. Anong titik ang kasunod ng titik P?
R L M Q
Panuto: Ilarawan ang tauhan sa bawat pahayag.
1.May batang nadapa. Umiiyak siya dahil nagkabutas ang kanyang
pantalon at nasugatan pa ang kanyang tuhod. Ang sabi ni Leo
ay _.” Halika bata tulungan kitang makatayo. Sa susunod mag iingat ka”.
Si Leo ay isang batang ________________
2. Naglaro isang araw ang magkaibigan Jack at Jill. Dahil si Jill ay isang mahirap lamang
sabik na sabik siyang malaro ang laruan ni Jack. Ang sabi ni Jack. “ Jill sa iyo na ang
laruang ito . Pahiramin moa ng kapatid mon a si Leonardo.Si Jack ay isang batang
____________________.

Inihanda ni

VICKY S. ROBLES

ANG UNGGOY AT ANG BUWAYA

Isang araw, habang naghahanap ng pagkain ang matalinong unggoy sa tabi ng ilog, nakita
niya ang puno ng makopa na hitik na hitik sa hinog na bunga. Ang puno ay nasa kabilang
pampang lang ng ilog kung saan nakatira ang batang buwaya. Matapos niyang makain ang
lahat ng prutas na gusto niya, bumaba na sa puno ang unggoy at napagpasiyahang pumunta sa
kabila ng malawak na ilog, ngunit hindi niya alam kung paano. Sa wakas, nakita niya ang
buwaya na kagigising lamang mula sa kaniyang siyesta. Magiliw na nagwika ang unggoy,
“Mahal kong buwaya, puwede bang humingi ng pabor?” Nabigla ang buwaya sa ganitong
kabait na pagbati ng unggoy. Pero mapagkumababa itong sumagot, “Oo ba! Kung anuman
ang maaaring maitulong ko sa iyo, malugod ko itong gagawin.” Sinabi ng unggoy sa buwaya
na gusto niyang pumunta sa kabilang dako ng ilog. Sabi ng buwaya, “Buong puso kitang
ihahatid doon. Umupo ka lang sa likod ko at aalis tayo kaagad.” Nang nakapirme na sa
pagkakaupo ang unggoy sa likod ng buwaya, nagsimula na silang maglakbay. Hindi nagtagal,
narating nila ang kalagitnaan ng ilog, at nagsimulang humalakhak ang buwaya. “Ngayon,
unggoy na uto-uto,” sabi niya, “kakainin ko ang iyong atay at mga bato dahil gutom na gutom
na ako.” Kinabahan ang unggoy pero hindi niya ipinahalata. Sa halip, sinabi niya,
“Pinaghandaan ko na yan! Naisip ko nang baka nagugutom ka kaya inihanda ko na ang aking
atay at mga bato para sa hapunan mo. Sa kasamaang-palad, naiwan kong nakasabit ang mga
ito sa puno ng makopa dahil sa pagmamadali natin. Masaya ako na nabanggit mo iyan.
Bumalik tayo at kukunin ko ang pagkain para sa iyo.” Sa pag-aakala ng uto-utong buwaya na
nagsasabi ng totoo ang unggoy, bumalik ito sa tabing-ilog na pinanggalingan nila. Nang
malapit na sila, mabilis na lumundag ang unggoy sa tuyong lupa at kumaripas ng takbo
paakyat sa puno. Nang makita ng buwaya kung paano siya nalinlang, sabi niya, “Isa akong
uto-uto”.

You might also like