Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

“Ganito Kami Noon Paano Kayo Ngayon?

(Movie Reflection)”

Name: Espana, Michelle T.

Section: BAMA 1A

1. Mga tauhan sa nasabing pelikula ( 10 points)

2. Mga issues na tinalakay magbigay ng 3 minimum o higit pa at ibigay kung ano ang

solusyon (20 pts)

3. Ano eksena sa pelikula ang nakapukaw sa iyong damdamin at bakit (10 pts)

4. Kung ikaw ang sasagot sa title ng pelikula GANITO KAMI NOON PAANO KAYO

NGAYON? Paano mo ito sasagutin sa tatlong puntos (30 pts)

5. Moral lesson na nakita sa pelikula? 30 pts

Total 100 pts

MGA KASAGUTAN:

1.

● Onopre Baltaw (kasama sa preso ni Kulas)

● Diding ●Padre Gil

●Lim ● Concordia

● Mang Tibor ● Indang (Nag kakagusto kay kulas)

● Padre Silva ● Comandante

● Primo ● Doña Trining

● Leonor ● Bindoy

● Mang Atong ● Nicolas Ocampo (Kulas)


2.

● Si kulas ay maagang nawala sa piling ng kan’yang ina dahil ito ay namatay. Naiwan siyang mag

isa na walang kasama at hindi alam ang gagawin. Nung naglalakbay siya sakay sa kan’yang kabayo

ay may nakita siyang mga taong may dalang baril at siya ay nagtago. Solusyon- nakilala niya ang

isang padre na si padre Gil at tinulungan siya neto na makapunta sa Maynila.

● Si Diding ay hindi marunong makuntento sa isa at mas pinipili ang taong may pera. Gaya nga ni

Diding pumatol sa isang lalaki dahil ito ay mayaman o maraming pera. Solusyon- bilang isang

babae dapat marunong tayo makuntento at umiwas sa anumang tukso. Magbigay tayo ng respeto

at pahalagahan ang mga taong nagmamahal sa’tin dahil sa bandang huli kapag ito ay binalewala

natin tayo lang din ang magsisisi.

● Pang aabuso at Kawalan ng Edukasyon isa rin ito sa nagging issue ng palabas dahil nakita ko na

si Kulas ay hindi marunong magbasa at magsulat.

3. Isa sa mga eksena sa pelikula ang nakapukaw ng aking damdamin ay nung sila Kulas at Bindoy

ay naliligaw na at hindi na nila alam kung nasaan sila nakita nila ang isang grupo sa may tabing

ilog na nag uusap usap sa pagpunta nila ng Maynila at may mga pagkain or produkto silang

dadalhin dito. Isa na rito si Lim na napakabait at maawain dahil kahit pa man hindi niya kilala ang

dalawa pinasabay niya ito papuntang Maynila. Makikita natin sa eksenang ito kahit pa man hindi

niya kilala ang dalawa bukal sa kan’yang loob na isabay sina Kulas at Bindoy patungong Maynila

at pinahatid niya pa ito sa isa sa mga tao na kakilala niya sa simbahan kung nasaan si Padre Gil.

4. Kung ako ang sasagot sa title ng pelikula GANITO KAMI NOON PAANO KAYO NGAYON?

Sasagutin ko ito sa pamamagitan ng pinapakita sa video sa ating lahat ang ginawang pananakop at
pagpapahirap sa mga kastila sa ating mga Pilipino. At pagkatapos ng bansang Espana sumunod

naman ang mga Amerikano at pinapakita kung paano ang pamamalakad na ginawa ng mga

Amerikano noong tayo ay kanilang nasakop. Mabilis tayo nasakop sa mga bansang ito at maraming

mga taong nasawi at nawalan ng buhay noon na kailanman walang kalaban laban. Pati ang mga

Pilipino ay tila hindi rin nagkakaintindihan. Pero ngayon na nakalaya na tayo sa mga kamay ng

mga bansang nanakop sa’tin ang ating pagkakakilanlan bilang Pilipino at pinanindigan at

pinaglaban natin.

5. Moral na lesson na nakita ko sa pelikula ay na kailanman hindi sumuko ang mga Pilipino na

ipaglaban ang kanilang mga karapatan at mga taong handang magtulungan sa isa’t isa. Isa rin sa

nakita ko ay sa pananakop ng mga Espanyol at Amerika hindi lamang puro kasamaan o pang

aalipin mayroon itong negatibo at positibong pangyayari. Hindi lahat ng mga iyon ay puro

kasakiman ang binibigay sa’tin kagaya nalang si Lim na handang tumulong kahit anong magyari.

Dapat tayong mga Pilipino magkakaiba man ang lengwahe dapat alam natin sa sarili natin na tayo

ay Pilipino at huwag I question ang sarili or malito kung ano ba talaga tayo.

You might also like