Fil 120

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

TAGALOG

Ang wikang tagalog ay isa sa mga pinakaginagamit na wika ng Pilipinas. Ito ang
nangingibabaw na katutubong wika sa mga lalawigan ng ika-4 na rehiyon ng Pilipinas
(CALABARZON at MIMAROPA), sa Bulacan, Nueva Ecija at Kalakhang Maynila.

Ang salitang Tagalog ay hinango sa salitang taga-ilog, gáling sa unlaping tagá- na


nangangahulugang "katutubo ng" na idinagdag sa harap ng salitang ilog o "Naloy" (Tagal),
kaya't may ibig sabihing "mga taong nagbuhat sa matandang Kabihasnan o sa Daluyan ng Tubig.
Walang mga halimbawang kasulatan ng orihinal na Tagalog bago dumating ang mga Kastila.
Sinasabi ng ilan na marahil sinunog ng mga unang paring Kastila ang mga ito, dahil sinasabi ring
masademonyo ang mga halimbawang ito. Kakaunti lámang ang kaalaman tungkol sa kasaysayan
ng wikang ito, ngunit sa haka-haka ng mga dalubhasa sa pananalita, katulad nina Dr. David Zorc
at Dr. Robert Blust, nagmula ang mga ninuno ng mga Tagalog sa hilagang-silangang Mindanao o
sa silangang Kabisayaan, kasama ng mga kamag-anak nitong wika ng mga taga-Gitnang
Pilipinas. Madalas na ginagamit ang Tagalog bilang lingua franca o iisang pantalastasang wika sa
buong bansa at sa mga samahan ng mga Pilipino sa labas ng Pilipinas.

Mga Halimbawa:

 Pumanaw – died  Pagkain – food


 Sitaw – beans  Halaman – plants
 Bahay – house  Mahal kita – I love you
 Asukal – sugar  Agila – Eagle
 Bigas – rice  Tumakbo – running
 Damit – clothes  Nagluto – cooking
 Kumanta – singing  Walis - Broom
 Gulay – vegetables  Kailan? – when?
 Pagpupulong – meeting  Alis - leave
 Pintuan – door  Nagbabasa –Reading
 Kwarto – room  Ngayon – now
 Sanggol – baby  Bukas – tomorrow
 Matanda – old  Kailan? – when?

Ilokano

Ang katawagang "Iloko" at "Ilokano" ay walang kaibhan kung ang wikang Iloko ang
tinutukoy. Ang tanging kaibahan nito ay ang wika o salita at ang taong gumagamit ng wika o ang
katutubong nagsasalita. Karaniwang Iloko o Iluko ang tawag sa wika o salita, at Ilokano o
Ilocano naman sa mga tao. Ang Iloko (o Iluko, Iloco, puwede ring Ilokano o Ilocano) ay isa sa
mga pangunahing wika ng Republika ng Pilipinas. Ito ang wikang gamit (lingua franca) ng halos
kabuaan ng Hilagang Luzon lalo na sa Rehiyon ng Ilocos, sa Lambak ng Cagayan at sa
maraming bahagi ng Abra at Pangasinan. Marami ring mga nagsasalita ng Iloko sa Nueva Ecija,
Tarlac, Mindoro at sa ilang lalawigan saMindanao.

Ang wikang Ilocano ngayon, bukod sa gamit nito bilang lingua franca ng Hilagang
Luzon, ay kinikilala rin bilang Heritage Language ng Estado ng Hawaii. Ito ay sa kadahilanang
nakararami sa mga Filipino-Americans ay may dugong Ilocano at sa kadahilanan ding marami sa
mga nauna nang sakada(mga Pilipinong nagpunta sa Amerika noong panahon ng pananakop) ay
dugong Ilocano at hindi nakapagsasalita ng Tagalog. Samakatuwid, mas nakararaming Filipino-
Americans ang may lahing Ilocano at nakapagsasalita ng Ilocano, bagamat ang mga bagong
henerasyon ngayon ay marunong kahit papano sa Tagalog.

Mga Halimbawa:

 Napintas - maganda  Malim-men - hapon  Nabangles -


na napanis
 Naraman - masarap
 Nasapa - umaga  Ag pakasta -  Agsursurat -
 Ar arameden - papunta doon nagsusulat
kasalukuyang  Nalaeng ka -  Nangato - mataas
magaling ka
ginagawa  Nakas-sel -
 Nangeset - maitim
 Naruget - marumi nabansot o maliit
ka
 Sabale dayta - iba  Ay-ayaten ka -
 Narawet -matakaw
iba mahal kita
 Danum - tubig
 Banger - kabila  Dakel te bagem -
 Kasla - kasing
malaki ang katawan
katulad

Kapampangan

Ang salitang "Kapampangan" ay nagmula sa salitang-ugat na pampang na ang ibig


sabihin ay tabing ilog (pareho sa wikang Tagalog). Sa kasaysayan, ginamit ang wika sa Bayan ng
Tondo, na pinamumunuan ng mga Lakan.

Ang wikang Kapampangan ay isa sa mga walong pangunahing wika ng Pilipinas. Ito
ang pangunahing wika ginagamit sa buong lalawigan ng Pampanga at Timugang Tarlac, sa
timugang bahagi ng kalagitnaang kapatagan ng Luzon, karamihan nito ay sumasailalim sa
pangkat-etnikong Kapampangan. Sinasalita rin ang Kapampangan sa hilagang-silangang Bataan,
pati na rin sa mga munisipalidad ng Bulacan, Nueva Ecija, at Zambales na pumapaligid sa
Pampanga. Nakakapag-intindi at nakakapagsalita rin ng Kapampangan ang mga iilang Aeta sa
timugang bahagi ng Gitnang Luzon. Ang naturang wika ay tinatawag ding Pampango,
Capampan͠gan/Capampañgan, Pampangueño, at bilang panggalang, Amanung Sisuan (wikang
ipinasuso).

Mga Halimbawa:

 John ang pangalan ko. - Juan ya ing  Buhok – buak


lagyu ku.  Hipon – paro
 Sampu – apulu  Daliri – taliri
 Maganda – malagu  Tanghalian – Abakan
 Kaibigan – kaluguran  Ahas – ubingan
 Magulang – pengari  Uuwi ako. - Muli ku.
 Kidlat – kildap  Bumili siya ng bigas. - Sinali yang
 Kailan ka babalik? - Kapilan ka nasi.
mibalik?  Kamay – gamat
 Hindi ko makatulog. - Ali ku  Halaman – tanaman
mipapatudtud.  Bituin – batuin
 Tutubi – tulang  Bulaklak - sampaga

Aklanon

Ang salitang Akeanon ay may dalawang kahulugan: ang mga taong tubong Aklan at
ang kanilang tubong salita.

Ang salitang Akeanon ay nakaranas ng ibang ibang pagsubok. Nang sakupin nga mga
Katsila ang Panay, nawala ang Aklan sa mapa ng Pilipinas dahil ginawang sentro ang Capiz ng
mga Kastila. Ngunit sa loob ng tatlong daan-taon na iyon, ang mga Akeanon ay tuloy pa rin sa
pagsasalita at sa pagsusulat sa Akeanon. Ang tulang ‘Hambae Akeanon’ na sa orihinal na
Akeanon na salita ay sinulat noong 1600s.

Mula noon, may tatlong diksiyonaryo na ang nasulat sa Akeanon. Ito ay ang mga
sumusunod: Braulio, Eleanor P. 1998. Akean-Filipino leksikon. Metro Manila: Komisyon sa
Wikang Filipino. 177p. Printed in Macar Enterprises, Kalibo, Aklan.

De la Cruz, Roman A. 2003. Five-language dictionary (Panay Island): English, Tagalog,


Hiligaynon, Kinaray-a, Aklanon. Kalibo, Aklan: Rock Publishing. 919p.

Mga Halimbawa:

 Nahadlok ako sa dugo. – Takot ako  Maaeat ro hueas it tawo. - Maalat


sa dugo. ang pawis ng tao.
 Nahueog ro buto it maya. – Nahulog  Manami tan-awon – Kayganda
ang buto ng maya. tingnan
 Nakakaeaton ro asma. - Nakakahawa  Natuslok – Natusok
ang asma.  Kabaeayan – Gawa
 Baeay – Bahay  Makaputoe – makakaputol
 Nabakli - Nabali  Tanan – Lahat
 Yantok - Uway  Eubid – Lubid
 Tinuea - Gulay  Gasera – Lampara
 Masyado kaputi – Puting-puti  Haboe – Kumot
 Hiniram – Ginhueam  Eanggam – Daga
 Alima - Kamay

Kinaray-a

Nagmula ang salitang Kinaray-a sa "iraya" o "ilaya" sa wikang Tagalog, na


tumutukoy sa mga mamamayang nakatira sa bulubunduking bahagi ng lalawigan. Ang mga
mamamayang nakatira malapit sa mga wawa ng ilog ay tinatawag namang ilawod mula sa
salitang Hiligaynon na lawod, nangangahulugang isang malawak na katubigan (dagat, karagatan,
o lawa). Samakatwid, ang Kinaray-a ay tumutukoy sa paraan ng pagsasalita o wika ng mga
naninirahan sa bulubunduking bahagi ng lalawigan. Ang Kinaray-a ay isang wikang
Austranesyano na siyang pangunahin wikang gamit sa Lalawigan ng Antique sa Pilipinas. Ilan
lang ito sa mga wika ng Kabisayaan, kabilang na rin dito ang Aklanon o Malaynon, Capiznon at
Hiligaynon. Ginagamit din ang Kinaray-a sa ilang bahagi ng Iloilo kasabay ng Hiligaynon.
Dahilan na rin sa magkakalapit na rehiyon, media at telebisyon, ang mga Kinaray-a ay
nakakaintindi rin ng Hiligaynon. Ang mga Hiligaynon naman ay maaari o maaaring hindi
nakakaintindi ng Kinaray-a. May kamaliang inaakala ng karamihan sa mga Hiligaynon na ang
Kinaray-a ay isa lamang wikang sangay ng Hiligaynon; ang dalawang ito sa katunayan ay
nabibilang sa dalawang magkaiba, ngunit magkaugnay na pangkat ng wika.

Mga Halimbawa:

 Mapanaw run ko. – Aaalis na ako.


 Nahidlaw run ako kanimo. –  Mamahaw run ta – Mag-almusal na
Namimiss na kita. tayo
 Diin kaw maagto? – Saan ka  Basi makadalin-as – Baka madulas
pupunta?  Manhaw? – Bakit?
 Diin run tana? – Nasaan ka?  Danlug aragyan. – Madulas dyan.
 Idya kaw nalang turog – Dito ka  Ano ngaran mo? – Ano pangalan
matulog mo?
 Indi takun kauyon. – Ayaw ko nyan.  Sa piyak balay – Sa kabilang bahay
 Ano run pamatyag mo? – Kamusta  Te, mayad eh o mayad ran. – Mabuti
ang pakiramdam mo? kung ganun.
 Mayad – Mabuti  Sin-o kabulig mo rugya? – Sino
 Durupi pa kaun. – Kumain ka pa. katulong mo dito?
 Wara takun kamaan – Hindi ko alam  Nagturutambuk kaw gawa. – Medyo
tumaba ka.
 Sin-o ran? – Sino yan?

Ibaloi

Ang Ibaloi, binabaybay ding Ibaloy ay isa sa mga taong indihena (katutubo) o mga
pangkat etniko sa Pilipinas na kapag ipinagsama-sama ay kilala bilang Igorot. Sila ay
naninirahan sa kabundukan ng gitnang bahagi ng Cordillera sa Luzon. Mayroong limamput-
limang libong Ibaloi at karamihan sa kanila ay matatagpuan sa timog bahagi ng probinsiya ng
Benguet.[2] Ang kanilang lenggwahe ay “Nabaloi”.

Dalawa ang tinitignang dahilan kung bakit natuklasan ang Baguio: ang paghahanap ng
mga Espanyol ng ginto at ang paghahanap ng mga Amerikano ng mapagdedestinuhan. (Brett,
1988) Bagkus, natagpuan ng mga dayuhan ang mga Ibaloi na namamalagi sa Baguio. Maraming
pasalitang salaysay ang sumusubok at nagtatangka na ilarawan ang pinagmulan ng mga Ibaloi.
Ayon sa mga ito, ang grupo ay nagmula sa second wave ng mga Malay at mga Indonesians na
nagmula sa Pangasinan at tumungo pa-Hilaga at saka namalagi sa “Baloy”. Ito na rin ang
pinagmulan ng kanilang pagkakakilanlan—Ibaloi (galing sa Baloy).

Mga Halimbawa:
 Kajëm – Kaibigan  Mankape kito – Magkape tayo
 Kitajo – Tayo  Si'jop mo itan – Higupin mo yan
 Kalajo – Halikayo  Jadjad – Kirot
 Sajay – Ito  Shiyay – Dito
 Naifit – Naipit  Shitan – Doon
 Mansi-jan – Maghiwalay  Shiman – Doon banda
 Jasjas – Hininga  Si`kam – Ikaw
 Jamjam – Sermon sa nagkasala  Buwek – Buhok
 Afag – Karne  Toktok – Ulo
 Manjëmpës – Malambot  Tainga - Tangida

Kankana-ey

Ang wikang Kankanaey ay isang wikang timog-gitnang Kordelyano ng pamilyang


wikang Austronesyo na sinasalita sa mga isla ng Luzon sa Pilipinas.

Kadalasan ay lumilitaw ang karaniwang pagkakaroon ng madiin na schwa sa


maraming salita sa wikang Kankanaey. Sa katunayan, ang e ng Kankanaey ay binibigkas sa
ganitong tunog at hindi sa paraang tulad ng pagbigkas sa e sa mga salitang bet o wet. Ang tunog
na ito ay kadalasang hindi madiin at may mabilis na durasyon sa wikang Ingles, bilang isang
tagapamagitang tunog sa pagitan ng mga kumpol ng katinig. Tulad noong sa pagitan ng /B/ at
ng /L/ sa salitang table, o sa pagitan ng /T/ at ng /L/ sa title. Ang tunog na ito ay maihahalintulad
sa mga wika na matatagpuan sa Hilagang Luzon tulad ng Ilokano at Pangasinense.

Mga Halimbawa:

 Mailiawak ken sik- Miss na kita  Nailak ed nasdem – Nakita ko


 Sinma-a ak – Umuwi ako kahapon
 Mankedaw ka – Humingi ka  Anapek sik-a – Hahanapin kita
 Man ay ayam tako – Maglaro tayo  Magay panluganan – Walang
 Man-ila ta – Magkita tayo masakyan
 Pig-an ka ay sumaa? – Kailan ka  Mansakar ta – Magpakasal tayo
uuwi?  Pigay anak mo? – Ilan anak mo?
 Sik-a lang ay ayatek – Ikaw lang  Sapay kuma ta naragsak ka – Sana
mahal ko masaya ka
 Sinuy laydem? – Anong gusto mo?  Iga-ak sik-a – Ayoko sayo
 Nakdeng Klasem? – Tapos na klase  Lalaydek sik-a – Gusto kita
mo?
 Inta manlakos tinapay – Bili tayo ng
tinapay
 Adik malinglingan sik-a – Hindi kita
makakalimutan

 Sed-ek sik-a – Hihintayin kita

Kalanguya
Ang Kalangúya ay ang wika ng mga katutubong Kalangúya na naninirahan sa
bayan ng Santa Fe at Aritao sa lalawigan ng Nueva Vizcaya. Mayroon ding mga
naninirahan sa lalawigan ng Pangasinan, Nueva Ecija, Aurora, Ifugao, at Benguet. Sa
bayan ng Santa Fe sa Nueva Vizcaya matatagpuan ang pinakamalaking bílang ng
populasyon ng mga Kalangúya.

Mataas ang pagtingin ng mga Kalangúya sa kanilang wika. Sa kabila nitó,


unti-unti nang nababawasan ang bílang ng nagsasalita nitó bunga ng diskriminasyon. Sa
katunayan, marami sa mga batàng Kalangúya ang hindi na marunong magsalita ng
kanilang katutubong wika dahil mas sanáy na silá sa wikang Ilokáno—ang rehiyonal na
wika sa lugar. Natututuhan nilá ito kasabay ng Filipíno at Inglés na mga wikang panturo
sa paaralan.
Mga Halimbawa:
 Isa – Hakey  Tubig – liteng
 Mangan Kesso – Kumain tayo  Halaman – tanem
 Pehed ni agsapa – Magandang  Hindi pa – baba
umaga  Ama naming – amamin
 Naagang e tuo – Nagugutom ako  Bukbuki – karne
 Anhamek taka – Mahal kita  Alunay – mabagal
 Anikan balat – Bigyan mo ako ng  Wika – hapit
saging  Kagubatan – bel-ew
 Andukkay – mataas  Pehed – mabuti
 Ikaw – Higam  Ikal – tanggalin
 Tanawin – ang-ang  Naphal e tuo – biusog na ako
 Lakad – dalan  Inep itan – nananaginip yan
 Kinain – kinan
 Takbo – bimmatik
 Utak – nemnem
 Malamig – ketel

Ibatan

Ang wikang Ivatan (Ibatan) na kilala rin bilang Chirin nu Ibatan ("Ang wika ng
Mga Tao ng Ivatan"), isang wikang Austronesian na sinasalita sa mga isla ng Batanes. Kahit
na ang mga pulo ay malapit sa bansang Taiwan kaysa sa Luzon, hindi ito isa sa mga Wikang
Formosa. Ang wikang Ivatan (Ibatan) na kilala rin bilang Chirin nu Ibatan ("Ang wika ng
Mga Tao ng Ivatan"), isang wikang Austronesian na sinasalita sa mga isla ng Batanes.

Kahit na ang mga pulo ay malapit sa bansang Taiwan kaysa sa Luzon, hindi ito isa
sa mga Wikang Formosa. Ang Ivatan ay isa sa mga Wikang Batanic, na kung saan isa itong
sanga ng Malayo-Polynesian na kasama ng Wikang Austronesian. Ang mga wika ng Pulo ng
Babuyan ay isang diyalekto. Ang Babuyan ay kumunti ang populasyon dahil sa mga Espanol
at ang tanging muling dumagdag ang populasyon sa katapusan ng panahon ng mga Kastila na
may mga pamilya Mula sa Batan Island.
Mga halimbawa:

 Madilaw – mailap  Paray – kanin


 Pakyaw – gulpi  Mutdeh – bata
 Ari kun na send – Opo sir na  Makaha – mahina
send ko po  Tawu – tao
 Kapian kapanu dius si cha  Uyaven – hapunan
mavekhas – Magandang umaga  Pamakan – pagkain na
 Dios mamajes – Salamat ibinabahagi sa iba
 Amung – isda  Atbay – sagot
 Pawpaw – pagpapatuyo ng isda  Isitnan – simula
 Kataktakyan – sakahan  Kaparayan – palayan
 Kanen – pagkain  Maytaketakey
 Arawen – tanghalian

Hiligaynon

Ang Wikang Hiligaynon ay tumutukoy sa wika at kultura na may kaugnayan sa


Iloilo at Negros Occidental. Kilala rin sa tawag na Wikang Ilonggo. Ginagamit rin ito sa mga
grupo ng isla sa Panay, at probinsiya na rin tulad ng Capiz, Antique, Aklan, Guimaras, at
mga parte ng Mindanao tulad ng Koronadal, Timog Cotabato, Sultan Kudarat at gayundin
ang malalaking parte ng Hilagang Cotabato. Meron itong mahigit 7,000,000 katao sa loob at
maging sa labas ng Pilipinas na bihasa sa wikang Hiligaynon, at ang karagdagang 4,000,000
katao naman na marunong nito at karagdagan lang sa kanilang lingua franca. Kabilang ito sa
pamilya ng Wikang Bisaya na kung saan ay kabilang din ito sa mga pangunahing wika ng
Pilipinas.

Mga Halimbawa:
 Maayong aga/gab-I – magandang  Siraduhi palihog ang pirtahan –
umaga/gabi pakisara ng pintuan
 Tagbalay – tao po  Palihog trapuhi ang lamesa –
 Malakat kana – aalis kana pakipunasan ang lamesa
 Karon nalang – mamaya nalang  Palangga taman ka – mahal din
 Ihatag mo ini sa iya palihog – kita
pakibigay mo ito sa kanya  Tag pila ini? – magkano ito?
 Nagakadlaw na siya – tumawa na  Karon, maka-on ako sang kan-on
sya - mamaya, kakain ako ng kanin
 Kaon ka na sang kan-.on –  Dira – diyan
kumain ka ng kanin  Didto – doon
 Nakaka-on na ako sang kan-on –  Kita – tayo
kumain na ako ng kanin  Balay – bahay
 Diin ka magkadto? – Saan ka
pupunta?
 Bakal – pabili
 Palangga taka – mahal kita

Bolinao

Ang Bolinao na wika o Binubolinao ay isang wika mula sa gitnang luzon na partikular
na sinasalita sa mga bayan ng Bolinao at Anda, Pangasinan sa Pilipinas. Tinatayang mayroon
itong 50,000 tagapagsalita, na ginagawang ikalawang pinakasasalitang wikang Sambaliko.
Karamihan sa mga nagsasalita ng Bolinao ay nakakapagsalita din ng Pangasinan at Ilokano.

Mayroong 21 ponema ang Bolinao: 16 na katinig at limang at patinig. Medyo payak


ang kayarian ng pantig. Naglalaman ang bawat pantig ng hindi bababa sa isang katinig at isang
patinig.

Mga halimbawa:
 Maabig a buklas – magandang ugmaga
 Maabig a awro – magandang tanghali
 Maabig a yabi – magandang gabi
 Mabli/mable – mahal
 Babali – bayan
 Kukadti – punta ka rito
 Mâmot – mainit
 Mŭdit – pula
 Nâlëk – natulog
 Makakâlis – tumatawa
 Sĭko – ako
 Sĭka – ikaw
 Tarŭman – kwento

Bikolano

Ang wikang Bikolano ang ginagamit ng mga taong naninirahan sa mga probinsya na
matatagpuan sa tangway ng Bikol at nagsisilbi bilang Lingua Franca o pangunahing wika ng
rehiyon. Ang Bikol ay binubuo ng mga lalawigan ng Camarines Norte, Camarines Sur, Albay,
Sorsogon, Catanduanes at Masbate. Ang mga mamamayan dito ay nagsasalita ng Bikol ngunit
iba’t iba ang uri ng wikang bikolano ang ginagamit nila. Sa Camarines Norte at Camarines Sur,
Bikol na may halong tagalog ang sinasalita nila. Ang Bikol na hawig sa Cebuano naman ay
sinasalita ng mga taga Masbate at ang mga lalawigan na malapit sa kanlurang Bisaya ay may
halong Hiligaynon. Iba rin ang Bikol ng Sorsogon, Catanduanes, at Albay dahil ang kanilang
ginagamit ay Bikol Naga kung saan ito ay walang halo na ibang wika. Bagama’t iba’t iba uri ng
wikang Bicolano na ginagamit nila, ito ay nagsilbi parin bilang kanilang identidad upang sila ay
magkaintindihan, magkaisa, at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng kanilang lugar.

Mga Halimbawa:

 Inmomootan ta ikaw – mahal kita  Inmomootan – mahal


 Hain ka? – Saan ka?  Ayam – aso
 Humali ka didi – Umalis ka dito  Kutitob – langgam
 Diin ka nagiiskwela? – saan ka nag-  Pagkaon – pagkain
aaral?  Kuting – pusa
 Marahay na Adlaw – magandang  Mao – opo
umaga
 An ngaran ko’y Clea – ang pangalan
ko ay clea
 Kagayon Mo – ang ganda mo
 Sano ka mahali? – kalian ka aalis?
 Listo – matalino
 Gabi – banggi
 Tubi – tubig
 Quince – labing lima
 Sampulo – sampu
Pangasinense
 Dire – hindi

Ang Wikang Pangasinan (Pangasinan: Salitan Pangasinan) o Pangasinense ay


nasasailalim sa sangay Malayo-Polynesian ng pamilya ng mga wikang Austronesian. Sinasalita
ang Panggasinan ng higit pa sa dalawang milyong tao sa lalawigan ng Pangasinan, ng iba pang
mga pamayanang Pangasinan sa Pilipinas, at ng kapansin-pansing bilang ng mga Amerikanong
may kanunununuang Pangasinan.

Ang Pangasinan ang isa sa labindalawang pangunahing wika sa Pilipinas. Ang


kabuuang populasyon ng lalawigan ng Pangasinan ay 2 434 086, ayon sa sensus ng 2000. Ang
pinapalagay na bilang ng mga katutubong mananalita ng wikang Pangasinan ay 1.5 milyon.
Mga Halimbawa:

 sino - siopa, sio, si  isda - sira, ikano


 ano - anto  ahas- oleg
 saan - iner
 kailan - kapigan, pigan
 paano - pano, panonto
 lahat - amin
 malaki - baleg
 mahaba - andokey
 mabigat - ambelat
 maliit - melag, melanting, tingot,
daiset
 maikli - melag, melanting, tingot,
antikey, kulang, abeba
 makipot - mainget
 manipis - mabeng, maimpis
 babae - bii
 lalaki - laki, bolog
 tao - too
 bata - ogaw Zambal
 hayop- ayep

Ang Sambal (Kastila: zambal) ay isang wikang Sambaliko na pangunahing sinasalita


sa lalawigan ng Zambales sa Pilipinas. Kasalukuyan itong may 102,867 mananalita.

May tatlong pangunahing uri ang Sambal: Sambal, Bolinao at Botolan. Pangunahing
sinasalita ang Sambal sa mga bayang Sambalenyo ng Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, at Iba;
matatagpuan din ang ilang mga mananalita sa Quezon, Palawan. Ang Bolinao naman ay
ginagamit ng mga mamamayan ng Bolinao at Anda, Pangasinan. Ang Botolan ay pangunahing
winiwika sa mga bayang Sambalenyo ng Botolan at Cabangan. Mayroon pang limang uri ang
wikang Sambal na ginagamit ng mga Aeta sa iba't-ibang bahagi ng kabundukan ng Zambales.
Mga Halimbawa:

 Malakeh – marami  Ma`lok – matulog


 Malhay – malaki  Hilah – sila
 Labay – gusto  Kae – hindi
 Bali - bahay  Umoklo – umupo
 Banwa – bayan  Iyah – oo
 Maligha – masaya  Hiko – ako
 Malehleh – malungkot  Hikami – kami
 Hitamo – tayo  Ayen – wala
 Dumali bongat – saglit lang
 Umalih acoy na – aalis na ako
 Pasensya cay na – pasensya kana
 Cay humin acoy awit – wala akong
kasama
 Anca intindiwan mo? – naintindihan
mo ba?
 Ambo duman? – hindi ba tama?
 Minom tamo! – uminom tayo!
 Anlabyon cata – mahal kita

You might also like