2nd Quarter 2ND Summative in ESP

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ikalawang Sumatibong Pagsusulit sa ESP

Ikalawang Markahan
Name:___________________________________________________Date:____________Score:___________
Panuto: Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay naglalahad ng wastong kaisipan sa pagiging
matapat at Mali naman kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
__________ 1. Ipinaalam ko sa Nanay ang lugar na pupuntahan naming magkakaibigan.
__________ 2. Palagi akong huli kung umuwi sa bahay galing sa eskwela dahil naglalaro ako ng
kompyuter. Kapag tinanong ako ni Nanay, sasabihin ko sa kanya na pinaglilinis pa kami ng aming guro.
__________ 3. Ikaw ay may proyekto na dapat bayaran sa Math. Agad mo itong sinabi sa iyong nanay
pati ang eksaktong halaga nito.
__________ 4. Si Mang Lito ay nangungupit ng mga labis na kagamitan mula sa opisina na kanyang
pinagtatrabahuan at agad na ibinebenta sa labas ang mga kagamitang nakuha sa mas mababang
halaga.
__________ 5. Si Regin ay kumakandidato bilang pangulo sa Supreme Pupil Government sa kanilang
paaralan. Sa mismong araw ng botohan ay may nakita siyang nakakalat na balota na siyang gagamitin
sa botohan. Agad-agad ay ibinalik niya ang mga ito sa gurong tagapangasiwa.
__________ 6. Nagbabasa at nagbabalik-aral ako nang maraming ulit bago ang pagsusulit.
__________ 7. Ginagawa ko ang aking proyekto upang matapos ito sa takdang araw.
__________ 8. Pina-photocopy ko ang mga tala sa kuwaderno ng aking mga kamag-aral sa halip na
sumulat ako ng sariling mga tala.
__________ 9. Ibinabahagi ko ang aking mga ideya sa aking mga kapangkat kapag may iniatas sa
aming gawain.
__________ 10. Nakikinig ako sa aking guro habang nagtatala.
__________ 11. Sinabi ni Ralph sa kanyang guro na siya ang nakabasag sa bagong bili na plorera.
__________ 12. Nagpaalam si Jessa sa Nanay na pupunta siya sa bahay ng kaklase subalit sa parke
siya pumunta.
__________13. Sobra ang sukli ng tindera kay Marissa at hindi niya ito isinauli.
__________ 14.Nakapulot si Lorna ng payong. May pangalan ito at nagkataong sa kanya itong kaklase
kaya naibalik niya ito.
__________ 15. Kumuha ng pera sa pitaka ni Tatay si Anton nang hindi nagpaalam.
__________16. May proyekto sa ESP sina Mark. Humingi siya ng tamang halaga ng ibabayad sa
kanyang nanay.
__________17. Binigyan si Amanda ng kanyang Tiya Petra ng P500.00 para sa kanilang magkapatid.
Hinati niya ito at ibinigay sa kapatid.
__________18. Humingi ng pera si Shena pambili ng bolpen. Binili niya ito ng sorbetes sa halip na
bolpen.
__________ 19. Nakita ni Patrick na nalaglag ang P100.00 ng kanyang kuya. Pinulot niya ito at ibinalik
sa kanyang kuya.
__________ 20. Nakita ni Maria ang susi sa pagwawasto ng kanyang sinagutang modyul kaya agad
pinalitan niya ang mga maling sagot niya dahil dito.

Panuto: Isulat ang Oo kung sumasang-ayon ka sa pahayag at Hindi naman kung hindi ka
sumasang-ayon sa pahayag. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
________ 21. Dapat isauli ang mga bagay na hiniram mo.
________ 22. Dapat aminin ang pagkakamali kahit alam mo na pagtatawanan ka ng ibang tao.
________ 23. Dapat isauli sa “Lost and Found” ang bagay na napulot mo.
________ 24. Dapat na maghintay muna ng pabuya bago isauli ang isang
mahalagang bagay na napulot mo.
________ 25. Tama lang na angkinin ang papuri para sa isang proyektong mahusay na ginawa ng iba.
________ 26. Dapat lang na magsasabi ng totoo sa mga magulang kapag humihingi ng pahintulot na
pumunta sa isang lugar.
________ 27. Tama lang na sabihin ang totoong dahilan kapag nahuli sa klase.
________ 28. Dapat tatangging sumali sa isang gawain kapag sa tingin mo’y hindi iyon naaayon sa
iyong kagustuhan.
________ 29. Dapat tamang halaga ang ibabayad kapag sasakay sa pampublikong sasakyan.
________ 30. Tama lang na iimpok ang sobrang sukli.
Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Isulat ang Tama kung ito ay nagpapakita ng pagiging
tapat sa paggawa at Mali kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
_________ 31. Kumupit ng pera sa pitaka ni Nanay si Lina.
_________ 32. Nabasag ni Ann ang pinaka-iingatang plorera ng kanyang Nanay at sinabi niyang
ito ay nasagi ng kanyang kapatid.

_________33. Nagpaalam si Ben sa Nanay na pupunta siya sa mga kaibigang maliligo sa dagat.
_________34. Nakapulot si Fe ng pitaka na may ID at nakilala niyang ito ay kanilang kapitbahay
at isinauli niya ito.
_________35. Nakakuha ng mababang marka sa pasulit si John subalit pinalitan niya ang
kanyang iskor ng malingat si G. Salazar.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Bulacan
SAPANG KAWAYAN ELEMENTARY SCHOOl
Sitio Sapang Kawayan, Matictic, Norzagaray, Bulacan

Unang Sumatibong Pagsusulit sa ESP


Ikalawang Markahan

TALAAN ng ESPISIPIKASYON

IKALAWANG MARKAHAN ITEM SPECIFICATION (ITEM PLACEMENT) LEVEL OF DIFFICULTY

Understanding
Remembering
No. of Items
No. of Days

Percentage

Analyzing

Evaluating
Applying

Creating

Average

Difficult
Easy
MELCs

Easy Average Difficult 60% 30% 10%


1-5 6 - 10
Naipamamalas ang pag-unawa sa
kahalagan ng pakikipagkapwa-tao
3 days 3% 10
na may kaakibat na paggalang at
responsibilidad

11-15
Naisasabuhay ang pagkakaroon ng
bukas na isipan at kahinahunan sa
3 days 1.5% 5
pagpapasiya para sa kapayapaan ng
sarili at kapwa

16 - 24 - 28 -
Naipakikita ang kahalagahan ng 18 27 30
pagiging responsable sa kapwa: 3 days 3% 10
pangako o pinagkasunduan;

Nakapagpapakita ng paggalang sa 19 -
1 1.5% 5
ideya o suhestyon ng kapwa 23
100
10 30 10 8 5 4 3 18 9 3
%
Susi sa Pagwawasto
1. Tama 6. Tama 11. Tama 16. Tama 21. Oo 26. Oo 31. Mali
2. Mali 7. Tama 12. Mali 17. Tama 22. Oo 27. Oo 32. Mali
3. Tama 8. Mali 13. Mali 18. Mali 23. Oo 28. Hindi 33. Tama
4. Mali 9. Tama 14. Tama 19. Tama 24. Hindi 29. Oo 34. Tama
5. Tama 10.Tama 15. Mali 20. Mali 25. Hindi 30. Hindi 35. Mali

Prepared By:

GRACE JOY S. MANUEL Checked by:


Adviser MELINDA P. PINEDA
Master Teacher II

Noted By:
ARLENE C. PEREZ, PhD
Principal II

You might also like