Professional Documents
Culture Documents
Panitikan Sa Panahon NG Internet.
Panitikan Sa Panahon NG Internet.
Panitikan Sa Panahon NG Internet.
Tomas U. Santos
Nariyan ang mga kuwentong isinulat sa anyo ng isang bidyo na may kaagapay na
musika habang binabasa kung saan maaalalang sumikat si Marcelo Santos III, na
mayroon na ngayong dalawang nailimbag na libro. Nariyan ang mga lupon ng maiikling
tula na mabilis basahin ni Lang Leav. Nariyan ang lumalagong panitikan ng spoken
word poetry sa bansa kung saan naging tanyag si Juan Miguel Severo na
pinamagatang “Prinsipe ng Hugot.” At nariyan din ang battle rap na pinabantog ng
FlipTop Battle League na itinuturing na makabagong anyo ng balagtasan.
Dahil din sa internet, mas naging malapit o accessible ang mga akda, tula at sulatin ng
mga manunulat sa maraming mambabasa. Katulad na lamang ng mga kuwento sa
Wattpad na kalaunan inilimbag bilang mga aklat.
Nariyan ang mga social networking site na nagsisilbing plataporma ng mga manunulat.
Halimbawa na lamang dito ang unang aklat ni Joselito Delos Reyes na iStatus Nation,
lupon ng kaniyang mga istatus sa Facebook na tumatalakay sa iba’t ibang mukha ng
buhay: masaya, masalimoot, mapolitika, “ma-ano-ano.”
Nakatutulong nga ang mga ito upang maging malay ang mga milenyal sa kultura ng
pagbabasa. Ngunit sapat ba ito? Hindi siguro. Hindi tayo nakatitiyak kung may kalidad
na pampanitikan ang mga akdang binabasa nila sa internet lalo na sa social media.
May malay nga sila sa pagbabasa ng ganitong mga akda, ng mga hugot at mga
bidyong may musika, ngunit mulat ba sila sa makulay at malawak na kasaysayan ng
panitikang Filipino?
Halimbawa, sa mga maiikling kuwento ni Nick Joaquin? Sa mga tula nina Rio Alma,
Bienvenido Lumbera at Edith Tiempo? Ang tanong pa nga, kilala ba sila ng mga
milenyal na kinalakhan na ang mga modernong manunulat?
Sa mga milenyal ngayon, higit sa kilalang mga Filipinong manunulat, tunay ba talaga
nilang binabasa at ninanamnam ang hiwaga ng kanilang mga akda? Hindi masama ang
pagbabasa ng mga banyagang akda ngunit mas mabuting malaman at mabasa rin ang
mga akdang isinulat ng mga Filipino pagkat ang mga akdang ito ang sumasalamin sa
ating kultura at pagka-Filipino.
Pinagkunan: