Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

TAMBULIG NHS- LOWER TIPARAK ANNEX

Lower Tiparak, Tambulig Zamboanga del Sur


ARALING PANLIPUNAN GRADE 8
KASAYSAYAN NG DAIGDIG
First Quarter Examination
October 27/28,2022

Name:_________________________________________________________Score:_______________
Direction : Blacken the circle that corresponds with the correct answer.

oooo1. Ano ang isa sa mga sangay ng agham panlipunan na tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral sa
katangiang pisikal ng daigdig?
A. antropolohiya B. ekonomiks C. heograpiya D. kasaysayan

oooo 2. Alin sa sumusunod na tema ng heograpiya ang tumutukoy sa paglipat ng tao mula sa kinagisnang
lugar patungo sa ibang lugar?
A. lokasyon B. lugar C. paggalaw D. rehiyon

oooo 3. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng rehiyon bilang isa sa mga tema ng
pag-aaral ng heograpiya?
A. Ang klima ng Pilipinas ay tag-araw at tag-ulan.
B. Islam ang opisyal na relihiyon ng Saudi Arabia.
C. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog bahagi ng Taiwan.
D. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.

oooo 4. Alin sa mga pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-aaral ng
heograpiya?
A. Ang Germany ay miyembro ng European Union.
B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano.
C. Matatagpuan ang Pilipinas sa Kanlurang ng Karagatang Pasipiko.
D. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga mamumuhunan.

oooo 5. Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng araw sa buhay ng tao, halaman, at hayop. Ano ang
kinalaman ng araw sa kalagayang ito?
A. ang araw ang nagbigay ng liwanag sa daigdig
B. ang araw ang siyang nagbigay ng liwanag sa buwan
C. napapanatili ng araw ang dami ng mga halaman sa kapaligiran
D. sa araw kumukuha ng enerhiya ang lahat ng may buhay sa daigdig

oooo 6. Alin sa sumusunod na konsepto ang tumutukoy sa pangkat ng tao na may iisang kultura o
pinagmulan?
A. etniko B. lahi C. paniniwala D. wika

oooo 7. Anong saklaw ng heograpiyang pantao ang tumutukoy sa kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng
isang pangkat?
A. etniko B. lahi C. relihiyon D. wika

oooo 8. Anong relihiyon ang pinaniniwalaan ng mga Arabo?


A. Budismo B. Hinduismo C. Islam D. Judaismo
oooo 9. Ano ang tinutukoy na pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa o rehiyon batay sa
wika?
A. etniko B. etnisidad C. etnolingguwistiko D. katutubo

oooo 10. Ano ang pangunahing batayan ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay?
A. etniko B. etnisidad C. lahi D. relihiyon

oooo 11. Alin sa mga pangunahing relihiyon sa mundo ang may pinakamaliit na tagasunod?
A. Budismo B. Hinduismo C. Islam D. Kristiyanismo

oooo 12. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng wika sa tao?


A. ito ay susi ng pagkakaintindihan
B. sisikat ang tao kung marami ang wika
C. dapat pag-aralan ng lahat ng tao ang lahat ng wika
D. yayaman ang tao pag may maraming alam na wika

oooo 13. Alin sa sumusunod ang hindi saklaw sa pag-aaral ng heograpiyang pantao?
A. lahi B. relihiyon C. teknolohiya D. wika

oooo 14. Sa anong yugto ng panahong prehistoriko natuto ang mga sinaunang tao sa paglibing ng mga
yumao?
A. Mesolitiko B. Metal C. Neolitiko D. Paleolitiko

oooo 15. Sa anong panahon na diskubre ang pagtatanim o agrikultura?


A. Ice Age B. Mesolitiko C. Neolitiko D. Paleolitiko

oooo 16. Ano ang pinakamahalagang tuklas sa Panahon ng Paleolitiko?


A. Agrikultura B. Apoy C. Irigasyon D. Metal

oooo 17. Ano ang tawag sa panahon kung saan hindi pa natutong magtala ang tao ng mga kaganapan?
A. Historiko B. Mesolitiko C. Neolitiko D. Prehistoriko

oooo 18. Aling panahon ang higit na nakatulong sa pag-unlad ng kabihasnan?


A. Mesolitiko B. Metal C. Neolitiko D. Paleolitiko

oooo 19. Alin sa sumusunod na panahon ang hindi pa laganap ang paglikha ng mga kasangkapan?
A. Mesolitiko B. Metal C. Neolitiko D. Paleolitiko

oooo 20. Ang sumusunod na pangyayari ay naganap noong panahon ng Mesolitiko maliban sa:
A. naninirahan na sila sa tabing ilog upang mabuhay.
B. gumagawa na sila ng mga palayok na gawa sa luwad.
C. nagsimula na ang mga tao sa pag-aalaga ng mga hayop.
D. marunong ng makipagpalitan ng produkto sa karatig na lugar

oooo 21. Alin ang hindi kabilang sa mga pangkat na sumakop sa lupain ng Mesopotamia?
A. Akkadian B. Aryan C. Assyrian D. Chaldean
oooo 22. Ano ang naging sanhi ng pagbagsak ng kabihasnang Mesopotamia?
A. Walang likas na hangganan ang lupaing ito.
B. Hindi nagkakaisa ang mga mamamayan dito.
C. Madalas ang pag-apaw ng Ilog Tigris at Euphrates.
D. Walang kasanayan ang mga tao sa pakikipagdigma.

oooo 23. Anong anyong lupa ang makikita sa hilagang bahagi ng India?
A. Bundok B. Kabundukan C. Kapatagan D. Lambak

oooo 24. Ano ang kahalagahan ng mga likas na yaman sa pag-unlad ng kabihasnang Indus?
A. nagsisilbi itong proteksyon sa kanilang lupain
B. madali silang makatago tuwing mayroong mga kalaban
C. naging pundasyon ng pag-unlad ng kanilang ekonomiya
D. pinapalakas nito ang kapangyarihan ng kanilang pamahalaan

oooo 25. Alin sa sumusunod na pinakamatandang kabihasnan ang nananatili pa rin hanggang sa
kasalukuyan?
A. Ehipto B. Indus C. Mesopotamia D. Tsino

oooo 26. Paano binago ng Huang Ho ang buhay ng mga Tsino?


A. Napalago ng ilog ang sistema ng pagsasaka ng mga Tsino.
B. Naging mahusay na mandaragat ang mga tao dahil sa pagbaha.
C. Hinubog ng ilog ang kanilang kahusayan sa paggawa ng mga barko.
D. Mas pinili ng mga tao na mamuhay sa kagubatan dahil sa madalas na pagbaha ng ilog.

oooo 27. Ano ang makikita sa hilagang bahagi ng lupaing Egypt?


A. Himalayas B. Libyan Desert C. Mediterranean Sea D. Red Sea

oooo 28. Anong lungsod ang matatagpuan sa bahagi ng daluyang Indus River?
A. Mohenjo-Daro B. Harappa C. Olmec D. Teotihuacan

oooo 29. Ano ang tawag sa sagradong aklat na tinipong himnong pandigma, sagradong ritwal, sawikain at
mga salaysay ng mga Hindu?
A. Bibliya B. Koran C. Ritwal D. Vedas

oooo 30. Ano ang tawag sa isang kaisipan na humubog sa kamalayan ng mga Tsino na naglalayong
magkaroon ng isang tahimik at organisadong lipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti sa sarili at pagpapahalaga
sa ugnayan ng mga tao sa lipunan?
A. Confucianism B. Daoism C. Legalism D. Taoism

oooo 31. Ano ang tawag sa pinuno ng sinaunang Ehipto na itinuturing na diyos at taglay ang mga lihim ng
langit at lupa?
A. Hari B. Pangulo C. Paraon D. Pari

oooo 32. Anong bansa sa kasalukuyan ang pinagmulan ng kabihasnang naganap sa lambak-ilog ng Nile?
A. Ehipto B. India C. Iraq D. Tsina
oooo 33. Anong mahalagang istruktura ang nagawa ng kabihasnang Mesopotamia kung saan dito idinadaos
ang pagsamba sa kanilang diyos?
A. Templo ni Babel C. Templong Ziggurat
B. Templo ni Hammurabi D. Templo ng mga Paraon

oooo 34. Ano ang tawag sa kalipunan ng mga batas na naging batayan sa pang-araw-araw na pamumuhay ng
mga sinaunang tao sa Mesopotamia?
A. Kodigo ni Moses C. Kodigo ni Kalantiyaw
B. Kodigo ni Hammurabi D. Kodigo ng mga Paraon

oooo 35. Ano ang gamit ng cuneiform na unang naimbento ng mga sinaunang tao sa Mesopotamia?
A. Umunlad ang sistema ng kanilang kalakalan sa mga karatig pook.
B. Natutunan rito ang paggawa ng kauna-unahang mapa sa buong daigdig.
C. Ito ang nagsilbing paraan ng mga sinaunang tao sa kanilang pagsusulat.
D. Natutunan ng mga sinaunang tao sa Mesopotamia ang pagsunod sa batas.

oooo 36. Ano ang pinatunayan ng pagtatayo ng mga natuklasang kalsada, sewerage system at iba pang uri
ng istruktura sa matandang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa?
A. Sumailalim ang lungsod sa tinatawag na urban city planning.
B. Sumailalim ang lungsod sa maayos na sistema ng agrikultura.
C. Sumailalim ang lungsod sa isang payak na pamumuhay lamang.
D. Sumailalim ang lungsod na itinayo sa isang may kapangyarihang nilalang.

oooo 37. Ang tanyag na Taj Mahal ay naging pamana ng alin sa mga nabanggit na kabihasnan?
A. Egypt B. Indus C. Mesopotamia D. Tsino

oooo 38. Alin sa sumusunod na istruktura ang naitayo sa panahon ng dinastiyang Qin o Ch’in?
A. Ziggurat B. Great Wall C. Piramide D. Templo

oooo 39. Ano ang tawag sa sistema ng pagsulat ng mga Egyptians na gumagamit ng pagsasagisag sa isang
larawan na inuukit sa mga luwad at mga moog?
A. Alpabeto B. Calligraphy C. Cuneiform D. Hieroglyphics

oooo 40. Anong bansa unang natutunan ang paraan ng pag-iembalsamo na tinatawag na mummification?
A. China B. Egypt C. India D. Mesopotamia

You might also like