Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

I.

Pamagat : Doll House


May Akda : Rona Lean Sales
Genre : Drama

II. May isang babae na bumyahe para bisitahin ang


kanyang ama na nag ngangalang Rustin ngunit
nang nakarating sya sa nursing home ay hindi
siya ni rustin nakilala dahil nawala ang memorya
niya. Binalikan ni rustin ang kanyang nakaraan.

Nagtatrabaho si Rustin sa isang band kasama


ang mga kaibigan niya lagi siyang umiinom at
gumagamit ng illegal na droga subalit namatay
ang kanyang kaibigan na si Diego. Nang umuwi
si rustin sa bahay nila pinagalitan siya ng
kanyang ama at napaluha siya sa sobrang sakit
ng pagkawala ng kanyang kaibigan. naisipan ni
rustin pumunta sa dati nilang bahay sa
Rotterdam.

Nakita ni Rustin ang lalake na meron dalang mga


kahon at tinulungan nya ito nagpakilala ang
lalake na nag ngangalang Bok at itinago ni Rustin
ang pangalan nya sa pangalang Clyde dahil gusto
ni Rustin makilala ang kanyang anak pinapasok
ni Bok si Rustin at doon niya nakilala ang
kanyang anak na si yumi.

Ikinuwento ni Bok ang tungkol sa Ina ni yumi na


si Sheena namatay ang kanyang ina dahil sa
isang car accident kasama ang kanyang asawa.
Ang totoong magulang ni yumi ay si Rustin at si
Sheena iniwan ni rustin si sheena habang
binubuntis niya si yumi simula nang iniwan niya
ito hindi na siya nagparamdam at ipinagpatuloy
niya ang pagtugtog ng musika.

Dahil napagkatiwalaan nya si Rustin ay


ipinaalaga niya si yumi sakanya dahil may
pupuntahan si Bok. kinaumagahan ay ipinaalaga
ulit ni Bok si yumi kay Rustin at ikinuwento ni
yumi na may audition sa kanilang paaralan
subalit ayaw nang kanyang ina na si rachelle
kaya tinulungan ito ni rustin at tinulungan din
niya itong kumanta kinaumagahan ay nag aya si
Bok na mag pasyal sila ngunit nang pag uwi nila
sakanila ay nakita ni Rachelle si Rustin at nakilala
siya at sinabi kay Bok nag away ang dalawa dahil
pinagloko ni Rustin si Bok kaya simula noon
hindi na pinapalapit ni bok si Rustin kay yumi
pero si yumi pilit na pumunta kay Rustin at
tumakas ang dalawa.

Kinaumagahan ang audition ni yumi sa paaralan


pero ng pinaalam ni Rustin kay rachelle ay hindi
ito pinayagan ngunit pumunta padin sila yumi at
si rustin Pagkatapos ng audition ay hindi na
pinayagan pang magpakita si Rustin kay yumi
subalit pinagpatuloy padin ni Rustin ang
paggamit ng droga hanggang sa na stroke ito

III. Ang paksa ng kwento ay tungkol sa ama na


iniwan ang anak at ang ina
Na sinisikap niyang itama.

IV. Bisa sa isip – Dahil sa kwento na ito ay nalaman


ko kung gaano ka mahal ng isang ama ang
kanyang anak
Bisa sa Damdamin - naiyak ako dahil pilit niyang
itama ang kanyang pagkakamali sa kanyang
pamilya.

V. Huwag sayangin ang mga taong maaring maging


makabuluhan sa atin at ang oras na kasama
natin sila

VI. Realismo

Realismo dahil nagsasaad ito ng mga totoong


pangyayari sa buhay.

Raven Operio Sarrosa

You might also like