Chona F. Casido

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: Chona F. Casido Taon/Seksyon: IV&BSCS Petsa:Sep.

5, 2022
Iskor:___________

PAGSASANAY 1

Panuto: Bigyang pagpapakahulugan at talakayin ang mga sumusunod


1. Wikang Filipino

Ang wikang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika
ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang
Filipino ay dumaan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga
wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika
para sa iba’t ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling
pagpapahayag.

2. Wikang Opisyal

Ang Wikang Opisyal o tinatawag rin sa State Language sa wikang Ingles ay tumutukoy sa


isang wika ng partikular na bansa o estado. Ito ay wikang ginagamit sa pamahalaan o
gobyerno at hindi ito ang karaniwang wikang ginagamit ng mga ordinaryong
mamamayan. Mahigit limampung mga bansa ang gumagamit ng wikang Ingles bilang
kanilang Opisyal na wika samantala ang ibang mga bansa naman ay gumagamit ng
katutubong wika.

3. Pangulong Manuel Luis M. Quezon

Si Manuael Luis M. Quezon ay ang ikalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at unang


pangulo ng Pamahalaang Komonwelt na nagsilbi mula 1935 hanggang sa kaniyang
kamatayan noong 1944. Siya ang kinilala bilang ikalawang Pangulo ng Pilipinas, kasunod
ni Emilio Aguinaldo (na ang administrasyon ay hindi kinilala ng ibang bansa sa mga
panahong iyon at hindi kinilala bilang unang pangulo sa mga kapisanang internasyonal).
Kilala si Quezon sa kaniyang pagsusulong sa kalayaan ng Pilipinas mula sa mga
Amerikano. Kilala rin si Quezon bilang “Ama ng Wikang Pambansa” matapos niyang
ideklara ang pagkakaroon ng isang pambansang wika ng Pilipinas noong 30 Disyembre
1937. Si Quezon ang unang Senate President na naging pangulo ng Pilipinas, ang unang
pangulo na nahalal sa isang pambansang halalan, at ang unang pangulong muling
nahalal sa puwesto. Ipinangalan sa kaniya ang Lungsod Quezon sa Kalakhang Maynila at
ang Lalawigan ng Quezon.

4. Suriang Wikang Pambansa

Ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP), na pangunahing ahensiyang namamahala


sausaping pangwika ng bansa, ay naging Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP).
Sakasalukuyan ay kilala ang institusyong ito bilang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).
Nagkaroon ng maraming usapin tungkol sa pam.bansang wika na hanggang sa
kasalukuyanay nakaaapekto pa rin sa pag-unlad at pagsulong nito.

Surian ng Wikang Pambansa (SWP) LAYUNIN NG SWP:

 Pag- aralan ang mga pangunahing wikang sinasalita ng himdi bababa sa kalahating
milyong Pilipino at magsagawa ng komparatibong pag- aaral sa mga bokabularyo
ng mga ito.
 Patibayin at paunlarin angisang pangkalahatang wikang pambansa na batay sa isa
sa mga umiiral na katutubong wika.
 Piliin ang katutubong wikang higit na mayaman sa panitikan, sento ng kalakalan at
ginagamit ng nakararaming Pilipino.

5. Mga opisyal ng SWP

 Jaime C. de Veyra (Waray)- Unang Pangulo


 Cecilio Lopez (Tagalog)- Kalihim
 Santiago Fonacier (Ilokano)- Kagawad
 Casimiro Perfecto (Bikolano)- Kagawad
 Hadji Butto (Muslim)- Kagawad
 Felimon Sotto (Cebuano)- Kagawad
 Felix Salas Rodriquez (Hiligaynon)- Kagawad

You might also like