Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

BOHOL ISLAND STATE UNIVERSITY


Candijay Campus
Cogtong, Candijay, Bohol

TALATANUNGAN
ANTAS NG KAHUSAYAN NG MGA MAG-AARAL SA PAGTUKOY NG URI NG
TAYUTAY

I.Profayl ng Mag-aaral

Lagyan ng tsek ( /) ang kahon batay sa angkop na profayl ng mag-aaral.

Kasarian: Babae Lalaki

Taon: 1 2 3 4

II. Antas ng Kahusayan ng mga Mag-aaral sa pagtukoy ng uri ng tayutay.

Panuto: Basahin nang mabuti at tukuyin ang wastong uri ng tayutay na ginamit

sa bawat pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ito bago ang

bawat bilang.

Pagtutulad Pagsasatao Pag-uyam Paghihimig


Pagwawangis Pagmamalabis Pagtawag Pagtatanong

1. Abot tainga ang ngiti ng binata nang mapasagot niya ang dalaga.

2. Si Aubrey ay isang ahas na kaibigan ni Martina.


3. Ang buhok ni Annie ay kasing itim ng uling.

4. Ang kamao ni Felipe ay bakal na dumampi sa aking bisig.

5. Ang kutis niyang porselana.

6. Ang mga bituin ay kumikindat sa atin mula sa malayo.

7. Ang sipag mag-aral ng anak mo palagi siyang bumabagsak sa pasulit.

8. Ang tahol ng aso ay minsan nakakairita sa pandinig.

9. Ang tatalino niyo pero bakit wala na kayong ginawang tama?

10. Ang hilig niyo makisawsaw sa buhay ng iba, ano bang ambag niyo sa

buhay nila?

11. Bumaha ng luha sa burol ng mag-inang naaksidente.

12. Bumuhos ang isang baldeng luha ng binata nang siya'y iwan ng

kanyang kasintahan.

13. Hinaplos ng hangin ang aking pisngi.

14. Oh Kalikasan, tunay ngang kahanga-hanga ang iyong kagandahan.

15. Kasing tigas na ng bato ang puso ni Ali nang ito'y iwan ni Allan.

16. Katulad ng pait ng ampalaya ang naging buhay ni Carlo sa

bilangguan.

17. Ang babagal niyo kumilos, pinapakain ba kayo sa inyo?

18. Mabait ang aming kapitbahay kasingbait niya si Hudas.


19. Maliwanag na buwan, ako'y iyong nakikitang nag-iisa't nalukungkot sa

gitna ng dilim.

20. Nabiyak ang kaniyang dibdib sa sobrang pagdadalamhati.

21. Naging malamig ang ihip ng hangin dahil biglang nalungkot ang mga

ulap sa langit.

22. Nagkalat ang mga basura sa dalampasigan kaya't nagalit ang

kalikasan.

23. Nagulat ako sa biglang pagbagting ng kampana.

24. Napa-idlip ako sa sarap ng huni ng mga ibon.

25. Napalingon ako sa lakas ng busina ng tren.

26. Natuwa ang mga bulakalak dahil araw-araw silang dinidiligan.

27. Ngumingiyaw ang pusa dahil sa gutom.

28. Oh, kamatayan! nasaan ka na?

29. Oh, Panginoon, pasiglahin mo ang puso kong nalulumbay.

30. Ano ba ‘yan! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo, bulag ka ba?

31. Sa sobrang sarap ng luto sa karinderya nila, marami akong nauuwi

para sa alaga kong aso.

32. Sa sobrang sipag ni Juan wala siyang ibang ginawa kundi matulog

maghapon.
33. Sa sobrang talino ni John wala ng nakakaintindi sa kanya.

34. Saksi ako kung paanong umusok ang ilong ni Aling Delia sa galit.

35. Si Pina ay isang magandang pinya.

36. Si Mang Tony ay parang leon kung magalit.

37. Singlamig ng yelo ang kamay niya dahil sa takot.

38. Siya ay kalabaw na napakasipag mag-araro sa bukid.

39. Ulan! kailan ka darating, mga magsasaka'y nananabik sayo.

40. Alam mo namang ikagagalit ni Martin ginawa mo pa rin, baliw ka ba?

You might also like