Antas NG Kaalaman NG Mga Mag

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 31

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT SAKLAW NITO

Panimula

Isa sa mahalagang katangian ng wika ay ang pagigig likas na dinamiko nito.

Sa pagdaan ng maraming taon, maraming pagbabago rin ang ating nadatnan.

Ang noo’y paggamit ng karaniwang salita ay nasasapawan na ng mga salitang

pilit na itinatago ang simpleng kahulugan. Dulot ng makabagong teknolohiya,

naging mas madali na sa karamihan ang lahat ng bagay maging ang pagbuo at

pagbabahagi ng mga salita at maging sa mga sulatin sa malikhaing paraan.

Malaking impluwensiya ang naidulot ng teknolohiya sa pagpapaunlad ng ating

wika. Sa pag-usbong nito’y kapansin-pansin ang kadalasang paggamit ng mga

tao ng matatalinghagang salita sa pagbuo ng pahayag o pagbabahagi ng

kanilang damdamin o saloobin. Isa na rito ang paggamit ng iba’t ibang uri ng

tayutay. Ang tayutay ang siyang nagbibigay ng bagong timpla sa isang akda,

pahayag at pangungusap. Sa halip na gumamit ng simpleng mga salita,

nararapat lang na sanayin ang sarili sa paglalapat ng mga salitang may

malalalim na kahulugan sapagkat sa paraang ito, nagiging malikhain at nagiging

instrumento ang tao tungo sa kaunlaran ng ating panitikan.

Binigyang kahulugan ni Henry Allan Gleason, isang Amerikanong

linggwistia, ang wika bilang isang balangkas na sistema ng mga tunog na

binibigkas at inayos sa arbitraryong pamamaraan para makabuo ng mga titik na

pagsasama-samahin upang makagawa ng isang salita na maaaring gamitin sa

1
pagpapahayag ng damdamin o saloobin. Dagdag pa nito, ang wika ay isang

mahalagang salik upang magawa o magampanan ng isang indibidwal ang

kanyang gampanin. Ito rin ang pinakaunang instrumenting ginagamit ng ating

utak at damdamin sa pagpapahayag.

Ang paggamit ng tayutay sa isang pangungusap o akda ay isang malaking

tulong upang maging kaakit-akit at mapukaw ang interes ng mga mambabasa na

siyang nagbibigay buhay at mas maging makabuluhan ang resulta ng akda.

Kung minsan ang makata ay may nais ipahayag nang hindi lantad sa mga

mambabasa. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pahiwatig, maaring mga

tanda o matatalinhagang pananalita, ay nasasabi niya nang mahusay ang nais

niyang sabihin (Ranieli, 2011).

Ayon kina Bernales, et al. (2018), totoong sa pang-araw-araw na

buhay,higit na ninanais ng mga karaniwang tao ang mga salitang

karaniwan sa kanilang mga mata at pandinig. Kung maaari nga ayaw na

nilang mag-isip ng kahulugang malalim. Ngunit may mga pagkakataong

kailangan ng sino mang manunulat o mambibigkas na gumamit ng mga

salitang kasasalaminan ng lawak ng kanyang karanasan, ng dami ng mga

nabasa at ng lalim ng kanyang kultura.

Dagdag pa nila, dapat liwanagin sa puntong ito ng pag-aaral na ang

talinghagang binanggit ay ang mismong tayutay rin naman sa ibang lumang

librong mababasa, lalo na sa larangan ng panitikan. Bilang isang uri ng

pagpapahayag, nilalayon ng tayutay ang magbigay ng kabatiran ng isang

abstraktong ideya o idiin ang konsepto sa pamamagitan, kadalasan, ng

2
pagtutumbas ng mga kahulugan at pagpapakahulugan na kagyat na

maiintindihan ng tagatanggap ----- mambabasa man, tagapanood, tagapakinig,

tagatunghay.

Kung gayon, hindi tuwirang lantad ang pagbibigay ng kahulugan ng tayutay,

bagkus ito ay may malalim na kahulugan na kinakailangan ng maiging

pagsusuri, pagpapaliwanag, at pag-intindi.

Kahit gaano man ka dali ang pagpapakahulugan ng mga uri ng tayutay,

hindi talaga naiiwasan ang pagkalito sa kung anong uri ang ginamit sa katha.

Batay sa karanasan ng mga mananaliksik, ang pagkalito ang sanhi ng pagkamit

ng mababang marka sa pasulit. Ayon sa isinagawang pag-aaral ni Sembiring, V.

B. (2020), “Analysis of Student’s Ability in Identifying Figurative Language in

Mariah Carey’s Songs”, karamihan sa mga mag-aaral ng ikalabing-isa baitang ng

SMA Swasta GKPI Padang Bulan Medan ay nagkaroon ng mga problema o

kalituhan ng pagkakaiba sa pagitan ng metapora at personipikasyon sa pagtukoy

ng matalinghagang salita sa mga liriko ng mga kanta ni Mariah Carey.

Malaki rin ang naging impluwensiya ng makabagong teknolohiya sa

larangan ng panitikan. Mas napapadali nito ang paghatid ng makabagong aral

hinggil sa masining na paggamit ng wika. Sa kasalukuyan, napapansin ang

madalas na paggamit ng mga tao sa matatalinghagang salita lalo na’t ang

paggamit nito’y nagbibigay ng bagong panlasa sa akda. Kahit saan man

magpunta ay makakabasa at makakarinig ang mga tao ng mga pahayag na

nilalapatan ng matatalinghagang salita na siya ring tulay upang gayahin ang

malikhaing paraan na ito.

3
Ayon naman kina Purcell, Buchanan, at Friedrich na nagsagawa ng survey

sa 2, 462 Advanced Placement ang National Writing Project. Binanggit sa pag-

aaral na mayroong positibong resulta talaga na naidudulot ang paggamit ng

digital tools sa kasanayang pagsulat ng mga mag-aaral. Ang mga guro ay

nagsabi na ang internet at digital technologies tulad ng social networking sites,

cellphones at texting ay nakatutulong sa sariling pagpapahayag at

pagkamalikhain tungo sa pagpapalawig ng kanilang kasanayan sa pagsulat.

Ang wika ay sadyang makapangyarihan at nagbabago. Dahil sa

makabagong panahon at dahil sa naglipana na ang mga makabagong

teknolohiya, dala nito’y makabagong impluwensiya sa tao. Napapadali nito ang

pagtangkilik ng makabagong istilo o pamamaraan ng paggamit ng wika. Mapa –

anyong pasalita o pasulat man ay tinatangkilik na ng karamihan ang paggamit ng

matatalinghagang salita katulad ng tayutay marahil sa ito’y madaling

nakakapang-akit at nakakapukaw sa damdamin ng tao at hindi rin maitatanggi

ang malaking ambag nito sa kaunlaran ng bansa sa larangan ng panitikan. Ang

paggamit ng mga tayutay at matatalinghagang mga salita ay nakatutulong nang

sa gayon ay mapanatiling buhay ang wkang Filipino na siyang sumasalamin sa

ating pagkakakilanlan. Hindi maitatanggi na ang wika ay likas na nagbabago

ngunit nawa’y hindi ito maging sanhi na mabaon sa limot ang katutubong paraan

ng pagsulat at pananalita sa Filipino. Ang pagiging malikhain sa pasulat o

pananalitang pamamaraan ay itinuturing na masining at nakpaghahasa ng ating

pangkaisipang kakayahan.

4
Ang mga nakasaad sa ibabaw ang nag-udyok sa mga mananaliksik na

magsagawa ng isang pag-aaral upang malaman ang antas ng kaalaman sa

pagtukoy ng uri ng tayutay ng mga mag-aaral sa una, ikalawa, ikatlo at ikaapat

na taon sa Kursong Batsilyer ng Sekundaryang Edukasyon Medyor sa Filipino ng

College of Teacher Education sa Bohol Island State University, Candijay

Campus. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay sa mga mag-

aaral na may pagpapahalaga sa pagiging matalinghaga at malikhain sa pagbuo

ng mga sulatin gamit ang ating sariling wika.

Batayang Literatura

Ang pag-aaral ni Algene Comoda (2016), na pinamagatang “Ang Antas ng

Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo ng Pangangakal sa Bukidnon State

University sa Pag-aaral ng mga Matatalinghagang Salita” sa ibang salita ang

paggamit ng patalinghagang pagpapahayag ay magiging kaakit-akit ang isang

katha sa mata ng mga tao. Makahahasa sa isipan ng tao sa pamamagitan ng

pag-iisip ng mga ibig ipakahulugan ng mga katha at hindi ang literal na

kahulugan ng matalinghagang salita.

Ang isang bansa ay may isang wika na siyang pagkakakilanlan nito. Wala

ang isang bansa kung wala ang tao, ang tao na kumukumpleto sa isang bansa

gamit ang kanilang sariling kultura, paniniwala, at wika. Sa araw-araw na

pakikisalamuha sa iba’t ibang tao, may iba’t-ibang pagpapakahulugan ang bawat

isa sa kanya-kanyang kilos, gawi, at kung ano ang nais ipahiwatig sa kapwa.

Kung kaya’t ang isang wika ay sining dahil maaaring gawing maganda o naka-

5
aakit ang isang wika sa pamamagitan ng pagpapahayag sa paraang pasulat o

pasalita.

May lipon ng mga salita na bumuo sa wika na siyang nag-uugnay at nag-iisa

sa mga tao sapagkat nagsisilbing daan ang wika sa pagkakaunawaan at

pagkikilanlan sa landas na kinabibilangan ng bawat isa. Tunay ngang kailangan

ng isang tao ang wika lalong-lalo na sa pagsasalita at pagsusulat upang maging

daan ng pagpapahayag ng kanyang ideya, saloobin, paniniwala at nadarama. Sa

pagpapahayag ng mga saloobin o nadarama ang tao’y maaaring gumamit ng

matatalinghagang salita o mabulaklaking mga tanaga na siyang nagpapaganda

sa pandinig ng mga nakikinig at nagpapaganda sa mata ng mga mambabasa.

Alinsunod sa kahirapan sa pag-unawa ng mga tula dahil sa matalinghagang

wika na ginamit, ayon kay Mahmood (2014) na ang matalinghagang wika ay

isang uri ng wika na gumagamit ng mga salita o parirala na naiiba sa literal na

kahulugan. Ang matalinghagang wika ay ginagamit sa anumang anyo ng

komunikasyon, tulad ng sa pang-araw-araw na pag-uusap, mga artikulo sa

pahayagan, patalastas, nobela, tula at iba pa. Gumamit ang isang

tagapagsalita/manunulat ng matalinghagang wika upang itago ang karaniwang

denotasyon ng mga salita.

Ang tao ang siyang pinakamatalino sa lahat ng nilikha ng Maykapal. Kung

kaya’t sa kanilang pagpapahayag, sa anyong pasalita o pasulat ay nilalagyan

nila ito ng sining na siyang nagtatago ng kahulugan sa bawat salaysay na

kanilang inihahayag sa pamamagitan ng mga salitang matatalinghaga. Sa

pagtago o paglayo ng kahulugan ng mga tayutay o matalinghagang salita ay

6
siyang nagpapagana sa isip ng tao, guni-guni, at imahinasyon. Hindi lang

nagpapagana sa isip ng mga tao, kundi nagpapagandarin sa mga katha na

siyang nagpapaakit nito. Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa at

maayos na paraan ng pagpapahayag gamit ang matatalinghagang salita,

nararapat na paunlarin niya ang kanyang kahusayan at kasanayan sa paggamit

ng mga matatalinghagang salita. Ang mga salitang ito ang magiging gabay ng

isang tao sa pag-unawa ng matatalinghagang salita tulad ng tayutay.

Batay sa artikulo na “Investigating the Difficulties Faced in Understanding

English Idioms” ni Salameh, F. A. (2012), isa sa mga suliranin ng mga mag-aaral

sa matatalinghagang salita ay ang pag-unawa sa ibig ipakahulugan ng

matatalinghagang salita, dahil sa mga mabulaklaking salita hindi madaling

maunawaan o makuha ng mga mag-aaral ang kahulugan ng matatalinghagang

salita sa isang tinginan o basahan lamang. Ang mananaliksik ay may suliranin

din sa pag-aaral ng matatalinghagang salita kung kaya’t nagbigay din ito ng

dahilan upang pag-aralan ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa pag-

aaral ng matatalinghagang salita at alin sa mga ito ang lubos nilang natutunan.

Ayon naman sa pag-aaral nina Wambu (2012), napatunayan na ang mga

mag-aaral ay mababa ang kakayahan sa pagkilala at magbigay paliwanag sa

mga katuturan, ang paggamit ng terminolohiya na kalimitang ginagamit sa

pagsagawa ng pag-aanalisa ng panitikan tulad ng tula at maikling kuwento.

Iminumungkahi ng pag-aaral na mabawasan o maiwasan ang kahirapan sa

pagsusuri sa mga mag-aaral.

7
Sa magkatulad na pag-aaral na isinagawang pananaliksik ni Salameh

(2012) na pinamagatang "Some Problems Students Face in English Poetry in

Jordan: A Corpus-DrivenStudy of Students’ Responses", mahigit na apatnapu’ng

bahagdan (40%) na mga mag-aaral na mayroong mababang antas sa pagsusuri

ng retorika, at tayutay. Lumabas na mahina ang kanilang kakayahan sa pag-

unawa sa talinghaga ng tula dahil ayon sa kanila, kailangang nagtataglay ng

malawak na pag-iisip ang isang indibidwal upang lubos na maunawaan ang

talinghagang taglay ng isang tula.

Sa magkasalungat na resulta ng pag-aaral na isinagawa ni Sembiring

(2020), ”Analysis of Student’s Ability in Identifying Figurative Language in Mariah

Carey’s Songs”, ang matalinghagang wika ay isang paraan ng paghahatid ng

mga salita maliban sa karaniwang paraan. Nakakatulong ito sa mga manunulat

ng kanta na bumuo at gumawa ng magagandang kanta. Ang matalinghagang

wika ay bahagi ng semantika. Ang semantiko ay ang pag-aaral ng kahulugan na

ginagamit upang maunawaan ang pagpapahayag ng tao sa pamamagitan ng

wika. Sa pamamagitan ng semantiko malalaman natin ang totoo o aktwal na

kahulugan sa isang kanta. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mahanap ang

kakayahan ng mag-aaral sa pagtukoy ng mga uri ng matalinghagang wika at ang

mga kahulugan nito sa mga liriko ng napiling kanta ni Mariah Carey.

Deskriptibong pamamaraan ang ginamit sa pag-aaral na ito. Ang instrumento sa

pangangalap ng datos ay mga tanong sa pagsusulit na binubuo ng 12

katanungan. Sa pananaliksik na ito, ang respondente ay ika-11 baitang klase ng

SMA Swasta GKPI Padang Bulan na binubuo ng 28 mag-aaral. Ang resulta ng

8
pagsusuri ng datos ay nagpapakita na ang average na iskor ng mga mag-aaral

ay 76, ang pinakamataas na marka ay 92, habang ang pinakamababang iskor ay

50. Mayroong 4 na mag-aaral, (14,3%), kabilang sa napakahusay na antas at 21

mag-aaral ( 75 %), kabilang sa mahusay na antas at mayroong 3 mag-aaral,

(10,7%), kabilang sa sapat na antas.

Ang mga tayutay ay karaniwang nakikitungo sa mga sasakyan na

pangunahing gumagawa ng mas maganda at epektibong pagpapahayag ng

wika. Sa tradisyonal na paraan, ang mga kagamitang ito ay inilarawan bilang

palamuti sa tradisyonal na paraan ng pagsusuri sa tula. Ang may-akda sa tula,

gamit ang mga kagamitang ito; metapora, larawan, simbolo, personipikasyon, at

iba pa ay maaaring maghatid ng mensahe nang hindi direkta sa mga

mambabasa. Dahil dito ang wika ay nagiging konotatibo o referensyal. Habang

tinitingnan ang mga anyo na ito ng talumpati mula sa pananaw ng linggwistika,

makikitang puno sila ng mga tampok ng wika. Ayon naman sa pananaw ni

Gautam (2014), ang tayutay ay “Isang paraan ng pagpapahayag na hindi direkta

sa literal nitong kahulugan. Nagbibigay ito ng mga karagdagang istilo sa

paggamit ng wika kung saan naghahayag ng isang bagay sa pamamagitan ng

pag-uugnay nito sa iba pa.

Ang tayutay ay mga pahayag na ginagamit ng makata o manunulat man

upang sadyang ilayo sa karaniwang paggamit ang mga salita nang sa gayon ay

nagkakaroon ito ng hindi lantad o nakatagong kahulugan. Natutulungan nitong

maging masining, maganda at malalim ang kahulugan ng isang akda.

9
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga uri ng tayutay at ang kahulugan

nito na pinagtutuonan ng pansin ng mga mananaliksik. Una, Pagmamalabis,

ayon kay Ranieili (2011), ito ay lampas-lampasang pagpapasidhi ng kalabisan o

kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang

katangian, kalagayan o katayuan. Pag-uyam o Ironiya, ayon kay Ranieili (2022),

gumagamit ito ng pag-uyam sa pamamagitan ng mga salitang parang pumupuri

o dumadakila. Subalit ang tunay na layunin nito ay mangutya ayon sa himig o

paraan ng pagkakasabi. Maaaring ang ironya ay sa isang pahayag o sa kabuuan

ng tula. Pagwawangis, ayon ulit kay Ranieili (2011), ito ay naghahambing ng

dalawang magkaibang bagay sa tuwirang paraan paraan. Hindi na ito

gumagamit ng mga salitang pantulad. Pagsasatao: Paggamot isang bagay na

walang buhay bilang tao o kinakatawan ito sa anyong tao i.e. (tao katangian at

damdamin) ay personipikasyon. At ang panghuli ang Pagtutulad, ayon kay

Ranieili (2011), ito ay simple at lantad na paghahambing ng dalawang

magkaibang bagay (tao sa hayop, tao sa bagay, kalagayan sa bagay. atbp.

Ginagamitan ito ng mga salitang pantulad tulad ng mga sumusunod: tulad ng,

mistulang, kamukha ng, tila, parang, anaki’y, gaya ng, kawangis, mala.

Nakatuon ang teoryang Constructivism ni Jean Piaget sa kung paano

gumagawa ng kahulugan ang mga tao kaugnay ng pakikipag-ugnayan sa

pagitan ng kanilang mga karanasan at ng kanilang mga ideya. Ibig sabihin ang

lahat ng mabasa, makita, marinig, maramdaman, at madama mo sa dati mo

nang alam, at kung makabuluhan ito sa iyong pangkaisipang diwa ay maaaring

bumuo ng bagong kaalaman. Sa pag-uugnay ng teoryang constructivism sa

10
pagkatuto sa asignaturang Filipino, ang mga mag-aaral ay makabubuo ng

kanilang sariling pagpapakahulugan gamit ang dating kaalaman o karanasan na

magagamit at maiiugnay sa mga gawain, pasulat man o pasalita.

Sa teoryang Innative ni Noam Chomsky, pagkatuto ng wika ay batay sa

paniniwalang lahat ng bata ay ipinanganak na may “likas na salik” sa pagkatuto

ng wika. Ibig sabihin ang kakayahan ng tao sa pagkatuto ng wika at ay likas na

umuunlad sa pakikipag-interaksyon sa kapaligiran.

Sa teoryang Cognitivism ni Jean Piaget, ang wika ay isang aspekto sa

intelektwal debelopment/ pag-unlad ng bata. Kailangang maintindihan ng bata

ang konsepto bago niya makuha ang particular na salita/wika na

magpapaliwanag tungkol sa konseptong gusto niyang buuin. Ang pagkatuto ng

wika ay isang prosesong dinamiko kung saan ang nag-aaral ng wika ay palaging

nangangailangang mag-isip at gawing may saysay o makabuluhan ang bagong

tanggap na impormayon, alamin ang pumapailalim sa tuntunin, at mailapat ang

mga ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap.

Nakasaad sa 1987 Philippine Constitution, Artikulo XIV, Seksyon 6, ang

wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat

payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba

pang mga wika. Maraming likhang sining ang Pilipinas tulad ng mga tula,

maikling kwento, alamat, nobela at iba pa gamit nito ang wikang Filipino at iba

pang wika na umiiral sa ating bansa. Malaki ang ambag nito sa ating kamalayan

at kasaysayan, kaya't nararapat lamang itong payabungin at pagyamanin.

11
Dagdag pa sa 1987 Philippine Constitution, Artikulo XIV, Seksyon 15 ,

dapat tangkilikin ng Estado ang mga sining at panitikan. Bahagi ng panitikan ang

pagiging masining sa pasulat o pasalitang paraan. Dapat pangalagaan, itaguyod

at ipalaganap ng Estado ang pamamaraang historikal at kultural kung saan dito

napapanatili ang mga pinagkukunang inspirasyon sa mga likha at mga

kayamanang artistiko ng bansa.

Sa pahayag ng 1987 Philippine Constitution, Artikulo XIV, Seksyon 18, (2)

dapat pasiglahin at tangkilikin ng Estado ang mga pananaliksik at mga pag-aaral

tungkol sa mga sining at kultura. Isinasaad sa batas na upang mas lalo pang

mapaunlad ang mga sining at kultura ng bansa, nararapat lamang na gawan ng

pag-aaral ang mga ito upang matukoy ang sanhi at bunga at kalakasan at

kahinaan ng sining at kultura at nang magawan ng solusyon upang mapasigla

muli ang mga ito. Bahagi ng pagpapaunlad ng mga sining at kultura ang

panitikan ng bansa na siyang nagbibigay aliw at aral sa mga tagapakinig at

mambabasa. Upang mahikayat ng mga manunulat ang mga mambabasa,

nararapat lang na bigyan ng makabuluhang timpla ang kanilang mga katha sa

pamamagitan ng paghalo ng mga matatalinghagang salita na pumupukaw sa

puso’t isipan ng mga mambabasa at tagapakinig.

12
1987 Philippine Constitution, Artikulo
XIV, Seksyon 6
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nililinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa
salig sa umiiral na mga wika ng
Pilipinas at sa iba pang mga wika.
1987 Philippine Constitution, Artikulo
XIV, Seksyon 15
Dapat tangkilikin ng Estado ang mga
sining at panitikan. Dapat
pangalagaan, itaguyod at ipalaganap
ng Estado ang pamamaraang historikal
at kultural at ang mga likha at mga
kayamanang artistiko ng bansa.
1987 Philippine Constitution, Artikulo
XIV, Seksyon 18
Dapat pasiglahin at tangkilikin ng
Estado ang mga pananaliksik at mga
pag-aaral tungkol sa mga sining at
kultura. Isinasaad sa batas.

Mag-aaral ng College of Teacher Education sa


Kursong Batsilyer ng Sekundaryang Edukasyon
Medyor sa Filipino
sa Bohol Island State University, Candijay Campus

Profayl ng mga Mag-aaral


Kasarian; at Antas ng kahusayan ng mga mag-
Taon 13 aaral sa pagtukoy sa mga uri ng
tayutay
Tambilang 1. Teoretikal-Konseptwal na Balangkas

ANG SULIRANIN

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matuklasan ang antas ng kaalaman

sa pagtukoy ng ginamit na piling uri ng tayutay ng mga mag-aaral sa una

hanggang ikaapat na taon ng College of Teacher Education sa Kursong Batsilyer

ng Sekundaryang Edukasyon Medyor sa Filipino sa Bohol Island State

University, Candijay Campus sa Unang Semestre ng taong panuruan 2022-2023.

Ang tiyak na mga katanungan na nilayong sagutin ng mga mananaliksik

ay ang mga sumusunod:

1. Ano ang profayl ng mga mag-aaral ayon sa :

1.1 Kasarian

1.2 Edad; at

1.3 Taon?

2. Ano ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagtukoy ng uri ng tayutay?

3.May kaugnayan ba ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagtukoy sa

mga uri ng tayutay ayon sa:

3.1 Kasarian;

3.2 Edad; at

3.3 Taon?

14
Null Haypotesis

Walang kaugnayan ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa

pagtukoy ng uri ng tayutay ayon sa:

1.1 Kasarian

1.2 Edad; at

1.3 Taon

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagtukoy ng kung anong uri

ng tayutay ang ginamit sa isang pangungusap o akda ay mahalagang bagay na

dapat pagtuonan ng pansin. Sa pag-aaral na ito, inaasahang makakatulong ito

sa mga sumusunod;

Sa mga Guro. Ang kalalabasan ng pag-aaral na ito ang magsisilbing gabay

tungo sa wastong paggamit at pagtukoy ng mga uri ng tayutay.

Sa mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa kanila upang

mapabuti ang kanilang pag-unawa sa matalinghagang aspeto ng wika habang

inilalantad din sila sa paggamit at pag-unawa at upang makilala nila ng lubos ang

15
mga pamantayan ng iba't ibang uri ng tayutay o matatanghagang salita sa mga

sulatin.

Mga namumuno at mga tagapamahala ng mga paaralan. Ang

kinalabasan ng pag-aaral na ito ay nagsisilbing batayan sa pagtukoy ng

kahinaan at kalakasan ng mga mag-aaral hinggil sa pagkikila sa iba't ibang uri ng

tayutay.

Sa susunod na Mananaliksik. Ito ay magsisilbing patnubay sa

pagsasagawa ng ganitong pag-aaral upang mas mapaunlad at malinang ang

paggamit ng matatalinghagang salita sa pagbuo ng malikhaing sulatin.

16
METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Upang makamit ang layunin sa pag-aaral, ang mga mananaliksik ay

gumamit ng deskriptibo o palarawang pamamaraan na nababatay sa test-

question na metodo. Nilalayon ng pag-aaral na ito na ilarawan ang antas ng

kaalaman ng mga mag-aaral sa pagtukoy ng ginamit na uri ng tayutay sa isang

pangungusap o akda.

Lugar at Respondente ng Pananaliksik

Ang pag-aaral ay isinagawa sa Bohol Island State University Candijay

Campus, Cogtong, Candijay, Bohol. Ito ay matatagpuan sa Silangang bahagi ng

Bohol at tinatayang 96 na kilometro mula sa Tagbilaran City at 5 kilometro mula

sa Poblacion ng Candijay. Ang paaralan na ito ay isa sa mga sangay ng State

University sa Bohol.

Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa una

hanggang ikaapat na taon ng Kolehiyo ng Edukasyon medyor sa Filipino ng

Bohol Island State University sa taong panuruan 2022-2023. Ang bilang ng mag-

aaral sa unang taon ng Kolehiyo ng Edukasyon na kumuha sa kursong Batsilyer

ng Secondaryang Edukasyon (BSED) medyor sa Filipino ay dalawampu’t isa

(21), sa ikalawang taon naman ay may apatnapu’t limang (45) mag-aaral, sa

17
ikatlong taon naman ay may tatlumpu’t tatlo (33) at sa ikaapat na taon ay may

tatlumpu’t isang (31) mag-aaral ng Kolehiyo ng Edukasyon na kumuha sa

kursong Batsilyer ng Secondaryang Edukasyon (BSED) medyor sa Filipino. Ito

ay may kabuuang isang daan at tatlumpong mga respondenteng mag-aaral.

Medyor sa LALAKI BABAE KABUUAN

Filipino

Unang taon 1 19 20

Ikalawang taon 3 41 44

Ikatlong taon 1 32 33

Ikaapat na taon 1 27 28

Kabuuan 6 119 125

Talahanayan II. Distribusyon ng mga Respondente

Makikita sa tambilang 2 ang mga respondente sa gagawing pananaliksik

na kung saan may walong (8) na lalaking mag-aaral at isang daan at

dalawampu’t dalawa (122) na babaeng mag-aaral sa una hanggang ikaapat na

taon sa kursong Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon medyor sa Filipino ng

College of Teacher Education na may kabuuan na isang daan at tatlumpong

mag-aaral (130).

Instrumento sa Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gumagamit ng talatanungan (questionnaire) na

siyang pinagkukunan ng mga datos para sa pag-aaral na ito. Ang talatanungan

18
ay binubuo ng dalawang bahagi na may tiyak na layunin na dapat makamit. Ito

ay listahan ng mga tanong upang makuha ang kinakailangang impormasyon ng

mga mananaliksik sa pag-aaral. Ito ay ipinasuri at iniwasto ng tagapagpayo.

Ang unang bahagi ay tungkol sa profayl ng mga mag-aaral ayon sa

kasarian, edad at taon. Ang ikalawang bahagi ay tungkol sa antas ng kaalaman

ng mga mag-aaral sa pagtukoy ng uri ng tayutay.

Pagkuha ng mga Datos

Ang mananaliksik ay humihingi ng pahintulot sa lupon ng pananaliksik ng

College of Teacher Education upang maipamahagi ang mga talatanungan sa

mga mag-aaral. Ang talatanungan ay ipinamahagi online ng mga mananaliksik

sa mga respondente sa pamamagitan ng Google Form at pagkatapos sagutin, ito

ay kinalap online ng mga mananaliksik. Ang kasagutan at mga datos na naging

resulta ay itinatala at isinasaayos sa mga talahanayan para sa

pagpapakahulugan.

19
KATUTURAN NG MGA TERMINONG GAMIT

Ang sumusunod na mga terminong teknikal ay pinagbigyan ng

katuturan batay sa paggamit nito sa pag-aaral upang maiwasan ang kalabuan o

maling interpretasyon ng buong konspeto ng pananaliksik.

Antas – tumutukoy kung gaano kahusay ang mag-aaral sa pagtukoy ng uri ng

tayutay.

Kaalaman – kakayahan ng mga mag-aaral sa pagtukoy ng uri ng tayutay.

Tayutay – ang nilalayong matukoy ng mga rspondntng mga mag-

aaral.matatalinghagang salita o pahayag na ginagamit upang mas mapaganda

ang paraan ng pagsasalaysay o paglalarawan sa isang malikhaing akda.

Pagtutulad – uri ng tayutay na naghahambing sa dalawang bagay. Ginagamit sa

paghahambing o pagtutulad ang salitang: tulad ng, kagaya ng, parang,atbp.

Pagwawangis – uri ng tayutay na katulad ng simili ngunit ito’y hindi gumagamit

ng mga salitang tulad ng, kagaya ng, parang,atbp.

20
Pagsasatao – uri ng tayutay na gumagamit ng katangian ng tao upang i-ugnay

sa hayop, ibon, mga bagay at mga katangian rin.

Pagmamalabis – uri ng tayutay na nagpapahayag ng ibayong matindi kaysa sa

katotohanan o lagpas sa maaaring mangyari.

Pag-uyam – uri ng tayutay na nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng

mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita

ngunit kabaliktaran ang kahulugan nito.

Mag-aaral – ang mga mag – aaral sa Kursong Batsilyer ng Sekundaryang

Edukasyon Medyor sa Filipino ng College of Teacher Education na nagiging

respondente sa pagsasagawang pag-aaral.

21
Republika ng Pilipinas
BOHOL ISLAND STATE UNIVERSITY
Candijay Campus
Cogtong, Candijay, Bohol

TALATANUNGAN
ANTAS NG KAALAMAN NG MGA MAG-AARAL SA PAGTUKOY NG URI
NG TAYUTAY
1.Profayl

Pangalan: (optional) Kasarian:

Taon: Edad:

II. Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral sa pagtukoy ng uri ng tayutay.

Panuto: Basahin nang mabuti at tukuyin ang wastong uri ng tayutay na

ginamit sa bawat pangungusap na nasa ibaba. Bilugan ang titik ng tamang

sagot.

22
1. Abot tainga ang ngiti ng binata nang mapasagot niya ang dalaga.
a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

2. Ang aking ama ay tunay na haligi ng tahanan.


a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

3. Ang buhok ni Annie ay kasing itim ng uling.


a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

4. Ang kamao ni Felipe ay bakal na dumampi sa aking bisig.


a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

5. Ang kulay ng balat ni Eva ay parang gatas sa puti.


a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

6. Ang kutis niyang porselana.


a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis

23
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

7. Ang mga bituin ay kumikindat sa atin mula sa malayo.


a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

8. Ang mga ibon ay nag-aawitan sa bungad ng kagubatan.


a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

9. Ang sipag mag-aral ng anak mo palaging siyang bumabagsak sa pasulit.


a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

10. Bumaha ng luha sa burol ng mag-inang naaksidente.


a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

11. Bumuhos ang isang baldeng luha ng binata nang siya'y iwan ng kanyang
kasintahan.
a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

12. Nakadapa ang mga puno sa lakas ng bagyo.


a. Pagmamalabis

24
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

13. Hinaplos ng hangin ang aking pisngi.


a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

14. Kasing tigas na ng bato ang puso ni Ali nang ito'y iwan ni Allan
a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

15. Katulad ng pait ng ampalaya ang naging buhay ni Carlo sa bilangguan.


a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

16. Mabait ang aming kapitbahay kasingbait niya si Hudas.


a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

17. Matapang si Ruben kapag natutulog.


a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

18. May maganda kang mukha na tanging iyong ina ang humahanga.

25
a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

19. Nabiyak ang kaniyang dibdib sa sobrang pagdadalamhati.


a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

20. Naging malamig ang ihip ng hangin dahil biglang nalungkot ang mga ulap
sa langit.
a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

21. Nagkalat ang mga basura sa dalampasigan kaya't nagalit ang kalikasan.
a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

22. Nahiya ang bulkan, palagi itong nagtatago sa mga ulap.


a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

23. Namuti ang buhok ni Marie sa tagal nang pagdating ni Albert.


a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

26
24. Natuwa ang mga bulakalak dahil araw-araw silang dinidiligan.
a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

25. Nilakad ko ang sampung bundok makita ka lang.


a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

26. Sa sobrang sarap ng luto sa karinderya nila, marami akong nauuwi para
sa alaga kong aso.
a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

27. Sa sobrang sipag ni Juan wala siyang ibang ginawa kundi matulog
maghapon.
a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

28. Sa sobrang talino ni John wala ng nakakaintindi sa kanya.


a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

29. Saksi ako kung paanong umusok ang ilong ni Aling Delia sa galit.
a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao

27
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

30. Si Jasil ay kilos kabayo kaya hindi siya nahuhuli sa klase.


a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

31. Si Mang Tony ay parang leon kung magalit.


a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

32. Si Pina ay isang magandang pinya.


a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

33. Singkapal ng diksyunaryo ang mukha ng kabit ni Mario.


a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

34. Singlamig ng yelo ang kamay niya sa takot.


a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

35. Siya ay isang Agila, mataas na ang narating sa buhay.


a. Pagmamalabis

28
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

36. Siya ay kalabaw na napaka sipag mag-araro sa bukid.


a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

37. Siya ay Rosas ng aking buhay.


a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

38. Susungkitin ko ang mga bituin mapatawad mo lang ako.


a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

39. Taglay ni Karen ang boses ng anghel sa tuwing nagtatakip ng tainga ang
lahat.
a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

40. Tila parang isang rosas ang ganda niya.


a. Pagmamalabis
b. Pagsasatao
c. Pagwawangis
d. Pag-uyam
e. Pagtutulad

29
SANGGUNIAN

Ang konstitusyon ng Republika ng


Pilipinas,1987.Officialgazette.https://www.officialgazette.gov.ph/
constitutions/ang-konstitusyon-ng-republika-ng-pilipinas-1987/
Carston, R. (2018). Figurative language, mental imagery, and
pragmatics. Metaphor and Symbol, 33(3), 198-217.
Comoda, Algene (2016). Ang Antas ng Pagkatuto ng mga Mag –aaral sa
Kolehiyo ng Pangangalakal sa Bukidnon State University sa Pag-aaral ng
mgaMatatalinghagangSalita.Academia.https://www.academia.edu/423476
11/
Ang_Antas_ng_Pagkatuto_ng_mga_Mag_aaral_sa_Kolehiyo_ng_Pangan
galakal_sa_Bukidnon_State_University_sa_Pag_aaral_ng_mga_Matatalin
ghagang_Salita
Gautam, K. R. (2014). Figures of speech in Flax-Golden tales. An unpublished
M.Ed. thesis. Sapta Gandaki Campus, T.U.
Hatice J. (2021). Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino.
https://www.slideshare.net/JANICEHATICE/mga-teorya-sa-pagkatuturo-
at-pagkatuto-ng-wika-sa-filipino
Khairunisa, N., Diergeyasa, I. W., & Putri, C. A. (2020). Figurative Language in
Amir Hamzah’S Poems. Linguistica, 9(1), 258-266.
Lumacad, Carla Cai (2022).Tayutay Pananaliksik.https://pdfcoffee.com/tayutay-
pananaliksik-pdf-free.html

Ozer, O. (2004).The Fountain Magazine - Issue - CONSTRUCTIVISM in Piaget


and Vygotsky.
http://www.fountainmagazine.com/Issue/detail/CONSTRUCTIVISM-in-
Piaget-and-Vygotsky.
Purcell, K., Buchanan, J., & Friedrich, L. (2013). The impact of digital tools on
student writing and how writing is taught in schools. Washington, DC: Pew
Research Center, 16.
Ranieili, (2011). Ang Paggamit ng
Tayutay.http://ranieili2028.blogspot.com/2011/10/ang-paggamit-ng-
tayutay.html

30
Regmi, L. R. (2014). Analysis and use of figures of speech. Journal of NELTA
Surkhet, 4, 76-80.
Salameh, F. A. (2012, April). Some problems students face in English poetry in
Jordan: A Corpus-driven Study of Students' Responses. In International
Forum of Teaching and Studies (Vol. 8, No. 2, p. 41). American Scholars
Press, Inc..
Saleh, N., & Zakaria, N. (2013). Investigating the difficulties faced in
understanding, and strategies used in processing, English idioms by the
Libyan students. International Journal of English Language and
Translation Studies, 1(2), 69-90.
Sembiring, V. B. (2020). ANALYSIS OF STUDENT’S ABILITY IN IDENTIFYING
FIGURATIVE LANGUAGE IN MARIAH CAREY’S SONGS. JURNAL
BASIS, 7(1), 101-110.
Wambu, (2012). Depinisyon Ng
Terminolohiya.Scribd.https://es.scribd.com/document/324307454/Depinisy
on-Ng-Terminolohiya

31

You might also like