Professional Documents
Culture Documents
AP Exam Q1 Final
AP Exam Q1 Final
1. Ang soberanya ay isa sa mga salik na bumubuo sa isang bansa. Alin sa mga
sumusunod ang nagsasaad ng pagkakaroon ng soberanya ng isang lugar?
A. Ang kalayaan ng lugar ay nakasalalay sa desisyon ng katabing lugar.
B. kayang magpatupad ng mga programa ayon sa utos ng karatig lugar.
C. May pamahalaang pinamumunuan ng mga galing sa mas mauunlad na lugar.
D. May sariling programa at may pamahalaang namamahala sa nasasakupan.
2. Ang isang lugar ay hindi basta-bastang masasabing isang bansa. Kailan lamang
maituturing na bansa ang isang lugar?
A. may taong naninirahan
B. may sariling pamahalaan
C. may mamamayan, pamahalaan at teritoryo
D. may mamamayan, teritoryo, pamahalaan at soberanya
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naglalarawan sa mga taong naninirahan sa isang
bansa? A. may iisang kultura
B. magkakatulad ang paniniwala
C. may iisa o pare-parehong wika
D. magkakaiba ng lahi at pamana
7. Ang Pilipinas ay maituturing na bansa dahil ito ay may sariling pamahalaan. Sino ang
namumuno sa pamahalaan ng Pilipinas?
A. Gobernador
B. Presidente
C. Prime Minister
D. Senador
11. Ang kaugnay na lokasyon ng bansa ay ang lokasyon ayon sa kinalalagyan ng mga
katabi o kalapit nitong lugar. Anong direksyon ang ginagamit upang malaman ang
kaugnay na lokasyon ng isang lugar?
A. mismong direksyon
B. pangalawang direksyon
C. pangalawa at pangunahing direksyon
D. pangunahing direksyon
13. Ano ang taguri sa Pilipinas ayon sa kinalalagyan nito sa Pasipiko at bilang bahagi ng
Asya? A. Bayang Magiliw
B. Lupang Pangako
C. Perlas ng Silangan
D. Pintuan ng Asya
15. Ang bansang Pilipinas ay napapalibutan ng iba’t ibang bansa. Alin sa mga
sumusunod na bansa ang pinakamalapit sa hilaga ng Pilipinas?
A. China
B. Japan
C. North Korea
D. Taiwan
16. Ang north arrow ay isa sa mga panandang ginagamit o matatagpuan sa mapa. Alin
sa mga direksyon ang itinuturo nito?
A. Hilaga
B. Kanluran
C. Silangan
D. Timog
18. Maraming isla ang nakapalibot sa bansang Pilipinas. Saang banda ng Pilipinas
matatagpuan ang Mariana Island?
A. Hilaga
B. Kanluran
C. Silangan
D. Timog
19. Alin sa mga sumusunod na bansa ang HINDI matatagpuan sa kanluran ng Pilipinas?
A. Vietnam
B. Laos
C. Thailand
D. Indonesia
20. Alin sa mga sumusunod na anyong tubig ang makikita sa silangan ng bansang
Pilipinas? A. Dagat Pilipinas
B. Dagat Celebes
C. Karagatang Pasipiko
D. Dagat ng Brunei
21. Saang bahagi ng kontinenteng Asya matatagpuan ang Pilipinas? A. Hilagang-Kanlurang Asya
B. Hilagang-Silangang Asya
C. Timog-Kanlurang Asya
D. Timog-Silangang Asya
23. Anong artikulo sa Saligang Batas 1987 ang naglalahad sa pambansang teritoryo ng Pilipinas?
A. Artikulo 3 ng Saligang Batas ng 1987 B. Artikulo 4 ng Saligang Batas ng 1987 C.
Artikulo 1 ng Saligang Batas ng 1987
D. Artikulo 2 ng Saligang Batas ng 1987
26. Kung ikukumpara sa ibang bansa, ang Pilipinas ay maituturing na mas malaki sa
mga ito. Ilang beses na mas malaki ang ating bansa kung ihahambing ito sa sa Belgium,
Denmark, at Holland? A. 7
B. 8
C. 9
D. 10
27. Ang Pilipinas ay may sariling teritoryo na binubuo ng mga pulo. Humigit-kumulang na
ilang pulo ang bumubuo rito?
A. 7,641
B. 7 ,761 C. 7 ,861
D. 7 ,961
28. Bukod sa mga bansa, mayroon ding mga katubigang nakapalibot sa Pilipinas. Anong
anyong tubig ang makikita sa hilagang bahagi ng Pilipinas?
A. Bashi Channel
B. Karagatang Pasipiko
C. Dagat Celebes sea
D. Dagat Kanluran
29. May mga teritoryo na kabilang sa hurisdiksyon ng teritoryo ng Pilipinas. Alin sa mga
sumusunod ang hindi kabilang rito?
A. kalawakan
B. katubigan
C. himpapawirin
D. dagat teritoryal
30. Ang isang bansa ay mayroong kani-kaniyang nasasakupan. Ano ang tawag sa
nasasakupan ng isang lugar?
A. lawak
B. teritoryo
C. kalupaan
D. katubigan
31. May iba’t ibang pag-aaral tungkol sa mga bagay-bagay sa ating kapaligiran. Anong
uri ng pagaaral ang tumatalakay sa katangiang pisikal ng lugar tulad ng lokasyon, hugis,
sukat, lawak at klima?
A. arkeolohiya
B. heograpiya
C. pisika
D. agham
34. Ang pamahalaan ay kalimitang hirap na maiparating ang tulong pangkalusugan, pang-
edukasyon at pangkabuhayan sa mga liblib na lugar. Alin sa mga sumusunod ang maaaring
dahilan nito?
A. kakulangan sa kaalaman
B. pag-aatubili ng nga opisyales ng gobyerno
C. kakulangan ng maayos at sementadong daan at elektrisidad
D. walang oras o panahong iginugugol sa mga iba’t ibang proyekto
35. Dahil sa ganda ng lokasyon ng Pilipinas, ito ay naging sentro ng mga kalakalan partikular ang
mga sumusunod maliban sa isa. Alin dito?
A. komunikasyon
B. produktong imported
C. produktong pangkabuhayan
D. transportasyon
36. Alin sa mga sumusunod ang magandang naidudulot ng pagkakaroon ng maraming bulkan sa
ating bansa sa ating mga taniman?
A. nagpapa-unlad ng turismo
B. napapatag ang mga lupain
C. nagsisilbing atraksiyon sa mga turista
D. nakatutulong sa pagpapataba ng ating mga lupa
38. Alin sa mga sumusunod and napa-uunlad ng mga magagandang anyong tubig at lupa sa
Pilipinas?
A. edukasyon
B. kasaysayan
C. kultura
D. turismo
40. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI angkop na paglalarawan sa katangiang
pangheograpiya o katangiang pisikal ng bansa? A. Hiwa-hiwalay ang mga pulo.
B. May kahirapan sa paglalakbay sa mga pulo.
C. Nagtataglay ito ng maraming pulo.
D. Madaling maiabot ang mga tulong at proyekto sa bawat lugar.
59. Binubuo ng maraming rehiyon ang bansang Pilipinas. Saang rehiyon
matatagpuan ang sentro ng komersiyo ng bansa?
A. Gitnang Luzon
B. Lambak ng Cagayan
C. National Capital Region
D. SOCCSKSARGEN
61. Sa mga nakalipas na taon, parami nang parami ang nararanasang kalamidad ng iba’t
ibang lugar. Ano ang dapat gawin para mabawasan ang epekto ng kalamidad? A.
Magtapon ng basura sa dalampasigan.
B. Gumamit ng dinamita sa paghuli ng isda.
C. Putulin ang mga punongkahoy sa kagubatan.
D. Taniman ng mga punongkahoy ang kabundukan.
63. Ang baha ay ang pagtaas ng tubig sa mga kalupaan. Ano ang nararapat gawin kapag
inaabutan ng baha sa daan?
A. Maglaro sa baha
B. Iwasan ang baha.
C. Lumangoy sa baha.
D. Subukang tawirin ang baha.
64. May iba’t ibang uri ng kalamidad na nararanasan ng mga tao. Anong uri ng
kalamidad ang tinutukoy kapag ang ipinapaalala ay ang pagiging alerto sa usok at amoy
sa bahay? A. baha
B. landslide
C. lindol
D. sunog
65. Dumapa at gumapang papalabas sa bahay. Anong uri ng kalamidad ang tinutukoy ng
paalalang ito?
A. baha
B. landslide
C. lindol
D. sunog
66. May mga lugar sa Probinsya ng Pangasinan na madalas bahain. Ang mga
sumusunod ay kailangang gawin upang maiwasan ang pagbaha sa lugar maliban sa isa.
Ano ito?
A. Paglinis sa mga kanal
B. Pagtapon ng basura kahit saan
C. Pagtanim ng mga punong-kahoy at halaman
D. Pagkakaroon ng tamang lalagyan para sa mga basura
67. Ang pagbaha ay tumutukoy sa pagtaas ng level ng tubig sa mga kalupaan at kalsada.
Ano ang maling pahayag tungkol sa baha?
A. Ang pagbaha ay maaaring makontrol.
B. Ang pagbaha ay pwedeng mapigilan.
C. Ang pagbaha ay hindi maaaring paghandaan.
D. Ang pagbaha ay sanhi ng pagkakalbo ng kagubatan.
68. Ang kalamidad ay may malaking epekto sa buhay ng mga tao sa lugar. Ang mga
sumusunod ang epekto na naidudulot ng kalamidad maliban sa isa?
A. Pagkawala ng mga gamit
B. Pagkamatay ng mga hayop
C. Pagdami ng mapagkakakitaan
D. Pagkawasak ng pangkabuhayan
69. Gumagamit ng kulay ang mga awtoridad sa pagbibigay ng mga flood warning. Ano
ang kahulugan ng RED Flood warning? A. Hindi babaha.
B. Maaaring bumaha ngunit walang kailangang gawin.
C. Maaaring bumaha sa ilang oras kaya kailangang maghanda.
D. Maaaring bumaha ano mang oras kaya kailangang lumikas.
71. Ang katangiang pisikal ng isang bansa ay nakatutulong sa pag-unlad nito. Alin sa
mga sumusunod ang nagsasaad ng kahalagahan ng katangiang pisikal sa pag-unlad ng
isang bansa? A. Maraming isla ang dinarayo ng mga turista.
B. Ang bulkan ay nakasisira sa mga kabahayan at taniman ng bansa.
C. Ang kakaunting daungan ay naglilimita sa pagpasok at paglabas ng mga dayuhan.
D. Ang mga bulubundukin ay nakatutulong sa pagharang ng malalakas na hangin at
ulan.
72. Alin dito ang nagbibigay ng turismo upang umunlad ang ating bansa?
A. pasyalan
B. paaralan
C. palengke
D. halaman
73. Ang talon ay isang uri ng katangiang pisikal ng bansa. Alin ang HINDI naitutulong ng
talon sa pag-unlad ng bansa?
A. Nagpaparami ng turismo
B. Maaaring gawing hydro-electric plant
C. Nagpapataas ng level ng tubig at baha
D. Napagkukunan ng tubig para sa irigasyon
74. Ang Tineg Rolling Hills ay isa sa mga bagong atraksyon sa probinsiya ng Abra. Ang
mga sumusunod ay naitutulong nito sa probinsiya maliban sa isa. Ano ito? A. Nagiging
marumi ang kapaligiran.
B. Nagkakaroon ng mga bagong hanapbuhay.
C. Nagkakaroon ng maraming turista sa lugar.
D. Naisusulong ang mga tanawin ng probinsya.
75. Isa ito sa mga katangiang pisikal na napakahalaga at may pakinabang dahil
nagbibigay ito ng hydropower at nanghihikayat sa mga turista.
A. Bulkan
B. Dalampasigan
C. Kapatagan
D. Talon
76. Ang mga sumusunod ay mga katangiang pisikal ng bansa maliban sa isa. Ano ito?
A. kabahayan
B. kapaligiran
C. kapatagan
D. katubigan
77. Ito ay katangiang pisikal na mapanganib ngunit nagsisilbi rin itong pasyalan at
nagbibigay ng matabang lupa. Ano ito?
A. bulkan
B. bulubundukin
C. dalampasigan
D. kapatagan