Munting Panganib Na Paglalakbay

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Munting Mapanganib na Paglalakbay

“Anak? Sigurado ka na ba na lalakbay ka sa labas?” Ilang beses na nagtatanong si Mama

tungkol sa plano ko na makipagsapalaran upang makahanap ng pagkain sapagkat sawa na ako sa

pinagpipiyestahan namin palagi. “Bakit naman po ako magdadalawang isip umalis dito Ma?

Hindi ba lahat ng miyembro ng angkan ay dapat makipagsapalaran?” Sagot ko kay Mama na

hanggang ngayon ay tutol pa rin sa aking desisyon. “Pero alam mo naman anak na lahat ng

kapatid mo na nakipagsapalaran hindi na nakakabalik,” ani ni Mama. Lumapit ako kay Mama,

“Sa laki ng Maynila Ma, sino ba ang hindi mawawala?” Biro ko sa kanya. “Basta, ang lagi mong

isipin na ikaw ay mananatili sa puso’t isipan ko Mama.”

Sabay kaming natulog ni Mama sa bangketa at noong nagsimula na lumiwanag sa paligid

ay umalis na ako at hindi na nagpaalam kay Mama kasi baka pipigilan niya pa ako.

Ilang oras na rin ako na naglalakbay at totoo pala talaga ang sinabi ng mga nakaligtas

kong mga angkan na ang laki ng Maynila. “Saan ba ang una kong destinasyon?” Bulong ko sa

sarili. “Hoy, dayo ka ba dito?” May lumapit sa akin, kasingkulay ko siya, maitim at pula ang mga

mata. “Oo, ngayon lang ako nakarating sa Maynila. Pwede mo ba akong tulungan makahanap ng

pagkain? Nagugutom na kasi ako,” ani ko sa bago ko na kakilala. “Halika, punta tayo sa

palengke,” ani niya at sumunod na din ako.

“Akin ‘to” “Ako ang nauna!” “Mang-aagaw ka ng pwesto!” Sari-saring mga ingay ang

naririnig ko mula sa aking mga kalahi. “Ang ingay naman dito at ang baho pa!” Reklamo ko sa

gumagabay sa akin. “Ganito kami mabuhay sa Maynila! Kung ayaw mo sa paligid na ganito edi

umalis ka na lang!” Sa tono ng kanyang boses halatang nainis siya sa aking pag-uugali.

“Pasensya na bagong kaibigan, sige, alis na ako,” yumuko ako at nagsimula na maglakbay ulit.
“Tingnan natin kung makakaligtas ka ba!” Ito ang kanyang mga huling salita at hindi ko na siya

nilingon baka mag-away lang kami.

Lumakbay ulit ako ng may naamoy akong mabango. Sinundan ko ang halimuyak nito at

napadpad ako sa lugar na mayroong maraming magagandang bulaklak. Dumapo ako sa isa

ngunit nakita ko ang aking sarili sa salamin. “Hindi ako bagay dumapo sa magandang bulaklak

na ito kasi ang pangit pangit ko kumpara nito,” ani ko sa sarili. Umalis ako sa lugar na iyon at

nagsimula ulit maglakbay.

“Subukan ko nga dumayo sa matataas na mga lugar at baka doon ko mahanap ang

maginhawang buhay,” bulong ko sa sarili. Napadpad ako sa isang mataas na building at pumasok

sa bintana sa isang kwarto. “Wow! Ang ganda naman ng lugar na ito!” Namangha ako sa aking

nakita, mayroong magagandang mga palamuti ang silid na ito. Naglilibot lang ako sa lugar

hanggang sumigaw ang may-ari. “Waaaaah! Bakit ka nakapasok dito!” Tanong ng may-ari sa

akin. “Ma’am hindi naman po ako magnanakaw, nais ko lang po sana kumain kahit tira-tira lang

po sana,” sagot ko sa kanya ngunit hindi siya tumitigil kakasigaw.

Umalis siya sa silid at bumalik ulit na may dala-dala na diyaryo at pinaghahampas ako.

Mabuti nalang at magaling akong umilag. “Ma’am tama na po, hindi naman po ako

nangangagat,” paliwanag ko sa kanya. “Umalis ka na nga! Waaaaaah!” Walang humpay niyang

sigaw.

“Ah, ayaw mo talagang umalis!” Lumabas siya sa silid at bumalik ulit na may dala-dala

na malaking bote. “Ssssssh!” Tunog ng bote na hawak hawak niya na direkta sa aking mukha.

“Ma’am? Ano po iyong gina---,” tila nalason ako sa likido mula sa bote at hindi ko namalayan,

hinimatay ako.

You might also like