Nakakapagod Mag-Isa

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Nakakapagod Mag-isa

“Papasok ka na ba sa trabaho bukas, anak?” Tanong ni Mama Linda sa akin habang

naghuhugas ako ng pinggan. “Opo Mama,” sagot ko sa kanya at napayuko nalang siya sa sinabi

ko. “Hay, kung mayaman lang talaga tayo, hindi na kita hahayaang magtrabaho ngayon lalo na’t

mahirap ang sitwasyon. May COVID na nga, mahihirapan ka pa mag-commute, ang layo kasi ng

tinitirhan natin sa pinapasukan mo, nandito tayo sa Fairview tapos sa UP Techno Hub pa yung

office mo,” bakas sa boses ang lungkot ni Mama. “Okay lang ‘yun Ma, gigising nalang ako ng

maaga bukas para kapag wala na talagang Bus na masasakyan, lalakarin ko nalang.” “O sige

anak, pagkatapos mo sa paghuhugas, matulog ka na para ‘di ka mapuyat.” Sinunod ko ang payo

ni Mama kaya pagkatapos kong manghugas ng pinggan ay dumiretso na agad ako sa aking

kuwarto.

*ring* *ring* *ring* Nagising ako sa ingay ng aking alarm clock. “Alas kuwatro

impunto na, kailangan ko na maghanda kasi kung sakali wala ng Bus, hindi pa rin ako

malele-late kahit lakarin ko man,” bulong ko sa aking sarili.

30 minutos na ang nakalipas at natapos na ako sa aking paghahanda papunta sa trabaho.

Pagdating ko sa Terminal ng Bus inasahan ko na mataas na ang pila doon. “Wala ka nang

magagawa James, magsimula na tayong maglakad,” may taong biglang nagsalita sa likod ko.

“Ja-ja-janna, ikaw pala ‘yan!” Hindi ako makapaniwala sa aking nakita, binati ako ni Janna. Si

Janna ay crush ko sa loob ng apat na taon at katrabaho ko rin siya sa parehong Call Center

Office. “Anong tinutunganga mo diyan James? Halika na, malayo-layo pa lalakarin natin!”

Hinatak ako ni Janna sa kinatatayuan ko at nagsimula na kaming maglakad papuntang UP

Techno Hub.
Isa’t kalahating oras na kaming naglalakad ni Janna papuntang trabaho. “Hanggang

kailan kaya tayo magtitiis sa paglalakad ng ganito kahaba James noh?” Tanong ni Janna sa akin.

“Okay lang sa akin maglakad ng ganito kalayo basta ikaw ang kasama ko Janna,” bulong ko sa

sarili. “Huh, may sinabi ka ba James?” “Wala, wala. Wala naman akong sinabi eh. Uy, malapit na

pala tayo oh,” ani ko habang tinuturo yung building ng office namin at bigla nalang akong

tumakbo. “Ang daya mo naman James, alam ko may sinabi ka talaga eh,” sigaw ni Janna sa akin

habang hinahabol ako sa pagtakbo.

Isang linggo na ang nakalipas at tila ine-enjoy ko na ang paglalakad ng isang kalahating

oras sa umaga at isang kalahating oras din sa hapon. Ewan ko ba, kapag kasama ko si Janna sa

paglalakad, wala akong nararamdamang pagod. Ngunit, may hangganan siguro ang lahat ng

ating kasiyahan sapagkat biglang tumawag si Janna sa aking telepono at sinabing: “James, hindi

na ako makakasama sa’yo sa paglalakad, inalok ako ni Sir Arthur na sumabay sa kanya

papuntang trabaho, may sasakyan kasi siya. Sorry ah!” Napayuko nalang ako sa aking narinig.

Kinabukasan naglakad pa rin ako papuntang trabaho ngunit sa pagkakataong ito

naramdaman ko na ang pagod at hindi ko na nainda ang init ng araw.

“Bakit ba ang hirap maglakad ng ganito kalayo kapag hindi ka kasama, Janna?” Hindi ko

na namalayan na may tumulo na palang luha mula sa aking mga mata.

You might also like