Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

Unang Pagbasa: Jer 1:4-5.17-19

- Ano ang propeta?


- Ang propeta ay isang tao na at home sa kalooban ng Diyos, plano ng Diyos na pagkalooban ang
lahat ng buhay na ganap.
- Mayroon siyang malalim na ugnayan sa Diyos kaya pamilyar siya sa kung ano ang magandang
plano ng Diyos.
- Kaya naman kapag nakikita ng propeta na may mali sa lipunan, siya ay nagsasalita.
- Tinutuligsa niya ang mali.
- Binabalaan niya ang mga tao na kapag nagpatuloy sila sa mali, magbubunga ito ng
kapahamakan.
- Ang propesiya ay hindi panghuhula.
- Kapag sinabi ko na kung hindi natin aayusin ang paggamit natin sa kalikasan mapapahamak tayo.
- Hindi ito panghuhula. Ito ay babala na nakaugat sa maingat na pagmamasid sa mga kaganapan
sa paligid.
- Nakaugat din ito sa pagiging pamilyar sa kalooban ng Diyos na mamuhay ng matiwasay lahat.
- Nakugat din ito sa malasakit sa kapwa, na ayaw niyang mapahamak kaya niya binalaan.
- Subalit dahil may ugali ang tao na mayabang at ayaw na napagsasabihan tungkol sa kanyang
kamalian, maraming tao ang ayaw sa propeta.
- Maraming propeta ang nakulong, ipinatapon, o pinatay, sapagkat hindi natuwa ang mga tao sa
kanilang mga babala.
- Kaya naman, upang ang isang propeta ay hindi panghinaan ng loob, nangako ang Diyos ng
pangangalaga sa sinumang tatahak sa buhay ng isang propeta.
- Nang tayo’y bininyagan, nakibahagi tayo sa misyon ni Jesus na maging propeta.
- Nagawa mo na ba ang tungkulin ng propeta na magbabala at gumabay sa mga tao para hindi sila
mapahamak at makamit nila ang buhay na ganap na plano ng Diyos para sa lahat?

Ikalawang Pagbasa: 1 Cor 12:31– 13:13

- Nabanggit natin kanina na ang gawain ng propeta ay nakaugat sa kanyang malasakit sa kapwa.
- Kaya naman ipinahihiwatig ng ikalawang pagbasa na ang gawain ng propeta at kahit anong
gawain ay may kahulugan lamang kung ginawa ito sa ngalan ng pag-ibig.
- Marami sa atin ang magsasabi na naranasan na natin ang umibig.
- Ngunit kung pakikinggan natin ang paglalarawan ni San Pablo kung ano ang pag-ibig, panis
tayong lahat.
- Subukan natin palitan ang salitang “pag-ibig” ng salitang “ako” sa pagbasa.
- Namamin nating mabuti ang bigat ng bawat salita.
- AKO ay matiyaga at magandang-loob, hindi AKO nananaghili, nagmamapuri, o nagmamataas,
hindi AKO magaspang ang pag-uugali, hindi AKO makasarili, hindi AKO magagalitin, o
mapagtanim sa kapwa. Hindi KO ikinatutuwa ang gawang masama, ngunit ikinagagalak KO ang
katotohanan. AKO ay mapagbata, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga hanggang
wakas.
- May bahagi ba ng sarili mo na natawa? May bahagi ba ng sarili mo na nailang?
- May bahagi ba ng sarili mo na bumulong, “Hindi pa ako ganito”.
- Mahirap ito, lalo pa kung hindi mo pa nararanasan ang pag-ibig ng Diyos.
- Unti-unti mo lamang magagawa ang mga ito kapag naramdaman mo na kung paano ka minahal
ng Diyos.
- Halimbawa, maraming beses ko nang naisip bitiwan ang LHH, lalo na kapag maraming absent at
late.
- Pakiramdam ko dinadaya ako. Lagi akong present. Hindi ako late. Mas mahirap ang ginagawa ko
kaysa sa inyo.
- Pero kapag naaalala ko kung paano ako hindi binitawan ng Diyos, kapag naaalala ko kung paano
niya ako pinagpasenysahan, napapaisip ako.
- “Hindi ako binitawan ng Diyos, bakit ko sila bibitawan?”
- Sa karanasan ko:
- Ang DIYOS ay matiyaga at magandang-loob, hindi siya nananaghili, nagmamapuri, o
nagmamataas, hindi siya magaspang ang pag-uugali, hindi siya makasarili, hindi siya magagalitin,
o mapagtanim ng galit. Hindi NIYA ikinatutuwa ang gawang masama, ngunit ikinagagalak NIYA
ang katotohanan. Ang DIYOS ay mapagbata, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga
hanggang wakas.
- Panis! Malayo pa ako sa pag-ibig na inilalarawan ni San Pablo. Malayo pa ako sa propeta na may
malasakit at pag-ibig sa kapwa.
- Subalit naniniwala ako ng mahal ako ng Diyos, at pagmamahal niya ang unti-unting magtuturo sa
akin kung paano magmahal ng gaya niya.

Mabuting Balita: Lu 4:21-30

- Ang ebanghelyo ngayon ay karugtong ng ebanghelyo noong isang linggo.


- Umuwi si Jesus sa Nazaret. Dumalo siya sa isang pagtitipon sa sinagoga. Binasa niya ang
kasulatan ayon kay Isaias.
- Sa ebanghelyo ipinakikita sa atin na ang uri ng pamumuhay ni Jesus ay buhay ng isang propeta.
- At home siya sa plano ng Diyos na bigyan ang lahat ng buhay na ganap - kaligtasan ng buo nating
pagkatao: pisikal, emosyonal, espiritwal, politikal, sosyal, etc.
- Nang hilingin ng mga tao na gawin rin ni Jesus ang mga himala na ginawa niya sa ibang bayan,
sumagot si Jesus:
o maraming babaing balo sa Israel noong kapanahunan ni Elias nang hindi umulan sa loob
ng tatlong tao’t kalahati at magkaroon ng matinding taggutom sa buong lupain. Subalit
hindi sa kaninuman sa kanila pinapunta si Elias kundi sa isang babaing balo sa Sarepta,
sa lupain ng Sidon. Sa dinami-dami ng mga ketongin sa Israel noong kapanahunan ni
Eliseo, walang pinagaling isa man sa kanila; si Naaman pang taga-Siria ang pinagaling.
- Ang Sidon at Siria ay mga kaaway ng Israel sa lumang tipan.
- Sa mga pananalitang ito parang ipinahihiwatig ni Jesus na ang buhay na ganap na inilarawan
noong isang linggo – para rin ito sa mga kaaway ng Israel.
- Noong panahon ni Jesus, naghahari ang pagkakanya-kanya.
- Kapag taga-ibang bayan ka, kapag iba ang iyong pananaw, itinuturing kang kaaway. Hindi ka
dapat pagmalasakitan.
- Ito ang kanilang paniniwala, kaya naman nang sabihin ni Jesus na iniligtas ng Diyos ang byuda na
taga-Sidon, at si Naaman na taga-Siria, nagalit ang mga tao sa kanya.
- Tulad ng lahat ng karanasan ng mga propeta, nagalit ang mga tao nang may sabihin siya na
nakasaling sa kanilang masamang ugali.
- Subalit ang mga salitang ito ni Jesus ay salita ng isang propeta na nais itama ang maling pananaw
ng mga taga-Nazareth, ng mga Hudyo – na “tayo-tayo” lang at pagkakanya-kanya.
- Kung titingnan natin ang ating mga sarili, baka kasing ugali rin tayo ng mga taga-Nazareth.
- Uso ngayon ang sinasabi na cancel culture.
- Marami sa atin ang nag-uunfriend ng mga taong iba ang pananaw sa atin.
- Marami sa atin ang nag-iisip na iwan ang grupo kapag hindi natin ito kasundo.
- Marami tayong kapwa na ayaw na nating makita.
- Pero ano ang salita ni Jesus sa atin:
o Maraming babaing balo sa Israel noong kapanahunan ni Elias nang hindi umulan sa loob
ng tatlong tao’t kalahati at magkaroon ng matinding taggutom sa buong lupain. Subalit
hindi sa kaninuman sa kanila pinapunta si Elias kundi sa isang babaing balo sa Sarepta,
sa lupain ng Sidon. Sa dinami-dami ng mga ketongin sa Israel noong kapanahunan ni
Eliseo, walang pinagaling isa man sa kanila; si Naaman pang taga-Siria ang pinagaling.
- Kung ang Diyos mo ay ang Diyos ni Jesus, mahalin mo ang mahal ng Diyos, mahalin mo ang
mahal ni Jesus.
- Mahalin mo ang iyong kapwa sa pamamagitan ng pagmamahal na inilalarawan sa ikalawang
pagbasa.
- Maging tinapay ng buhay ka rin para sa iyong kapwa.

You might also like