Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Aralin 3 Mga Kailangan Ko

Mga layunin:
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay:
 malalaman ang kanilang mga pangunahing pangangailangan
 maipalawanag bakit ito mahalaga para sa kanilang sarili

A. Talakayan

1. Mga Kailangan Ko
Tunghayan ang usapan ni Aling Ina at ang kanyang anak na si Rodel sa ibaba.
Isang umaga si Rodel ay nag-aalmusal sa hapag kainan ng dumating si Aling Ina. Nagtanong si Rodel sa kanyang
ina.

Rodel: Inay, bakit po ba natin kailangang kumain ng mga gulay at prutas?


Aling Ina: Kailangan nating kumain ng iba’t-ibang uri ng pagkain katulad ng prutas at gulay upang
mabuhay. Ito ay nagdudulot sa atin upang maging malusog, lumaki, at maging malakas. Kinakailangang
maging wasto ang ating mga kinakain sa araw-araw. Kumakain tayo ng kanin at tinapay upang lumakas.
Karne, itlog at gatas naman upang lumakas ang ating buto at ngipin. Sariwang prutas at gulay naman
upang tayo’y lumusog.
Rodel: Ganoon po pala ang dahilan kaya tayo kumakain. Di lamang kumakain kundi kumakain ng tama. Maraming
salamat mo inay.

Mahalaga ang pagkain sa ating buhay ngunit ang pagkain lamang ay di sapat. Napakahalaga na kumain tayo ng
tama upang maging malusog at lumaki tayong wasto sa kalusugan. Tayo ay kumakain ng tatlong beses sa isang
araw: almusal, tanghalian at hapunan. Napakahalaga na kumain tayo sa oras upang di magdusa ang ating
kalusugan.

Gawain
Sagutin ang mga sumusunod na tanong at isulat sa patlang.
1. Bakit kailangang kumain ng wasto ang batang katulad mo?
_________________________________________________________________________________________
2. Paano mo malalaman na wasto ang iyong kinakain?
_________________________________________________________________________________________
3. Itala ang mga pagkaing kinain mo sa:

Almusal Pananghalian Hapunan

You might also like