Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KULTURA AT TRADISYON

KABANATA 1
PANIMULA
Ang mga Pilipino ay may maraming sinusunod na tradisyon o kasanayang
gawi. Isa sa karaniwang sinusunod dito ay ang pagmamano sa nakakatanda bilang
pagpapakita ng respeto at sa pagbigay ng mabuting kaugalian tungo sa kanilang
pamilya.
Ang pagmamano ay maaaring maituro sa loob ng bahay o sa palibot ng
iyong kaibigan o kakilala. Ito’y batid ng mga kabataan para sa ikakaunlad ng sarili.
Ang kinagisnang kultura ay kinakailangang payabungin sa pamamagitan ng
pagturo at pagsunod sa mga ito. Ngunit, bakit nagkakaroon ng di
pagkakaunawaan saloob ng bahay? Paano masusunod ang kaugalian pagmamano
kung ang mga kabataan ay nalulong na sa paggamit ng teknolohiya?
Sa panahon ngayon, iilan lamang sa kabataan ang sumusunod sa tradisyon,
karamihan sa mga kabataan ngayon ay walang respeto sa nakakatanda o kahit sa
kanilang mga pamilya dulot ng teknolohiyang kagamitan.
Kaya bilang isang kabataan, kinakailangan nating bigyan ng importansya
ang ating tradisyon katulad ng pagmamano upang mapanatili natin ang respeto sa
mga nakakatanda. Kahit may teknolohiya ay dapat nating panatilihing balance ang
paggamit nito at ang paggamit ng tradisyon. Wag nating kalimutan ang ating
kulturang Pilipino.
Katawan

Layunin ng pag-aaral

Saklaw at limitasyon

Depenisyon ng mga Termolohiya

You might also like