Apolohetiko para Sa Purgatoryo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Apolohetiko Para sa Purgatoryo

Pitong (7) Tanong

Part 1/3

Ang November 2 ay All Souls Day para sating mga katoliko. Sa ganitong araw ay malimit nating maririnig
ang salitang “Purgatoryo”. Hindi maipagkakaila na ang Purgatoryo ay isang mainit na usapin ( no pun
intended :D ) sa mga hindi katoliko at sa mga hindi nakakaunawa nito. Kung kaya’t narito ang ilang
pantulong na kaalaman tungkol sa doktrinang ito:

1) Ano ang opisyal na turo ng SImbahan sa purgatory?

Sagot: Ayon sa ating Katesismo:

“All who die in God's grace and friendship, but still imperfectly purified, are indeed assured of
their eternal salvation; but after death they undergo purification, so as to achieve the holiness
necessary to enter the joy of heaven.

The Church gives the name Purgatory to this final purification of the elect, which is entirely
different from the punishment of the damned. The Church formulated her doctrine of faith on
Purgatory especially at the Councils of Florence and Trent. The tradition of the Church, by
reference to certain texts of Scripture, speaks of a cleansing fire”

Catechism of the Catholic Church par. #1130-1131

Sa madaling sabi, ito ang huling paglilinis sa ating kaluluwa kung sakaling dinatnan tayo ng
kamatayan at hindi pa lubusang nagiging banal noong tayo ay nabubuhay. Hindi ito kaparusahan
katulad ng sa impyerno. Ito ay isang paglilinis; isang paghahanda sa buhay na walang hanggan
kasama ang Diyos.

2) Ano ang ilan sa mga maling pag-unawa tungkol sa purgatoryo?

Sagot:

1. ANG MGA KALULUWANG NILILINIS SA PURGATORYO AY MAARI PANG MAPUNTA SA


IMPYERNO.

Ito ay mali sapagkat tanging mga tunay na nagsisisi sa kasalanan ngunit hindi lamang ito
naging kumpleto sa kanilang buhay ang maaring mapunta sa purgatoryo. Samakatuwid, ang
mga taong nasa purgatoryo ay ligtas na subalit hindi lamang handa para sa buhay na walang
hanggan kapiling ang Diyos na banal.
2. ANG PURGATORYO AY ISA SA TATLONG DESTINASYON NG TAO PAGKATAPOS SILA AY
MAMATAY AT HATULAN.

Dalawa lamang ang permanenteng pupuntahan ng kaluluwa kapag siya ay namatay.


Matapos hatulan, ang kaluluwa ay maaring mapunta sa langit at impyerno. Ang purgatoryo
ay maaring masabing destinasyon, ngunit ito ay pansamantala lamang, at ang mga naririto
ay mapupunta rin langit matapos ang kanilang paglilinis.

3. ANG LAHAT NG MGA KALULUWA NA HINATULANG MAPASALANGIT AY PUPUNTA MUNANG


PURGATORYO.

Maaring dumiretso ng langit ang isang kaluluwa kung siya ay naging totoong banal at
nagsisisi habang siya ay nabubuhay.

4. ANG MGA HINDI KRISTIYANONG KATOLIKO AY: KUNG HINDI MAPUPUNTANG IMPYERNO, AY
MAGTATAGAL SA PURGATORYO KAHIT ANONG BUTI PA NITO.

Walang makapagsasabi kung gaano katagal ang isang kaluluwa sa purgatoryo.

Naniniwala rin ang Simbahan na ang mga hindi katoliko, lalo na ang mga hindi kristiyano, ay
maaring maligtas kung hindi nila nakilala si Hesus o ang tunay na pananampalataya na hindi
sa sariling kagagawan. Ang sinoman na nagpapakabuti at matapat na naghahanap ng
katotohanan ay gumagawa nito para sa tunay na Diyos at totoong hinahanap si Hesus.
Kagustuhan ng Ama na maligtas ang buong sangkatauhan (1 Timoteo 2:3-4)

3) Mababasa ba ang purgatoryo sa bibliya?

Kung hahanapin natin ang mismong salita o termino; hindi natin ito makikita. Ngunit ganun din
ang mga salitang ito:

a. Bible
b. Incarnation
c. Altar Call
d. Sinners Prayer
e. Soul win
f. “Personal Lord and Savior”

At marami pang iba. Isa pang magandang halimbawa ay ang Banal Na Trinidad (Holy Trinity). Ito
ay isang napakahalagang turo para sa isang kristiyano anuman ang kanyang sektang
kinabibilangan. Sapagkat nakapaloob dito ang ating pagsang-ayon sa pagka-Diyos ni
Hesukristo(at ng Espiritu Santo). Bagamat mahalaga, o pinakamahalagang nilalaman ng
pananampalatayang Kristiyano, hindi natin ito mababasa sa Bibliya.

Kung kaya’t iwasan na natin ang maka “Bibliya Lamang” o Sola Scriptura na pagiisip. Maging ang
aral na ito ay hindi nakasaad sa Bibliya.

Sa madaling sabi, bagama’t wala ang mismong salita sa bibliya, ang katuruang (Purgatoryo man
o Santa Trinidad) ito ay may malakas na pundasyon sa mga nakasaad sa bibliya.

4) Kung gayon, ano ang mga berso ang patungkol sa katuruan ng Purgatoryo?

Sagot:

1)
“Ito ay sapagkat wala nang ibang saligang mailalagay ang sinuman maliban doon sa nakalagay
na. Siya ay si Jesus na Cristo. Ngunit, ang isang tao ay maaaring magtayo sa saligang ito ng ginto,
pilak, mga mamahaling bato, kahoy, damo o dayami. Ang gawa ng bawat tao ay mahahayag
sapagkat may araw na ihahayag ito sa pamamagitan ng apoy. Ang gawa ng bawat isa, anumang
uri ito ay susubukin ng apoy. Kung ang gawa na itinayo ng sinuman sa saligang ito ay nanatili,
tatanggap siya ng gantimpala. Kung ang gawa ng sinuman ay masunog, malulugi siya.
Gayunman, maliligtas siya ngunit tulad ng dumaan sa apoy.”
– 1 Corinto 3:11-15

Ang apoy ay sumisimbolo sa kahatulan ng Diyos. Ang ibang gawa ay masusunog, habang ang iba
naman ay mapadadalisay. Ang mga gawang ito ay masusunog o mapapadalisay ayon sa kalidad
nito. Ito ang pinaka-konsepto ng purgatoryo.

2)
“Lumakad ka at makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid. Pagkatapos ay bumalik ka at
maghandog ng iyong kaloob. Makipagkasundo ka muna sa nagsasakdal sa iyo habang ikaw ay
kasama niya sa daan. Kung hindi ay baka ibigay ka ng nagsasakdal sa iyo sa hukom at ibigay ka
naman ng hukom sa opisyal at ipabilanggo ka. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Sa anumang
paraan ay hindi ka makakalabas doon hanggang hindi mo nababayaran ang huling sentimo.”
- Mateo 5:24-26

Maari nating tignan ang paglilinis o penitensiya sa Purgatoryo sa pamamagitan ng pagbabayad


ng karampatang halagang ipinataw ng hukuman batay sa kasalanan. Sa mga babasa sa tekstong
ito, tandaan natin na ang “bilangguan” na tinutukoy ditto ay galing sa salitang griyego:
“phulake”, na ang ibig sabihin ay isa lamang pansamantalang kulungan(holding place). Ginamit
din ito ni San Pedro sa kanyang sulat (1 Pedro 3:19).
3)

“At ang sinomang magsalita ng isang salitang laban sa Anak ng tao, ay ipatatawad sa kaniya;
datapuwa't ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit
sa sanglibutang ito, o maging sa darating.”

- Mateo 12:32

Malinaw sa bersong ito na sinabi ni Hesus na may kasalanan na hindi mapapatawad maging sa
darating na buhay (kabilang buhay). Kung gayon, may mga kasalanan na maaring patawarin
maging sa susunod na buhay. Ito ay sumasangayon sa ating katuruan na may mga kasalanang
venial at mortal ayon na rin sa tekstong ito:

“Kung makita ng sinoman na ang kaniyang kapatid ay nagkakasala ng kasalanang hindi


ikamamatay, ay idalangin siya at bibigyan siya ng Dios ng buhay, na ukol sa mga nagkakasala
nang hindi ikamamatay. May kasalanang ikamamatay: hindi tungkol dito ang sinasabi ko na
idalangin niya. Lahat ng kalikuan ay kasalanan: at may kasalanang hindi ikamamatay.” – 1 Juan
5:17

4)
 “
It is therefore a holy and wholesome thought to pray for the dead, that they may be loosed
from sins.” – 2 Maccabees 12:46

Datapwat hindi kinikilala ng mga Protestante ang aklat na ito na kasama sa Bibliya, ang tekstong
ito ay isa rin sa katunayan ng aral ng Purgatoryo. Sapagkat hindi mo maaring ipagdasal ang mga
nasa langit na, o ni ang mga taong pinaparusahan na sa impyerno. Samakatuwid, may mga taong
namatay na nasa ikatlong sitwasyon o lugar, bagamat panandalian lamang.

5)
 “
Ito ay upang sa pangalan ni Jesus ay luluhod ang bawat tuhod ng mga nasa langit, ng mga nasa
lupa at ng mga nasa ilalim ng lupa.“

- Filipos 2:10

Binanggit dito na luluhod o sasamba ang mga taong nasa langit (mga mabubuti at banal), nasa
lupa (mga nabubuhay pa), at mga nasa ilalim ng lupa. Ngunit sino ang mga taong nasa ilalim ng
lupa? Hindi makasasamba ang mga patay, lalong hindi luluhod ang mga taong nahatulan sa
impyerno. Samakatuwid ang tinutukoy dito ay mga kaluluwa sa purgatoryo na nililinis sa
kanilang kasalanan ngunit hindi nawala ang kanilang pananampalataya sa Diyos.
Basahin mo rin ang iba pang berso na tumatalakay dito ayon na rin sa mga sinaunang kristiyano
(St Augustine, St Ambrose, Origen etc.).

Psalm 66:12, Isaiah 4:4, Micah 7:8-9, Zechariah 9:11, Malachi 3:3, Psalm 38:1

5) Paano ko masasabing ito ay kasama sa tunay na pananampalatayang kristiyano?

Kadalasan, ang mga Protestante ay pinagbibintangan ang mga Katoliko na inimbento ang aral ng
Purgatoryo. Ngunit wala silang maisagot kung tatanungin mo sila kung KAILAN natin naimbento
ito.

Masasabi nating tunay na turo ng Pananampalatayang Kristiyano ang isang aral sa pamamagitan
ng isang matibay na batayan: kung ito ba ay tinuturo ng mga Kristiyano mula pa noong mga
sinaunang panahon.

At marami sa mga kilalang Kristiyano mula pa noong una ang magpapatunay nito tulad nina: St.
Clement( pang apat na successor ni St Peter na siyang unang Santo Papa), St. Denis, St.
Athanasius, St. Basil, St. Gregory Nazianzen, St. Ephrem, St. Cyril, Epiphanius, St. Chrysostom,
Tertullian, St. Cyprian, St. Ambrose, St. Augustine, St. Jerome, Origen, Tertullian, St. Hilary etc.

Maging ang pagdarasal sa mga yumao ay pinapatunayan ng mga nakasulat sa mga puntod noon
ng mga sinaunang kristiyano (tignan ang larawan).

6) Bakit mahalaga ang katuruan tungkol sa Purgatoryo?

Sagot:

Dahil ito ay totoo. At ito ay isa sa Pananampalataya ng Simbahan na tinanggap mula kay Kristo,
ang Daan, Ilaw at Katotohanan(Juan 14:6).

Ang aral ng Purgatoryo ang nagpapatingkad sa Karunungan, Hustisya at Awa ng ating Diyos.

Sapagkat ang ating Panginoon ay Banal. “Kailanman ay hindi makakapasok doon ang anumang
marumi o ang ang sinumang gumagawa ng kinapopootan ng Diyos o ang gumagawa ng
kasinunga-lingan” – Pahayag 21:27.

Sino makapagsasabi sa atin na tunay tayong mabuti at walang bahid ng kasalanan dito sa lupa?
Marahil may iilan. Subalit sating karamihan? Nananalig tayo kay Kristo subalit hindi ibig sabihin
ay basta basta lamang kalilimutan ng Panginoon ang kanyang pagiging matuwid.
Ang Diyos ay maawain din. Ang kanyang tugon ay ang Purgatoryo, kung saan tayo ay nililinis at
inihahanda para makapiling natin siya.

Kontensyon ng Protestante:

Pero iniligtas na ng Panginoong Hesukristo ang mga nananalig sa kanya. Hindi na natin kailangan
pagbayaran ang ating mga kasalanan?

Totoo. Ngunit hindi ibig sabihin na salungat ang penitensya at paglilinis ng ating sarili sa bagong
buhay na nakamit sa Sakripisyo ng ating Panginoong Hesukristo. Sa katunayan, dahil tayo ay
iniligtas ni Hesus, tayo pa nga ay inaanyayahan sa buhay penitensiya, sa buhay pagsisisi at
pakikiisa sa pagpapakasakit ng ating Panginoon.


Napako ako sa krus na kasama ni Cristo, gayunman ako ay nabubuhay. Ngunit hindi na ako ang
nabubuhay kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. Ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa
laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya ng Anak ng Diyos na siyang umibig sa akin at
nagbigay ng kaniyang sarili para sa akin.” – Galacia 2:20

“Batahin ninyo ang pasanin ng bawat isa't isa. Sa ganitong paraan ay tinutupad ninyo ang
kautusan ni Cristo.” – Galacia 6:2

“Ako ngayon ay nagagalak sa aking mga paghihirap alang-alang sa inyo. Pinupunuan ko sa aking
katawan ang mga kakulangan ng mga paghihirap ni Cristo para sa kapakanan ng kaniyang
katawan, ang iglesiya.” – Colosas 1:24

7) Ano ang maari kong gawin?

Sagot:

a) Maari mong alalahanin sa iyong pagdarasal hindi lamang ang iyong mga namayapang mahal sa
buhay, kundi ang lahat ng mga pumanaw at lahat ng kaluluwa sa purgatoryo.

b) Sapagkat ang Misa ang pinakamataas na uri ng dasal para sating mga Katoliko, maari kang mag-
alay ng misa para sa mga yumao.

c) Maari ka ring magalay ng iyong sakripisyo at mabubuting gawa para sa mga yumao.

Sapagkat tayo na nasa lupa kasama ng mga nasa langit at ng mga nasa purgatory ang bumubuo
ng Simbahan, ang Katawan ni Kristo. Tayo ay magkakasama sa Pag-Ibig na dapat nating ipadama
sa isat isa.
“Ang katawan ay iisa ngunit maraming bahagi. Ang lahat ng bahagi ng isang katawan bagamat
marami ay iisang katawan. Si Cristo ay gayundin. Ito ay sapagkat sa pamamagitan ng iisang
Espiritu, tayo rin ngang lahat ay binawtismuhan sa iisang katawan kahit tayo ay Judio o Griyego,
alipin o malaya. At tayo rin ay pinainom sa iisang Espiritu.

Kayo nga ang katawan ni Cristo at ang bawat isa ay bahagi nito.”

1 Corinto 12:12-13,27

References:

Catechism of the Catholic Church par #1030-1032


Catholicism and Fundamentalism, Karl Keating
Everlasting Life – Fr. Reginald Garrigou -Lagrange OP
Catholic Controversy – Francis De Sales
https://www.catholic.com/magazine/online-edition/is-purgatory-in-the-bible

You might also like