Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang sabay sabay na isinigaw ng mga katipunero pagkatapos nilang punitin ang kanilang mga sedula ay 

"Mabuhay ang Pilipinas!", "Mabuhay ang

Katipunan!".

Pitong taon pagkatapos matuklasan ng mga Kastila ang Katipunan, pinunit ni Bonifacio kasama ng mga katipunero ang kanilang mga sedula sa Sigaw

sa Pugad Lawin. Ito ay sumisimbolo ng kanilang paghihimagsik laban sa mga Espanyol.

Ano ang KKK?

Ang ibig sabihin ng KKK ay Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan.

Ito ay mas kilala bilang Katipunan o KKK. Samahan ito ng mga naghimagsik sa mga Kastila sa Pilipinas na pinamumunuan ni Andres Bonifacio.

Itinatag ito noong Hulyo 7, 1892 sa may Kalye Azcarraga malapit sa Kalye Elcano sa Tondo na ngayo’y kilala na Abenida Claro M. Recto.

 Naitatag ito matapos  maipatapon si Jose Rizal na isa sa mga pinuno ng Kilusang Propaganda at siya ding tagatatag ng La Liga Filipina, na

kung saan miyembro rin si Andres Bonifacio.

 Katipunero ang tawag sa mga kasapi sa Katipunan o KKK.

 Dumadaan sa isang seremonya ang mga nais sumapi sa samahang ito upang maging ganap na katipunero. Mga lalake ang karaniwang

kasapi dito ngunit noong katagalan tumanggap na din sila ng mga babae na kasapi.

 Si Gregoria de Jesus asawa ni Bonifacio ang unang babae na naging kasapi ng Katipunan na tinawag na Lakambini ng Katipunan. Noong

una ay dalawampu’t siyam na kababaihan ang pinasapi sa samahan na kalaunan ay nadagdagan at tinatayang 50 kababaihan ang sumapi sa

Katipunan.

 Tinatawag na Kalayaan ang sariling pahayagan ng Katipunan na nagkaroon lamang ng una at huling paglilimbag noong Marso 1896.

Apat na layunin ang Katipunan:

1. Makapagbuo ng matatag na alyansa sa bawat Katipunero;

2. Mapagkaisa ang mga Pilipino sa pagiging isang matatag na bansa;

3. Makamtan ang kasarinlan ng Pilipinas sa pamamagitan ng isang armadong pakikipaglaban (o rebolusyon);  

4. Makapagtatag ng isang republika matapos ang kasarinlan.

Sanggunian ng Katipunan

Kataastaasang Pangulo

Deodato Arellano

Roman Basa

Andres Bonifacio

Tagasiyasat/Tagapamagitan

Andres Bonifacio

Tagausig
Ladislao Diwa

Andres Bonifacio

Emilio Jacinto

Pio Valenzuela

Kalihim ng Estado

Teodoro Plata

Jose Turiano Santiago

Emilio Jacinto

Kalihim ng Digmaan

Teodoro Plata

Kalihim ng Hukuman

Briccio Pantas

Kalihim ng Interyor

Aguedo del Rosario

Kalihim ng Pananalapi

Enrique Pacheco

Tagaingat-yaman

Valentin Diaz

Vicente Molina

Dahil sa samahang ito umusbong ang mga kaisipan at gawaing rebolusyonayo at pinayaman naman ang literature ng Pilipinas ng ilang mga tanyag na

kasapi ng Katipunan.  

Nabunyag ang samahan sa mga Kastila noong umamin si Teodoro Patino na isang kasapi ng Katipunan sa kanyang kapatid at sa madreng pinuno ng

Ampunang Mandaluyong. Lumipas ang pitong taon ng matuklasan ng mga Kastila ang samahang Katipunan, pinunit ni Andres Bonifacio at ang

kanyang mga tauhan ang kanilang mga cedula sa Sigaw sa Pugadlawin at naging simula ng Himagsikang Pilipino laban sa Imperyong Kastila upang

makamit ang kasarinlan.  

You might also like