Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Pagsasaling wika sa Iba’t ibang Panahon

Ikalabingpitong siglo – nakilala si Dryden at ibinilang sa mahuhusay na tagapagsalin. Siya ang unang
naniwala na ang pagsasaling wika ay isang sining

Ikalabing-walong siglo- Lumabas ang salin nina Alexandor Pope at William Cowper sa Ingles ng Homer
na patula ng Iliad and Oddyssey

 Lumabas din ang salin ni A.W von Schleger sa Aleman ng mga gawa ni Shakespeare.
 1792-Nalathala ang isang namumukod na aklat ni Alexander Tytler na may pamagat na Essay on
the Principles of Translation

Ikalabingsiyam na siglo- Kinilala sa panahong ito sina Thomas Carlyle(wilheim Meister ni Goethex)

 ( ito’y sinasabing makasaysayan sapagkat ito ay nagpapatunay sa mga mambabasang Ingles na


mayroong mga henyong manunulat sa Alemanya)
 Kasabay din ng panahong ito ang On Translating Homer ni Matthew Arnold na isang sanaysay na
tumatalakay sa isang simulain na ang isang salin ay kailangang magtaglay ng bisang katulad ng sa
orihinal.

Ikadalawampung siglo

- Isang karaniwang gawain na lamang ang pagsasalin

- Ngunit kahit magkagayon napabuti pa din sapagkat dahil sa pagsasalin maraming manunulat
ang nakilala < Tolstoy ng Rusya>

- Kaya halos lahat ng bansa sa daigdig ay patuloy sa lansakang pagsasalin sa kanikanilang wika ng
mga mahuhusay na akdang nasusulat sa iba’t-ibang wika sa layuning maihatid sa higit na
nakararaming bahagi ng mambabasa ang mga makabagong kalakaran sa panitikan

Mga Pagsasalin sa Bibliya

Kapag pagsasaling-wika ang pinag-usapan , hindi maiiwasang mabanggit ang pagsasalin ng Bibliya dahil
sa dalawang kadahilanan.

Una- sapagkat ang paksa sa Bibliya lalo na sa Matandang Tipan ay tumatalakay sa tao, sa kanyang
pinagmulan, sa kanyang layunin at sa kanyang destinasyon.

Ikalawa- kaya naiiba ang Bibliya sa karaniwan sa larangan ng pagsasaling-wika ay ang di-
mapasusubaliang kataasan ng uri ng pagkakasulat nito.
 May patibay si savory na ang nakatalang kauna-unahang teksto ng Matandang Tipan na
nasusulat sa wikang Aramaic ng Ebreo ay nagging malaganap noong mga unang siglo.

Si Jerome ay isa sa ilang mga kilalang pinakamahusay na tagasaling-wika sa Bibliya noong kanyang
kapanahunan.

- Ang kanyang Vulgate na salin sa Latin ng Bibliya ay matagal na panahon ding naging popular
- Ayon kay Savory may tatlong nagsalin ng Bibliya: Jerome sa Latin, Luther sa Aleman at kay
Haring James sa Ingles(ng Inglatera) na lalong kilala sa taguring Authorized Version.

Ayon kay Savory ang kaunaunahang salin sa Ingles ng Bibliya ay isinagawa ni John Wycliffe noong
ikalabing-apat na siglo at dalawa ang nagging edisyon ng nasabing salin: una, noong 1382 sa tulong
ng nagngangalang Nicholas at ikalawa ay lumabas noong 1390. Ang unang bersyon ay nagging
lubhang literal ang pagkakasalin.

 William Tyndale –nagsagawa ng isa ring pagsasalin sa Ingles ng Bibliya buhat sa wikang Griyego
na salin naman ni Erasmus
 Ito’y naiiba sa ibang salin dahil sa masalimuot na mga talababa(footnote) o notasyon. At
ayon kay Savory hindi natapos ang pagsasalin ni Tyndale ang kanyang pagsasalin ng Old
Testament o Matandang Tipan.
 John Rogers –siya ang nagpatuloy ng ginawang salin ni Tyndale
- gumamit ng sagisag-panulat na Thomas Matthew
- nalathala ang kanyang gawa noong 1537 at makaraan ng dalawang taon ito’y
muling nirebisa ni Richard Taverner.

 1538- nagkaroon ng kautusan na lahat ng simbahan ay dapat magkaroon ng isang bersyon


lamang ng Bibliya upang magamit ng lahat.
 Coverdale- ang nagrebisa ng Bibliya ni Matthew at ito’y nakilala sa taguring Great Bible na
nagging popular nang mahabang panahon sapagkat ito’y nagtataglay ng salmo
 Geneva Bible- lumitaw noong 1560. Sinagawa nina William Whittingham at John Knox at
iba pa upang makatulong sa pagpapalaganap ng Protestantismo.
-Tinaguriang Breeches Bible

 Nang panahong ito nagkaroon na rin ng pagtatangka ang mga Katoliko Romano na
magkaroon ng sarili nilang Bibliya. Ang unang salin ay nakilala sa tawag na Douia Bible.
 Ang New Testament ay nalathala diumano sa Rheims noong 1582, at ang Old Testament
naman noong 1609
 Si Haring James ay nagdaos ng isang kumperensya na dinaluhan ng mga arsobispo at iba
pang pari ng Hampton. Apatnapu’t pitong arsobispo at pari ang hinirang ni Haring James
upang bumuo ng tanging lupon na siyang gagawa ng isang salin ng Bibliya

Machine Translation?
 Ang Estados Unidos, Gran Britanya, Rusya at bansang Hapon ang nangunguna sa
pananaliksik sa larangan ng MT

Kasaysayan ng Pagsasaling wika sa Pilipinas

Unang Yugto ng Kasiglahan

 Ang pagsasaling wika sa Pilipinas ay nagsimula lamang magkaanyo noong


panahon ng pananakop ng mga Kastila, kaugnay ng pagpapalaganap ng
Kristyanismo
 Naging urong-sulong ang nagging sistema ng pagpapalaganap ng wikang Kastila sa
Pilipinas, hindi nagging konsistent ang pamahalaang Espanya sa pagtuturo ng
wikang Kastila sa mga “Indios” na nakanilang sakop.
 Ang Hari ng Espanya ay naniniwala na mabisang mapalaganap ang Kristyanismo sa
pamamagitan ng wikang Kastila
 Ngunit hindi ito sinunod ng karamihang prayle sa kadahilanan:
 Higit na matagumpay ang pagpapalaganap nito sa pamamagitan ng
paggamit ng mga wika ng mga katutubo
 Mas katanggap-tanggap sa mga katutubo ang marinig na ginagamit ng
mga prayle ang kanilang katutubong wika sa pagtuturo ng salita ng Diyos
 May lihim silang pangamba nab aka kung matuto ang mga “Indios” mg
wikang Kastila ay maging kasangkapan pa nila ito tungo sa pagkamulat sa
kanilang kalagayang pulitikal at sila ang balikan
 Sa Pangkalahatan lumaganap ang Kristyanismo sa pamamagitan ng kanilang
mga katutubong wika
 Malalagom natin na ang nagging tuon ng mga isinagawang pagsasalin noong
Panahon ng Kastila ay tungkol sa mga Materyales na panrelihiyon kaugnay ng
pagpapalaganap ng Kristyanismo

Ikalawang Yugto ng Kasiglahan

 Nang pumalit ang Amerika sa Espanya bilang mananakop ng Pilipinas, nabago na rin ang papel
na ginagampanan ng pagsasaling wika.
 Karamihan Sa isinalin ay dula na itinatanghal sa mga teatro at mapapansin sa yugtong ito na
napakarami ng nagging salin sa iba’I ibang uri o genre ng panitikan
 Naging masigla ang pagsasalin lalo na ang akdang klasikal
 Karamihan ng mga pagsasalin ay sa paraang di-tuwiran at ibang salita ang isinalin ay hindi
orihinal na teksto kundi ang isa na ring salin
 Mababanggit na marami pang mga dulang isinalin si Tinio, mga klasikong akdang pandulaan na
lumaganap sa Europa at ipinalabas sa piling teatro , lalo na sa Cultural Center of the Philippines.
Layunin niyang mapaabot sa kanyang mga kababayan ang mga kilalang pyesang pandulaan sa
pamamagitan ng wikang higit nilang mauunawaan.
Ikatlong Yugto ng Kasiglahan

 Sa yugtong ito napapaloob ang pagsasalin ng Filipino ng mga materyales pampaaralan na


nasusulat sa Ingles tulad ng mga aklat, sanggunian, gramatika at iba pa.

Ikaapat na Yugto ng Kasiglahan

 Pagsasalin ng mga katutubong panitikang di tagalog


 Sa bahaging ito nabanggit na isang nagging proyekto sa pagsasalin na magkatuwang na
isinagawa ng LEDCO ( Language Education Council of the Philippines) at ng SLATE ( Secondary
Language Teacher Education) ang pagkakaroon ng dalawang bahagi : Pagsangguni at Pagsasalin
 Sa uang bahagi inanyayahan ang kilalang mga pagunahing manunulat at iskolar sa
pitong pangunahing wika ng bansa, pinagdala sila ng mga piling materyales na
nasusulat sa kani-kanilang bernakular upang magamit sa ikalawang bahagi ng
proyekto
 Ang ikalawa ay isinagawa sa loob ng isang lingo workshop seminar na nilahukan ng
mga piling tagapagsalin
 Nagkaroon pa rin ng pagsasalin sa ilang Chinese Filipino Literature.
 Naisalin sa workshop-seminar ang mga sumusunod: Alamat at Kwentong-Bayan( 14), Dula (4),
Kwento (30), Sanaysay (8), Tula (50)

Pagsasaling –wika : Sining o Agham?

 Ayon sa pahayag ni Webster ito’y parehong nangangailangan ng “skill”/ng kahusayan, ng


karunungan.
 Ang sining ay nakatuon sa mga bagay na estetiko, sa kagandahan na resulta ng ,alikhaing
imahinasyon
 Ang agham ay nakatuon sa sistematisasyon o pagsasaayos ng karunungan , ng prinsipyo, o
pamamaraan na resulta ng sistematikong proseso ng pagmamasid, pag-aaral at
eksperimentasyon

Pagsasaling wika bilang agham- Nida

 Ipinaliwanag nya na kapag pinag-usapan natin ang agham ng pagsasaling-wika, hindi natin
maiiwasang mapasuong sa aspeto ng paglalarawan . Kung ang linggwistika ay mauuring
“descriptive science” ang paglilipat ng mensahe mula sa isang wika tungo sa ibang wika ay
maaari ring ituring na isang syentipiko o makaagham na paglalarawan.
 Sinabi nya na ang isang taong nagpupumilit na ang pagsasaling-wika ay isang sining ay maaring
nagiging paimbabaw lamang ang kanyang pagsusuri sa kanyang ginagawa. Tinanggap din niya
ang katotohanang ang isang taong yumayakap naman sa paniniwalang ang pagsasaling wika ay
isang agham at wala nang iba pa ay hindi marahil napag-aralan nang husto ang kanyang
ginagawa upang mapahalagahan ang makasining na aspeto ng pagsasalin

Pagsasaling-wika bilang Sining- Savory

 Ang maling kulay o laki ng isang guhit ay katumbas ng isang maling salita sa pagsasaling-wika, na
ang pagkakamali sa dimension, sukat, o proporsyon ng alinmang bahagi ng larawan ay katumbas
ng pagkakamali sa pagbibigay kahulugan sa tunay na diwa ng isang paprirala.
 Mababanggit na ang salin sa mga literature sa agham at iba pang paksang teknikal ay
maihahambing sa mga larawang kuha ng isang litratista. Ito’y matapat, tiyak, sapagkat ang
mahalaga sa mga ito ay ang nilalaman o diwa at hindi ang estilo ng awtor.
 Ang pagsasaling-wika ay isang sining, kaya ito’y hindi madaling gawain ngunit ang isang
tagapagsalin ay lagging nakukubli sa anino ng awtor marahil ang dahilan ay lagi nalang nakakabit
sa kanyang pangalan ang paniniwala na siya’y tagapagsalin lamang ng isang mangangatha na
siyang dapat pag-ukulan ng anumang pagkilala o pagdakila
 Ang pagsasaling wika ay isang sining na walang pinipiling panahon ,gawaing walang katapusan

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng isang Tagasaling-wika

 Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin


 Ayon kay Nida kailangan maunawaan niya ang maliliit na himaymay ng kahulugan, ang
halagang pandamdaming taglay ng mga salita at ang ginamit na estilo na siyang bumuo
ng “flavour and feel of the message”
 Sapat na kaalaman sa paksang isasalin
 Kalimitan ang pinagkaiba lamang ng maayos at di-maayos na salin ay nasa pagkakaiba
ng mga salitang ginamit ng mga tagapagsalin.
 Nakakalamang na ang tagapagsalin na higit na may kaalaman sa paksa sapagkat siya ang
higit na nakasasapol sa paksa at nakauunawa sa mga konseptong napapaloob dito
 Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin

Kahulugan ng Pagsasaling-wika
 ang pagsasaling wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na
katumbas na diwa at estilong nasa wikang isinasalin
 sa makabagong kahulugan ng pagsasalin, kung pinagtutuunang-pansin man ang porma
ay pangalawa na lamang sa mensahe ng tekstong isinasalin. Sa pagsasalin hindi dapat
pabilanggo ang tagapagsalin sa kakanyahan ng wikang kanyang isinasalin sapagkat may
sariling kakanyahan ang kanyang wikang pinagsasalinan na siya niyang dapat isaalang-
alang.

Nagsasalungatang Paraan sa Pagsasaling wika

 Salita laban sa Diwa


 Ayon kay Savory hindi naman ang ibig sabihin sa literal na salin ay ang literal na literal o
isa isang pagtutumbas sa mga salita sa orihinal na teksto. May diwa ring nakukuha sa
literal na salin, kaya lamang hirap ang bumabasa sapagkat hindi natural o idyomatiko
ang paraan ng pagpapahayag ng kaisipan.

 Himig-Orihinal laban sa Himig-Salin


 Nagiging himig salin ang isang salin sapagkat karamihan ng mga salita ay halatang-
halatang katumbas ng mga nasa orihinal na teksto, sapagkat literal ang salin may mga
balangkas ng mga parirala at pangungusap sa orihinal na makikitang nalipat sa wikang
pinagsasalinan.
 Kapag idyomatiko ang salin, nagiging himig-orihinal na rin ito sapagkat hindi na halos
napapansin ng mambabasa na ang kanyang binabasa ay una palang isinulat sa ibang
wika.
 Estilo ng Awtor laban sa Estilo ng Tagapagsalin
 Panahon ng Awtor laban sa Panahon ng Tagapagsalin
 Maaaring Baguhin laban sa Hindi maaring Baguhin
 Tula sa Tula laban sa Tula sa Prosa

 Andronicus- isang aliping Griyego na taga Europa

- Odyssey ni Homer ( isinaling nang patula sa Latin noong 240 B.C)


- ang kanyang salin ay kinagiliwan basahin ng marami

 Naevius at Ennius( nagsalin ng mga dulang Griyego tulad ng isinulat ni Euripides


 Cicero- ay isang dakilang manunulat at nakilala sa pagiging mahusay na tagasaling wika

Ayon kay Savory may isang pangkat ng iskolar sa syria ang nagsalin sa wikang arabic ang mga isinulat
nina Aristotle, Plato, Galen, Hippocrates atbp. At dito nakilala ng husto ang lunsod ng Baghdad, gunit
dumating ang panahon na nawalan ng sigla ang tagapagsalin ng mga iskolar ng Baghdad sapagkat
napabaling ang kanilang kawilihan sa ibang mga bagay.

 Pagkaraan ng tatlong siglo, napalitang ng Toledo ang Baghdad bilang sentro ng karunungan sa
larangan ng pagsasalin
 Adelard –isa sa mga tagapagsaling-wika na syang nagsalin sa Latin ng mga isinulat ni Euclid
 Retines- nagsalin sa Latin ng Koran noong 1141

At dahil sa palawak nang palawak ang paguugnayan ng mga bansa ay nakaabot na sa Toledo ang
mga orihinal na teksto ng mga literaturang nasusulat sa Griyego. Kaya’t nagkaroon ng
pagkakataon ang mga tagapagsalin na magsalin nang tuwiran sa Latin mula sa Griyego.

Sa panahong ito lumabas ang:


 Barlaan et. Josaphat
- Nagkaroon ito ng iba’t ibang salin sa iba’t ibang wika sa Europa, kaya’t napilitang kilalanin ito
ng simbahang Latino bilang isang santo at santa sina Barlaam at Josaphat

Ikalabidalawang siglo ay umabot sa pinakatuktok ang pagsasaling-wika (Savory) at sa panahon ito


sinasabing nagsimula ang pagsasalin sa Bibliya

 Wycliffe Tyndale at Coverdale


 Sa panahong ito lumitw din ang salin ni Jacques Amyot, isang opispo sa Auxerre na siyang
kinilalang “Prinsipe ng Pagsasaling-wika” sa Europa

You might also like