Pagtatayang Pagsusulit FLPL 1ST

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

 

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III - Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
CORAZON C. AQUINO HIGH SCHOOL
(formerly TAGUMBAO HIGH SCHOOL ANNEX)
Pob. #3, Gerona, Tarlac

IKALAWANG PAGTATAYANG PAGSUSULIT


FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK
Unang Semestre, T.P. 2022-2023

Pangalan __________________________________ Petsa____________


Strand/ Seksyion____________________________ Iskor______________

I.Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap.Piliin at isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

____1. Ito ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaring magamit na mapagsasalinan ng mga
nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang isipan.
a. pagsulat b. pagbabasa c. pagsasalita d. pakikinig
____2.Makatutulong ito sa pagpapataas ng kaalaman sa iba’t ibang larangan.
a. akademikong pagsulat b.teknikal na pagsulat c. malikhaing pagsulat d. obhetibong pagsulat
____3. Ang akademikongpsgsulat ay isang intelektwal na pagsulat nangangahulugang ito ay may layuning
na_____.
a. pataasin ang antas at kalidad ng mga kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
b. mapaunlad ang kakayahan ng mga guro.
c. mahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat
d. lahat ng nabanggit ay tama.
____4. Ayon sa DSKP, unti-unti nang nawawala ang disiplina at paggalang ng kabataan sa kasalukuyan.
Napatunayan na dahil sa bagong sistema ng pamumuhay kaya nalalayo ang loob nila sa kanilang pamilya.
Ang pangungusap na ito ay halimbawa ng pagsulat na_____
a. Akademiko b. Di-akademiko c. Teknikal d. Malikhain
____5. Wala ng paggalang ang mga kabataan sa ngayon karamihan sa kanila ay inilalayo ang sarili sa
pamilya kaya hindi mo masisisi ang pagkakaroon ng magulang namahigpit sa pamamalakad ng pamilya.a.
pataasin ang antas at kalidad ng mga kaalaman ng mga estudyante sa paaralan. Ang pangungsap ay
halimbawa ng di- akademikong sulatin sapagkat…
a. ito ay base sa sariling opinyon.
b. wala itong tiyak na lunsaran.
c. ito ay base lamang sa imahinasyon.
d. lahat ng nabanggit ay tama.
____6. Naghahangad na makapagbigay ng impormasyon.
a. impormatibong pagsulat b. mapanghikayat na pagsulat c. malikhaing pagsulat d.akademikong pagsulat

____7. Lahat ng pagpaplanong aktibiti, pangangalap ng impormasyon,


pag iisip ng mga ideya, pagtukoy ng istratehiya ng pagsulat at pag-ooraganisa ng mga
materyales ay kasama sa yugtong ito.

a. Pre-writing b.Drafting c. Revising d. Publishing


____8. Ito ang dahilan kung bakit ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng mas mahigpit na
tuntunin sa pagbuo ng sulatin
a. May maayos itong paghahanay ng pangungusap.
b. Mayroon itong isang paksa na may magkakaugnay na mensahe.
c. Mayroon itong malinaw na pagkakabuo ng ideya at pagpapaliwanag.
d. lahat ng nabanggit ay tama.

____9. Isa sa mga katangian ng akademikong pagsulat ay ang pagkilala sa lunsaran o source ng
impormasyon. Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy na katangian na ito ng pagsulat.
a. Malinaw b. Obhetibo c. Pananagutan d. Paninindigan

____10. Masasabing ang akademikong sulatin ay may kalinawan kung…


a. obhetibo b. direktibo at sistematiko c. may pananagutan d.may paninindigan

____11. Kakikitaan ng mas maraming larawan o litrato kaysa sa mga salita.


a. Picto Essay b. Travelogue c. Abstrak d. Bionote

____12. Ginagamit para sa personal profile ng isang tao, tulad ng kanyang natapos at iba
a. Picto Essay b. Travelogue c. Abstrak d. Bionote
____13. Sa pamamagitan ng paggamit ng panauhang pananaw na ito ay napapalitaw ang pagiging obhetibo
ng isang akademikong sulatin.
a. Unang Panauhan b. Ikalawang Panauhan c. Ikatlong Panauhan d. Ikaapat na Panauhan
____14. . Kinapapalooban ng overview ng akda. Organisado ayon sa sunud- sunod na pangyayari sa
kuwento.
a. Sintesis b. Sinopsis c. Abstrak d. Bionote
____15. Ang mga sumusunod ay katangian ng akademikong sulatin maliban sa ___.
a. Simple b. Pormal c. Obhetibo d. Malinaw
____16. Karaniwang pamamaraan upang makuha ang pinakanilalaman ng isang akda ay pagbabasa nito,
anong estratehiya sa pagbabasa ang gamit sa paggawa ng buod?
a. Iskiming b. Scanning c. Pre-reading d. Proof reading

Para sa bilang 17-23. Basahin at unawain ang halimbawa ng abstrak sa ibaba. Sagutin ang mga sumusunod
na tanong patungkol dito.
KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal,
espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenient
sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”.Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na
batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna.Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang
mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil
o ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital.
Source: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2
September 2015
____17. Anong halimbawa ng abstrak ang halimbawa sa itaas?
a. Impormatibo b. Deskriptibo c.Nanghihikayat d. Nanlilibang
____18. Ang halimbawa ng abstrak ay hindi maituturing na deskriptibo dahil…
a. Kompleto ang elemento nito.
b. Gumagamit ito ng ikatlong panauhan.
c. Detalyado at malinaw ang mga impormasyon na makikita sa babasahing ito.
d. Lahat ng nabanggit ay tama.
____19. Ano-anong bahagi ang tinataglay ng halimbawa ng abstrak na nabasa?
a. Rasyunal, Metodo, Saklaw at Delimitasyon, at Konklusyon
b. Rasyunal, Metodo, Saklaw at Delimitasyon, at Rekomendasyon
c. Rasyunal, Metodo, Saklaw at Delimitasyon, at Resulta
d. Rasyunal, Metodo, Saklaw at Delimitasyon, at Konklusyon, Rekomendasyon
____20. Alin sa sumusunod ang saklaw at delimitasyon ng pag-aaral.
a. 12-18 na taong gulang na batang ina b.batang ina c. 12-18 batang babae d. 18 pataas na batang babae
____21. Ayon sa pag-aaral ano ang naging resulta ng pananaliksik.
a. mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital
b. walang pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital
c. parehong may pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital
d. parehong walang pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital
___22. Non random convenient sampling ang ginamit sa pag-aaral ito ay halimbawa ng anong bahagi ng
abstrak?
a. Resulta b. Metodo c. Saklaw d. Rasyunal
___23. Saang bahagi ng pananaliksik makikita ang lugar na pokus ng pag-aaral?
a. Resulta b. Metodo c. Saklaw d. Rasyunal
___24. Sa pagsulat ng synopsis ay isa ito sa mga bagay na dapat tandaan.
a. gampanin ng mga tauhan b. sanggunian o lunsaran c. tono ng orihinal na sipi d. lahat ng nabanggit
____25 . Ayusin ayon sa pagkasunod-sunod ang mga hakbang sa pagsulat ng synopsis.
I. Basahin ang buong akda
II. Magtala at magbalangkas habang nagbabasa.
III. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan o sumusuportang detalye.
IV. Ihanay ang ideya ayon sa orihinal na akda nito.
V. Basahin ang unang ginawa, suriing mabuti kung nais pang mapaikli ito.
VI. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling pananaw ang sinusulat.
a. I, III,II,VI,IV,at V c. I, II,III,IV,V,at VI
b. II, III,I,VI,V,at IV d. IV, III,II,I,IV,at V
____26. Sa anong hakbang kadalasan nangyayari ang pagrerebisa ng naisulat na synopsis?
a. IV b. III c. VI d. V
____27. Sa prosesong ito maingat na pinipili ang lalamanin ng buod.
a. IV b. III c. VI d. V
____28. Ang pagsunod sa estruktura ng baliktad na tatsulok ay katangian ng isang mahusay na bionote. Alin
sa mga sumusunod ang pagsunod-sunod ng mga ideya?
a. di-gaanong mahalaga, mahalaga , pinakamahalaga
b. mahalaga, di- gaanong mahalaga , pinakamahalaga
c. di-gaanong mahalaga, pinakamahalaga , mahalaga
d. pinakamahalaga,mahalaga , di gaanong mahalaga
____29. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang tandaan patungkol sa pagsulat ng bionote?
a.Maayos ang estruktura b. Malinaw c. Obhetibo d. Tapat ang pagbabahagi ng impormasyon.
____30. Ang paggawa ng bionote ay kaiba sa pagsulat ng kathambuhay dahil…
a. Maikli ang nilalaman b. May larawan c. May sapat na dami ng impormasyon d. lahat ng nabanggit
____31. Sa pagsulat ng bionote ano ang binibigyang pansin ng manunulat?
a. buong buhay ng tao b. edukasyon at parangal na nakamit c. parehong a at b d. wala sa nabanggit
____32. Ito ang unang dapat alamin sa paggawa ng panukalang proyekto.
a. ang pagpaplano para sa pagbuo ng proyekto
b. pag-alam sa kung anong proyekto ang nais gawin,
c. mismong pagsulat na ng panukalang proyekto
d. pagpapanukala sa proyekto
_____33. Alin sa mga sumusunod ang hindi katanggap-tanggap sa pagsulat ng panukalang proyekto?
a. ang pagsulat nito ay upang matugunan ang mga simpleng problema sa komunidad.
b. ang pagsulat nito ay dapat na maging pormal.
c. ang pagsulat nito ay kaakibat ng sariling karanasan ng proponent lamang
d. wala sa nabanggit.
_____34. Alin sa mga sumusunod ang una sa yugto ng pagsulat ng panukalang proyekto.
a.Pag-alam sa gagawing proyekto b. Pagplano ng proyekto c. Pagsulat ng proyekto d.wala sa nabanggit
_____35. Isa sa mga maaaring panggalingan ng pondo para sa proyekto ay pagsasagawa ng IGP, ano ang
ibig sabihin ng IGP?
a. Income Generated Plan b. Income Generated Program c. Income Generated Project d.Ide Igoogle Po
_____36. Sa petsa iniistima at inilalahad sa bahaging ito ang mga araw at panahong gugugulin sa pagbuo ng
proyekto. Saan ito kadalasang makikita?
a. Talatakdaan ng gawain b. Deskripsyon ng proyekto c. Pondong kailangan d. Pamagat
____37. Sa bahaging ito makikita ang dahilan o sanhi ng pagsasagawa ng proyekto.
a. Talatakdaan ng gawain b. Rasyunal c. Pondong kailangan d. Pamagat
____38. Ano ang kailangan upang masabi na matagumpay ang pagpapanukala ng proyekto?
a. ang proyekto ay impormatibo
b. ang proyekto ay mapanghikayat
c. ang proyekto ay kailangang tapat sa layunin nito
d. lahat ng nabanggit ay tama
____39. Ito ang dapat na iwasan sa pagpapanukala ng proyekto.
a. ang proyekto ay nagyayabang at nagsesermon. c. parehong a at b
b. ang proyekto ay mapanlinlang. d. wala sa nabanggit
____40. Alin sa mga sumusunod ang hindi tama patungkol sa panukalang proyekto?
a. ito ay tugon sa mga simpleng problema. c. ito ay may layuning makakalap ng malaking pondo.
b. ito ay naglalaman ng detalyadong plano. d. lahat ng nabanggit ay tama
____41. Ang mga palihan o mga seminar ay naglalayong magbigay ng impormasyon. Alin sa mga nabanggit
ang halimbawa rin ng pagsasagawa ng panukalang proyekto?
a. Programa b. Paggawa ng liham c. Pananaliksik d. Pamanahong papel
____42. Ang panukalang proyekto ay isang aplikasyon na naglalaman ng mga detalyadong plano. Alin sa
mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga bahagi ng papel sa panukalang proyekto?
a. Pamagat b. Proponent c. Rasyunal d. wala sa nabanggit
____43. Bilang isang proponent ng proyekto ano ang kadalasang pagkakamali sa pagsulat ng proyekto.
a. hindi sapat ang panahon sa pagplano.
b. walang direksyon ang proyekto.
c. hindi natitiyak ang mga dapat kasangkot sa proyekto
d. lahat ng nabanggit
____44. Ang mga pahayag tulad ng batay sa/kay, ayon sa/kay ay nauuri sa pahayag na nagsasaad na
nagpapahayag ng ano?
a. Opinyon b. Katotohanan c. Kalinawan d. Katunayan
____45. Ang mga sumusunod ay mabisang lunsaran sa pagkuha ng datos maliban sa ____
a. Saksi sa pangyayari b. Awtoridad c. Referensiya d. Internet
____46. Naisasagawa ang pagpapahayag sa pamamagitan ng _______________ na pakikipagkomunikasyon
a. berbal o kaya’y di berbal b. pormal o di kaya’y di pormal c. parehong a at b d. wala sa nabanggit
____47. Ayon kina Mangahis, Nuncio , at Javillo(2008), karaniwang nagkakaiba-iba ang talumpati, batay sa
paghahanda sa mga ito. Alin ang talumpati ayon sa paghahanda?
a. Nangangatwiran b. Impromptu c. Nanghihikayat d. Nanlilibang
____48. Ang pag-alam kung gaano katagal ang inilaan para sa pagbigkas ng talumpati
a. Oras b. Awdyens c.Paksa d. Layunin
____49. Alin sa mga sumusunod ang dapat tandaan sa pagbigkas ng talumpati.
a. Alamin ang magiging tagapakinig at okasyon. c. Paghandaan ang pagbigkas ng talumpati
b. Pumili ng paksang malapit sa karanasan. d. Lahat ng nabanggit ay tama
____50. Bukod sa lugar ito ang ang isang letra na “L” sa Acronym na PILLOTA.
a. Layo b. Lakas ng boses c. Lawak d. Layunin

“Sa buhay hindi palaging may rebisyon, kailangan maging maingat sa lahat ng gagawing desisyon”
-Mam Leng

Inihanda ni: Bb. VALERIE R. VALDEZ


Guro sa FILIPINO
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III - Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
CORAZON C. AQUINO HIGH SCHOOL
(formerly TAGUMBAO HIGH SCHOOL ANNEX)
Pob. #3, Gerona, Tarlac

PAGTATAYANG PAGSUSULIT
FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK
Unang Semestre, T.P. 2022-2023

Susi sa Pagwawasto
1. a 32.b
2. a 33.c
3. a 34.a
4. a 35.c
5. d 36.a
6. a 37.b
7. a 38.d
8. d 39.c
9. c 40.c
10.b 41.a
11.a 42.d
12.d 43.d
13.c 44.b
14.b 45.d
15.a 46.a
16.a 47.b
17.a 48.a
18.a 49.d
19.c 50.d
20.a
21.a
22.b
23.c
24.d
25.a
26.d
27.b
28.d
29.d
30.a
31.b

You might also like