Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Nakuhang

iskor:
Mataas na Paaralan ng Sta. Elena
Baitang 12 – Filipino sa Piling Larang (Akademik) /50
PANGGITNANG PAGSUSULIT
Unang Semestre – Taong Panuruan, 2022-2023

PANGALAN: _____________________________ BAITANG AT SEKSIYON: ______________

I. SULATING AKADEMIKO

Panuto: Basahin ang bawat tanong. Pagkatapos ay piliin at isulat ang letra ng tamang
sagot sa patlang. Isulat gamit ang malaking LETRA sa pagsulat nito.

______1. Ang sumusunod ay magagamit bilang pangunahing sanggunian upang makasulat ng


akademikong sulatin maliban sa:
a. pahayagan
b. tesis/disertasyon
c. opinyon ng mga tao
d. academic journals

______2. Alin ang hindi katangian ng akademikong sulatin na dapat isaalang-alang?


a. May paggalang sa magkaibang pananaw
b. Gumagamit ng sapat na batayan
c. Malinaw na paglalahad ng katotohanan at opinyon
d. Pantay na paglalahad ng mga opinyon

______3. Isa sa mga pangunahing layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang kaalaman
ng mag-aaral sa _____ sa iba’t ibang disiplina o larang. 
a. opinyon at katotohanan
b. pagbasa at pagsulat
c. sanhi at bunga
d. pakikinig at pagsasalita

PAGBASA (bilang 4-6)

Hindi hadlang ang pandemya upang mas lalong matuto ang mga mag-aaral sa gitna ng
pagsubok na kinakaharap natin sa kasalukuyang panahon. Ito ang naging dahilan na
nagbunsod sa mga mananaliksik na umisip ng pamamaraan upang makatawid at magpatuloy
para sa lubos na pagkatuto ang bawat mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay upang malaman ang
kabisaan ng paggamit ng powerpoint gamification bilang kagamitan sa pagtuturo sa online
learning modality ng mga mag-aaral sa Baitang 12 na mula sa Academic Track ng Mataas na
Paaralan ng Sta Elena. Gumamit ang mga mananaliksik ng eskperimental na pag-aaral upang
masukat ang kabisaan nito kasabay ng pagpapasagot sa sarbey. 45 na mga mag-aaral sa
dalawang seksyon mula sa pangkat kontrol at eksperimental ang ginamit sa pag-aaral. Kinalap
ang mga kasagutan sa pamamagitan ng pagpapasagot sa pre-test at post-test na inihanda ng
guro kasabay ng pag-alam sa kanilang pananaw hinggil dito na nagtuturo na Pagsulat sa
Filipino sa Piling Larang (Akademic Track) sa unang semestre taong panuruan 2021-2022.
Natuklasan sa pag-aaral ang naging bisa ng paggamit ng powerpoint gamification sa pagtuturo
ng Filipino sa Piling Larang (Akademic Track) sa mga mag-aaral sa pangkat eksperimental lalo
nang matapos gamitin ito sa klase.
Mga Susing Salita: Powerpoint gamification, Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang, Academic
Track
PAGGAMIT NG POWERPOINT GAMIFICATION SA PAGPAPALAKAS NG
PAGAKATUTO SA FILIPINO SA ONLINE LEARNING MODALITY
nina Romeo A. Pilongo, Jesus Q. Forten at Ruen P. Lomo (2021)

______4. Ang halimbawang akademikong sulatin na ito ay isang halimbawa ng


a. Aksiyong Pananaliksik
b. Abstrak
c. Pamanahong papel
d. Papel Pananaliksik

______5. Sa pagsusuri ng halimbawang akademikong sulatin na ito, ano ang pangkalahatang


layunin nito?
a. Maipakita ang halaga ng paggamit ng powerpoint gamification sa pagpapalakas ng
pagkatuto sa Filipino sa online learning modality.
b. Maipakita ang kabisaan ng paggamit ng powrpoint gamification sa pagpapalakas ng
pagkatuto sa Filipino sa online learning modality.
c. Maipakita ang paggamit ng powerpoint gamification sa pagkatuto gamit ang online
learning modality.
d. Maipakita ang epekto ng paggamit ng powerpoint gamification sa pagpapalakas ng
pagkatuto sa Filipino sa online learning modality.

______6. Sa pagsulat ng ganitong akademikong sulatin ay ____ maliban kung ang naturang uri
ng pananalita ay bahagi ng isang pag-aaral.
a. impormal
b. pormal
c. balbal
d. kolokyal

______7. Ang pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat ay isang kasalanan


na may kaakibat na kaparusahan sa ilalim ng batas. 
a. plagiarismo  c. koda
b. intellectual property  d. etika

______8. Ang sumusunod ay kabilang sa tatlong antas ng pag-unawa sa pagbasa maliban sa


a. literal na pagpapakahulugan
b. pananaw ng may-akda
c. pag-unawa sa binasa/nabasa
d. aplikasyon mula sa pagbabasa

______9. Ang sumusunod ay mga katangiang dapat taglayin ng pagsulat ng katawan ng


talumpati maliban sa
a. Kawastuhan
b. Kalinawan
c. Kaakit-akit
d. Paraan ng pagbigaks

_______10. Ito ay ibinibigay nang walang paghahanda, Kaagad na ibinibigay ang paksa at oras
ng pagsasalita.
a. Manuskrito
b. Maluwag na talumpati
c. Biglaang talumpati
d. Isinaulong Talumpati

PAGBASA (bilang 11-13)

Taun-taon, espesyal ang Agosto para sa wikang pambansa. Bukod tangi ang Pilipinas
sa nagdiriwang ng Buwan ng Wika, marahil ito ay pagpapaalala sa atin na dumarating tayo sa
yugtong nakalilimutan at pilit pinapatay ang pag-aaral sa wika at panitikang Filipino.

Pangunahing tema sa pagdiriwang na ito ang “Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng


Wika” Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya. Malinaw na
pinag-uugnay nito ang halaga ng Filipino at mga katutubong wika sa bansa bilang panlunas sa
nararanasang pandemya. Ang pagkakaroon ng kolektibong pag-unawa ng sambayanan hinggil
sa krisis pangkalusugan ay isang mahalagang lunas batay sa naging saad ng Komisyon sa
Wikang Filipino.
Ayon din sa Komisyon ng Wikang Filipino, wika ang tulay sa paghahatid ng kamalayan
sa sangkatauhan upang ang COVID-19 ay mapigilan. Tinitingnan dito ang Filipino at mga
katutubong wika sa bansa bilang tagapamansag ng kolektibong paghahanap ng pag-asa sa
gitna ng krisis o matinding pangangailangan. Dagdag pa rito, kadalasang napag-iiwanan hinggil
sa kinakaharap na sitwasyon ang mga nasa laylayan ng lipunan dahil nasa banyagang wika
ang ginagamit sa pagpapaliwanag.

Higit sa pigura at mga chart sa paghahatid ng kalagayan sa bansa, mahalaga ang mga
salita upang bigyang detalye ang krisis pangkalusugang nararanasan. Mahalagang gamitin ang
wikang kinagisnan ng lahat, wikang nauunawaan nang nakararami. Mas madaling maipaunawa
ang karanasan ng bayan kung nakaugat ito sa wika ng bayan.

Ayon sa Executive Order No.2 na kilala bilang Freedom of Information Program, ang


bawat Pilipino ay may karapatang magkaroon ng access sa mga impormasyon, opisyal na
record at mga dokumento o papeles na binigay ng konstitusyon sa mga mamamayan. Subalit,
kung papansinin ang mga datos, bakit tila nakasulat ang mga impormasyon sa wikang Ingles.
Paano na lang ang mga hindi nakaiintindi sa wikang Ingles, hahayaan na lang ba nating mapag-
iwanan sila?

_____11. Batay sa tekstong binasa, masasalamin sa gamit ng wika ang paghahatid ng


kamalayan sa sangkatauhan upang ang COVID 19 ay mapigilan. Ano ang mahihinuha sa
pahayag na ito?

a. Ang tulong na magagawa ng wika ay upang iparating sa mga mambabasa ang halaga
ng paggamit ng Wikang Filipino.
b. Sa pamamagitan ng wika ay madaling magkaroon ng pag-unawa sa pamamagitan ng
pag-alam sa mga napapanahong kaganapan sa gitna ng pandemyang kinakaharap.
c. Maipakikita ang lubos na paggamit ng wika upang malaman ng tao at maunawaan ang
mga kaganapan sa buong mundo.
d. Maiparating sa pinakamadaling pamamaraan ang mga kaganapan tungkol sa COVID 19
gamit ang wika bilang instrumento ng mabisang pagkauunawaan ng lahat.

_____12. Ano ang maaaring maging paksa ng teksto?

a. Pagsasawika sa Panahon ng Pandemya


b. Papel ng Wika Bilang Instrumento sa Mabisang Pagkakaunawaan
c. COVID 19 at Pandemya: Mga Salitang nabuo sa panahon ng Krisis
d. Gamit ng Wika sa Mabisang Pakikipagtalastasan sa Panahon ng Pandemya

_____13. Isa sa mga katangian ng akademikong sulatin na dapat isaalang-alang ay gumagamit


ng sapat na katibayan. Aling bahagi ito sa talata?

a. 1, 3, 5
b. 3, 4, 5
c. 2, 3, 5
d. 1, 2, 5

_____14. Isinasagawa ng biglaan o walang paghahanda. Nagbibigay ng ilang minuto para sa


pagbuo ng iapahahayag na kaisipan.

a. Biglaan na talumpati
b. Maluwag na talumpati
c. Manuskrito
d. Isinaulong Talumpati
_____15. Sa pagbigkas ng isang talumpati, bakit kinakailangan na totoo at maliwanag nang
mabisa ang lahat ng detalye?

a. Ito ay upang mabilis na makapagbigay ng reaksiyon ang mga tagapakinig sa pahayag


ng nagsasalita sa harap at magkaroon ito ng agarang pidbak o reaksiyon.
b. Makikita ang kasiningan ng mananalumpati sa tuwing inilalatag ang mga katuwiran o
pananaw tungkol sa isang isyu o paksang pinag-uusapan.
c. Magagamit ang mga detalyeng pinakinggan upang mas mabilis, kapani-paniwala at
kongkretong maunawaan ang nais iparating nito.
d. Mahalagang mabisa ang paraan ng pagsasalita ng mananalumpati sapagkat ito ang
paraan upang mas lalong mahikayat ang mga tagapakinig na sumang-ayon.

_____16. Ito ay uri ng sulatin na nangangailangan ng kritikal na pag-iisip, pagsusuri, paggawa


ng sintesis, at pagtataya
a. Akademikong pagsulat c. Teknikal na pagsulat
b. Malikhaing Pagsulat d. Wala sa nabanggit

_____17. Ayon kay Karen Gocsik (2014), ito ay isa sa mga mahahalagang konsepto ng
akdemikong pagsulat.
a. Nakatuon sa disiplina o kurso na kukunin sa unibersidad
b. Nagpapahayag ng pananaliksik bilang bahagi ng proseso
c. Nararapat maglahad ng importanteng argumento
d. Nagpapakilala sa paksa at layunin ng isusulat

_____18. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na HINDI katangian ng pagbabalangkas?


a. Maiiwasan mong mawala sa pokus habang nagsusulat ng sanaysay dahil para itong
mindmap
b. Mas magiging Madali sa iyong ayusin ang mga ideya sa iyong sanaysay
c. Mas mapag-iisipan mong mabuti kung paano mo sisimulan o tatapusin ang iyong
sanaysay
d. Magagawang ulit-ulitin ang mga ideyang isasama sa pagsulat

_____19. Ito ang maaaring gamiting matibay na ebidensya para sa argumento


a. Sariling karanasan c. Narinig na kuwento
b. Balitang napanood d. Likhang kuwento

_____20. Ito ang pagkakaiba ng talumpati at posisyong papel.


a. Ang talumpati ay isinusulat upang bigkasin samantalang ang posisyong papel ay
isinusulat upang basahin lamang.
b. Ang talumpati ay gumagamit ng pagsasalaysay habang ang posisyong papel ay
gumagamit naman ng pangangatwiran.
c. Ang talumpati ay dapat makahikayat ngunit ang posisyong papel ay dapat
maglarawan ng isang partikular na isyu.
d. Ang talumpati ay walang limitasyon samantalang ang posisyong papel ay limitado.

_____21. Ito ang pagkakatulad ng paglalarawan at pagsasalayasay.


a. Hindi maaaring gamitin sa talumpati
b. Ginagamit sa pagbibigay ng ebidensya sa argumento
c. Ginagamit sa pagkukwento ng mga pangyayari
d. Hindi maaaring gamitin sa pangangatwiran

_____22. Ito ang halimbawa ng pangungusap na naglalahad.


a. Kulay rosas ang labi ng babae.
b. May dugong Amerikano ang bata.
c. Matangos ang ilong ni Juan
d. Nagbuwis ng buhay ang ating bayani para sa bayan.

_____23. Ito ang halimbawa ng pangungusap na nangangatwiran?


a. Dapat wakasan na ang korapsyon sa bansa.
b. Hindi talaga mawawakasan ang korapsyon sa bansa.
c. Mahalagang wakasan ang korapsyon para umunlad ang bansa.
d. Itinalaga ang kawani upang mapaunlad ang anumang programa ng bansa.

_____24. Ito ang kadalasang makikita sa panimulang bahagi ng sulating akademiko.


a. Pagpapakilala sa paksang tatalakayin
b. Mga patunay at ebidensya sa paksang tinatalakay
c. Paninindigan ng manunulat tungkol sa kanyang paksang tinatalakay
d. Wala sa nabanggit

_____25. Ito ang bahagi ng talumpati na naglalagom ng pangunahing punto.


a. Panimula c. Kongklusyon
b. Katawan d. Wala sa nabanggit

Para sa bilang 26 – 27, tukuyin kung anong yugto ng pagsulat naganap ang sumusunod na
sitwasyon:

Si Romeo ay nangalap ng mga impormasyon hinggil sa COVID-19. Kumuha siya ng mga


datos mula sa Internet at maging sa mga dyornal pananaliksik upang magamit niya sa
kanyang paksang tatalakayin.

_____26. Tukuyin kung anong yugto ng pagsulat naganap ang binasang halimbawa sa itaas.
a. Bago sumulat
b. Pagsulat ng unang draft o burador
c. Pag-i-edit o pagribesa
d. Paglalathala

Ang naisulat na sulating akademiko ni Jess na pinamagatang “Ang Pagsibol ng Bagong


Normal” ay talagang kinagiliwan ng marami matapos nila itong mabasa sa Facebook
datapwat may ilan ding nagkaroon ng agam-agam sa mga argumentong inilahad niya rito.

_____27. Tukuyin kung anong yugto ng pagsulat naganap ang binasang halimbawa sa itaas.
a. Bago sumulat
b. Pagsulat ng unang draft o burador
c. Pag-i-edit o pagribesa
d. Paglalathala

_____28. Ito ay isang uri ng talumpati kung saan ito ay binibigkas nang walang paghahanda.
a. Biglaang talumpati c. Manuskrito
b. Maluwag na talumpati d. Isinaulong talumpati

Para sa bilang 29 – 30, tukuyin kung anong yugto ng pagsulat naganap ang sumusunod na
sitwasyon:

Sinipi Mula Sa Talumpati ng Kagalang-galang Benigno S. Aquino III,


Dating Pangulo Ng Pilipinas Sa Pagdiriwang ng Ika-150 Anibersaryo ng Kapanganakan
ni Jose Rizal
[Inihayag sa Calamba, Laguna noong ika-19 ng Hunyo 2011]
...

Malinaw po: Hindi ipinanganak na superhero si Jose Rizal. Walang prediksyon sa


kaniyang kadakilaan; walang nakapagsabing ang anak ng mag-asawang Mercado ay
magiging pambansang bayani ng lahing Pilipino. Isa’t kalahating siglo ang nakalipas,
ginugunita pa rin natin ang kanyang kapanganakan, at tinitingala ang kanyang kadakilaan.

Kinikilala natin si Jose Rizal dahil sa harap ng mga sangandaan ng ating masalimuot
na kasaysayan, may isang Pilipinong muli’t muli ay piniling gawin ang tama—ang unahin ang
kapakanan ng kaniyang kapwa, ang itaguyod ang pagkakaisa para sa kalayaan ng atin pong
bansa—kahit pa ang kapalit nito ay ang sarili niyang buhay.

Matagal na pong nakahanay si Rizal sa iba pang mga dakila ng kasaysayan. Ngunit
sinabi po niya, sa bibig ng tauhang si Elias sa kanyang Noli Me Tangere: “Mamamatay akong
di man nakita ang maningning na pagbubukang-liwayway sa aking inang bayan! Kayong
makakikita, batiin ninyo siya—at huwag kakalimutan ang mga nalugmok sa dilim ng gabi!”

Wala po akong dudang binabati na natin ang bukangliwayway ngayon, nang hindi
nakakalimot sa mga nalugmok sa dilim, at sumusumpa: Sa bawat pagsubok, kapakanan ng
Pilipino ang isasapuso namin; sa bawat sangandaan, tuwid na landas ang aming tatahakin.

Tandaan lang po natin sana: Kung ang mga dinadakila natin tulad ni Jose Rizal ay
namili ng pangsarili, nasaan na kaya tayo ngayon? Nandito tayo dahil may mga nanindigan
para sa atin. Maging kaaya-aya naman po ang gawin natin, para talaga naman pong sulit ang
kanilang isinakripisyo sa atin.

Maraming salamat po. Mabuhay si Jose Rizal. Mabuhay ang Pilipinas na kanyang minithi at
ipinaglaban.

_____29. Ang bahagi ng talumpating binasa ay matatagpuan dito.


a. Panimula c. Kongklusyon
b. Katawan d. Wala sa nabanggit

_____30. Ito ang paraan ng pagpapahayag na ginamit sa talumpati.


I. Pagsasalaysay III. Pagpapaliwanag
II. Pangangatwiran IV. Panghihikayat

a. I at II c. I at III
b. I, II, III d. I, II, III at IV

II. PAGSULAT NG SANAYSAY

Panuto: Sumulat ng sanaysay batay sa alinmang paksang naibigan tungkol sa napapanahong


kaganapan sa loob at labas ng ating bansa. Bigyan ng pansin ang mga natutuhan sa
epektibong pagsulat ng akademikong sulatin. (Para sa bilang 31-50)

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Pamantayan 16-20
16-20 11-15 10-14 5-9 1-4
SUSI SA PAGWAWASTO

1. C
2. D
3. B
4. B
5. B
6. B
7. A
8. B
9. D
10. C
11. D
12. D
13. C
14. B
15. C
16. A
17. C
18. B
19. D
20. A
21. B
22. D
23. C
24. A
25. C
26. A
27. D
28. A
29. C
30. D

You might also like