Filkom Reviewer

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

FILKOM REVIEWER

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Domfil

 Ugnayan
 Tunog
 Kahulugan

Wika

 Pinakamahalagang sangkap at ugnayan sa pakikipagkapwa-tao


 Pinagsama-samang makabuluhang tunog, simbolo, at tuntunin.
 Behikulo (ugnayan, mensahe, kaisipan)
 Lingua = dila o wika = Langue = language
 Ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anomang minimithi o pangangailangan
ng tao
 Ang wika ay binubuo ng mga tunog na pinili at inayos sa pamaraang arbitraryo ng mga taong nabibilang sa
isang kultura
 Ang wika ay isang sining

Katangian ng Wika

1. MASISTEMANG BALANGKAS
 Sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas
 Ponolohiya (Ponema)
 Morpolohiya (Morpema)
 Sintaksis
 Diskuro
2. SINASALITANG TUNOG
 Aparato sa Pagsasalita (enerhiya, artikulador, resonador)
 Ponemang Katinig
 Ponemang Patinig
 Ponemik
 Ponetik
3. PINIPILI AT ISINASAAYOS
 May isinasaalang-alang
 Lingguwistika at Retorika
 Pormal
 Edukado
4. ARBITRARYO
 Napagkasunduang gamit ng tao sa loob ng kanilang pamayanan.
5. GINAGAMIT
 Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon.
 Ginagamit upang tugunan ang pangangailangan:
6. NAKABATAY SA KULTURA
 Pagkakaiba-iba ng Wika
7. NAGBABAGO
 Dinamiko ang Wika
 Paglikha
 Pagsasalin (wika, gramatika, kasiningan pampanitikan, paksa, kultura)
 Panghihiram
 Pag-usbong ng teknolohiya
 Mahigit-kumulang 30,000 salitang-ugat at 700 panlapi
8. KOMUNIKASYON
 Pasulat = paglalarawan ng wikang sinasalita
 Walang pangungusap kung walang salita
9. MAKAPANGYARIHAN
 Salita ay lakas na makapagpapatino, makapagpapabaliw, makapagpapakilos, makapagpapahinto
at marami pang iba
10. KAGILA-GILALAS
 Maraming mga salita ang mahirap ipaliwanag

Kahalagahan ng Wika

A. Kahalagahang Pansarili
 Indibiduwal na kapakinabangan
 Pagkatao
 Saloobin at damdamin
 Pakikipaglaban ng kanyang prinsipyo, katayuan sa lipunan, pagdukal ng karunungan.
B. Kahalagahang Panlipunan
 Ang tao ay hindi namumuhay nang mag-isa
 Pagbuo ng lipunan = kultura
 Hulugan, taguan, imbakan, at deposito
C. Kahalagahang Global-Interaksyonal
 Pag-agapay sa pangangailangan (panghihiram ng titik)

Antas ng Wika

 Pormal – ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit.
 Di-Pormal – ito ang mga salitang karaniwan, palasak, at pang-araw- araw.

Pormal
 Pambansa – wikang ginagamit sa pagtuturo, sa pamahalaan, at pagbabalangkas ng batas.
➢ Republika, edukasyon, pilosopiya, saligang batas, balarila,
 Pampanitikan – malalim na pamimilipino. Karaniwang masining, matalinghaga, at
matayog.
➢ Tayutay at Idyoma
 Teknikal – gamit sa Matematika at Siyensya. Mga salitang kadalasang hindi isinasalin.
➢ Square root, variables, fuse, electromagnetic wave, X-ray

Di-Pornal

 Dayalekto/Lalawiganin – ang nakagisnang wika ng mga etnolingguwistikong grupo sa


bawat lalawigan.
➢ Ala e, ere, nere, bag-ang, gab-i
 Kolokyal – karaniwang ginagamit sa pakikipag-usap sa tahanan, pasyalan, o tambayan
(“country talk”)
➢ Meron, sa’yo, kelan, na’san, pa’no, ‘no?, ‘to, pakelam, ata
 Balbal – mga salitang napupulot sa kalye (language of the street). Hindi makinis at
repinado (likha)
➢ Krayola, pagoda cold wave lotion, olats, datung, atbp.
 Bulgar – kabilang dito ang mga mura at mga salitang may kabastusan

Di-Pormal: Balbal

1) Katutubo (Gurang –Bisaya)


2) Banyaga (wheels - Ingles, tong – Intsik, salvage - Ingles)
3) Kahulugan (hiyas, luto, taga, ube, durog, bato, toyo, lagay, bola, damo)
4) Pagpapaikli (‘tol/utol, pake, wa, kano)
5) Pagbabaligtad (salita: atab-bata, pantig: lespu-pulis)
6) Akronim (gg, pg, ksp, tl, hd)
7) Pagpapalit ng Pantig (jisa-isa, nyotlo-tatlo, jowa-asawa)
8) Paghahalo (binasted, paepek, ma-take)
9) Bilang (143, 50-50, 123, 555)
10) Pagdaragdag (malay-malaySIA, kulong-colomBIA)
11) Kumbinasyon
➢ Baligtad at Dagdag (hindi-dehin- dehins, hiya-yahi-dyahi, wala-alaw- alaws)
➢ Ikli at Dagdag (pinoy, tisoy/tisay, bagets)
➢ Ikli at Baligtad (sigarilyo-siyo-yosi)
➢ Hiram at Ikli (dead malice-dedma, short time-shota, security-sikyo, original-orig)
➢ Hiram at Dagdag (dead-dedo, cry- krayola, in-love-inalababo)
12) Pangngalang Pantangi
➢ Pangngalang Pantangi (Janno Gibbs, Luz Valdez, Alma Moreno, James Yap, Joana,
Cynthia, Lydia de Vega, Aida Macaraig, Malou, Cathy, Eva Kalaw, Pocahontas,
Purita Corales)

Komunikasyon

 Proseso ng pagpapalitan ng berbal at ‘di-berbal na mensahe.


 Isang tuloy-tuloy na proseso
 Dalawang-daan proseso (two-way process)
 Latin- “communis”- magpalitan
 Pagpapahayag, paghahatid, o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan
 Pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipag- unawaan

Antas ng Komunikasyon

1) Intrapersonal
2) Interpersonal
3) Organisasyonal

Elemento ng Komunikasyon

a. Konteksto – paktor kung saan ito nagaganap/ nangyayari


b. Tagapaghatid – tagapagdala ng mensahe gamit ang mga simbolo (salita, grafiks, o biswal)
c. Mensahe – ito ang/ mga ideya na gustong ihatid/ ipabatid.
d. Midyum – sa paanong paraan ihahatid ang mensahe? Pasulat ba o pasalita?
e. Tagatanggap – para kanino ang mensahe? Siya ang target ng komunikasyon.
f. Fidbak – ito ang nagpapakita kung naiintindihan/ nauunawaan ang ipinarating na mensahe.

MGA KONSEPTONG PANGWIKA

Monolingguwal

 Isang batang hindi pa nakatuntong sa paaralan.


 Umiikot sa isang wika ang kaniyang mundo.
 Dayalekto ng kaniyang kinagisnang lugar ang kanyang gamit.

Bilingguwal

 Tumutukoy sa kakayahan ng isang taong makapagsalita ng dalawang wika.

Layunin ng Bilingguwal

 Mapataas ang pagkatuto sa pamamagitan ng dalawang wika,


 Maipalaganap ang wikang Filipino bilang wika ng literasi
 Mapaunlad ang Filipino bilang simbolo ng pambansang identidad at pagkakaisa
 Malinang ang elaborasyon at intelektuwalisasyon ng Filipino bilang wika ng akademikong diskurso
 Mapanatili ang Ingles bilang internasyonal na wika sa Pilipinas at wika ng siyensya at teknolohiya

Multilingguwal

 Tumutukoy sa kakayahan ng isang indibiduwal na makapagsalita at makaunawa ng iba’t ibang wika.

Homogenous

 Hom – isang uri o klase


 Genos – kaangkan o kalahi
 Isang klase mula sa iisang lahi o angkan.
 Language uniformity – pagkakaroon ng iisang istandard ng paggamit ng isang partikular na wika.

Heterogenous

 Pagkakaiba-iba ng uri at katangian ng isang wika.


 Nakapaloob dito ang iba’t ibang konsepto ng dayalektal na baryasyon sa wika.

BARAYTI AT REHISTRO NG WIKA

Heorgrapikal na Dimensyon

 Batay sa taong gumagamit (lugar)

Sosyolohikal o Panlipunang Dimensyon

 Trabaho
 Grupo
 Kasarian
 Edukasyon
Halimbawa ng Barbasyon ng Wika

Um vs Na (Batangas at Quezon)

 Kumain ako ng isda (Maynila)


 Nakain ako ng isda (Batangas)

Mag vs Um

 Magkuha vs kumuha
 Mag-ulan vs umulan

Ekspresyon

 Ah (Bataan)
 Ala eh, ga (Batangas)
 Ire (Nueva Ecija)
 Eh (Maynila)
 Na, ne (Kapampangan)

Bigkas

 Malaw-aw (Batangas: gab-i, ngay- on, matam-is)


 D→R (Morong, Rizal: bunrok, ragat, ringring, isra)
 Titik H (humihinom, aas, baay)

Baybay

 Wala-wara, kasal-kasar, pwede-puyde, dito-dire


 I at E (lalaki-lalake, bakit-baket, bibe-bibi)
 O at U (totoo-tutuo, natuto-natutu)
 Pagpapaiksi (mayroon-meron, kailangan-kelangan, pare-p’re, yata-ata, kaysa-kesa, hintay ka-teka)

Sosyolek

 Bunga ng natamong edukasyon, trabaho, grupo sosyo-ekonomiko, kaanak, kasarian atbp.

Idyolek

 Nakagawiang pamamaraan ng pagsasalita ng isang indibidwal o pangkat ng mga tao.

Dayalek

 Wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan at pook, malaki man o maliit.

Etnolek

 Etno- etniko; Lek- dayalek


 Ginagamit ng mga etnolingguwistikong grupo.
 Late Latin oeco- household
 Wikang ginagamit sa loob ng tahanan ng isang mag-anak. Tanging sila lamang ang nakaiintindi. Nanatili pa
rin ang paggalang sa kanilang mga magulang. Ang mga salitang ginagamit ng mga miyembro ng pamilya ay
hindi nila ginagamit paglabas ng kanilang tahanan.
Pidgin

 Wika na ginagamit ng isang taong hindi katutubo upang makipag- ugnayan sa mga katutubo.
 Madalas gamitin ang mga salitang pangnilalaman

Creole

 Isang wika na unang naging pidgin at kaulanan ay naging likas na wika (pag-aangkin).

Register / Rehistro

 May kinalaman sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika.


 Jargon

MGA KONSEPTONG PANGWIKA

Wika

 Daluyan ng mga ideya, damdamin, mensahe, kaisipan, at emosyon


 Pagkakakilanlan ng isang lahi o lipi
 Paraan sa pagsasalin ng kaalaman, karanasan, at alaala

Lingguwistikong Komunidad

 Kaugnayan sa pagpapaunlad ng wika


 Pagsasaalang-alang ng baryasyong ginagamit ng isang komunidad
 Pagbuo ng pamayanang mayaman sa paggamit ng wika

Unang Wika

 Wika na natutuhan ng isang tao nang siya ay isilang


 Batayan sa pagkakakilanlang sosyolingguwistiko ng isang tao
 Katutubong wika, inang wika, sinusong wika
 May katumbas na simbolong L1

Pangalawang Wika

 Ang lahat ng wikang matutuhan ng isang tao liban sa kaniyang unang wika
 May katumbas na simbolong L2

ANG GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

7 Tungkulin ng Wika

1. Interaksiyonal
 Ginagamit dito ang wika sa pakikisalamuha sa kapwa upang mabuo ang panlipunang ugnayan sa
pagitan ng bawat tao.
 Magagalang na salita, pangungumusta, pagbati, telepono, liham, atbp

2. Regulatori
 Tungkulin ng wika na pumipigil o kumokontrol sa mga pangyayari kaugnay ng dapat asalin o ikilos.
 Pagbibigay ng panuto, direksyon, paalala, recipe, mga batas
3. Instrumental
 Gamit ng wika upang mayroong mangyari o mayroong maganap na bagay-bagay dahil sa
pangangailangan.
 Liham pangangalakal, pag-uutos, pakiusap

4. Personal
 Gamit ng wika sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.
 Pagtatapat ng damdamin, paghingi ng tawad, editorial

5. Heuristik
 Karaniwang ginagamit sa pagtatanong upang makahikayat na matuto ayon sa kanyang o
karanasan o karanasan ng iba at matuklasan ang kasagutan sa tanong.

6. Impormatibo
 Gamit ng wika sa pagpaparating ng kaalaman tungkol sa daigdig, pag-uulat ng mga pangyayari, at
paglalahad.
 Pagbibigay ng impormasyon

7. Imahinatibo
 Malikhaing guni-guni ng isang tao sa paraang pasulat man o pasalita
 Tayutay at simbolismo
 Akdang pampanitikan

KOMUNIKASYON SA PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Kohesiyong Gramatikal

 tumutukoy sa mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi na ito maging paulit-ulit.

1. Anapora
 panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitangpangngalan sa unahan.
2. Katapora
 panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Teorya sa pinagmulan ng Wika

1. Biblikal
 Genesis 11:1-9 (Tore ng Babel)
 May iisang wika
 Kapatagan ng Sinar
 Pagtatayo ng moog
2. Bow-Wow
 Mga tunog na mula sa kalikasan
 Langitngit ng kawayan
 Lagaslas ng tubig
 Pagdagundong ng kulog
 Ihip ng Hangin
3. DingDong
 Mga tunog na mula sa paligid
 Tiktak ng relo
 Busina ng sasakyan
 Kalembang ng kampana
 Pagkiriring ng telepono
4. Pooh-Pooh
 Tao ang gumagawa ng tunog dahil sa matinding damdamin
 Halakhakan ng mga bata
 Pagsigaw ng taong galit
5. Yo-He-Ho
 Ang tunog ay nagmula sa pisikal na lakas
 Pagbubuhat ng mabigat na bagay
 Pagsagwan ng mga kalahok sa “Dragon Boat”
6. Yum-Yum
 Ang tunog ay mula sa galaw ng katawan na may tunog (Stimulus-Response)
 Pagpalakpak ng kamay
 Pssst!
 Pagdighay ng taong busog
 Pagkalam ng tiyan ng taong gutom
7. Tata
 Mula sa salitang Frances na ngangahulugang ‘paalam’
 Pagtaas at pagbaba ng dila
8. Sing-Song
 Iminungkahi ng linggwistang si Jeperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong
sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal. Iminungkahi pa niya na ang mga unang
salita ay sadyang mahahaba at musikal.
9. Coo-Coo / Babble Lucky
 Mula sa tunog ng sanggol na walang kahulugan.
 Babbling
 Cooing
10. Hocus Pokus
 Maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong
aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno.
11. Eureka
 Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maaari daw na ang atingmga ninuno ay may
ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang
ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran sa
pagpapangalan ng mga bagay-bagay (Boeree, 2003)
12. Lala
 Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang magsalita.
13. Ta-Ra-Ra-Boom-De-Ay
 Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad
ng pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala,
panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto. Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw,
pagsigaw at incantation o mga bulong.
14. Mama
 Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng pinakamahahalagang
bagay. Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una’ y hindi niya masasabi ang salitang mother ngunit
dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang pinakamahalaga diumano, una niyang nasasabi ang
mama bilang panumbas sa salitang mother.
15. Muestra
 Magkaugnay ang pagsasalita at pagmumuestra o galaw habang nagasalita. Kinokontrol ng utak ang
pagkilos.
16. Navya-Nyaya
 Mula sa bansang India na sinasabing walang pasulat na komunikasyon kung walang pasalitang
komunikasyon
17. Pakikisalamukha / Hey You / Kontak
 Batay sa teoryang ito, sinasabi na ang wika ay nagmula sa pangangailangan ng mga tao na makipag-
usap o makipag-ugnayan sa iba.
18. Musika
 Ang sinaunang wika ay may melodiya at tono ngunit walang kakayahang makipagtalastasan
sapagkat may kakulangan sa mga detalye ang sinaunang wika.

Kasaysayan ng Wikang Pambansa

Panahon ng Katutubo

I. Alibata – “Alif-ba-ta” (Arabic)


II. Baybayin – “Baybay” (17 titik) (Kawi: Java, Bali, Sumatra)
III. Laguna Copperplate Inscription – (Javanese, old Malay, old Tagalog)
IV. Sukatan ng Edukasyon – Karanasan ng Tao
V. Pangunahing Wika: Tagalog, Ilokano, Pangasinense, Kapampangan, Waray, Bikolano,
Cebuano, Hiligaynon

Panahon ng Kastila

I. Pangkat Etniko
II. Wikang Kastila (333): Ilustrado at edukadong mamamayan
III. Wikang Katutubo – panturo
IV. Gob. Tello (Mayo 25, 1596) – Kristiyanismo
– Prayle: Katutubo, Indio: Kastila
V. Carlos IV (1792) – Wikang Kastila
– Panturo: katutubo at indio
VI. Saligang Batas ng Biak-na-Bato (1897) – Tagalog bilang opisyal na wika

Panahon ng Amerikano

I. Ingles bilang instrumento ng pananakop (Mapagkandiling Asimilasyon)


II. Wika at Edukasyon
III. Thomasites – Unang mga Amerikanong guro
IV. Batas 74 ng Philippine Commission (1901) – Ingles bilang panturo
V. Panukalang Batas 577 (Public Instruction) – Wikang Katutubo sa pagtuturo ng Primary
(Taong Pampaaralan 1932-1933)

Panahon ng Komonwelt

I. Saligang Batas ng 1935, Art. IX, Sek. 3: pagbuo sa isang wikang pambansa
II. Saligang Batas ng 1935: Kastila at Ingles (opisyal na wika)
III. Nob. 13, 1936 – Batas Komonwelt Blg. 184 (Surian ng Wikang Pambansa o SWP)
IV. Enero 12, 1937 – susog ng Batas Komonwelt Blg. 333 (Kapulungan ng SWP)
V. Nob. 9, 1937 – Resolusyon ng SWP: TAGALOG (Sanligan ng SWP)
VI. Dis. 30, 1937 – Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (Tagalog ang batayan)
VII. Abril 1, 1940 – Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (Diksyunaryong Tagalog-Ingles at
Balarila)
VIII. Jorge Bocobo (Kalihim ng Pagtuturong Pambayan)
IX. Hunyo 19, 1940 (WP sa paaralan)
X. Sirkular Blg. 26 (Celedonio Salvador, Direktor ng Edukasyon) – Ituro ng WP sa ikalawa at
ikaapat na antas sa hayskul)
XI. Bulitin Blg. 26 – Isang Pitak sa WP (Pahayagang Pampaaralan)
XII. Hunyo 7, 1940 – Batas Komonwelt Blg. 570 (WP bilang opisyal na wika ng Pilipinas simula
Hulyo 4, 1946)

Panahon ng Hapon

I. Marso 26, 1954 – Proklasmasyon Blg. 12 (Linggo ng Wika: Marso 29-Abril 4)


II. Abril 2, 1788 (Abril: Buwan ng Panitikan)
III. Setyembre 23, 1955 – Proklasmasyon Blg. 186/187 (Linggo ng Wika: Agosto 13-19)
IV. Agosto 19, 1878 (Agosto: Buwan ng Wika)
V. Pebrero 1956 – rebisyon ng Panatang Makabayan (Paaralan)
VI. Peb. 1956 – Sirkular Blg. 21 (Gregorio Hernandez Jr., Direktor ng Paaralang Bayan):
Pambansang Awit
VII. Agosto 13, 1959 – Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (Pilipino) (Jose R. Romero:
Pagpapadalisay at Pagpupuro)
VIII. Nob. 1962 – Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 (Pilipino: Sertipiko at Diploma)
IX. Okt. 24, 1967 – Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (Pilipino: Tanggapan at Opisina ng
Pamahalaan)
X. Mar. 27, 1968 – Memorandum Sirkular Blg. 96 (Rafael Salas) (Pilipino: letterhead ng
pamahalaan)
XI. Agosto 5, 1968 – Memorandum Sirkular Blg. 199 (Rafael R. Salas) (Pinuno at Empleyado:
Seminar)
XII. Agosto 6, 1968 – Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 (Pilipino sa lahat ng komunikasyon
at transaksyon ng pamahalaan)
XIII. Agosto 7, 1969 – Memo Sirkular Blg. 227 (277) (Ernesto Maceda): Seminar ng SWP (Exec.
Order 187)
XIV. Agosto 17, 1970 – Memo Sirkular Blg. 384 (Alejandro Melchor) (Pilipino: Komunikasyon
sa mga Korporasyon)
XV. Bago o Pagkatapos ng Peb 25, 1970 – Resolusyon Blg. 70 ng Pambansang Lupon sa
Edukasyon (WP: Panturo sa Elementarya)
XVI. Mar. 16, 1971 – Kautusan Blg. 304 (Pang. Marcos): Pagsasarili ng SWP
XVII. Hulyo 29, 1971 – Memorandum Sirkular Blg. 488 (Linggo ng Wika sa Tanggapan ng
Pamahalaan)
XVIII. Dis. 1, 1972 – Kautusang Panlahat Blg. 17 (Pang. Marcos) (Isalin ng Saligang Batas sa
Pilipino at Ingles, Enero 15, 1973)
XIX. Mayo 1973 – Vicente Abad Santos (Kasabay ng Bagong Saligang Batas, ang Pilipino ay
asignatura at wikang panturo)
XX. 1973 – Resolusyon Blg. 73-7 ng Pambansang Lupon ng Edukasyon (Bilingguwalismo)
XXI. Hunyo 19, 1974 – Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (Juan L. Manuel) Patakarang
Edukasyong Bilingguwal
XXII. Hulyo 21, 1978 – Kautusang Pangministri Blg. 22 (JLM) (6 na yunit sa Kolehiyo, 12 yunit sa
kursong pang-edukasyon) (80-81, 82-83)
XXIII. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 (Pang. Aquino) (Linangan ng mga Wika sa Pilipinas)
XXIV. Saligang Batas ng 1987, Art. XIV, Sek. 6 – (Filipino to Pilipino)
XXV. Marso 12, 1987 – Order Pangkagawaran Blg. 22 (Filipino) Lourdes Quisumbing
XXVI. Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 – Bagong Alpabeto at Patnubay sa Pagbabaybay
XXVII. Agosto 25, 1988 – Kautusang Tagaganap Blg. 335 (Filipino: Transaksyon ng Pamahalaan)
XXVIII. Marso 19, 1990 – Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 (Isidro Carino) Katapatan sa Filipino
XXIX. 1996 – CHED Memo Order Blg. 59 (9 na yunit sa Filipino) (Fil 1: Sining ng
Pakikipagtalastasan, Fil 2: Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina, Fil 3: Retorika)
XXX. Agosto 14, 1991 – Batas Republika Blg. 7104 (Komisyon sa Wikang Filipino) (11
Komisyuner: 2 Full Time, 8 Part Time, 1 Tagapangulo)
XXXI. Hulyo 1, 1997 – Proklamasyon Blg. 1041 (Buwan ng Wikang Pambansa)
XXXII. 2001 – Rebisyon sa Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling
XXXIII. 2006 – Kautusang Pangkagawaran Blg. 42 (Sinuspinde ang Ortograpiyang Filipino 2001)
XXXIV. Oktubre 7, 2009 – Kautusang Pangkagawaran Blg. 104 (Gabay sa Ortograpiyang Filipino
2009)
XXXV. Disyembre 7, 2010 – Tiyak na ang Ortograpiyang Filipino 2009
XXXVI. Agosto 14, 2013 – Kautusang Pangkagawaran Blg. 34 (Ortograpiyang Pambansa)
XXXVII. Hulyo 30, 2013 – Tiyak na ang Ortograpiyang Pambansa

Ang Alpabetong Filipino

I. 1940 – Ang Alpabetong Tagalog (Balarila ng Wikang Pambansa)


II. (ABaKaDa = 20) Lope K. Santos
III. Oktubre 4, 1971 – Modernong Alpabeto (31) C, CH, F, J, LL, Ñ, Q, RR, V, X, Z
IV. 1987 – Alpabeto (28)
V. Fonemik – F J V Z
VI. Redandant – C Ñ Q X
VII. Ang mga letrang gamit sa pagbabaybay sa pangngalang pantangi at mga salitang katutubo

Unang Pinuno ng SWP

I. JAIME C. DE VEYRA - Tagapangulo (Samar-Leyte)


II. CECILIO LOPEZ - Kalihim at Pinunong Tagapagpaganap (Tagalog)

Unang Kagawad ng SWP

I. FELIX B. SALAS RODRIGUEZ – (Hiligaynon)


II. SANTIAGO FONACIER – (Ilokano)
III. CASIMIRO F. PERFECTO – (Bikolano)
IV. FILEMON SOTTO – (Cebuano)
– hindi tinanggap ang pagkahirang
V. ISIDRO ABAD – ipinalit kay Filemon Sotto
VI. HADJI BUTU – (Muslim)
– pinalitan dahil sa pagkakasakit
VII. IÑIGO ED REGALADO – humalinhin kay Lope K. Santos nang umalis ito
VIII. LOPE K. SANTOS – (Tagalog)
– pumalit kay Hadji Butu
Mga Direktor

I. Jaime C. De Veyra (1937-1941) – Pagpili ng WP


II. Lope K. Santos (1941-1946) – Paggamit ng WP
III. Julian Cruz Balmaceda (1947-1948) – Diksiyonaryong Tagalog
IV. Cirio H. Panganiban (1948-1954) – Talasalitaan at Lupon ng SWP
V. Cecilio Lopez (1954-1955) – Lingguwistika
VI. Jose Villa Panganiban (1946-1947) & (1955-1970) – Pilipino batay sa Tagalog English-
Tagalog Diksiyonaryo, Diploma, Pasaporte, atbp.
VII. Ponciano B. P. Pineda (1970-1999) – Bilingguwal
VIII. Nita P. Buenaobra (1999-2006) – Traylingguwal
IX. Ricardo Ma. Duran Nolasco (2006-2008) – Multilingguwal
X. Jose Laderas Santos (2008-2013) – Preserbasyon sa Filipino at iba pang wika sa Pilipinas
XI. Virgilio S. Almario (2013-2020) – Pananliksik, Ortograpiya, “Filipinas”
XII. Dr. Arthur P. Casanova (2020-2027) – Diksiyonaryo ng Wikang Filipino, Pagtanggal sa
Paggamit ng Filipinas, Pagsusulong sa Paggamit ng “Pilipino” bilang pantukoy sa tao

You might also like