Ikalawang Markahang Pagsusulit - Esp 5 - Q2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP-V

Pangalan :_____________________________ Petsa: ______________________


Baitang/Seksyon: _______________________ Guro : _______________________

GOODLUCK

Panuto: Basahin ng maayos ang sumusunod na tanong.Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Nasunog ang bahay nina Maria at walang naisalba sa kanilang mga gamit. Kung si Maria ay kaibigan mo
ano ang maaring gawin mo?
a. Hayaan na lang sila. b. Tulungan kung ano man ang kailangan nila.
c. Sabihin sa mga kapitbahay. d. Isumbong sa pulis.
2. Ang taong may ___________________ay kinalugdan ng Diyos.
a. kasipagan b. malasakit c. katamaran d. kayamanan
3. Binigyan mo ng baon mong pagkain ang iyong kaklse na binaha sa kanilang lugar. Anong kaugalian ang
ipinapakita ?
a. Matulungin b. masayahin c. pagmamalasakit d. masipag
4. Laging isaisip at __________ ang pagmamalasakit sa kapwa.
a. iwanan b. ihiwalay c. iligtas d. isapuso
5. Pagsapit ng recess, Nakita mong pinagbabantaan ang iyong kaibigan ng inyong kaklase upang makuha
ang kanyang baon. Ano ang dapat mong gawin?
a.tulungan ang kaibigan na awayin ang kaklase b. suntukin ang kaaway ng kaibigan mo.
c. kausapin at sabihing masama ang kanyang gagawin d. Isumbong sa Pulis
6. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng isang kinauukulan maliban sa________________.
a. Guro b. Pulis c. Bumbero d. Barangay Tanod
7. Nakita mong nagwawalis ng silid-aralan ang iyong guro.Ano ang gagawin mo?
a. Kunin ang walis at ipagpatuloy ang paglilinis. b. Hayaan na lamang
c. Iwasan na hindi ka niya makita. d. Sabihin sa iyong kaklase
8. Nasaksihan mo ang pag-snatch ng bag ng isang magnanakaw sa labas ng inyong paaralan. Ano ang
dapat mong gawin sa sitwasyong ito?
a. Ipagbigay-alam ito sa gwardya at mga guro ng paaralan.
b. Habulin ang snatcher at hulihin upang mabawi ang bag.
c. Ipagwalang-bahala ang Nakita.
d. Iabot na lang ang pakikiramay sa nawalan ng bag.
9. Isa sa pinaka magandandang kaugalian nating mga Pilipino ay ang pagiging__________ sa kapuwa sa
oras ng kagipitan
a. maisipin b. matulungin c. madaya d. masipag
10. May mga bisitang dumating ang nanay mo galing ibang bansa, ng matapos ang kanilang bakasyon
pinabaonan pa ng nanay mo ng gawa nyang kakanin ang kanyang mga bisita. Anong kaugalian ang pinakita
ng nanay mo?
a. pagiging matulungin b. masipag c. magiliw sa pagtanggap d. masayahin
11. Binubully ni Celso ang inyong kaklaseng si Sabel dahil ito ay mataba.Tinatawag niya itong “ baboy”Ano
ang gagawin mo?
a. Ipagbigay-alam sa guro b. Samahan si Alex sa kanyang ginagawa
c. Huwag pansinin d. Isumbong sa pulis
12. Nakikipag-away ang iyong kaibigan sa likod ng silid-aralan.Ano ang gagawin mo?
a. Sumali sa away b. Suntukin ang dalawang nag-aaway
c. Sabihin sa guro ang iyong nakita d. Huwag makialam sa away nila
13. May nakita kang batang umiiyak malapit sa bahay niyo.Alin sa sumusunod ang dapat mong gawin?
a. Tingnan na lamang ang batang umiiyak b. Sabihin sa iyong mga magulang.
c. Hayaan na lamang ang bata d. Bahala siya sa buhay niya
14. May nakasalubong kang mga aeta ng kayo ay namasyal sa Lucena City. Nakita mong ito ay tinatamba ng
bato at pinagtatawanan ng mga batang nakasalubong nyo. Ano ang maari mong gawin?
a. Pagtawanan din dahil sa itsura nila
b. Ipag-bigay alam sa magulang o mga nakakatanda upang mapagsabihan ang mga bata
c. sumali sa pagbato upang umuwi na ang mga aeta sa kanila
d. batohin ang mga batang nanunukso sa mga aeta
15. Paano mo maipapakita ang iyong paggalang sa mga nakakatanda?
a. tulungan sila sa kanilang paglalaba c. bigyan sila ng cake tuwing birthday
b. Gumamit ng “po” at “Opo” sa pakikipag-usap d. pagtawanan sila kapag hindi makatawid
16. Dapat ba ay lagi kang sumasang-ayon sa opinion ng iyong kapwa?
a. Opo, upang hindi masaktan ang kanyang damdamin
b. Opo, dahil mas mahalaga ang opinion nya kaysa sa akin
c. Hindi po, dahil hindi naman sila ang tama sa lahat ng oras.
d. Hindi po, dahil mas makabuluhan ang usapan kung mababahagi ng sariling opinion.
17. Nanghihiram sa iyo ng notebook ang iyong kaklase sapagkat lumiban ito sa klase dahil nagkasakit ito.
, ano ang dapat mong gawin?
a. Ipahiram ito sa kaklase c. Magkunwaring lumiban ka din sa klase
b. Sabihing nawala ang iyong notebook d. Magkunwari kang walang narinig
18. Hinihintay ni Dave na matapos ang pagbibigay ng opinyon ng kaniyang kausap bago ito
sumagot.
a. Tama b. Mali c. Pwede d. wala sa nabanggit
19. Si Myrna ay kinupkop ng mag-asawang Abner at Nelia mula nang maulila ito sa kaniyang mga
magulang.Nagsilbi silang pangalawang mga magulang ng bata. Anong karapatan ang tinatamasa niya
ngayon sa piling ngbagong mga magulang?
A. Karapatan sa Edukasyon C. Karapatang maipagtanggol ng pamahalaan
B. Karapatang mabigyan ng pangalan D. Karapatang magkaroon ng pamilyang mag-aaruga
20. Ikaw ay binigyan ng pangalan ng iyong mga magulang noong ikaw ay isinilang at ipinarehistro sa
pamahalaang lokal sa inyong bayan at lalo pa itong napagtibay nang ikaw ay binyagan. Anong karapatan
ang tinamasa mo?
A. Karapatang makapaglibang C. Karapatang mabigyan ng pangalan
B. Karapatang igalang at mahalin D. Karapatang magkaroon ng maayos nakasuotan
21. Laganap sa Barangay Lihis ang larong Tong-It. Bata’t matanda’y magha-maghapon sa sugal na ito, kaya
laganap din ang nakawan sa pook na iyon. Alam mong pulis sa pook na iyon ang may palaro nito kaya ito’y
matatag hindi nahuhuli.
a. Sang-ayon b. Hindi Sang-ayon c. Walang Pakialam d. Walang gagawin
22. Labandera ang Nanay mo sa pamilya nina Rigor. Sa kanila nanggagaling ang ikinaubuhay ninyo. Alam
mong ang anak niya ay isang addict na nagnakaw ng cellphone ng inyong kapitbahay. Dahil sa ayaw mong
magpatuloy ang masamang gawi ng anak nila, kung kaya tumistigo ka laban kay Rigor.
a. Hindi sang-ayon b. Sang-ayon c. Walang gagawin d. Walang pakialam
23. Nakita mo ang holdaper na siyang umagaw ng wallet ni Chichay na nanggaling sa palengke buhat sa
kanyang pagtitinda. Sa takot mo sa holdaper ay hindi mo ituturo kung saan pumunta ang nanghold-up.
a. Sang-ayon b. Hindi Sang-ayon c. Walang Pakialam d. Walang gagawin
24. Kung kayo ay nakakita ng kahina-hinalang kilos ng mga tao sa inyong paaralan. Anong gagawin mo?
a. Magsawalang kibo upang hindi madawit
b. Magkibit balikat at huwag magsasalita kahit kanino
c. Ipagbigay alam kaagad sa guro upang walang mapahamak.
d. Tumahimik upang hindi paghinalaan nang masama
25. Alam mong nagtong-its ang mga kabataan sa isang liblib na lugar ano ang gagawin mo?
a. Isusumbong ko sa aming Barangay
b. Isusumbong ko sa iba pang mga grupo upang mag-away
c. Hindi ko ito pakikialaman upang hindi ako madamay.
d. Makikisali upang matuto ako sa paglalaro at ituro ko sa aking mga kaklase.
26. Narinig mo ang iyong kapitbahay na nag-aaway dahil sa pag-inom ng alak. Batid mong hindi maganda
ang susunod na pangyayari kapag nagpatuloy pa ito.
a. Tatawag ako sa aming kapitbahay upang lalo pa silang mag-away
b. Tatawag ako sa Barangay upang masolusyunan ito kaagad.
c. Tatawag ako ng Media upang mapag usapan ito sa buong barangay.
d. Tatawag ako ng iba pang kapitbahay upang ikuwento sila.
27. Ikaw ay pumapasok sa isang eksklusibong paaralan sa inyong bayan at ang ibang mga batang katulad
mo ay nag-aaral naman sa isang pampublikong paaralan. Magkaiba man ng pinapasukang paaralan, iisa
lamang ang ipinapahiwatig nito na kayong lahat ay nabigyan ng pagkakataong makapag-aral. Anong
karapatan ang tinutukoy dito?
A. Karapatang maglaro at maglibang
B. Karapatan sa sapat na Edukasyon
C. Karapatang sa maayos na kasuotan at tirahan
D. Karapatan sa pagkain at malusog na pangangatawan
28. Kung nakakita ka ng mandurukot sa loob ng Mall kanino mo ito ipagbibigay-alam?
a. Sa gwardiya ng Mall b. Sa Barangay
c. Sa ibang mga tao d. Hindi ko ito ipagpapa-alam
29.. Nag-ikot ang Barangay patrol sa inyong lugar at ipinagtatanong kung may kaguluhan sa inyong lugar.
Itinatanggi ito ng mga naunang pinagtanungan. Ano ang gagawin mo?
a. Mag- maang maangan c. Magsasawalang kibo
b. Sasabihin ang katotohanan d. Itatanggi ang pangyayari
30..Naririnig mong nagkakagulo ang iyong mga kapit-bahay. Masarap matulog dahil malamig ang panahon
kung kaya ayaw mong maistorbo.
a. Mabuting gawi c. Masamang Gawi
b. Mabuting pag-uugali d. Makakatulong ito kung hindi kikibo.
31.Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay nakakaita ng isang katutubo na sumasayaw sa parke?
a. Pagtawanan sila dahil sa kanilang kakaibang kasuotan
b. Batuhin dahil nakakahiya sila
c. Igalang at respetuhin dahil sila ay tao din na may pusong masaktan
d. Hayaan sila sa kanilang ginagawa
32. May dayuhan na dumating sa ating bansa at nagtatanong sa iyo ng direksyon.Ano ang dapat mong
gawin?
a. Iwasan ko sila dahil hindi ko sila maintindihan
b. Tatakbo ako sa likod ng bahay at magtago
c. Humingi ng saklolo sa taong marunong makipag-usap ng mga dayuhan
d. Hindi sila papansinin
33. Inutusan ka ng iyong Nanay na ihanda ang meryenda para sa panauhin ninyong dayuhan.Paano mo ito
ibibigay sa kanila?
a. Ilagay na lang sa mesa at iwanan
b.Hayaang sila ang lumapit
c. Iabot sa kanila na nakangiti kahit hindi mo na sila kakausapin
d. Bahala sila sa buhay nila
34. Dumadalo ka sa pag-eensayo ng inyong grupo sa darating na Summer Basketball League.Nakita mo na
sasalili ang iyong kaalitan noong isang araw.Ano ang gagawin mo?
a. Hindi ko papansinin b. Hayaan na lamang
c. Humingi ng tawad at kalimutan ang nangyari d. Suntukin at tadyakan
35. Ang magkakaibigan ay nagkaisang sumali sa patimpalak ng sayaw sa kanilang barangay.Ano ang
ipinahihiwatig sa sitwasyon na ito.
a. Pakikipagkaibigan b.Pagmamahal c. Pagpapasalamat d. Pakikipag-away
36.Ano ang masasabi mo sa sitwasyong ito.”Buong pamilya nina Mang Cedring ay nagtanim ng mga puno
bilang pakikilahok sa proyekto ng kanilang barangay”.
a. Ang kanilang pamilya ay masayahin b. Ang kanilang pamilya ay magulo
c. Ang kanilang pamilya ay may trabaho
d. Ang kanilang pamilya ay may pagmamahal at pagmamalasakit
37. Ano ang nararapat mong gawin kung ang kaibigan mo ay nakikiisa sa pagtatanim ng halaman sa
barangay?
a. tutulong sa kanila para madaling matapos b. manonood na lang ako ng TV
c. titigan sila sa kanilang ginagawa d. nakakatamad ang kanilang ginawa
38.. Habang nanonood kayo ng paligsahan sa barangay narinig mo ang iyong kaibigan na wala nang ginawa
kundi pintasan ang mga kalahok.Ano ang iyong gagawin?
a. Isumbong sa mga kalahok ng paligsahan
b. Sabihin ko sa mga magulang ko
c. Kausapin ko at pagsabihan na hindi maganda ang mamintas ng kapwa
d. Suntukin para tumahimiK
39. Ang bawat taong nilalang ay may ______________na tanging sarili lamang niya ang masusunod kung
tama ba ito o mali ayon sa sarili niyang pananaw at kadahilanan.
a. ideya/opinion b. galit/poot c. isip/gawa d. hirap/tiis
40. Halimbawa may nasabing mga ideya/opinion ang iyong kaklase tungkol sa pag-uugali mo.Ano ang iyong
sasabihin?
a. Respetuhin b. balewalain c. wala lang d. awayin
41. Pagtulong sa gawaing bahay na may ngiti sa mga labi habang ginagawa ito ay isang ___
a. malaswang Gawain c. magulong Gawain
b. magandang Gawain d. mahirap na Gawain
42. Marami sa mga gawaing pampaaralan ang nangangailangan ng pakikiisa ng mga bata upang maging
matagumpay ito. Ilan dito ay sa mga paglalaro, paligsahan, pagdiriwang atbp.
a. tama po b. mali po c. hindi po ako sigurado d. hindi kop o alam
43. Pagsali ng paligsahan sa barangay ay kailangang _________________
a. sapilitan b. bukal sa puso c. tulakan d. agawan
44. Ano ang mararamdaman mo kung ang iyong kaklse ay sumasali sa mga programa ng paaralan?
a. Masaya b. maiinggit c. malulungkot d. masungit
45. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng wastong pagtatamasa ng karapatang
manirahan sa tahimik at payapang lugar?
A. Mga batang namamalimos sa daan at halos sa tabing kalsada na rin natutulog gamit ang karton na
higaan.
B. Isang batang palaboy na nakikituloy lamang sa mga kakilala kung saan abutin ng gabi.
C. Isang batang nakatira sa isang payak na tahanang nasa gitna ng kabukiran kasama ang kaniyang pamilya.
D. Wala sa mga nabanggit.

II. Basahin mo nang mabuti ang bawat sitwasyon sa ibaba. Iguhit ang tsek ( ✓ ) kung ito ay nagpapakita ng
wastong pakikilahok sa paligsahan at ekis ( x ) naman kung hindi.

_____46. Naghanda ang aming mga troop leaders ng mga palaro sa iskawting. Nararapat lang na ako ay
sumali at makiisa.
_____47. Nilapitan ko ang kaklase kong natalo sa chess at sinabihan ko na tanggapin ang pagkatalo.
_____48. Ipinapakita ko ang paggalang sa kapuwa manlalaro sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang
ideya o katwiran.
_____49. Tinatanggap ko nang buong puso ang pagkatalo sa anomang paligsahan.
_____50. Nandaraya ako sa laro dahil mga kaibigan ko naman ang aking mga kalaban.

Prepared by:

MARIVIC E. MOMONGAN
TEACHER-III
“GOD BLESS”
ESP-V
Susi sa Pagwawasto

1.b 11.a 21.b 31.c 41.b


2.b 12.c 22.b 32.c 42.a
3.c 13.b 23.b 33.c 43.b
4.d 14.b 24.c 34.c 44.a
5.c 15.b 25.a 35.a 45.c
6.c 16.d 26.b 36.d 46./
7.a 17.a 27.b 37.a 47./
8.a 18.a 28.a 38.c 48./
9.b 19.d 29.b 39.a 49./
10.c 20.c 30.c 40.a 50.x

You might also like