Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Nakaranas ka na ba ng diskriminasyon?.

Diskriminasyon ay isang problema sa lipunan


na may negatibong epekto sa pag-iisip ng isang tao. Ang diskriminasyon ay ang hindi
pantay na pagtrato sa mga tao at grupo base sa kanilang panlabas na anyo, edad,
etnisidad, sekswalidad, at sa mga taong may kapansanan. May negatibong epekto ang
diskriminasyon sa ofw at mga estudyante.

Ang mga ofw ay nagtatrabaho sa ibang bansa para maka ipon ng pera na ipapadala sa
kanilang pamilya. Akala ng ibang tao na ang pagiging ofw ay madali lang pero hindi
dahil nakakatanggap sila ng diskriminasyon mula sa mga katrabaho at sa mga taong
nakapaligid sa kanila. Nakakaapekto ito sa kanilang trabaho dahil hindi sila makapag
pokus sa kanilang mga gawain. Nahihirapan sila makihalubilo sa kasama sa trabaho.
Ang ibang ofw ay nakakaranas din ng pisikal na pang-aabuso dahil sa lugar kung saan
sila nanggaling o etnisidad nila.

Ang mga estudyante ay kadalasang nakakaranas ng diskriminasyon mula din sa kapwa


nila estudyante. Malaki ang epekto ng diskriminasyon sa kanila dahil nawawalan sila ng
gana na pumasok sa klase. Nagiging depress sila na naka sisira na kanilang pag-iisip.
Walang gustong makipag kaibigan sa kanila dahil sila ay naiiba kaya nararamdaman
nila na hindi sila tanggap. Hindi na nila alam ang halaga ng kanilang sarili at nagiging
insecure sila. Nakakaapekto ito sa pag-aaral nila dahil hindi na sila makapag pokus sa
kanilang pag-aaral.

Napagtanto ko na ang diskriminasyon ay may malaking epekto sa mga ofw at


estudyante. Diskriminasyon ay dapat natin iwasang gawin para hindi tayo makakasakit
ng tao. Dapat marunong tayo mag respeto ng kapwa natin tao dahil nakakaapekto ito
sa pagtatrabaho at pag-aaral bg isang tao. Isa ang diskriminasyon pinakakariniwan na
problema sa lipunan. Ang diskriminasyon ay nakakasama at nagpapakita ng hindi
pantay na pagtrato sa kapwa. Mahalagang itigil ang diskriminasyon dahil nakakatulong
itong protektahan ang kanilang mga karapatan.

You might also like