Pangkat 5 Porfolio Link

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

ELEKTRONIKONG

PORFOLIO

FILIPINO SA PILING
LARANGAN
Napagtagumpayang mga Akademikong
sulatin sa Asignaturang Pagbasa
at
Pagsulat sa iba't-ibang
Teksto tungo sa Pananaliksik.

Mga Miyembro:

Adrian Pearl Raña


Aramina Galario
Bernadette Panugalinog
Creshel Jean Saladaga
Ven Rodel Dumagat
ACKNOWLEDGEMENT

Una at higit sa lahat, nais kong ipahayag ang aking taos-


pusong pasasalamat sa ating Panginoong Diyos na

makapangyarihan sa lahat sa pagbibigay sa atin ng lakas at


kakayahang umunawaat sa aming guro sa asignaturang ito na
si Bb. Rezza Fe Navasa, maraming salamat sa inyong gabay.
Ang inisyatiba sa Piling Larangan ay naging posible dahil sa
direksyon, pagsisikap, at tulong ng maraming tao. Hindi ito
magiging posible kung hindi dahil sa inyong kaalaman at
patnubay na nakatutulong sa aming lahat na maging
natagumpayan ang mga gawaing At nais ko rin pasalamatan
ang bawat miyembro ng grupo para sa iyong pagsisikap,
pakikipagtulungan at pasensya sa buong prosesong ito. Nais
kong samantalahin ang pagkakataong ito para ibigay ang
aking taos-pusong pasasalamat sa lahat nga mga kapwa
studyante na nag-aaral sa Unibersidad ng Liceo De Cagayan
na tumogon sa ginawa naming sarbey. At sa lahat ng naglaan
ng kanilang oras sa pagtulong sa amin na maisaayos ang
proyektong ito.
PAMAGAT

Panukalang Proyekto para sa mga Estudyanteng Kaparte sa


Pangkat-12 STEM strand ng Unibersidad ng Liceo de Cagayan sa
Suliranin Hinggil sa Pagtaas ng Presyo sa Kantina

TAGAPANGASIWA/PROPONENT

Creshel Jean
Aramina P. Adrian Pearl P. Bernadette D.
Ven Rodeel Q. Saladaga
Galario Raña  Panugalinog 
Dumagat  Grade 12-
Grade 12- STEM Grade 12- STEM Grade 12- STEM
Grade 12- STEM STEM 22
22 22 22
22 Purok 4-A
Lapasan Camp Consolacion, Pasil, Kauswagan,
Bulua, CDO Gusa, CDO
Alagar CDO CDO  CDO
vrdumagat13659 cjsaladaga4
agalario49901@li aprana85795@li bpanugalinog763
@liceo.edu.ph  6578@liceo.e
ceo.edu.ph  ceo.edu.ph  50@liceo.edu.ph
09756268768 du.ph  
09056565998  N/A 09354786269 
09753941721
PANUKALANG PROYEKTO
Petsa Mga Gawain Lugar/Lokasyon

Pagsasagawa ng sarbey
ukol sa problemang
kinakaharap
November 30 to Online sarbey
ng mga estudyante sa
December 1, 2022
Pamantasan ng
Liceo de Cagayan
Pangkat 12- STEM Strand.

Paghahanap ng Pamantasan
tagapagsalita ng
December 2, 2022
at lugar para sa Liceo de Cagayan
gaganaping seminar.

Pagpaplano sa daloy
ng Pamantasan
December 4, 2022
programa at pagsasaayos ng
ng mga ito. Liceo de Cagayan

Pagpapaaproba ng
December 5, 2022 nagawang panukalang NAC 3rd Floor 406, LDCU
proyekto sa guro.

KALIGIRAN NG SULIRANIN/RASYUNAL

Ang mga estudyante sa Pamantasan ng Liceo de Cagayan Main


Campus, pangkat-12 STEM strand ay mayroong kinakaharap na
suliranin ukol sa pagmahal ng bilihin sa kantina. Maraming
estudyante ang nag-aadjust pa sa kasalukuyang Face-to-Face na
klase sa gayon ang kanilang mga baon na pera ay nakabadyet
lamang kung kaya isang malaking problema sa kanila ang pagmahal
ng mga tinda sa kantin. Dahil diyan ang obhektibo namin sa
proyektong ito ay ang makatulong na matutuhan nila ang tamang
pagbadyet sa kanilang mga pera at ang matalinong pamamaraan
sa pagpili ng importanteng gastusin lamang.

MGA LAYUNIN

Layunin ng proyektong ito na mabigyan


ng pansin ang pagmahal ng presyo
ng tinda sa kantin ng Unibersidad
PANGKALAHATANG ng Liceo de Cagayan at
LAYUNIN Makabibigay ng tulong sa
pangkat- 12 na mag-aaral upang sila
ay makaiwas sa paggastos ng labis base
sa kanilang badyet.

Makapaghingkayat ng tulong sa mga


pangkat-12 na mag-aaral upang sila ay
makaiwas ng sobrang paggastos lalo na

at maraming bayarin.
Maipalam sa bawat estudyante ang mga
TIYAK NA LAYUNIN kailangan nilang gawin nang makatulong na

mapagaan ang gastusin ng mga magulang
ng bawat estudyante.

Makapabahagi ng planong alternatibo para


maiwasan ang pagbili ng mahal na
pamilihin sa kantina.
PLANO NG MGA GAWAIN

1. Magsagawa ng seminar para magabayan ang mga estudyante


para maka-iwas sa mahal na presyo ng bilihin sa kantina
kung kaya’t mas mainam na magdala ng magbaon imbis na
bumili sa kantin para makakain.

2. Ibadyet ang pera at huwag gastusin sa mga hindi importanteng


kagamitan. Maging masinop sa paggastos upang makatulong
rin na mapaliit ang gastusin ng mga magulang.

3. Kung hindi maiwasan ang pagbili ng mga pagkain sa labas ng


bahay, dapat maging matalino sa pagpili ng mura
pero maganda at masarap ang kuwalidad.

BADYET

Gastusin Halaga

I. Lugar kung saan gaganapin ang seminar


₱ 2,500
(disenyo at iba pang kagamitan)

ll. Handog para sa tatlong (3)


₱ 1,000
tagapagsalita (Frame at bulaklak)

lll. Zest-O (₱120 per box) ₱ 2,500

IV. Minute Burger (buy 1 take 1 - ₱30) ₱ 2,500

KABUUAN ₱ 8,500
PAKINABANG

Ang panukalang proyektong ito ay mayroong layuning matugunan ang


suliranin na kinakaharap ng Pangkat-12 na mag-aaral, alinsunod sa pagtaas
ng presyo ng bilihin sa kantina ng Unibersidad ng Liceo deCagayan. Ang
aming pagsagawa ng sarbey ukol sa suliranin na kanilang pinoproblema ay
naging daan upang kami ay makabuo ng kapaki-pakinabang na solusyon
upang makaiwas ang mag-aaral sa sobrang paggastos ng pera sa mga bagay
na hindi importante o walang pakinabang. Madadagdagan rin ang kanilang
kaalaman nang sa gayon natutunan nila na maging masinop sa kanilang mga
allowance. Ang mga ito ay matutuhan nila sa pamamagitan ng pagsali ng
seminar na aming ipapatupad. Ang mga pakinabang na kanilang matatamo
ay kanilang magagamit para sila ay maging matalinong umintindi sa
sitwasyon na kinakaharap ng nagbebenta sa kantina ng paaralan, sa
kadahilanang ang mga tindera rin ay mayroong iniintinding bayarin na renta
at kapital para sa kanilang mga tinitinda. Gayunpaman, parehong
nahihirapan ang bawat isa kanilang kinatatayuan.
POSISYONG PAPEL

"The death penalty is discriminatory and does not do


anything about crime” - Bobby Scott

Ang Death Penalty o parusang kamatayan ay isang


paraang ipinapatupad ng mga nakakataas sa pamahalaan upang
maparusahan ang mga taong nakagawa ng karumal-dumal na krimen sa
bansang kinatatayuan. Ang pagkitil ng buhay sa bawat nagkasala at mga
lumabag sa batas ng bansa ay nakasaad sa Republic Act No. 7659.
Ipinapataw ang batas na ito sa mga taong gumawa ng isang mabigat na
krimen, at binibigyan ng permiso ang mga korte na maghatol ng
kamatayan sa kanila nang sa gayon mabigyang hustisya ang taong
kanilang nagawan ng kasalanan. Ang Death Penalty ay naipatupad na sa
bansang Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Cory Aquino
noong 1987, ngunit ito ay nahinto at muling ibinalik sa administrasyon ng
Pangulong Fidel Ramos dahilan sa pag-iral ng maraming kaso ng krimen sa
bansa. Muling ipinatupad sa panahon ni Pangulong Joseph Estrada at
napawalang bisa noong panahon ng pagkapangulo ni Gloria Macapagal
Arroyo. Paglipas ng sampung taon, nahinto ulit ang pagpapatupad nito sa
kadahilanang ito ay ipinagbabawal ayon sa Republic Act No. 9346.
Gayunpaman, sa pagupo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isabuhay
ang Death Penalty, iyon ang War on Drugs na mayroong layon na
mapababa ang kaso ng krimen sa bansa dulot ng paggamit ng mga
ipinagbabawal na gamot o droga. Ngunit ito ay tinanggihan ng House of
Representatives dahil ayon kay Rep. Sherwin Tugna “Ang parusang
kamatayan ay hindi pumipigil sa mga tao na gumawa ng mga
krimen, sa gayon dapit nating tugunan ang ugat ng mga krimeng nagawa
nila.”
Ang parusang pagpatay sa mayroong sala ay mayroong hangad na
mapababa ang kaso ng mga krimen sa bansa ngunit ito ay walang patunay na
katotohanan, ayon nga kay Noel Del Prado "Noong mga panahon na merong
death penalty ay walang makikitang significant na pagkakaiba, walang
maibabanggit na batayan para sabihin na ito ay nakakapagbaba ng krimen,"
Dagdag na rin ni Champa Patel, Amnesty International’s Director for
Southeast Asia and the Pacific “Ang parusang kamatayan ay isang hindi
makatao, hindi epektibong parusa at hindi kailanman ang solusyon. Ang mga
pagtatangka ng Pilipinas na muling ipakilala ito ay malinaw na labag sa batas.
Makakakuha lamang ito ng katanyagan sa bansa bilang isa sa ilang mga
bansana muling bubuhayin ang kasuklam-suklam na paggamit nito." Bukod
pa diyan, ayon sa iba ang parusang pagbitay sa kriminal ay kahit papaano
nakakapaggaan at nakakapagbigay ng katarungan sa kamatayan ng biktima,
ang pagpatay sa kriminal ay nagiging paraan nila upang makamtan ang
hustisya. Samakatuwid, marami ang sumasangyon sa pagpapatupad ng
batas na ito. Ngunit, hindi lang ang death penalty ang alternatibong paraan
upang makamit nila ang tunay na hustisya. Puwede rin naman ang Reclusión
perpetua o panghabang-buhay na pagkabilanggo upang ang bawat salarin ay
makapagpenitensya sa kanyang nagawang kasalanan. Dito matutulungan
niya ang kanyang sarili na magbago at makapaghingi ng tawad sa pamilya ng
biktima kahit alam niya na hindi na niya maibabalik ang buhay ng taong
kanyang napatay, subalit sa paggawa nito kahit papaano nakakabawas ito ng
pighati sa mga pamilyang naiwan ng biktima. Ayon sa pag-aaral na isinagawa
sa America (Vollum and Longmire 2007) na mayroong isang daan at
limampung-limang (150) pamilya na respondente na nakapanayam ukol sa
kamatayan ng kanilang mahal sa buhay ay 2.5% LAMANG ang nagsabing
nakaramdam sila ng paghilom matapos bitayin ang nambiktima sa kanilang
kapamilya at 20% ang tahasang nagsabing hindi naghatid ng paghilom ang
pagbitay sa nambiktima sa kanilang kapamilya.
Samakatuwid, kami ng aking grupo ay hindi sang-ayon sa
pagpapatupad ng Death Penalty, dahil ito ay lumalabag sa karapatan ng tao
na mabuhay ng malaya bagaman sila ay nagkasala, ang buhay ng tao ay
mahalaga at hindi basta bastang isuko upang bitayin. Ayon sa Universal
Declaration on Human Rights o UDHR, lahat ng tao ay mayroong karapatang
mamuhay ng malaya at ligtas. Lahat tayo ay may iba't ibang kasalanan at
hindi hadlang na hatulan tayo ng parusang kamatayan base sa mga ito dahil
bawat isa sa atin ay mayroong karapatan na mabigyan ng pagkakataon na
maitama ang mga mali at mabigyan ang hustisya ng tamang paraan.
Importante rin na unahin natin tugunan ng pansin ang sistema ng hustisya sa
bansa bago natin ipatupad ang pagbitay sa mga kriminal. Ito ay napansin ni
Benigno Aquino nang siya ay nakaupo na bilang isang Presidente, ang noong
tagasuporta ng pagpapatupad ng parusang kamatayan ay nagbagodahil sa
hindi perpekto na sistema ng hustisya sa bansa. Ayon sa kanya, “Kapag ito ay
uunahing tugunan ng pansin, hindi na masisisi ang mga taong walang sala at
mabibigyan ng pagkakataon na magdusa ang totoong maysala.” nang siya ay
nakaupo na bilang isang Presidente, ang noong tagasuporta ng
pagpapatupad ng parusang kamatayan ay nagbago dahil sa hindi perpekto
na sistema ng hustisya sa bansa. Ayon sa kanya, “Kapag ito ay uunahing
tugunan ng pansin, hindi na masisisi ang mga taong walang sala at
mabibigyan ng pagkakataon na magdusa ang totoong maysala.”
Sa gayon mahalaga na dapat unahin na tugunan ng pansin ang
sistema ng hustisya sa bansa upang maiwasan ang mga paratang sa mga maling
tao at higit sa lahat ang pagbitay sa mga inosenteng tao dahil ang buhay ay
makabuluhan at dapat pangalagaan. Ang pagpapatupad ng parusang
kamatayan ay hindi namin maituturing na epektibong parusa upang makuha
ang hustisya sapagkat maraming mga salik ang dapat isaalang-alang sa
kadahilanang buhay ng tao ang nakasalalay dito. Ang parusang kamatayan ay
ang pagkitil ng buhay ng tao, ito ay ginawa upang maparusahan ang maysala
ngunit ito ay hindi mabisang paraan nang sa gayon sila ay makapagbayad sa
kanilang nagawa. Hindi ito sapat para sa hustisya na gustong makamtan ng
pamilya ng biktima. Ngunit kahit tutol kami sa pagpapatupad ng parusang
kamatayan sa Pilipinas susundin pa rin namin ang mga pinuno at desisyon ng
gobyerno dahil sila ay ang mga mas nakakaalam ng mainam na paraan at mga
nakakabuti para sa mga mamamayan.
BIONOTE
Si Ginang Rosilyn B. Saplor ay kasalukuyang
isang guro at tagapamahala ng Buhay Teatro
at Sining (BTS) na klab sa Pamantasan ng Liceo
de Cagayan. Siya ay nakapagtaposbilang isa sa
pinakanatatangingstudent awardee sa
Bachelor of Arts in Broadcasting noong 2006
sa Cagayan de Oro College, Phinma Education
Network. Siya rin ay isa
sapinakamaimpluwensiyang opisyales ng
College of Arts and Sciences
(CAS)Department noong 2006 at
pinakamahusay na sa Sentrong COCean
Theater and Performing Arts noong 2004.

Naging isang Grandslam Best Actress noong 2003-2007 sa Dulaang


Filipino. Noong 2004 napabilang sa pinakamagaling na direktor at
tagapagsulat ng senaryo ng Theater Arts sa "Mindanao Theater feast
Festival". Kalakip din siya bilang pandaigdigang gumanap na artista sa
Cagayan de Oro Talent Center noong 2008. Siya ay mayroong pangunahing
trabaho sa Faculty ng departamentong Social Sciences. Siya ay kabilang sa
AB Broadcasting at mayroong Certificate of Teaching. Isa rin siyang event
organizer, host, at concept creator. Siya ay mayroong organisasyong
kinabibilangan at iyon ay ang Cagayan de Oro Talent Center, Mindanao
Talent Center, Dream Ministry Foundation at ang Buhay Teatro at Sining o
BTS sa Unibersidad ng Liceo de Cagayan. Ayon sa kanya, “Maging
Responsable at Produktibong Indibidwal, Maging Daluyan din ng Pagpapala
sa Iba.”

You might also like