Professional Documents
Culture Documents
Filipino
Filipino
1
Filipino – Ikawalong Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Kaligirang Kasaysayan ng Kontemporaryong
Panitikan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magka-
roon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang ma-
likom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi in-
aangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.
!
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
2
Filipino 8
Ikatlong Markahan
Modyul 1 para sa Sariling Pagkatuto
Kaligirang Kasaysayan ng
Kontemporaryong Panitikan
Manunulat: Marianne L. Lucas
Tagasuri: Adela S. Cruz, MT I /Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III
3
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 8 ng Modyul para sa
araling Kaligirang Kasaysayan ng Kontemporaryong Panitikan !
4
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matu-
tuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.
MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pam-
pagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapa-
halaga.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
5
MGA INAASAHAN
Layuning Pampagkatuto:
3. Nailalahad ang mga lingo/termino kasama ang kahulugan ng mga ito na gi-
namit sa mundo ng multimedia bilang makabagong platform ng panitikan
PAUNANG PAGSUBOK
1.____________________________ 2. ____________________________
Isang sikat na social media application na Pagsubaybay sa mga kinahihiligang
konektado ang lahat ng tao sa mundo panoorin larawan, at musika kinagigili-
6
3.____________________________ 4. ____________________________
5. ___________________________
SIMULA NG ARALIN
7
Alam kong nasasabik ka nang matuto sa aralin natin ngayon. Hinihiling ko
na sa iyong pagbabasa ay itatala mo ang mga mahahalagang impormasyon upang
maging gabay mo sa pagsagot sa mga katanungan.
Halika at samahan mo akong tuklasin ang kasaysayan ng kontemporaryong
panitikan!
ARALIN
Panahon ng Amerikano
Kung relihiyon ang naging ambag ng mga Kastila sa Pilipino, edukasyon naman
ang naging pangunahing pamana sa atin ng mga Amerikano. Naigupo ng mga
Amerikano ang mga manghihimagsik na Pilipino ngunit ang diwa at damdaming
nasyonalismo ay hindi tahasang napasuko.
Lubusan itong nakita sa panitikan. Ang lahat ng uri ng panitikan ay hindi
pinalagpas ng mga manunulat na Pilipino gaya ng dula, tula, sanaysay, nobela,
kuwento, talumpati at iba pa. Sa panahong ito isinilang ang mga makatang
Pilipino na naging tanyag na manunulat sa Ingles at Tagalog.
Kung sasaliksikin, makikita na mas maraming nailathalang panitikan sa
panahon ng Amerikano kung ihahambing sa panahon ng Kastila gayong mahigit
300 taon tayo nasakop ng mga ito.
Nagkaroon ng pansamantalang kalayaan sa pamamahayag ngunit sa paglipas
ng panahon, hinangad ng mga Pilipino na makawala sa kamay ng mga Amerikano
ngunit hindi naging madali ang pagkamit ng kalayaan.
Ipinatupad ang batas sedisyon noong Nobyembre 4, 1901 na nagsasabing
hindi maaaring magsulat nang lantaran o pahiwatig na makapag-aalab sa
damdaming makabayan laban sa mga Amerikano.
Ang pagtuligsa sa pamamalakad ng mga Amerikano ay labag gayong pawang
pansariling interes lamang ang kanilang hangad.
Kinasangkapan ang dula upang ipahayag ang kanilang niloloob at mak-
abayang pananaw. Ginamit ng mga manunulat ang pluma. Ang kaluwagan na
makapagsulat ay ginamit ng mga Pilipino upang maisatitik ang kanilang
karanasan, paghihirap sa buhay at mga pangarap.
Narito ang ilan sa mga manunulat na nagpakita ng marubdob na pagmama-
hal sa bayan.
8
2. Hermogenes Ilagan Kilala sa lahat ng dako sa tawag na Ka Mohing.
Masasabing hindi lamang siya kapanahon kundi kapantay ni Severino Reyes
sa pagsulat ng sarswela. Nagtatag ng Compaña Ilagan na nagtatanghal ng
dula sa buong Luzon.
3. Patricio Mariano Nagsulat at namatnugot ng maraming pahayagan
gaya ng Los Obreros, Renacimiento Filipino, Katwiran, Lunas ng Bayan at
Taliba. Binansagang “anak ng pahayagang Tagalog”.
4. Lope K. Santos Ang “Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa” ay isang
makata, kuwentista, nobelista, guro, pulitiko at lider ng manggagawa. Ma-
halagang ambag niya sa panitikan ang Banaag at Sikat.
5. Jose Corazon De Jesus Tinaguriang “unang hari ng balagtasan” sa
husay niya sa pakikipagtalong patula. Sampung taon siya nang sumulat sa
pitak na “Buhay Maynila” sa Taliba at dito niya ginamit ang sagisag na
Huseng Batute. May 4 na libong tula ang naipalathala niya. May 800 tu-
lang liriko at 300 tulang pasalaysay ang naipalathala niya sa iba’t ibang ma-
gasin.
6. Amado V. Hernandez Isang mahusay na nobelista at kuwentista na
nabilanggo dahil sa maling paratang na komunista. Maka-25 ulit siyang iti-
nanghal na “makatang lauredo” ng Pilipinas. Kilala sa aklat na may pama-
gat na Isang Dipang Langit na naglalaman ng 170 tula na karamihan ay
isinulat sa Muntinglupa at sa nobela niyang Luha ng Buwaya at Ibong
Mandaragit na lumikha ng ingay sa mga Pilipino noon.
Sa pananatili ng mga Amerikano sa ating bansa, hindi maitatanggi na gumis-
ing ito sa isip at puso ng mga Pilipino para sa makabagong pananaw sa panitikan.
9
Nagpatuloy ang Carlos Palanca Memorial Award at Gawad ng Surian ng
Wikang Pambansa sa pagbibigay ng parangal sa mga mahuhusay na manunulat.
Lumawak ang kaalaman sa sining ng pagsulat ng mga Pilipino.
Nagkaroon ng interes ang mga manunulat na lumikha ng mga aklat- pam-
paaralan kabilang na dito ang pambalarila at pampanitikan. Ang mga akda ng
mga dakilang manunulat noong unang panahon ay nabuhay na muli sapagkat ang
mga ito ay isinama sa mga babasahin ng mga bagong manunulat.
Namayagpag din sa panahong ito ang dulang pantanghalan. Sa katunayan,
maraming naipatayong gusali kabilang na ang U.P. Mobile Theater, Arena Theater,
Tambuli Playhouse at Cultural Center of the Philippines Theater, Metropolitan
Theater at Folk Arts Theater.
Maging ang panonood ng mga pelikula ay tinangkilik din ng mga Pilipino
ngunit ang paksa ay malayo sa seks upang maiangat ang moral at mailayo ang
mamamayan sa masamang impluwensiya.
Sa paglipas ng maraming taon, kapansin-pansin ang pagbabagong bihis at
pagyabong ng panitikan sa bansa. Nagagamit ng mga manunulat ang makabagong
teknolohiya hindi lamang sa pag-ere sa radio o telebisyon kundi maging sa mundo
ng internet.
Nariyan ang paggamit ng makukulay na polyetos, mga bidyo, larawan mag-
ing ang iba’t ibang social media platforms gaya ng “Facebook”, “Twitter”, “Insta-
gram”, “Youtube” at marami pang iba na akma sa panlasa ng mga netizens na nag-
ing tulay din sa pagpapahayag ng kanilang kaisipan, saloobin at emosyon na hindi
nakulong sa porma ng mga tradisyunal na babasahin.
Narito naman ang mga basahin na naging popular noong panahon ng kon-
temporaryo.
10
graft and corruption (MGC).
Ang perang dapat tinutustos dito sa Pilipinas upang lumikha ng milyun-mi-
lyong kabuhayan ay ninanakaw ng mga tiwaling opisyal at itinatago nila sa ibayong
dagat. Dahil diyan sa kasamaang ginagawa ng mga hangal na mga taong ito, 5 mi-
lyon na sa atin ang jobless, 7 million na ang under-employed at 8 milyon na ang
nagpapa-alipin sa ibang bansa.
Ang Armed Forces of the Philippines (AFP) naman ay walang ginagawa sa
ngayon dahil daw sa "chain of command". Ito ang dahilan kung bakit sa tingin ko,
wala nang ibang tutulong sa atin kaya dapat tayo na lang ang mag-tulungan.
Ang dapat gawin natin ngayon ay buhatin natin ang MGC at itapon natin ito
sa malalim na bangin ng kamatayan!
11
H. T3 (Tomorrow’s Technology Today) – Usapang “gadget” naman ang mga
impormasyon na mababasa rito. Ipinakikita rito ang pinakahuling pagbaba-
go sa teknolohiya at kagamitan. Mababasa rin dito ang mga gabay upang
maalagaan ang mga “gadgets” at tumagal pa ito.
I. Entrepreneur – Magasin para sa mga may negosyo at nais magtayo ng
negosyo.
4. K o m i k s - a y i s a n g g r a p i k o n g m i d y u m n a k u n g s a a n a n g
mga salita at larawan ang ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwen-
to. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunti o walang salita, at binubuo ng
isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng
pagkakaiba.
Bahagi ng Komiks
Pamagat ng
Kuwadro – Naglala- Kuwento
man ng isang tagpo sa
kuwento (frame)
Larawang guhit ng
Kahon ng Salaysay - mga tauhan sa
Pinagsusulatan ng kuwento
maikling salaysay
tungkol sa tagpo
12
Kapansin-pansin na maikli lamang ang daloy ng kuwento ngunit maliwanag na
nakapagbigay ng tagpo, daloy at mensahe ang may akda.
MGA PAGSASANAY
!
Pagsasanay 1
Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap, Mali kung
hindi wasto ang pangungusap.
_____1. Ang mga kastila ang nagbawal sa mga Pilipino na gumamit ng sariling
wika.
_____2. Sinasabi na umunlad ang panitikan sa panahon ng mga Amerikano.
_____3. Itinuring si Amado V. Hernandez na “ama ng balarila” ng wikang pam-
bansa.
_____4. Kilala si Severino Reyes na “ama ng sarswelang tagalog”.
_____5. Sa panahon ng bagong lipunan, sumigla ang panitikang Pilipino, marami
ang nagnasa na makasulat sa Ingles man o Tagalog.
Pagsasanay 2
Panuto: Piliin ang tamang sagot na nasa loob ng panaklong at salungguhitan ito.
Panuto: Punan ng titik ang kahon upang mabuo ang hinihinging salita sa bawat
tanong.
H E
V O
13
3. Sistema sa pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha,
nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon.
S C L M I A
E L B Y O
F C B K
PAGLALAHAT
Alam kong marami kang natutuhan sa pagtatapos ng araling ito. Nais kong
itala mo ang mga bago mong kaalaman tungkol sa kaligirang kasaysayan ng Kon-
temporaryong Panitikan.
PAGPAPAHALAGA
"
14
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT
15
SUSI SA PAGWAWASTO
16
Sanggunian
mula sa internet
https://bit.ly/2WjcXZN
https://bit.ly/3ewcvh0
https://bit.ly/3fxkLi8
https://bit.ly/32hQYWL
https://bit.ly/3gVKwcg
https://bit.ly/32eM250
https://bit.ly/3fqUamM
https://bit.ly/2Wk0kxx
https://bit.ly/3eryFks
https://bit.ly/2OnBOav
https://bit.ly/2WjT7gZ
https://bit.ly/3etT3Bq
https://bit.ly/2WjBVIp
https://bit.ly/2Wif3ZW
https://bit.ly/3iY5J7c
https://bit.ly/2Wk1IjJ
https://bit.ly/2OoMoOo
https://bit.ly/3gWCMXp
https://bit.ly/2DB0TfP
https://pinoypanitik.weebly.com/panahon-ng-amerikano.html
https://www.academia.edu/32295684/Ang_Panitikan_sa_Panahon_ng_Republika
https://www.academia.edu/40489230/Panahon_ng_bagong_lipunan_fil
17