Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

CONTENT BASED ITEMS

Kristine Mae V. Avila


Mico C. Manahan
Paksa: Hamon ng Agwat Teknolohiya (Ika-walong Baitang)

PAMANTAYANG PAMANTAYAN SA MGA KASANAYANG


MGA LAYUNIN
NILALAMAN PAGGANAP (Performance PAGKATUTO
(OBJECTIVES)
(Content Standard) Standard) (Learning Competencies)

Nakapaghahain ang mag-


Naipamamalas ng mag- 15.2. Nasusuri ang: Pangkabatiran:
aaral ng mga hakbang para
aaral ang pag-unawa sa a. pagkakaiba-iba ng mga Nakikilala ang pagkakaiba
matugunan ang hamon ng
mga konsepto tungkol sa henerasyon sa pananaw sa ng pananaw ng iba't-ibang
hamon ng agwat
agwat teknolohikal. teknolohiya henerasyon sa teknolohiya.
teknolohikal.

ORIGINAL ITEMS

i. MULTIPLE CHOICE

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang bawat tanong. Piliin ang titik ng angkop na sagot at isulat sa patlang.

Ano ang tinatawag na Technological Gap or Agwat Teknolohikal?


a. Ito ay ang pagkakaunawa na ang bawat henerasyon ay gumagamit ng iisang teknolohiya.
b. Ito ay ang pagkakaiba ng mga taong gumagamit at hindi gumagamit ng mga makabagong teknolohiya.
c. Ito ay ang paniniwala na hindi na dapat gumawa ng panibagong teknolohiya upang hindi magkaroon ng
agwat teknolohikal.
d. Ito ay ang pagkakaiba-iba ng mga taong gumagamit at hindi gumagamit ng teknolohiya kung kaya’t dapat na
hindi na gumamit ng teknolohiya.
2. Ang nanay ni Millet na si aling Nena ay nagtitinda ng iba’t-ibang klase ng damit ngunit ang kanyang mga suki
ay mas madalas na gumamit ng online na plataporma. Bilang nabibilang sa henerasyon ng mga millennials, ano
ang dapat na gawin ni Millet?
a. Dapat na pilitin ni Millet si aling Nena na simulang ibenta ang kanyang mga produkto online.
b. Dapat na hayaan ni Millet si Aling Nena na magdesisyon mag-isa para sa kaniyang negosyo.
c. Dapat na ipaintindi ni Millet ang mga kakayahan ng teknolohiya para mahikayat si Aling Nena.
d. Dapat na magdesisyon si Millet na gumamit ng teknolohiya sa negosyo ni Aling Nena.

3. Nagkakaroon ng agwat teknolohikal sa iba’t-ibang henerasyon dahil sa iba’t-ibang pananaw. Alin sa mga
sumusunod ang nagpapakita ng tamang aksyon sa pagtugon sa hamon ng agwat teknolohikal?
a. Madalas na ipakita ni Kisha ang mga bagong teknolohiya sa kanyang magulang.
b. Si Ivan at ang kanyang lolo ay madalas na mag-usap at magkumpara ng teknolohiya.
c. Iniiwasan ni Kevin at ng kanyang lolo ang pagkukumpara ng teknolohiya kaya hindi na nila ito pinaguusapan.
d. Si Justin ay mahilig magturo ng paggamit ng teknolohiya sa kanyang nanay.

4. Bakit nagkakaroon ng negatibong pakiramdam ang mga matatanda sa paggamit ng teknolohiya?


a. Nagkakaroon ng negatibong pakiramdam ang mga matatanda sa paggamit ng teknolohiya dahil mas gusto
nila ang nakasanayan.
b. Nagkakaroon ng negatibong pakiramdam ang mga matatanda sa paggamit ng teknolohiya dahil ito ay bago
para sa kanila.
c. Nagkakaroon ng negatibong pakiramdam ang mga matatanda dahil pakiramdam nila ay mahina umintindi.
d. Nagkakaroon ng negatibong pakiramdam ang matatanda dahil pakiramdam nila ay walang gusto magturo.
5. Bakit nagkakaroon ng pakiramdam na sila ay kulang sa kakayahan ang mga taong walang kakayahan na
gumamit ng teknolohiya?
a. Ito ay dahil sila ay nahuhuli sa pagkalap ng mga bagong impormasyon.
b. Ito ay dahil ang teknolohiya ang tanging daan sa pagkakaroon ng trabaho.
c. Ito ay dahil sila ay nabibilang sa henerasyon ng mas mga nakatatanda.
d. Ito ay dahil sa agwat teknolohiya na nagdudulot ng pakiramdam na sila ay walang silbi.

TAMANG SAGOT:
1. b.
2. c.
3. d.
4. c.
5. a.

II. Sanaysay/ Essay

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba gamit ang 3-5 pangungusap. Ilagay ang sagot sa
iyong kwaderno.

1. Bakit nagkakaiba-iba ang pananaw ng iba’t-ibang henerasyon sa teknolohiya?


2. Bakit nagkakaroon ng agwat teknolohiya sa pagitan ng mga mayroong kakayahang makagamit ng teknolohiya
at sa mga wala?
Mga inaasahang sagot:
1. Nagkakaiba-iba ang pananaw ng bawat henerasyon bungad ng pagkakaiba-iba ng teknolohiyang kanilang
ginamit. Ang bawat teknolohiya na kanilang nakasanayan sa kanilang henerasyon ay may iba’t-ibang kagamitan
kung kaya’t ang kanilang pananaw ay nagkakaiba.
2. Nagkakaroon ng agwat teknolohiya sa pagitan ng mga mayroong kakayahang makagamit ng teknolohiya at sa
mga wala kakayahan dahil hindi sabay na nakukuha ang impormasyon. Ang mga walang kakayahan na gumamit
ng teknolohiya ay hindi nabibigyan ng pagkakataon na makakalap ng bagong impormasyon sa mabilis na
paraan.

You might also like