Hindi maiwasan ikaw ay titigan Pag ibig nga naman hindi mapigilan Hindi ata kayang ikaw ay layuan
Tulad ng pag Pana ng isang kupido
Kapag ang tadhana ay lumapit sayo Kahit anong gawing pag pigil dito Iibig at iibig parin sayo Pangarap
Sa buhay ng tao'y di nawawala
Ang mga pagsubok at mga problema Bahagi na ng buhay ang di makawala Sa kadena ng lipunang di guminhawa.
Ngunit ang sabi nga ni inay
Nasa tao din naman kung paano mabubuhay Kung paano aangat at makikisabay Sa daloy ng buhay na sa atin ibinigay.
Kaya lumaki akong mataas ang pangarap
Tulad ng talang nasa alapaap Imposible man ngunit may liwanag Liwanag ay pag asa na aking kalasag.
Mahirap mang maabot aking mga pangarap
Marami mang butil ang dapat malasap Malayo man ang lakbayin sa hinaharap Aking sandiga 'y pagsusumikap. Masidhing pagsisikap para sa rurok ng aking PANGARAP.