Aptsfi Scholars Moa

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

HANDOG EDUKASYON SCHOLARSHIP PROGRAM

I. PAMBUNGAD
Ang Andres P. Tamayo Sr. Foundation Inc. (APTSFI) ay isang organisasyong di - pampamahalaan na
may layuning tulungan ang mga indibidwal, sambahayan at komunidad na maibsan ang kahirapan sa pamamagitan
ng mga programang may pangmatagalang epekto at solusyon.
Ang Handog Edukasyon Scholarship Program ay isa sa mga programa ng foundation na nakabatay sa
prinsipyo na ang bawat bata/kabataan, ano man ang kanilang katayuan sa buhay, ay mayroong karapatan makapag-
aral. Ang programang ito ay isang paraan ng pagbibigay tulong sa mga kabataanng walang kakayahan ang pamilya
na maibigay ang pangangailangan nila sa pag-aaral sa kolehiyo. Ito din ay nagbibigay tulong at suporta upang
pagtibayin at gampanan ng mga magulang ang kanilang pangunahing tungkulin na itaguyod ang pag-aaral ng
kanilang mga anak. Ito ay naglalayon ding magbigay tulong pang edukasyon sa mga komunidad na salat sa
pampublikong serbisyo tulad ng usaping pang edukasyon, pangkalusugan at kabuhayan.

II. TUNGKULIN NG ISANG HANDOG EDUKASYON ISKOLAR

1. Ang bawat napiling iskolar ng foundation ay magkakaroon ng kontrata kung saan nakasaad ang mga
alituntunin ng programa. Ito ay kailangan na may lagda nila bawat semestre bilang katunayan na sumasang-
ayon at nauunawaan nila ang mga nakalahad sa kasunduan.
2. Paggawa ng personal e-mail address mula sa buong pangalan lamang ng iskolar. (Halimbawa: JUAN
BONIFACIO = juan.bonifacio@yahoo.com.ph. Ito ay opisyal na gagamitin sa pagpapadala ng kopya ng
mga dokumento tulad ng grado at matrikula.
3. Magkaroon ng iisang mobile number na gagamitin habang iskolar ng foundation. (Ang text, tawag at email
mula sa ibinigay na e-mail address at mobile number ng iskolar lamang ang kikilalanin ng foundation).
Kung sakali na mawala o mag iiba ng numero, ipagbigay alam kaagad sa staff ng foundation. Panatilihin
ang komunikasyon sa APTSFI sa pamamagitan ng sms, email, social media at iba pang paraan upang
malaman ang bagong pahayag tungkol sa scholarship program.
4. Lahat ng bagong pasok na iskolar ay kinakailangang gumawa ng BPI Easy Saver’s account sa pagsisimula
ng semestre na nakapangalan sa mismong iskolar. Ito ay gagamitin sa pagtanggap ng buwanang tulong
pinansyal mula sa foundation.
5. Pagsumite ng mga sumusunod:
 Certificate of Registration (COR) o assessment form at
 Certificate of Grades (COG)
6. Matapos na mabayaran ng foundation ang matrikula, kung ang resibo ay ibinigay ng paaralan sa iskolar ang
iskolar na ang dapat na magpasa ng kopya. Kung hindi magbigay ang paaralan ng resibo ang foundation na
ang bahalang makipag usap dito.
7. Pagdalo ng iskolar sa pagpupulong at mga pagsasanay na itinakda ng foundation na makakatulong sa
kanilang pag-unlad bilang iskolar.
8. Tungkulin ng iskolar na makapasa sa lahat ng asignatura na walang bagsak na grado at makakuha ng
kabuuang marka na 85% o higit pa sa bawat semestre. Hindi pinapahintulutan ang paglipat ng kurso at ng
eskwelahan habang iskolar ng foundation. Inaasahan sa iskolar na maipasa at makumpleto ang grado ng
bawat nakatalang asignatura sa bawat semestre.
9. Inaasahan ang mahigpit na pasgsunod sa mga alintuntunin, pagpapakita ng magandang ugali o gawi sa loob
ng paaralan at hindi masasangkot sa anumang di kanais nais na gawain tulad ng pagsusugal, paggamit ng
ipinagbabawal na gamot at pag inom ng alak sa loob at labas ng paaralan.
10. Bilang iskolar, inaasahan ang palagiang pagpasok sa eskwelahan ayon sa takdang bilang na batay sa school
calendar, pagsisikap sa mga aralin at gawin ang mga proyekto na may kinalaman sa pag-aaral bilang
pagbibigay halaga sa pag-aaral.
11. Alamin at kilalanin ang mga kapwa iskolar na nag-aaral sa parehong paaralan.
12. Gamitin ng tama ang buwanang tulong na matatanggap. Anumang ulat na matanggap ng foundation ukol sa
hindi wastong paggamit nito ay maaaring ikaalis sa programa. Tanging ang napiling iskolar lamang ang
dapat na humawak ng ATM Card at allowance.
13. Hindi pinahihintulutan ang pagiging dalagang ina/ binatang ama habang kabilang sa programa bilang
iskolar o pagkakaroon ng karelasyon (Boy Friend/Girl Friend)
Ang mga nakasaad sa itaas ay dapat sundin at gawin ng mga iskolar. Responsibilidad ng iskolar na unawain
at isabuhay ang mga tungkulin na nabanggit at hindi na kailangang hintayin pa ang pagpapaalala mula sa staff ng
foundation. Ang hindi pagsunod sa mga ito ay papatawan ng kaukulang disiplina.

III. TUNGKULIN NG MAGULANG / TAGA PANGALAGA NG ISKOLAR

1. Gabayan ang batang iskolar sa kanilang pag – aaral at pagbibigay suporta sa kanilang mga takdang–aralin
at proyekto.
2. Dumalo sa mga pagpupulong ng paaralan at foundation na may kinalaman sa pag unlad ng iskolar.
Inaasahan ang aktibong pakikilahok sa mga programa ng foundation.
3. Ipaubaya sa mga iskolar ang pag hahati-hati ng allowance na matatanggap bawat buwan. Maaaring
gabayan sila kung paano ito gagawin ngunit ang mga iskolar lamang ang dapat na humawak nito.
4. Magbigay ng kaukulang paggalang sa mga staff ng foundation sa pakikipag usap sa kanila.
5. Igalang ang proseso na ipinaiiral ng foundation.

Inaasahan na ang lahat ng nakasaad sa itaas ay susundin at igagalang ng mga magulang o taga pangalaga ng
iskolar, anuman ang masumpungang nilabag sa mga ito ay may kaukulang disiplina.
Tandaan: Hindi kinukuha ng foundation ang responsibilidad ninyo sa inyong mga anak kayo parin ang dapat na gumabay sa kanila.

IV. BATAYAN NG PAGPAPATULOY NG “SCHOLARSHIP”

Ang mga sumusunod ay batayan sa pananatili ng iskolar sa programa:

1. Ang kabuuang marka ng iskolar ay hindi dapat bababa sa grado na 85% at walang bagsak na grado sa
mga asignaturang kabilang sa kakatapos na bawat semestre. Hindi din pinahihintulutan ang W-Withdraw
at D-Drop na asignatura bago at sa pagtatapos ng semestre. Inaasahan na lahat ng asignatura ay may
angkop na grado at walang INC na grado bago magsimula ang susunod na semestre.
2. Maagap na pagpasa ng mga kinakailangan na dokumento tulad ng COG (certificate of grades) at COR
(certificate of registration o assessment form) sa itinakdang petsa ng pagsumite. Ang sinumang hindi
makipag ugnayan sa foundation ukol sa hindi pagsumite ng mga kinakailangang dokumento ay
nangangahulugang pagkatanggal sa Handog Edukasyon scholarship program.
3. Panatilihing “Regular” ang estado bilang estudyante sa unibersidad bawat semestre.
4. Mahigpit na pagsunod ng iskolar sa mga inaasahang tungkulin nila sa foundation gayundin sa mga
magulang o tagapangalaga.

Ang kasunduang ito ay mananatiling epektibo hanggat walang nalalabag sa anumang


nakasaad ukol sa tungkulin ng isang Handog Edukasyon iskolar. Malinaw sa kasunduang ito ang
batayan ng pagpapatuloy ng scholarship at nararapat lamang na ito ay sundin ng iskolar at ng
magulang o taga pangalaga.

_____________________________ _________________________________
Pangalan at Lagda ng Iskolar Pangalan at Lagda ng Magulang

Nilagdaan sa harap ni:

____________________________
Education Program Facilitator

Pinagtibay Nina:

ANDREA MARIE T. ULEP


President

Pangalan: ____________________________ Contact No.: _____________________


Paaralan: ____________________________ Kurso: ___________________________

GABAY SA PAGSUMITE NG MGA SUMUSUNOD:


 Certificate of Registration (COR) o assessment form
 Certificate of Grades (COG)
 Validated ID
 Copy of Curriculum
Petsa ng pag pasa ng mga nabanggit na dokumento:

SIMULA NG HANGGANAN NG
SINO SEMESTRE
KLASE PAGSUSUMITE
Hunyo Hunyo 5
Iskolar 1st
Agosto Agosto 5
Nobyembre Nobyembre 5
Iskolar 2nd
Enero Enero 5
Iskolar Summer Abril - Mayo Abril 5
Hunyo - Hulyo Hunyo 5
 Ang hindi makakapagsumite ng anuman sa mga dokumentong nabanggit bago o sa mismong
araw ng itinakdang petsa ng pagsusumite ay kailangang mag pasa ng sulat mula sa
unibersidad na may pirma ng awtorisadong empleyado na nagpapaliwanag ng dahilan ng
hindi pagpapasa. Ilakip sa sulat ang calendar of activities ng paaralan.
 Ang sinumang makalalabag sa petsa ng pagsusumite na walang anumang opisyal na
komunikasyon sa foundation ay papalitan (hindi na makatatanggap ng allowance at tuition fee).

Sa pagtatapos bilang iskolar, siya ay inaasanag Ipagpatuloy ang layunin ng programa sa pamamagitan ng:

A. Patuloy na pakikipag ugnayan sa Foundation upang magkaroon ng datos at malaman ang mga
pagpapaunlad na inyong nagawa sa inyong sarili at nakamit sa buhay (Success Stories).
B. Pagkalipas ng dalawang (2) taon ng kanilang pagtatapos ng pag-aaral, bawat kasapi ng programa ayon
sa kanilang batch ay hinihikayat na patuloy na magbabahagi sa foundation ng isang programa na may
kinalaman sa edukasyon.

Bilang patunay na naunawaan at tanda ng pagsunod sa mga nakasaad sa kasunduang ito, ang magulang at
iskolar ay lumagda sa ibaba.

Signature Education Program


School Year Semester
Parents Scholar Facilitator
1st
SY 2019-2020
2nd

1st
SY 2020-2021
2nd

1st
SY 2021-2022
2nd

1st
SY 2022-2023
2nd
Semestral Monitoring Form

You might also like