Article Sa Kahirapan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Lumitaw sa pinakabagong datos ng Social Weather Station na 10.

9 milyon ng pamilyang
Filipino ang ikinukonsidera ang kanilang sarili na "mahirap" ngayong 2022. Sa naturang
bilang, 1.5 milyon ang nadagdag at 8.2 milyon ang napako sa kahirapan.

Sa quarterly survey na ginawa ng SWS mula Abril 19 hanggang 27, lumilitaw na 49


percent o 10.9-milyong pamilyang Filipino ang ikinukonsidera ang kanilang sarili na
“poor”, 34 percent ang nasa “borderline poor,”  at 23 percent ang nagsabing hindi sila
mahirap.

COVER STORIES: The Hunger Pandemic by Atom Araullo

Ang naturang bilang ay halos katulad umano ng SWS survey noong December 2021.
Lumabas dito na 43 percent o 10.7 Filipino families ang ikinukonsidera ang kanilang
sarili na “poor,”39 percent ang nasa “borderline poor,” at 19 percent ang “not poor”.

Paliwanag ng SWS, posibleng tumaas ang self-rated poverty sa bansa dahil sa


pinagsamang pagtaas ng ng naniniwalang mahirap sila sa rehiyon ng Mindanao at Metro
Manila, at nabawasan naman sa Visayas at Balanced Luzon.

Ang mga naniniwalang mahirap sila na nasa Mindanao ay tumaas ng 60 percent mula sa
dating 43 percent. Habang umangat sa 32 percent naman mula sa dating 25 percent sa
Metro Manila.

Sa Visayas,  natapyasan ang nagsasabing mahirap sila sa 48 percent mula sa dating 59


percent. Samantalang naging 35 percent naman mula sa 41 percent sa Balanced Luzon.

Kasama sa isinagawang survey ang tanong sa mga tao kung naranasan nila na maging
“non-poor,” "poor" o "borderline poor."

Ayon sa survey, nasa 6.1 percent sa mga tinanong ang nasabi na “newly poor” sila o
hindi “non-poor” sa nakalipas na apat na taon. Inihayag naman ng 4.5 percent na “usually
poor” sila o “non-poor” sa nakaraang lima o higit pang taon.
RELATED STORIES

Misis, bagsak-presyong ini-live selling ang gamit ng mister niyang


'sumakabilang-bahay'

RepLeksiyon: Mayaman sa mata ng tao, dukha naman sa paningin


ng Diyos

Magkapitbahay na magkaiba ang kandidato, kumusta na matapos


ang eleksyon?

May 32.2 percent na tinanong ang nagsabing “always poor” sila o hindi kailanman
naging “non-poor.”

Sa naturang porsiyento ay kumakatawan sa 1.5 milyon na pamilyang Pinoy na nasasabing


“newly poor” sila. Habang 1.1 milyon ang “usually poor” at 8.2 milyon ang “always
poor.”

Mayroon 1, 440 adults ang nakibahagi sa survey na face-to-face interview ang ginawa.
Mayroon itong sampling error margins na ±2.6% para sa national percentages at ±5.2%
para sa Balance Luzon, Metro Manila, the Visayas, at Mindanao, ayon sa SWS.--FRJ,
GMA News
'Marcos Jr. walang solusyon sa kahirapan'
Ayon sa grupong Anakpawis, wala pa rin nararamdaman ang mahihirap na sektor na
kongkretong solusyon sa kahirapan ang bagong rehimen ni Pangulong Ferdinand
Marcos Jr.

"Patuloy pa rin ang land grabbing sa mga sakahang lumilikha ng pagkain at kabuhayan
sa mga magsasaka, mababang sahod at endo sa mga manggagawa, at kawalang
ayuda," wika ni Ariel Casilao, pambansang tagapangulo ng Anakpawis party-list sa
isang pahayag.

"Malala nga rin na sa problema pa lang ng inflation ay itinanggi pa ito ni Marcos Jr.
nitong Hulyo. Samakatuwid, hindi niya sosolusyonan."

Una nang umabot sa 6.1% ang inflation rate nitong Hunyo, bagay na kumakatawan sa
pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin sa mahigit-kumulong talong
taon. Matatandaang hindi 'yan pinaniwalaan ni Marcos Jr. ngunit iginiit ng Department
of Finance na "misunderstood" lang ang pangulo sa kanyang pahayag.
Ngayong Hulyo lang nang umabot sa "all-time low" ang palitan ng dolyar sa piso.
Kilalang nagpapataas ng foreign goods and services ang peso depreciation.
Ani Casilao, ilan sa mga puno't dulo ng krisis ay dala ng tuloy-tuloy na oil price hikes na
siyang nagtataas sa cost of production ng pagkain, presyo ng bilihin at cost of living.

Sinasabing P8,000 na ang itinaas ng cost of production ng palay dahil sa oil price hikes,
maliban pa sa P3,800 kada buwan sa pangingisda, ayon sa Kilusang Magbubukid ng
Pilipinas at Pamalakaya.

Patuloy naman nilang ipinapanawagan ang pagsuspindi sa excist taxes at value added
tax sa oil products para mapamura ito, maliban pa sa P15,00 production subsidy sa
mga magsasaka at mangingista upang masalba sila sa pagkalugi. Makatutulong din
daw ang P10,000 ayuda para sa mga manggagawa at mahihirap na pamilya.

You might also like