Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGIONAL OFFICE NO. VIII (Eastern Visayas)
DIVISION OF SOUTHERN LEYTE
DISTRICT OF BONTOC
BAUGO MG ELEMENTARY SCHOOL

SECOND WRITTEN ASSESSMENT IN FILIPINO IV Q4


I. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong at piliin ang
letra ng tamang sagot.
1. Ito ay isang pormal na pakikipagtalong may estruktura at sistemang
sinusundan.
A. debate B. away C. hamon D. laro
2. Ito ay isang panig sa pakikipagdebate na sumasang-ayon sa isyung pagdedebatehan.
A. Oposisyon B. moderator C. proposisyon D. hurado

3. Sino ang magpapasya kung aling panig sa pakikipagdebate ang


nakakapanghikayat o kapani-paniwala?
A. Oposisyon B. moderator C. proposisyon D. hurado
4. Alin sa mga sumusunod na kalinangan ang maidudulot ng
pakikipagdebate?
A. Wasto at mabilis na pagsasalita
B. Mabilis na pagtakbo
C. Mahinang pangangatwiran
D. Hindi nakakapagtimpi
5. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang halimbawa ng pagsang-
ayon?
A. Tama ang aking ina, napakaganda nga aming probinsiya.
B. Ayaw kong kumain ng hapunan.
C. Masarap sana ang minatamis na saging, ngunit bawal sa akin.
D. Walang katotohanan ang paratang ng mga tao laban sa
aking kapatid.

ILOG PASIG NOON AT NGAYON


Malaki ang naging bahagi ng Ilog Pasig sa buhay ng maraming
Pilipino, kabilang na ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.
Malimit noon na makitang namamangka sa Ilog Pasig si Jose Rizal kasama niya
ang kanyang kasintahang si Leonor Rivera. Ito ang naging saksi sa kanilang
wagas na pagmamahalan. Madalas nilang pasyalan noon ang Ilog Pasig dahil
nakadarama sila ng kapayapaan ng kalooban tuwing pagmamasdan ito.
Ayon sa matatanda ibang-iba raw ang Ilog Pasig noon. Bukod sa mga
magkasuyong namamasyal dito. Marami ring kababaihan ang nakikitang
naglalaba rito. Paliguan din ito ng marami at dito nangingisda ang mga tao.
Kulay asul ang tubig nito malinis at malinaw. Iba’t – ibang isda ang nahuhuli
rito tulad ng talimusak, dalag at kanduli.

Presko ang simoy ng hangin dito at inspirasyon ng mga makata.


Ipinapahayag ang kanilang mga damdamin sa pamamagitan ng tula at awit.
Gaano man kabigat ang suliranin ng isang tao dagli itong nalilimutan. Kung
namamalas ang kagandahan ng ilog Pasig. Ang alon ay tila musika sa kanilang
pandinig. Ganyan kaaya-aya ang ilog Pasig noon.At isa ito sa itinuturing
na magandang tanawin sa ating bansa.

Ngayon ano ang nangyari sa Ilog na ito? Ang dating malinaw na tubig ay
naging maitim na. Ang presko at sariwang hangin ay napalitan na ng
mabahong simoy na dulot ng basurang itinatapon dito.Ang mga isda ay
wala ng pagkakataong mabuhay sapagkat ito ay puro burak na.

Sino pa ang masisiyahang mamasyal sa pook na ito? Paano tayo uunlad


kung pati kalikasan ay sinisira natin dahil sa ating kapabayaan? Paano na rin
an gating kalusugan. Sa kasalukuyan marami ng proyekto ang pamahalaan
upang mabuhay muli ang makasaysayang Ilog Pasig. Sana’y makiisa ang
lahat sa mga proyektong ito.Ikaw, handa ka na bang maging bahagi nito?
Isang hamon ito para sa iyo..Tulad mo diyan sa lugar ninyo may naitulong ka
na ba?

II. Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong isulat ang titik ng tamang sagot:
6. Alin ang may malaking bahagi sa buhay ng mga Pilipino kabilang na ang
ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal?
A. Ilog Pasig B. Maynila C.Luneta D. Pasig
7. Ayon sa mga matatanda ang ilog Pasig daw noon ay?
A. Kakaiba B. Ibang –iba C. maganda D. malinis
8. Ang ilog Pasig ay nagsisilbing ng mga tao noon.
A. Kaibigan B. kasama C. inspirasyon D. suliranin
9. Ano ang isyu sa teksto?
B. Anon a ang nangyari sa ilog na ito B. Marumi na ang ilog
C. Maganda ang ilog D. maitim at mabaho ang tubig
10. Ano ang naging paniniwala ng may akda ng teksto?
A. Makiisa sa programa para sa ilog Pasig
B. Sumunod sa mga ipinatutupad na batas.
C. Paano na ang ating kalusugan
D. Makiisa sa mga programa ng pamahalaan upang mabuhay muli ang maksaysayang ilog
na ito.
III. PANUTO: Basahin ang mga sumusunod at tukuyin ang uri ng
pangungusap na ginamit. Piliin ang titik ng tamang sagot.

11. Bakit dinala sa ospital si Lolo Tomas?


A. pasalaysay B. patanong C. pautos D. padamdam
12. Pakiayos mabuti ang mga upuan at mesa.
A. pasalaysay B. patanong C. pautos D. padamdam
13. Aray ko, nakakasakit ka na!
A. pasalaysay B. patanong C. pautos D. padamdam

14. Mababait ang mga anak ni Aling Mona.


A. pasalaysay
B. patanong
C. pautos
D. padamdam
15 Paano natin mapananatiling malinis ang kapaligiran?
A. pasalaysay
B. patanong
C. pautos
D. padamdam
SECOND WRITTEN ASSESSMENT IN FILIPINO IV Q4

Answer Key

A B C
1. A 6. A 11. B
2. C 7. B 12. C
3. D 8. C 13. D
4. A 9. A 14. A
5. A 10. D 15. B

Prepared by:

PEDRO O. DIABORDO
Teacher

Checked by:

FAUSTO M. LAGUMBAY JR.


School Head

You might also like