Professional Documents
Culture Documents
Grade 4 Fil Exam
Grade 4 Fil Exam
Grade 4 Fil Exam
Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO DEL NORTE
Langilan District
PATEL ELEMENTARY SCHOOL
Pangalan:_________________________________ Petsa:_________________________
Paaralan:___________________________________ Iskor:___________________________
8. Isa sa mga inaasam ng aking ina ang makapagpatayo ng isang maliit na tindahan.
A. Proseso ng pagpapaunawa ng isang idea o konsepto.
B. Halaga ng pera na nakalaan bilang pondo sa isang gawain o pangangailangan.
C. Permanenteng estado ng panunuluyan.
D. Pangarap na nais makamit o matamo.
III. Panuto: Ibigay ang ng mga salitang initiman at may linya na ginamit
sa pangungusap.
9. Ngumunguya ng dahon ang kambing dahil sa gutom.
A. Isang uri ng maliit na butas sa lupa o taguan ng mga hayop.
B. Nagtatama ang mga ngipin sa bibig.
C. Naalis sa puwesto o kinatatayuan.
D. Lupa sa paligid ng isang anyong-tubig tulad ng dagat at ng ilog.
10. Sa kalupi ni Gina inilagay ang sukling pera na ipinambili niya ng laruan.
A. bag C. bayong
B. bulsa D. pitaka
11. Noong bagyong Glenda halos isang buwan na walang dagitab na naging dahilan ng
kadiliman tuwing gabi.
A. kuryente C. gasera
B. fluorescent lamp D. flashlight
12. Ang mga lumiban sa klase ni Gng. Nilda ay hindi nakahuha ng libreng papel at lapis. Ibigay
ang kasalungat kahulugan ng salitang may salungguhit.
A. sumama C. gumawa
B. pumasok D. naging aktibo
13. Si Lorna ay tumingala sa langit dahil sa nabighani siya ng napalaliwanag ng buwan. Ano
ang kasalungat na kahulugan ng may salungguhit?
A. yumuko C. humarap
B. lumingon D. tumalikod
14. Kada taon ay naghahanda ang mga Filipino para sa piging na may napakaraming pagkain
upang magpasalamat sa kanilang santo sa pamamagitan ng salusalo. Ibigay ang salitang
pahiwatig.
A. taon C. pagkain
B. salusalo D. pasasalamat
15. Si prinsipe Juan ay nabuhay sa karangyaan sa kanilang mayamang kaharian. Ibigay ang
salitang pahiwatig.
A. nabuhay C. mayaman
B. mahirap D. kulang
III.PANUTO: Basahin ang kuwento na nasa kahon at tukuyin ang elemento ng kuwento.
(Cheche Cortez)
Tuwang-tuwa sina Roy, Rico at Rey sa kanilang „field trip‟ sa Legaspi City. Ang una
nilang pinuntahan ay ang Hoyophoyopan Cave sa Camalig. Namangha sila sa ganda ng
kuweba. Napagod sila sa pag-akyat sa bulubundukin ng Kawa-Kawa sa Ligao ngunit sulit
naman sa napakagandang tanawin doon. Lalo silang nasiyahan nang makita nila ang iba‟t
ibang hayop sa „Wild Life‟. Pagkatapos nilang mananghalian, sila ay nagtungo sa PAGASA
Center upang malaman kung papaano namumuo ang isang bagyo. Nakita rin nila ang
perpektong hugis ng Bulkang Mayon sa may Cagsawa Ruins. Sulit ang pagod ng mga mag-
aaral habang papauwi na sila sa kani-kanilang bahay.
24. Ibinalita sa radyo na bawal lumabas ng bahay dahil sa kumakalat na virus na nagdudulot ng
sakit. Ano ang gagawin mo?
A. Makikinig sa babala na hindi lalabas ng bahay.
B. Hindi susunod at isasawalang bahala lamang ito.
C. Lalabas ng bahay at pupunta kahit saan.
D. Lalabas ng bahay at makikipag-usap sa kapit-bahay.
25. Inutusan ka ng nakatatanda mong kapatid na pumunta sa palengke. Ngunit, ang sabi sa
balita ay bawal ang mga menor de edad na lumabas ng bahay. Ano ang gagawin mo?
A. Susundin ang utos ng nakatatandang kapatid.
B. Hindi susunod sa utos ng kapatid at magpapaliwanag na bawal lumabas dahil ipinag-uutos
ito ng gobyerno.
C. Magpalaboy-laboy sa labas ng kalye kahit ipinagbabawal.
D.Susundin ang kapatid dahil pagkakataon na para lumabas ng bahay.
26. Nakita mong nag-iinuman sa kalye ang iyong mga kapitbahay. Alam mong ipinagbabawal
ito. Ano ang sasabihin mo?
A. Pagsabihan na bawal mag-inuman dahil kung hindi ay malalagot sila sa batas ng pamayanan.
B. Hindi na lamang ito papansinin.
C. Tatawagin ang Tatay at pagsasabihan na makipaginuman sa kapitbahay.
D. Makiki-usisa sa mga nag-iinuman.
27. Kailangang dalhin ni MJ ang kanyang bunsong kapatid sa ospital dahil sa mataas nitong
lagnat. Subalit walang ibang magdadala dahil nagtatrabaho ang kanyang mga magulang. Ano
ang iyong gagawin?
A. Hihingi ng tulong sa mga kapitbahay na dalhin ang kanyang kapatid sa ospital.
B. Hihintayin ang mga magulang na dumating bago ito dalhin sa ospital.
C. Hahayaan na lamang dahil mamaya’t maya’y gagaling naman ito.
D. Hindi ko na pakikialaman dahil bawal ang lumabas ng bahay.
28. Isang umaga ay nakasalubong ni Mabel ang kanyang kaibigan na nasa labas at naglalaro.
Hindi alam ng kanyang kaibigan na bawal lumabas dahil wala silang telebisyon o radyo. Ano
ang dapat mong sabihin?
A. Namnam, diyan ka lang sa labas at maglaro.
B. Tawagin mo ang iba nating kasamahan at maglaro tayo ng tumbang preso.
C. Alam mo bang pinagbabawalan lumabas ang sinuman sa kani-kanilang bahay dahil sa
kumakalat na sakit? Kailangan nating pumasok sa loob.
D. Lalabas ako at makikipaglaro.
Bata pa lamang ay pangarap na ni Aryana na matulungan ang kanyang pamilya. Siya ang
panganay sa siyam na magkakapatid. Ang kanyang tatay ay magsasaka at nagtitinda naman ng
mga kakanin ang kanyang nanay.
Hangang-hanga si Aryana sa kanyang mga guro kaya nais niyang makapagtapos ng pag-
aaral upang maging katulad nila at matulungang mapag-aral ang mga nakababata niyang kapatid.
Pagkatapos ng kanyang klase at tuwing wala siyang pasok ay sinasamahan niya ang kanyang
nanay sa pagtitinda at tumatanggap din siya ng tutorial upang makadagdag sa kanilang gastusin.
35.KASUKDULAN
36.KATAPUSAN
Bagyo sa Bikol
Ang lugar ng Bikol ay parating dinaraanan ng bagyo dahil sa lokasyon nito sa ating
bansa. Bago pa dumating ang sakuna, ay abala ang mga tao sa paghahanda gaya ng pag-
aayos ng mga tirahan, pamamalengke at pag-iimbak ng mga pagkain. Inihahanda rin ang
mga pang-first aid, ilaw, at inaayos ang mga kagamitan para sa maaaring baha at pagguho
ng lupa.
Nakikinig din sa balita ang mga tao para malaman ang direksyon ng bagyo at kung
gaano ito kalakas. Sa oras na tumama ang bagyo, lahat ay nasa loob ng kanilang mga
tahanan at taimtim na nagdarasal.Pagkatapos ng bagyo, walang humpay na naglilinis ng
kapaligiran. Hindi kinakalimutan ang pagpapasalamat sa Poong Maykapal sa kaligtasang
natamo.
40. Alin ang dapat na simula sa mga pangyayaring nabanggit? Piliin at isulat sa sagutang papel.
a. Lahat ay nasa loob ng tahanan
b. Abala sa pag-aayos ng tirahan
c. Paglilinis ng buong kapaligiran
d. Nakikinig din sa balita ang mga tao
Inihanda ni: