Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa EDSS1

Petsa: Oras: Pangkat:

Pamantayang Pangninilam:
a. Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa
napakinggan.
b. Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pangunawa sa bahaging
ginagampanan ng Bagong Kongreso sa bansa.
Pamantayan sa Pagganap:
a. Naipapamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng Bagong Kongreso.

I. Kasanayang Pampagkatuto
Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy at nakakikilala ang isa sa gumagawa ng batas at kung ano ano
ang mga tungkulin ng bagong kongreso.
b. Nakapagpapahalaga sa mga wastong hakbang ng pamahalaang lokal.
II. Nilalaman
Paksa: Ang Bagong Kongreso
Kagamitan: PPT, Manila Paper, Pentel Pen
Sanggunian: Curriculum Guide, Manwal ng Guro,
Asignaturang Pinagsanib: Araling Panlipunan, EDSS 1- Teaching Social
Studies in Elementary Grades
Pagpapahalaga: Upang makilala at malaman ang tungkulin ng bagong
kongreso.
III. Proseso ng Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
A.1 Drill: AWIT BAGO SIMULAN ANG KLASE SA ARALING PANLIPUNAN
Tayo ng mag AP! Araling panlipunan song
Tono: Mary had a little lamb
Tayo na at mag-aral, mag-aral, mag-aral.
Sa Araling Panlipunan halina’t mag-aral.
Tayo na at matuto, matuto, matuto.
Sa Araling Panlipunan halina’t matuto.
A.2 Pagbabalik-aral:
Mga Gabay na Tanong:
a. Anong aralin ang huli nating tinalakay sa Filipino?
b. Ano-anong sitwasyon o pangyayari na maaari itong gamitin?

B. Panlinang na Gawain
1. Ipapakita ng guro ang larawan ng logo/tatak ng bagong kongreso.
2. Ipasuri ang larawang may kaugnayan sa paksa
3. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang alam nila tungkol sa
pinakitang larawan.
4. Ipabuo ang suliranin.
Anu-ano ang pangunahing ginagawa ng Kongreso.
5. Pangkatin ang mga bata sa paglikom ng mga datos. Panhandain sila
ng pentel pen at manila paper.
6. Bigyan sila ng panahon upag maisagawa nila ang kanilang gawain.
7. Gawaing kolaborativ
a. Ipakita ang inihandang pangkatang gawain ng mga bata.
b. Bigyan ng ebalwasyon ang ginawang pag-uulat ng bawat
pangkat.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat: Wall Post
Isulat ng mga mag-aaral ang kanilang natutuhan sa metacard gamit
ang hashtag kaya ko.
Halimbawa: #kaya ko ang aralin

2. Paglalapat: Pagbubusa
Bawat kasapi ng pangkat ay magkakaroon ng bilang. Sa hudyat ng
tunog pag-uusapan ng bawat pangkat ang sagot at sa paghinto ng
tunog mag-uunahan sa pagtaas ng kamay ang naatasang bilang para
sumagot.
D. Pagtataya
Panuto: Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap. Gamitin ang mga
sumusunod na titik: KP (Kapangyarihang Pambatas), MKBK (Mga Kagawad ng
Bagong Kongreso), KB (Kongresong Bicameral), MPK (Mga Pinuno ng Kongreso),
at MSK (Mga Sesyon ng Kongreso).
1. Ang Senado at ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay dapat
magkaroon ng hukumang panghalalan. Ang hukumang ito ang magpapasya sa mga
kaso ng protesta sa halalan na Hnasasangkutan ng mga kagawad ng bawat
kapulungan.
2. Sa ilalim ng Konstitusyon ng 1987, ang batasan ay bubuuin ng isang
bicameral (dalawang kapulungan) sa halip na isang unicameral
(isang kapulungan) na batasan.
3. Ang Kongreso ang pambatasang tungkulin. Binubuo ito ng dalawang
kapulungan ang Senado o mataas na Kapulungan at ang Kapulungan ng mga
Kinatawan o Mababang Kapulungan.
4. Ang Bagong Kongreso ng Pilipinas ang gumagawa ng batas ng
Republika. Ito ang karaniwang paraan. Maaari ring mga tao ay tuwirang magharap at
gumawa ng batas o magtibay at tanggihan ang mga iyon sa pamamagitan ng
inisyatibo at reperendum
5. Ang Kongreso ay regular na magpupulong bawat taon simula sa
ikaapat na Lunes ng Hulyo hanggang sa Hunyo ng sumusunod na taon.

E. Kasunduan
1. Sagutan: Bakit mahalagang alamin at pag-aralan ang pamahalaang lokal?
2. Maagang pag-aral ang susunod nating tatalakayin.

You might also like