MD - Huwag Limutin Mabubuti Niyang Gawa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Enero 31, 2023

Huwag Limutin ang Mabubuti Niyang Gawa

Magandang umaga po. Ako po si Bro. Kevin Escleto mula sa JF-Biñan. Welcome pong muli sa
ating Morning Devotion.

Sa araw pong ito ay babasa tayo mula sa Awit 103:1-2 at papamagatan po natin ang ating pag-
aaral na “Huwag Limutin ang Mabubuti Niyang Gawa”, ito po ang sinasabi:

Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa! At lahat ng nasa aki'y magsipagpuri sa kanya,


purihin mo sa tuwina ang banal na ngalan niya.

Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa, at huwag mong kaliligtaan, mabubuti niyang gawa.

Ang awit na ating binasa ay bahagi ng awit na katha ni Haring David. Sa pag-aaral natin sa awit
na ito ay marapat na ating tandaan na ang pagpapala ng Diyos sa Israel ay nakadepende sa
kanilang pagsunod sa Kanyang tipan sa kanila. Itinuturo sa atin ng awit na ito na huwag natin
kalilimutan ang anumang pag-papala na ating nakakamit mula sa Diyos matapos natin itong
matanggap at pagkasiyahan (enjoyed).

Sabi ng awit, Si Yahweh ay papurihan. Ano ba ang papuri at paano ko bang masasabi na ang
aking papuri sa Diyos ay totoo. Ang pagpupuri sa Diyos ay totoo kapag atin Siyang pinupuri
kung sino Siyang talaga at kung ano Siya para sa atin. Ang Pagpupuri sa Diyos ay nagrerequire
na ang sinumang pumupuri sa Kanya ay kilala Siyang talaga bagamat alam naman po natin na
imposible na makilala natin ng lubusan ang Diyos habang tayo ay nasa katawang panlupa pang
ito. Mahirap pumuri kung di mo nakita o di kaya ay naranasan ang pupurihin mo. Ang tunay na
pagpupuri sa Diyos ay lumalabas base sa mga katangian ng Diyos na nakikilala natin habang
nararanasan natin ang kanyang pagkilos sa ating mga buhay. Ibig sabihin b anito ay dahil sa
mga gawa niya? Opo at hindi po. Opo dahil kapuri-puri at kamangha-mangha naman pong
talaga ang mga gawa ng Diyos sa ating buhay at hindi naman po dahil kahit wala siyang gawin
ay marapat siyang purihin sa kung sino siya at kung ano siya. Siya po ay Diyos na marapat
purihin at Siya po ay si Yahweh Elohim. Ang tunay na papuri ay bumubukal sa isang pusong
punong-puno ng pagpapasalamat at ang nais lamang ay papurihan ang Diyos ano man ang
kalagayan ng buhay at ng kanyang puso. The more you know God, the more praiseful you
become.

Hirap ka bang purihin ang Diyos? Maaring kulang ang pagkakilala mo sa Kanya at ang masakit
pa baka di mo talaga Siya nakilala o di kaya ay tumigil ka nang kilalanin Siya. Ang bawat araw
na nadadagdag sa atin ay isang bagong araw na ginawa ng Diyos upang ihayag Niya ang
kanyang sarili sa atin.

Inuutusan ng sumulat ng awit ang kanyang kaluluwa na purihin si Yahweh. Ito ay nagpapakita
ng pagtutuon ng kanyang sarili sa mga bagay na ilalayon ng Diyos sa kanyang buhay. Sa
kanyang puso, isip, at lakas ay nais niyang mapapurihan si Yahweh. Ito ay nangangahulugan
na handa siyang sumunod sa anumang kalooban ni Yahweh.

Bakit handa siyang sumunod kay Yahweh na kanyang pinapupurihan? Ang salitang banal o
holy ay nangangahulugan na set apart o ihiniwalay. Ang sabi ng awit ay At lahat ng nasa aki'y
magsipagpuri sa kanya, purihin mo sa tuwina ang banal na ngalan niya. Banal si Yahweh dahil
inihiwalay Niya ang Kanyang sarili, kung ang ibang mga diyos ay di tapat, si Yahweh ay tapat,
kung sila ay malupit, si Yahweh ay kapahingan, kung sila ay masama, si Yahweh ay mabuti,
kung sila ay di matuwid, si Yahweh ay matuwid. Paanong di mo papapupurihan ng iyong lahat
lahat si Yahweh at susunod sa Kanyang kalooban matapos nating makilala Siya? Wala ng
ibang modelo ng kabanalan maliban kay Yahweh, at dahil dito sigurado tayo na hindi
mababalewala ang lahat ng ating mga pagpapagal at hindi mawawalang kabuluhan ang ating
mga luha at sakripisyo buhat ng ating pagsunod sa Kanyang kalooban.

Sabi pa ng awit, Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa, at huwag mong kaliligtaan,


mabubuti niyang gawa. Ilang beses pinaalalahanan ni Moises ang mga Israelita na alalahanin
palagi si Yahweh at kung anong ginawa Niya para sa kanila at siyam (9) na beses niyang
binalaan sila na huwag Siyang lilimutin ngunit matapos ang henerasyon nila Josue lumitaw ang
isang bagong henerasyon na di nakakakilala kay Yahweh.

Minsan po nalilimot natin ang mga bagay na napagdaanan natin sa buhay na ito na
pinagtagumpayan natin kasama si Yahweh lalo na kapag nasa gitna tayo ng pagsubok at
paguusig; madalas pa nga ay kapag nasa gitna tayo ng kasiyahan o peak ng ating buhay. Yung
iba babalik kay Yahweh kapag hopeless na talaga ang situation at yung iba ay tuluyang nang
lumalayo at isinusumpa pa sa Yahweh.

Mga kapatid simple lang po ang mensahe ng awit, kilalanin natin si Yahweh, sumunod tayo sa
Kanya ng buong-buo, at huwag natin kalilimutan ang lahat ng Kanyang mga ginawa sa atin
sapagkat sa ating pagkakilala lamang kay Yahweh bubukal ang tunay na pagpupuri sa Kanya,
ang ating pagsunod ay marapat naaayon sa Kanyang kabanalan, at huwag na huwag nating
lilimutin ang lahat ng mga ginawa Niya sa atin para sa oras na dumating tayo sa ups and downs
ng buhay natin ay patuloy pa rin tayong makakapagpuri ng totoo kay Yahweh Elohim.

Tayo po ay manalangin…

You might also like