Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

ANG DISKURSO

Mga Batayang Kaalaman sa Diskurso at Pagdidiskurso


Ang wika ay isang behikulo at instrumentong ginagamit ng tao at institusyon sa lipunan. Alinman o
maging anumang uri o anyo ng lipunan ay nanganagailangan ng wika upang higit na magkaunawaan, maging
episyente ang pagpapagalaw ng mga gawain at maging epektibo ang inihahaing simulain.
May kapangyarihang kumontrol ang wika. May kakayahan itong maglimita, magpalawak, magpalinaw o
magpalabo ng mga ideya.

Kahulugan ng Dikurso:
Discourse – Ingles
Discursus – Latin nangangahulugan ng diskusyon o argumento
 Kumbersasyon – isang verbal na pagpapalitan ng mga ideya na pwedeng maganap sa mga sosyalang
pampamilyaridad o kaya’y sa isang pormal at maayos na karaniwang humahabang pagpapahayagan ng
mga kaisipan hinggil sa kung anong paksa na maaaring pasalita o pasulat.
 Isa rin itong yunit panlinggwistik na mas malaki kaysa sa isang pangungusap gaya ng isang kumbersasyon
o isang kwento. (Merriam Webster, 1996)
 Tumutukoy ang diskurso sa paggamit ng wika, sa paraan ng pagpapahayag at sa pag-unawa kung paano
ginagamit ang wika. (McCarthy,1991)
 Ang diskurso ay ang pagpapabatid ng iniisip at nadarama sa hangaring maunawaan at unawain ang
kausap na maaaring isagawa nang pasalita at pasulat. Ito ay ang kakayahang maunawaan at makabuo ng
sasabihin o isusulat sa iba’t ibang genre gaya ng narativ (pagsasalaysay), deskriptiv (paglalarawan),
expositori (paglalahad), argumentative (pangangatwiran) o persweysiv (panghihikayat) atbp.

Mga Teknikal na Pagpapkahulugan sa Diskurso:


 Ang diskurso ay paraan ng pagpapahayag, pasulat o pasalita man.
 Ang diskurso ay nangangahulugan ding pakikipagtalastasan.
 Ang diskurso ay ang pormal at patuluyang pagsasagawa ng isang mahusay na usapan.
 Ang diskurso ay isang interaktibong gawain tungo sa mabisang paglalahad ng mga
impormasyon.
 Ang diskursso ay tumutukoy sa kinagisnang paraan ng pakikipagtalstasan gayon din naman ang malalim
na pagtingin sa mga ideyang inilahad. (Millrood, 2002) Samakatuwid, ang pagdidiskurso ay hindi lamang
nakapokus sa mismong salita; sa halip, bahagi rin nito ang mga tagong mensahe (implied messages).
Sa pagdidiskurso, mahalaga na:
1. Maging mapanuri hindi lamang sa salita kundi sa kulturang nakapaloob ditto;
2. Mahusay maghinuha ng mga impormasyon gaya ng integrasyon ng kilos sa salita;
3. Magkaroon ng kritikal at malalim na kakayahan sa pag-unawa ng mga mensahe;
4. Maisaalang-alang ang ga sumusunod na dimensyon:
a. Konteksto – gaya ng inilahad ni Hymes sa kanyang SPEAKING theory, tungo sa
ikatatagumpay ng isang pakikipagtalastasan, mainam na makita ang kabuuang konteksto
(setting, participants, ends, acts, keys, instrumentalities, norms at genre). Sa pamamagita
nito maaaring mapaangat ang sensitibiti ng dalawang nag-uusap.
b. Kognisyon – tumutukoy sa wasto at angkop na pag-unawa sa mensahe ng mga nag-
uusap. Bhagi ng kognisyon ang oryentasyon at kulturang kanilang kinabibilangan.
c. Komunikasyon – ang dimensyong ito ay tumutukoy sa berbal at di-berbal na
paghihinuha ng mga impormasyon.
d. Kakayahan – Likas sa mga tao ang pagkakaroon ng kakayahan sa pakikikinig,
pagsaasalita, pagbasa at pagsulat. Ang mga ito ang siyang pangunahing kailanganin sa
mahusay na pagdidiskurso.

You might also like