Professional Documents
Culture Documents
Lesson Exemplar EsP6 Q3 MELC 8
Lesson Exemplar EsP6 Q3 MELC 8
Mahalagang Kaisipan
Ang tagapagkalinga ng kapaligiran ay gumagawa sa
pamamagitan ng pagrerecycle, paglilinis, pagtatanim ng mga
puno, at pagmamalasakit sa hayop.
Pagtataya:
Basahin ang mga sumusunod. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang RA 9147 ay tungkol sa _________.
a. Pagdedeklara ng National Park
b. Konserbasyon at pagbibigay ng proteksyon sa mga
maiilap na hayop.
c. Pagkakaroon ng regulasyon sa pangonglekta at
pangangalakal ng maiilap na hayop.
d. Tamang paraan ng pangongolekta at pagbubukod
ng basura.
2. Ang Philippine Clean Air Act ay tungkol sa ___________.
a. Pagpapanatili ng malinis at ligtas na hanging
nilalanghap ng mga mamamayan at pagbabawal
sa mga gawaing nagpapadumi sa hangin.
b. Pagkilala sa kalinisan ng tubig para sa mga
mamamayan.
c. Pagpapanatili ng ecological diversity.
d. Pananaliksik upang mapanatili ang Ecological
Diversity sa ating Bansa.
3. Batas Pambansa 7638 at ang pagtatatag ng
Department of Energy (DOE) ay naglalayong _________.
a. Mapanatili at msuportahan ang buhay at pagunlad
ng tao.
b. Pagpapanatili sa natural at biological physical
diversities.
c. Ipagbawal ang mga gawaing nagpapadumi sa
hangin.
d. Isaayos, subaybayan, at isakatuparan ang mga
planoat programa ng pamahalaan sa eksplorasyon,
pagpapaunlad, at konserbasyon ng Enerhiya.
4. RA 7586 (National Integrated Protected Area System Act
of 1992) ay tungkol sa __________.
a. Batas bilang pagkilala sa kalinisan ng tubig para sa
mga mamamayan.
b. Pagkilala sa mga pangangailangang mapanatili
ang balanse ng ekolohiya at kalikasan.
c. Pagtatatag ng Department of Energy.
d. Paglalaan ng pondo sa pananaliksik upang
mapanatili ang biological diversity.
5. RA 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of
2000) ay naglalayon para sa ______________.
a. Tamang paraan ng pangongolekta at pagbubukod
ng mga solid waste.
b. Pagpapanatili ng malinis na hangin.
c. Pagpaplano ng mga pangmatagalang
pamamaraan upang epektibong maiwaksi ang
mga sanhi ng maduming hangin.
d. Pagsasakatuparan ng mga plano at programa ng
pamahalaansa eksplorasyon pagpapaunlad at
konserbasyon ng enerhiya.
6. Sa mga bundok dapat tayong ____________.
a. Magtanim ng mga puno
b. Magkaingin, magtabas at magsunog
c. Manghuli ng mga maiilap na hayop
d. Magtatag ng maliliit na kompanya ng logging
7. Upang maiwasan ang red tide, dapat ____________.
a. Linisin ang mga barko
b. Linising Mabuti ang isda bago lutuin
c. Panatilihin ang kalinisan ng katubigan.
d. Isulong ang pagtatayo ng mga beach resorts.
8. Maraming kompanya ng konstruksyon ang kumukuha
ng maraming bato at buhangin mula sa mga bundok.
Ang masamang epekto nito ay ___________.
a. Pagguho ng lupa
b. Pagyaman ng bansa
c. Pagbaha at lindol
d. Pagkatuyo ng mga bukal
9. Upang mas maraming mahuli at kitain ang mga
mangingisda, dapat nating pagsikapang mabuti na
___________.
a. Bigyan sila ng ibang trabaho
b. Tulungan silang mangisda buong araw
c. Sabihan sila kung paano mangisda gamit ang
dinamita
d. Tumulong sa pangangalaga ng karagatan upang
dumami ang mga isda.
10. Iminungkahi ng nanay mo na bumili ka ng corals para
sa inyong aquarium. Narinig niya na mayroong tindahan
sa palengke na nagbebenta ng corals sa mababang
halaga. Ngunit nalaman mo sa klase na hindi dapat
kinukuha sa dagat ang mga corals dahil ditto tumitira
ang kawan ng mga isda. Dapat sabihin mo sa nanay m
na ________________.
a. Siya nalang ang bumili
b. Hindi dapat kunin sa dagat ang corals
c. Binalaan ka ng iyong guro tungkol sa maling gamit
ng corals
d. Dapat siyang bumili nang marami upang ibenta sa
iba sa mas mataas na halaga.
V. PAGNINILAY Pagisipan Mo!
Sa iyong Journal sagutin ang sumusunod:
Inihanda ni:
Nabatid: