Kabanata 5 Mga Teorya NG Diskurso

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

MODYUL NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT PANITIKAN

KABANATA 5:
MGA TEORYA NG DISKURSO

Layunin:

a.) Nailalahad ang iba’t ibang mga teorya ng diskurso


b.) Nasusuri ang mga larawang ipinakita hinggil sa babala at paalala
c.) nakapagbibigay ng tatlong halimbawa ng larawan hinggil sa
paksa

MGA TEORYA NG DISKURSO

1. Speech Act Theory


- Tumutukoy sa paniniwalang anuman ang ating sabihin, lagi na itong may kaakibat
na kilos maging ito man ay paghingi ng paumanhin, pagbibigay-babala, paghihimok
at iba pa.

Halimbawa:
BABALA! Madulas ang sahig. (Sinumang mapapadaan ay pinapayuhang mag-
ingat.)

May tatlong component ang mga aktong linggwistik


a. aktong lokusyonari – akto ng pagsasabi ng isang bagay
b. aktong iloksyonari – ang pagganap o perpormans sa akto ng pagsasabing
bagay
c. aktong perioksyonari – ang pagsasabi ng isang bagay na kadalasang
nagpoprodyus ng mga tiyak na konsikwensyal na epekto (may konsikwens)

2. Ethnography of Communication
- nauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit, pattern at tungkulin ng pagsasalita.
- Ito ay pamamaraang participant-obserbasyon na nangangailangan ng imersyon sa
isang partikular na komunidad.

Pahina 42
MODYUL NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT PANITIKAN

Iba’t ibang Teknik na Maaaring Magamit sa Partisipant-Obserbasyon

1. Introspection – paggamit ng intuition


2. Detached Observation – ang di-partisipatoring obserbasyon ng interaksyon
sa komunidad
3. Interviewing – ang istraktyurd na interaksyon berbal sa mga myembro ng
Komunidad
4. Philology – paggamit ng mga pasulat na materyales
5. Ethnosemantics – ang pag-aaral ng kahulugang kultural
6. Ethnomethodology – ang detalyadong analisis ng mga kumbersasyon,
tinatawag ding diskors analisis ng mga linggwista
7. Phenomenology - pag-aaral ng kumbersasyon bilang isang problemang
penomenolohikal

3. Pragmatic Theory

- pokus ng teoryang ito ang kasangkupan ng gamit ng wika sa isang partikular na


sitwasyon
-tinataya sa teoryang ito na ang mahusay na diskurso ay laging bumabatay sa
kinalalagyang sitwasyon ng mga taong sangkot sa isang usapan

4. Communication Accomodation Theory

- Sinusuri dito ang motibasayon at konsikwens ng pangyayari kung ang dalawang


ispiker ay nagbabago ng istilo ng komunikasyon.
- Ang mga gumagamit sa teoryang ito ay naniniwalang sa komunikasyon, ang mga
tao ay nagtatangkang iakomodeyt ang kanilang istilo kapag nakikipag-usap sa iba.

May dalawang paraan ng akomodasyon:

a. Divergence
– Ang madalas na gumagamit nito ay ang grupong may malakas ng
pagmamalaking etniko upang ihalayt ang kanilang identidad.

b. Convergence
– Nagaganap na mayroong matinding pangangailangan para sa social
approval. Ang gumagawa nito ay madalas ang mga indibidwal na walang
kapangyarihan.

5. Narrative Paradigm

- Naglalarawan sa mga tao bilang mga storytelling animals.


- Nagpapanukala ng naratibong lohika bilang pamalit sa tradisyunal na lohika sa
argumento.
- Nagmumungkahi sa husgahan ang kredibilidad ng isang ispiker batay sa kohirens at
pideliti ng kanilang istorya.

Pahina 43
MODYUL NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT PANITIKAN

6. Variation Theory

- Nakapokus ito sa baryasyon ng wikang ginagamit ng mga taong sangkot sa isang


diskurso.
-Kinapapalooban ito ng pagkakaiba sa tono, intonasyon, gamit ng salita gayon din
ang estrakturang panggramatika ng isang ispiker.
-Lumalaganap ang teoryang ito dahil sa unti-unting pag-usbong ng mga iba’t ibang
speech community na nagtataglay ng maraming baryasyon sa wika.

Bilang karagdagang kaalaman, buksan ang mga link na ito:


https://www.youtube.com/watch?v=SZin2t--3HA
https://www.youtube.com/watch?v=NyOmG8nj2tA
https://www.youtube.com/watch?v=DH6EcNAy9VI

https://prezi.com/yt1-c_sirphx/mga-teorya-ng-diskurso/
http://modernongeskriba.blogspot.com/2017/01/mga-teorya-ng-diskurso.html
https://prezi.com/rxe4kvqc0syx/speech-act-theory/
https://www.slideshare.net/AnaJaneMorales2/paunawa-babala-at-paalala
https://www.philippinesnews.net/news/265823879/ugaliin-ang-pagsuot-ng-face-
mask-paalala-ng-pasig-lgu

Pahina 44
MODYUL NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT PANITIKAN

You might also like