Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

MODYUL NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT PANITIKAN

KABANATA 7:
PAGSALAYSAY NA ANYO NG DISKURSO

Layunin:

a.) Natutukoy ang katuturan ng pagsasalaysay


b.) Nailalahad ang mga batayang konsepto sa pagsasalaysay
c.) Nakapagpapakita ng bidyo ng pagsasalaysay gamit ang flip chart

PAGSASALAYSAY
Ito ang genreng Naratib o Naratibo.
Ito ay palasak at madalas gamitin.
Ang salitang ugat nito ay Salaysay o Kuwento.
Itinuturing pinakamatandang anyo ng pagpapahayag.
Ito ay isang anyo ng pagkukuwento tungkol sa sariling karanasan o tungkol sa
karanasan ng ibang tao.

Batayan ng Pagsasalaysay
 Sariling karanasan
 Pangyayaring nakita o nasaksihan
 Narinig o napakinggan
 nabasa at napanood
 bungang-isip o guniguni
 panaginip at pangarap

Layunin ng Pagsasalaysay
 Layunin nito ang maipahayag o magkwento ng mga pangyayari.
 Layunin nito ang mapagalaw ang isip sa mabisa at masining na paraan.
 Layunin ng ganitong pamamaraan ang ipabatid ang mga pangyayaring may
kauganayan mula sa pananaw ng nagsasalaysay.

Pahina 64
MODYUL NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT PANITIKAN

Elemento ng Mabisang Salaysay

1. Panahon
- May tiyak na panahon ng pinagkaganapan ng mga pangyayari. Ito ang
nagpapatibay ng daloy ng mga pangyayari.

2. Kahulugan
- Ito ang siyang diwa ng salaysay. Rito nagmumula ang mga motibasyon at aksyon
ng mga kasangkot.

3. Kaayusan
- Ang bumubuo sa kasiningan at pagkaepektibo ng salaysay. Ang hindi paikot-ikot at
patalon-talong pagkakaayos ng mga pangyayari ang nagpapadali sa kabatiran.

4. Pananaw
- Ito ang bahaging sumasagot sa tanong na, “Sino ang nagsasalaysay?” at “Ano ang
Kaugnayan niya rito?” Tatlo ang punto de vista ng tagapagsalaysay:

Punto de Vista ng Tagapagsalaysay

a. Unang Panauhan
- Ang nagsasalaysay o ang gumaganap sa kilos ang nagsasalaysay.
Kadalasang ginagamit ang salitang “Ako.”

b. Ikalawang Panauhan
- Isang tagapagmasid na may limitadong akses ang nagsasalaysay. Tinutukoy
niya ang mga pangyayari batay sa nasaksihan.

c. Ikatlong Panauhan
- Kinikilala ito bilang “Omniscient Point of View” sapagkat taglay ng
tagapagsalaysay ang kapangyarihang matukoy ang damdamin at iniisip ng
mga tauhan sa kanyang isinasalaysay.

5. Dayalogo
- Ang tuloy-tuloy na pagsisiwalat ng mga pangyayari ay nagiging kabagot-bagot
kaya’t isinisingit ang mga salitaan o usapan upang magkabuhay ang
pagsasalaysay.

Katangian ng Mabuting Salaysay

 May kaakit-akit na pamagat.


 Mahalaga ang paksang tinatalakay.
 Kawili-wili ang panimula.
 May angkop na utilisasyon ng mga salita.
 Maayos ang ugnayan at pamamaraan ng pagkakabuo ng teksto.

Pahina 65
MODYUL NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT PANITIKAN

Uri ng Pagsasalaysay

1. Maikling kwento
- Ito ang pinakapasak sa lahat ng pagsasalaysay.

2. Epiko
- Ito ay tulang nagsasalaysay ng mga pangyayari.

3. Dulang Pantanghalan
- Nagpapakita ito ng galaw o kilos ng mga pangyayari sa tanghalan.

4. Nobela
- Binubuo ito ng mga kabanata at hitik na hitik sa mga pangyayari. Hindi ito tulad ng
kwento na maaaring matapos basahin sa loob ng isang oras o isang araw.

5. Anekdota
- Ito’y salaysay na ibinigay sa tunay na naganap sa buhay ng isang tao. Maaari itong
nakatutuwa o nakalulungkot.

6. Talambuhay
- Ito ang kwento ng buhay ng isang tao.

7. Kasaysayan
- Ito ang historikal na kwento ng isang mahalagang pangyayari.

8. Dyornal
- Salaysay ito ng karaniwang nagaganap sa buhay, mga naobserbahan sa pali-
paligid, naobserbahan sa kapwa at sa iba pa. Maikli lamang ito, paktwal at di
pinapasukan ng sariling opinion, haka-haka o kuro-kuro.

Maikling Katha o Kwento

Kahulugan ng Maikling Katha o Kwento

 Ang maikling katha ay hindi pinaikling nobela.


o Ang maikling kwento ay masining na
anyo ng panitikan na naglalaman ng
maiksing salaysay tungkol sa isang
mahalagang pangyayari na kinabibilangan
ng isa o ilang tauhan.
Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng
mga mambabasa.

Pahina 66
MODYUL NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT PANITIKAN

Sangkap ng Maikling Katha o kwento

1. Panimula
- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang
pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.

2. Saglit na Kasiglahan
- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin.

3. Suliranin
- Ito ang problemang haharapin o kinahaharap ng tauhan o mga tauhan sa kwento.

4. Banghay
- Buhol ito ng mga pangyayari na kinakailangang lutasin ng mga tauhan.

5. Tunggalian
- Ito ang labanan sa kwento. Halimbawa ay tao laban sa sarili, tao laban sa kapwa
tao at tao laban sa kalikasan.

6. Kasukdulan
- Sa kasukdulan, nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng
kanyang ipinaglalaban.

7. Kakalasan
- Ito ang tulay sa wakas ng kwento.

Pahina 67
MODYUL NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT PANITIKAN

8. Wakas
- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.

9. Tagpuan
- Dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o insidente.

10. Paksang Diwa


- Ito ang pinaka-kaluluwa ng maikling kwento.

11. Kaisipan
- Ito ang mensahe ng kwento.
Bilang karagdagang kaalaman, buksan ang mga link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=7_PlpFPPQ8Y
https://www.youtube.com/watch?v=v5RE_gjHJcU
https://www.youtube.com/watch?v=A38CHp6OxpQ

https://www.slideshare.net/mikanorinkaye/pagsasalaysay
https://www.slideshare.net/indaysisilya/pagsasalaysay-191820304
https://icons8.com/icons/set/flip-chart
https://www.officeworks.com.au/shop/officeworks/p/3m-flip-chart-pad-635-x-762mm-
white-3mpifcpwe
https://ph.lovepik.com/images/1067143.html
https://www.cartercenter.org/health/trachoma_education/flipcharts.html
https://www.youtube.com/watch?v=MKE5_jAcgDo

Pahina 68
MODYUL NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT PANITIKAN

You might also like