Buwan NG Wika Emcee Script

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

RAMON MAGSAYSAY CUBAO HIGH SCHOOL

PAGSASARA NG BUWAN NG WIKA EMCEE SCRIPT

INTRO
Naimbag a bigat, bati ng kahilagaan,
Maayong adlaw ng Cebuano na may bating mainam
Mapiya Kapipita ng Tausug na minamahal,
Magandang araw, tugon ng Katagalugan.

Iba’t ibang wika ng lahing Kayumanggi,


Tunay na dakila at dapat itangi,
Sapagkat ang tunay na pinagpalang lipi,
May wikang kasangkapang bibigkis ng lahi.

Sa bulwagan at pandayan ng husay at dunong,


Magiginoo’t mayuyumi, muli na namang nagtitipon,
Maksaysayang pagdiriwang na ito’y may pagtuon
Sa kapangyarihan ng wika mula noon hanggang ngayon.

Ako po si G. Jaspher John Delgado


Isang guro mula sa Kagawaran ng Filipino
Hayaan niyong tumayo sa ating entablado
Upang maging Tagapagdaloy sa programang ito.

*saglit na huminto*

PAMBANSANG AWIT AT PANALANGIN


Upang ganap na masimulan ang palatuntunan,
Ang lahat ay inaanyayahang tumayong mainam.

Sabay-sabay na aawit ng Lupang Hinirang,


Pagpugayan ang lahing dakila sa silanganan.
Sa saliw ng pagtugtog ng rondalla ng isang mag-aaral,
G. John Niño L. Martin ang kaniyang ngalan.

Pagkatapos ay susundan ng dakilang panambitan,


Sa puso’y patagusin ang mensahe sa Maykapal,
Kasamahang guro’y ating mapakikinggan,
Bb. Dulce Valenzuela, panalangi’y pangungunahan.
PAMBUNGAD NA PANANALITA
Maalab ang layunin ng mga nagsusulong,
Wikang Filipino’y sumabay sa hamon,
Sa hagupit ng milenyo’t nagbabagong panahon,
Patunay itong buhay at marunong,

Gintong butil ng karunungan ay atin nang mapakikinggan,


Sa habi ng Puno ng Kagawaran ng Filipino ng ating paaralan,
Kabalikat sa pagtataguyod ng wika sa lipunan,
Dr. Florian L. Ruiz, pasalubungan ng palakpakan.

PAGBIBIGAY NG MENSAHE
Tunay na ang sinambit ay lalong nagpailaw,
Upang ang lahat sa wika’y tumanglaw,
Ang mga salitang sa ami’y nagpaaninaw,
Igalang ang wika at sa baya’y magmahal.
(Maraming salamat po Dr. Ruiz para sa inyong makawikang pananalita)

*saglit na huminto*

Laksang kaisipa’y muli’t muling dudukal,


Tuturuan ang pusong sa wika ay magmahal,
Patitingkarin ng mensahe ng punong-guro nating gabay,
Kay Gng. Ruby U. De Jesus, palakpak ay ialay!

INSPIRASYONAL NA MENSAHE
Sadyang malalim at lubhang maigting,
Sa talastas ng puso ng punong-gurong magiting,
Kanyang mga sinambit na lalong magniningning,
Kung ang ating dila’y sa Filipino ibabaling.

*saglit na huminto*

Buwan ng Wika taong dalawampu’t dalawa


Mas naging espesyal dahil sa ating natatanging bisita
Kaya’t ang ating puso’t isipa’y ibaling muna sa kaniya
Dr. Rodolfo F. De Jesus, ang Tagapagmasid Pangsangay na dakila!

MGA NAGING KAGANAPAN SA PATIMPALAK


Maraming Salamat po Dr. De Jesus na dakila,
Binigyang-oportunidad at lalong halaga,
Upang ang wikang Pambansa ay lalong mapakilala,
Idadambana sa puso sa harap ng balana.
*saglit na huminto*

Sa pagkakataong ito’y ating matutunghayan


Ang isang malikhaing pagbabalik-tanaw
Sa mga gawain at patimpalak na naisakatuparan
Sa isang buong buwan ng ating pagdiriwang.

Paningin at pandinig ay atin nang ituon


Sa panonood ng inihandang Audio Visual Presentation
Atin nang sariwain ang mga pagkakataon
Nang kayo’y nagtagumpay sa mga ikinasang hamon!

PAGGAWAD NG GANTIMPALA
Ngayon ang mainam na panahong itinakda
Upang ang mga nagwagi ay bigyang-pagkilala
Simbolo ng kahusayan na inyong ipinunla
Dapat lang na matumbasan ng gantimpala.

Sa ating entablado kayo’y inaanyayahan,


Tanggapin ang gantimpalang sa inyo’y laan
Sa pangunguna ng mga administrador ng paaralan
Pagkilala’y atin nang simulan!

(Atin pong tinatawagang muli sa entablado sina D. Florian L. Ruiz, Gng. Michelle F.
Frondozo, Bb. Dulce Valenzuela, Bb. Winnaflor G. Gaspar at Gng. Ruby U. De Jesus)

NATATANGING BILANG
Muli, pagbati sa lahat ng mga nagwagi
Iniwan niyo’y ngiti sa aming puso at labi
Nawa’y ang tagumpay ang palaging magsilbi
Isang inspirasyon sa lahat ng inyong lunggati!

*saglit na huminto*

Kakaibang himig na ating maririnig,


Awit ng pusong sa kultura’y pumintig,
Wikang Filipino sa nota ng pahiwatig,
Sa melodiya ng bayan maghaharing ibig.

Saksihan at pakinggan ang isang pag-awit,


Pagliyag sa bayan ang ating masasapit,
Tagumpay nating Lahat, ipadidinig na awit
Bb. Angel F. Zambrano, palakpakan ang ating isapit.
PASASALAMAT ANG PANGWAKAS NA PANANALITA
Kakaiba ang idayog, aliw-iw, at himig,
Sa wika at kultura’y tunay akong iibig,
Pinapawi ang lahat ng aking tigatig,
At sa pusong umiirog ay lalong nagpapintig.

*saglit na huminto*

Sa pagwawakas ng anomang palatuntunan,


Laging may himig na sa ati’y iiwan,
Upang ang mga ito’y hindi masayang man lang,
Tagapayo ng Diwa’t Panitik, ating pakinggan
Gng. Marie Vic A. Eroles, salubungin ng palakpakan.

OUTRO
Sa kabig at katig ng kaisipang pandalumat,
Wikang Filipino’y kasankapan sa lahat,
Intelektwalisasyon, makakamtan ngang ganap,
Kung ang wikang ito’y pahahalagahan ng lahat.

Ako’y naniniwalang malayo pa ang mararating,


Ang wikang Filipino ay lalong gigiting,
Susi sa lahat ng anomang kaharapin,
Behikulong tunay sa pagbabagong hangarin.

*saglit na huminto*

Sa Luzon,
Dacal a Salamat ng mga Kapampangan,
Agyamanak sa Ilocos na lalawigan.

Sa Visayas,
Damo nga Salamat ng Matatapang na Waray,
Daghang Salamat ng mga Cebuanong minamahal.

Sa Mindanao,
Magsukul naman sabi ng Tausug sa Katimugan,
Madakel a Salamat ang bati ng mga kapatid na Maranao,

At sa Lingua Franca ng Pilipinas, Maraming Salamat sa inyong lahat.

Ito ang BUWAN NG WIKA 2022!

***

You might also like