MIGRASYON

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

MIGRASYON

Ang Migrasyon ay isang konseptong kontemporaryong isyu na tumutukoy sa prosesong pag-alis


o pag-lipat mula sa isang lugar o teritoryong political patungo sa iba pa, maging ito man ay
pansamantala o permanente. May dalawamg uri ng migrasyon,ito ay panloob at panlabas. Ang
Migrasyong Panloob ay isang prosesong pag-lipat ng isang tao o kayanaman pamilyang mula sa isamg
bayan, lalawigan, o rehiyon patungo sa ibang bahagi ng bansa. Ang migrasyong panlabas naman ay
tumutukoy sa pagpunta ng isang tao o pamilya upang doon manirahan, mag-aral, o mag-trabaho .

Malaki ang naiidudulot nito sa bawat tao dahil ang migrasyon ay nakakapag-angat ng buhay ng
tao. Karaniwang mga migrant ay ang mga OFW nagt-trabaho sila sa ibang bansa upang tugunan ang
pangangailangan ng kanilang anak o pamilya sila ay temporary migrant dahil may kontrata sila kung
hanggang kailan lang sila mag s-stay. May mga migrant na nagaaral sa ibang bansa upang mag-aral sa
magandang unibersidad upang matuto ng mga bagong kaalaman isa rin sila sa temporary migrant dahil
nag s-stay lang sila sa bansa upang mag-aral lamang. Mayroong ring mga migrant na turista na gustong
pumunta sa ibat ibang lugar para makahanap na magandang tanawin at gusting matuto ng mga tradition
sa bansang pupuntahan,pansamantala lang ang kanilang stay umaabot ito sa 90 days depende rin ito sa
bansang pupuntahan . At Ang huli ay ang migrant na gustong manirahan for good dahil mas
nakasanayan na nila ang bansang pinagstay nila at ginusto na nila manirahan doon dahil andoon na ang
kanilang business o trabaho karaniwang sa kanila ay mga citizen or netizen na sa bansa sila ay
Permanent migrant dahil doon na nila gusto manirahaan for good.

May dalawang uri ng dahilan ng migrasyon ito ay PULL at PUSH factor, Ang pull factor ay isang
positibong salik na humihikayat sa bawat tao na mandarayuhan sa ibang bansa halimbawa nito ay pag-
hahanapbuhay, pag-aaral at mga turista. Ang push factor ay isang negatibong salik na nagtutulak sa tao
para mandarayuhan at lisanin ang tinitirhang lugar tulad ng kalamidad at sakuna.

Ang epekto ng migrasyon sa tao ay nakakatulong upang bigyan ng mabuting buhay at


ikabubuhay. May mabuti at masamang epekto ng bansang pupuntahan at bansang pinaggalingan.
mabuting epekto sa bansang pupuntahan ay nagkakaroon ng pagdami ng populasyon na makakatulong
upang dumami ang manggagawa na bunga ng pagdaragdag ng kita sa ekonomiya, isa rin sa mabuting
epekto ang pagtanggap ang mga migrant ng mababang pasahod kumpara sa lihitimong tao na taga roon
sa bansa o lugar. Masamang epekto sa bansang pupuntahan ay may posibilidad na magkakaroon ng
overcrowding dahil sa pag marami ng populasyon at nag bubunga ng pag daragdag ng gastos at security
ng bansa/lugar na pupunthan. Mabuting epekto ng bansang pinaggalingan ay pagpapadala ng per ana
kinita sa ibang bansa ay nakatutulong sa ekonomiya at mga taong galing ibang bansa ay may dalang
bagong skills at kaalaman, nababawasan din ang unemployment sa bansa. Masamang epekto ng
bansang pinanggalinga ay nagkakaroon ng gender imbalance sa lugar na inaalisan ng mga migrant na
may posibilidad na bumaba ang potential work-force ng bansa at nag bubunga ng Drain brain sapagkat
ang marami sa umaalis ay mga skilled at professional.

Sinasailalim ang migrasyon dahil sa kagustuhang magkaroon ng mas mataas na sweldo, mas
ligtas, magandang tirahan at magandang unibersidad.

You might also like