Professional Documents
Culture Documents
AP Dec6 Kalakalan
AP Dec6 Kalakalan
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Makati City
Hen. Pio Del Pilar Elementary School-Main
5560 P. Binay St. Cor. Arnaiz Avenue, Pio del Pilar, Makati City
DAILY LESSON PLAN (DLP)
ARALING PANLIPUNAN 5
DECEMBER 6, 2022
TUESDAY
7:20-8:00 V- Pearl
8:10-8:50 V-Peridot
8:50-9:30 V-Garnet
9:40-10:20 V- Emerald
I. Layunin
Lalo pang natutukoy ang kabuhayan ng mga sinaunang Pilipino
II. Paksang Aralin
Sinaunang Kalakalan ng mga Pilipino
Sanggunian
Pilipinas Bilang Isang Bansa 5,ph.
Modyul 5
Kagamitan
Powerpoint presentation
Pagpapahalaga: Pagpapasalamat sa Diyos sa mga likas na yaman
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan – (Tungkol sa mahalagang pangyayari sa bansa.)
2. Pagsasanay
Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod na paglalarawan
____1. Ito ang yunit pampolitika, panlipunan at pangkabuhayan ng mga
sinaunang barangay.
____2. Sasakyang pandagat na kung saan pinagmulan ng salitang barangay.
____3. Bilang ng pamilya na bumubuo sa barangay.
____4. Seremonya na ginagawa ng dalawang magkaalyadong datu na kung
saan iniinom ang alak na may kasamang dugo nila.
____5. Ito ay ugnayan na binuo ng mga barangay.
3. Balik-aral
Paano pinahalagahan ng mga sinaunang Pilipino ang mga kababaihan?
Sino ang namumuno sa mga seremonyang pang-espirituwal?
B. Panlinang ng Gawain
1. Pangganyak
Tingnan ang larawan. May sistema na ng kalakalan ang mga
sinaunang Pilipino noon pa man.
1
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Makati City
Hen. Pio Del Pilar Elementary School-Main
5560 P. Binay St. Cor. Arnaiz Avenue, Pio del Pilar, Makati City
2. Paglalahad
Alamin natin kung paano nakipagkalakalan ang mga sinaunang
Pilipino.
3.Pagtalakay
Talakayin ang sinaunang kalakalan ng mga Pilipino. Ano ang tawag
sa paraan ng pakikipagkalakalan ng mga sinaunang Pilipino? Kanino sila
nakipagkalakalan? Ano ano ang mga produkto at kalakal ng mga sinaunang Pilipino? Ano
ano naman ang kalakal ng mga Tsino? Arabe? Hapon?
4.Paglalahat
May kalakalan na ang mga sinaunang Pilipino noon pa man. Barter
ang tawag dito. Sa barter nakikipagpalit ng kalakal sa ibang miyembro ng
barangay at sa mga dayuhan. Ang mga Arabe, Tsino, at Hapones ay
nakipagkalakalan sa mga sinaunang Pilipino.
5.Paglalapat
Ganito pa rin ba ang sistema ng kalakalan sa kasalukuyan? Ipalarawan
sa mga bata ang uri ng kalakalan na ginagawa sa kasalukuyan at kanino
nakipagkalakalan ang Pilipinas sa kasalukuyan? Palitan pa rin ba ng
kalakal ang sistema ngayon? Ano ano ang mga kalakal ng Pilipinas sa
kasalukuyan?
IV.Pagtataya
Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang titik ng wastong sagot.
____1. Ito ay ang sistemang umiral sa kalakalan noong panahong Pre-kolonyal.
Ano ito?
A. barter C. komersyo
B. kasunduan D. pamimili
2
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Makati City
Hen. Pio Del Pilar Elementary School-Main
5560 P. Binay St. Cor. Arnaiz Avenue, Pio del Pilar, Makati City
B. Tsino D. Amerikano
V. Takdang Aralin
Kumpletuhin ang graphic organizer. Punan ang mga hinihinging
impormasyon tungkol sa mga dayuhang nakipagkalakalan sa mga
sinaunang Pilipino.
Inihanda ni:
CHRISTINA C. ZAPANTA
Guro
Binigyang-pansin ni: