Panalangin NG Bayan 12-30-2022

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PANALANGIN NG BAYAN (DECEMBER 30, 2022)

P: Nananalig sa Panginoong humirang sa ating maging mga miyembro ng isang


pamilyang Kristiyano at ng Simbahan, manalangin tayo para sa lahat ng pamilya sa
mundo, ang atin pong itutugon: Panginoon, dinggin Mo kami!

B: Panginoon, dinggin Mo kami!

Para sa mga dakilang pamilya ng Simbahan at sangkatauhan: Nawa lahat ng


kanilang kapamilya ay makalasap ng pag-iingat ni Hesus, Maria, at Jose, ang Banal
na Mag-anak. Manalangin tayo sa Panginoon. (B)

Para sa lahat ng pamilyang Pilipino: Nawa mapanatili silang magkakabuklod at


magkakasundo ng kanilang pananampalatayang Kristiyano at tulong ng
pamayanan. Manalangin tayo sa Panginoon. (B)

Para sa mga pamilya ng mga mahihirap at mga migrante: Nawa ingatan ng


kanilang mga kapamilya ang pananampalataya, pagkakaisa, at pagbibigayan sa
kabila ng mga pagsubok at kahirapang pangkabuhayan. Manalangin tayo sa
Panginoon. (B)

Para sa mga bago at nabubuong mga pamilya: Nawa makatagpo sila ng inspirasyon
sa Banal na Mag-anak ng Nazaret at mabuhay alinsunod sa mga pangaral ni San
Pablo tungkol sa buhay pamilya. Manalangin tayo sa Panginoon. (B)

Para sa ating sariling pamilya: Nawa maghari ang kapayapaan ni Kristo sa atin at
pagbuklurin tayo ng tapat na pagmamahalan at pagpapatawaran. Manalangin tayo
sa Panginoon. (B)

P: Panginoong Diyos, pagpalain Mo ang lahat ng pamilya sa buong mundo. Ilapit


Mo sa Iyo at sa isa’t isa ang lahat ng miyembro nito at ingatan Mo sila sa Iyong
kapayapaan at pagmamahal. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong
aming Panginoon.

B: Amen

You might also like