Professional Documents
Culture Documents
Filipino Module 3.7
Filipino Module 3.7
Inihanda ni:
VERGEL Q. PERALTA
Guro I, Pangasinan National High School
Sinuri nina:
VIRGINIA O. ESTRADA
Ulongguro VI, Kagawarang Filipino
MELCHORA N. VIDUYA
Edukasyong Tagamasid I, Filipino
Pinagtibay ni:
i
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 7: Paglisan (Buod)
Nobela mula sa Nigeria ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:
ii
upang makamit ang mga kasanayang hinihingi ng ika-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Para sa mag-aaral:
iii
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.
iv
Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
v
Alamin
Kamusta ka? Ako nga pala si Tonio ang iyong makakasama sa paglalakbay sa
modyul na ito. Kung handa ka na ihanda mo na ang iyong puso’t isipan at tayo’y
maglalakbay na.
Ang modyul na ito ay dinisenyo at nilikha kung saan una sa isip ng manunulat
ang kaalamang malilikom mo bilang mag-aaral. Ito ay ginawa upang makatulong sa
iyo na matutuhan ang tungkol sa Nobela, gramatika at retorika.
Sinasaklaw ng modyul na ito na magamit ang iba’t ibang sitwasyong
pangkaalaman. Ang wikang ginamit ay kumikilala sa pagkakaiba ng antas ng
talasalitaan ng mga mag-aaral na katulad mo. Ang mga aralin ay inihanay upang
makasunod sa istandard na pagkakasunod-sunod sa asignatura. Gayunpaman, ang
pagkakasunod-sunod ng iyong mga binasa ay maaaring mabago batay sa uri ng
teksbuk o sanggunian na iyong ginagamit.
Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa napakinggang diyalogo
F10PN-IIIh-i-81
Nailalapat nang may kaisahan at magkakaugnay na mga talata gamit ang mga pag-ugnay sa
panunuring pampelikula F10WG-IIh-i-76
vi
Subukin
PAUNANG PAGTATAYA
A. Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag, Mali naman kung hindi.
______ 1. Si Chinua Achebe ang nagsulat ng nobelang “Paglisan”.
______ 2. Labingsiyam taong gulang noon si Okonkwo nang matalo niya sa isang
labanan si Amalinze, ang Pusa.
______ 3. Kinilalang matatakutin at talunan si Okonkwo ng kanilang tribo.
______ 4. Si Unoka ang tatay ni Okonkwo na kilalang magiting na mandirigma.
______ 5. Pinatay ni Okonkwo si Ikemefuna upang ipakita ang kaniyang
katapangan.
______ 6.Matinding depresyon ang naramdaman ni Okonkwo sa pagpatay niya sa
bata.
______ 7. Umalis sa kanilang nayon si Okonkwo kasama ang kaniyang pamilya
dahil
sa hirap ng buhay.
______ 8. Sinunog ang mga natirang hayop, kubo, at mga naiwang pag-aari ni
Okonkwo tanda ng paglilinis sa buong pamayanan sa kasalanan nito
______ 9. Layunin ng mga misyonero na dalhin ang Kristiyanismo sa Mbanta at
hindi
ang tuligsain sila.
______ 10. Tumiwalag ang mga kaangkan ni Okonkwo upang maghimagsik laban
sa
mga misyonaryo.
B. Tukuyin ang mga hinihiling na sagot sa bawat aytem at piliin sa kahon ang
kasagutan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
__________________________________________________________________________________

_______________________
1. KMOUINAKYSNO
3. EPSRIUTI
2. PGALLIIWNGAA 4. TARDISOYN
2
5. IAGNN- BYANA
Tuklasin
Suriin
Ang nobela ay itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo
ngpanitikang tuluyan. Binubuo ito ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing
kawing na pangyayari ng buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay-aliw ay
nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga mambabasa.
Banghay
Damdamin
4
Pananalita
Pananaw
Simbolismo
Paglisan (Buod)
Nobela mula sa Nigeria ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera
5
sa pinabayaan niya ang kaniyang pamilya. Ang naging buhay na ito ni Unoka ay
laban kay Okonkwo. Kaya pinatunayan niyang naiiba siya sa kaniyang ama. Para
patunayan ang kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinamahalaan niya ang siyam
na nayon. At siya ay nagtagumpay. Tatlo ang kaniyang naging asawa, nakapundar
ng mga ari-arian na nagpapatunay lamang ng kaniyang pagiging masipag. Naging
matapang na mandirigma at makapangyarihan siya sa buong nayon. Dahil dito,
siya ay kinilalang lider ng kanilang tribo.
Dahil sa kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinili si Okonkwo ng mga
kanayon upang ipagtanggol si Ikemefuna, ang lalaking kinuha bilang tanda ng
pakikipagkasundo sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia at isang nayon
pagkatapos mapatay ng tatay ni Ikemefuna ang isang babaeng Umuofian. Tumira
ang batang lalaki kina Okonkwo. Naging magiliw at magkasundo naman ang
dalawa. Itinuring ng bata si Okonkwo bilang pangalawang magulang.
Isang araw, lihim na ipinaalam ni Ogbuefi Ezeudu, isa sa matatandang
taga-Umuofia, ang planong pagpatay kay Ikemefuna. Binalaan ni Ezeudo na huwag
makialam sa planong ito si Okonkwo. “Hindi ka dapat makialam sa isasagawang
iyon ng kalalakihan ng Umuofia sapagkat isang ama na ang turing ni Ikemefuna
sa iyo,” wika ni Ogbuefi Ezeudu kay Okonkwo. Dahil dito, gumawa ng paraan si
Okonkwo. PInaniwala niyang ihahatid na si Ikemefuna sa kaniyang tunay na ina.
Naglakbay ang bata kasama ang ilang kalalakihan ng Umuofia. Sa gitna ng
kanilang paglalakbay, sinugod ng mga kasamang lalaki si Ikemefuna upang
patayin ngunit nakatakas ang bata. Nagpasaklolo ito sa kaniyang ama-amahan.
Noon ay nasa harapan ng mga katribo si Okonkwo upang mapanatili ang
ipinakitang katapangan, tinaga niya ang bata sa harapan nila sa kabila ng
paghingi ng awa sa itinuring na ama. Nakalimutan ni Okonkwo ang naging usapan
nila ni Ogbuefi Ezeudu. Umuwi si Okonkwo na mag-isa. Wala na ang batang
tumulong at gumabay sa kaniya. Naging simula naman iyon ng malaking
pagbabago kay Okonkwo. Hindi na siya makakain, hindi na makatulog, hindi na
rin makapag-isip nang maayos. Ramdam niya sa kaniyang sarili ang depresyong
siya rin naman ang may pagkakamali kaya’t upang maibsan ang kapighatian at
huwag matulad sa kaniyang ama na isang sawi ay nagtungo siya sa kaniyang
kaibigang si Obierika. Humingi siya ng payo rito at nakaramdam naman siya ng
kaunting gaan ng loob. Nagkasakit naman noon si Ezinma, anak na babae ni
Okonkwo, ngunit gumaling din sa tulong ng mga halamang gamot na ipinanlunas
ng kaniyang ama.
Lumipas ang panahon, nabalitaan ni Okonkwo na namatay si Ogbuefi
Ezeudu. Nakaramdam ng konsensiya si Okonkwo sapagkat nang huling
makausap niya ito ay noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta sa
orakulo na papatayin si Ikemefuna. Pinuno ng malalakas na tunog ng tambol na
sinasabayan ng alingawngaw ng malakas na putok ng baril ang maririnig sa
paligid habang nakaburol si Ogbuefi Ezeudu. Kagimbal-gimbal na trahedya ang
bumulaga sa lahat ng mga naroroon nang pumutok ang baril ni Okonkwo at
tamaan ang labing-anim na taong gulang na anak ng yumao. Dahil dito,
kailangang pagbayaran ni Okonkwo ang nagawang kasalanan laban sa kaniyang
kaangkan. Isang malaking pagkakasala sa diyosa ng Lupa ang pumatay at
makapatay ng kauri. Hinakot lahat ni Okonkwo ang kaniyang mga ari-arian at
mahahalagang kagamitan at nagtungo sa Mbanta, lugar ng kapanganakan ng
kaniyang ina dala ang kaniyang buong pamilya. Sinunog ang mga natirang hayop,
kubo, at mga naiwang pag-aari ni Okonkwo tanda ng paglilinis sa buong
pamayanan sa kasalanan nito. Malugod naman silang tinanggap ng mga kaanak
higit lalo ang tiyuhin nitong si Uchendu.
6
Tinulungan nila sina Okonkwo na makapagpatayo ng kanilang munting
pamayanan at pinahiram ng mga butil na pagsisimulan ng kanilang munting
kabukiran.
Malagim at mahirap man ang sinapit ni Okonkwo, pinilit niyang tanggapin ang
lahat at muling magbalik sa kung saan siya nagmula.
Dumaan ang dalawang taon ng pagkakapatapon kina Okonkwo. Sa mga
taong iyon matiyagang kinukuha at inaani ni Obierika ang mga pananim ni
Okonkwo sa dating lugar. Ibinebenta niya ito at ibinibigay ang pinagbilihan kay
Okonkwo. Buong sipag niya itong ginagawa hanggang sa makabalik na si Okonkwo
sa Umuofia. Isang masamang balita naman noon ang ipinabatid ni Obierika nang
minsang nagdala siya ng pinagbilhan kay Okonkwo. Winasak daw ng mga puti
ang Abame, isa ding pamayanan ng mga Umuofia.
Hindi naglaon, may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong
ng isang interpreter na si G. Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng mga misyonero
ang mga taga-Mbanta. Ayon sa kanila, ang pagsamba sa mga diyos-diyosan ay
isang malaking kasalanan at hindi katanggap-tanggap sa simbahan. Lalong
hindi maunawaan ng mga taga-Mbanta kung paanong ang Tatlong Persona ay
naging iisang Diyos katulad ng ipinaliliwanag ng mga misyonero tungkol sa dapat
na pagsamba sa iisa lamang na Panginoon. Layunin ng mga misyonero na dalhin
ang Kristiyanismo sa Mbanta at hindi ang tuligsain sila. Nagkasakit si G. Brown at
pinalitan ni Rev. James Smith, isang malupit at bugnuting misyonero. Nagkaroon
ng relihiyon ang mga taga-Mbanta. Habang isinasagawa ang taunang seremonya
para sa pagsamba sa Bathala ng Lupa hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng
isang Egwugwu, katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan,
sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo nina Rev.
Smith.
Ikinapanlumo ng Komisyoner ng distrito ang naganap na panununog sa
kanilang simbahan. Dahil dito humiling siya ng pakikipagpulong sa pinuno ng
mga Umuofia. Sa pulong, pinosasan ang mga dumalong pinuno ng mga Umuofia at
ikinulong. Nakatikim ng pandudusta, masasakit na salita at pang-aabuso ang mga
pinuno ng Umuofia.
Pagkatapos mapalaya ang mga bilanggo, agad silang nagpulong at
napagkasunduang tumiwalag. Inakala ni Okonkwo na nais ng mga kaangkan na
maghimagsik kung kaya’t gamit ang machete pinatay niya ang pinuno ng mga
mensaherong lumapit sa mga kaangkan niya. Hinayaan naman ng tao na
makatakas ang iba pang mensahero at doon napagtanto ni Okonkwo na hindi
handa ang kaniyang mga kaangkan sa isang giyera.
Dumating sa lugar ni Okonkwo ang Komisyoner ng Distrito upang imbitahan siya
sa isang pagdinig sa korte subalit natagpuan na lamang niyang nakabitin si
Okonkwo. Nagpatiwakal si Okonkwo. Ibinaba nina Obierika ang katawan ni
Okonkwo.
Gumimbal sa buong nayon ang nangyaring ito sapagkat kinikilala nila na ang
pagpapatiwakal ay isang malaking kasalanan at bukod dito si Okonkwo ay nakilala
sa pagiging matapang at malakas. “Ang taong iyan ay kilala at tanyag sa buong
nayon, dahil sa kaniyang ginawang pagpapatiwakal, matutulad lamang siya sa
isang inilibing na aso.” Sabi ni Obierika, ang kaniyang kaibigan
7
Suriin
Alam mo ba na…
Ang Nigeria ay isa sa mga bansa sa Africa na may malaking ambag sa panitikan?
Sa kasalukuyan, maraming akdang pampanitikan mula sa Nigeria ang nasusulat sa
Ingles dahil na rin sa impluwensiya ng mga bansang kanluran.
8
Gawaing 4: Ilantad Na!
Panuto: Magbigay ng kahulugan sa salitang nakasulat. Isulat sa iyong sagutang
papel ang sagot.
Katapangan
Gawain 5: Talasalitaan
Panuto: Piliin sa pares ng salita sa bawat bilang ang angkop na kahulugan ng
salita. Gamitin ito sa pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
abubot dekorasyon
1. palamuti
ipinaalam isinangguni
2. ipinabatid
napagtagumpayan nalampasan
3. napagwagihan
Gawain 6: Reaksyon
Panuto: Sagutin ang mga tanong gamit ang mga pang-ugnay. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Ilarawan mo si Okonkwo batay sa iyong binasang buod.
9
3. Makatuwiran ba ang ginawa ni Okonkwo kay Ikemefuna? Patunayan.
Gawain 7: Pahiwatig Mo
Panuto: Ipaliwanag ang sumusunod na tradisyon mula sa Africa. Isulat sa
sagutang papel ang sagot.
Gawain 8: Fan-Fact-Analyzer
Panuto: Gamit ang graphic organizer, pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa
binasang buod ng isang nobela mula sa Nigeria.
10
Aralin
Pang-ugnay Gamit sa
1.3 Pagpapaliwanag
Pagyamanin
Alam mo ba na…
sa pagsusuri o pagbibigay ng ebalwasyon sa isang iskrip may mga bagay tayong dapat
bigyan ng pansin? Ayon kay Ricky Lee sa kaniyang akalat na Trip to Quiapo Scriptwriting
Manual, una, kailangang maging malinaw muna ang konseptong pinag-uusapan. Ikalawa,
malaman ang major concepts ng material. Ikatlo, dapat konektado ang lahat ng gusting
sabihin ng sumulat ang kung tungkol saan ba talaga ang istorya. Kailangang masagot ang
anomang mga tanong tungkol dito. Kailangang ang bawat bahagi ay magkakaugnay.
Makakamit naman ang maayos na paghahanda ng iskrip kung masusing bibigyang-tuon
hindi lamang ang pagkakaugnay ng mga pangyayari kundi sa pagbuo ng mga diyalogo.
Malaki ang maitutulong ng mga pang-ugnay sa pagbuo ng mga diyalogong ito.
11
Gawain 9: Pang-ugnay
Panuto: Lagyan ng angkop na pang-ugnay ang mga patlang upang mabuo ang
talata.
Isaisip
Gawain 10: Basahin at Suriin
Panuto: Narito ang bahagi ng iskrip ng Sarah, Ang Munting Prinsesa na isinulat ni
Shaira Mella Salvador sa Direksiyon ni Romy V. Suzara. Gamit ang pormat na
kasunod, suriin ang bahagi ng iskrip. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
I. Pamagat:
II. Mga Tauhan
III. Buod ng Pelikula
IV. Banghay ng mga Pangyayari
a. Tagpuan
b. Protagonista
c. Antagonista
d. Suliranin
e. Mga kaugnay na pangyayari o mga pagsubok sa paglutas ng
suliranin
f. Mga ibinunga
V. Paksa o Tema
VI. Mga Aspektong Teknikal
a. Sinematograpiya
b. Musika
c. Visual Effects
d. Set Design
VII Kabuuang Mensahe ng Pelikula
12
Adaptasyon mula sa nobelang A Little Princess
Matapos mamatay ang ina ni Sarah ay napilitan siyang iwanan ng kaniyang amang
si Capt. Ralph Crewe sa isang boarding house. Nang ibalita ni Mr. Barrow na patay
na si Mr. Crewe ay ayaw panatilihin si Sarah sa boarding house ng head mistress
na si Miss Minchin. Ipinagtanggol siya ng kapatid ni Miss Minchin na si Miss
Amelia.
SEQ. 19-A INT. HALLWAY OUTSIDE MISS MINCHIN’S HOUSE OFFICE DAY.
Sarah hurries down the stairs. Bitbit niya si Emily (doll). Hustong nakalabas na ng
office ni Miss Minchin si Mr. Barrow. He walks towards the main entance. Sarah
sees him.
SARAH: Papa! Papa!
Mr. Barrow does not look back. Tuloy-tuloy ito sa paglakad.
Finally when Mr. Barrow nears the school entrance, he turns around to look at her.
Show the surprise and the disappointment on Sarah’s face. Mr. Barrow shakes his
head sadly and walks away.
SEQ. 19-B INT. MINCHIN’S OFFICE. SAME DAY
Back in the office, Miss Minchin and Miss Amelia discuss the issue. Miss Amelia is
depressed about Sarah’s situation.
MISS AMELIA: (naiiyak) Kawawa naman si Sarah… kailangang tulungan natin
siya Ate.
MISS MINCHIN: (sharply) Anong kawawa? Mas kawawa tayo!
Hindi tayo bahay ampunan, baka akala mo.
MISS AMELIA: Saan siya pupunta, Ate? Narinig mo ang sinabi ni Mr. Barrow…
walang ibang kukupkop kay Sarah.
MISS MINCHIN: Hindi ko na problema iyon…
MISS AMELIA: Alangan naming itaboy natin ang bata?
MISS MINCHIN: Alam mo naming nakasangla sa banko ang eskwelahang ito…
baon na baon tayo sa utang kay Mr. Crisford… nasaan ang utak mo, Amelia?
MISS AMELIA: Nasaan ang konsensiya mo, Ate?
MISS MINCHI: (raises her voice) Bakit kasalanan ko ba kung bakit namatay ang
ama ni Sarah?
Because of their heated discussion, the two women failed to take notice of Sarah’s
presence. Sarah is standing outside Miss Minchin’s door, crying softly. Miss Amelia
sees her.
MISS AMELIA: Sarah…
Miss Minchin looks over shoulder at Sarah. The little girl quietly walks away
cluctching Emily close to her.
13
Isagawa
Gawain 11: GRASPS
Panuto: Suriin ang nobelang tinalakay sa aralin at pagkatapos ay ibigay ang mga
hinihiling sa gawain. Gayahin ang pormat at isulat ang sagot sa papel.
II. Buod:

___________________________________________________________________________
14

__________________________________________________________________
III. Paksa:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________
IV. Bisa: (sa isip, sa damdamin)
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________
V. Mensahe:

VI. Teoryang ginamit: ( Naturalismo, Eksistensiyalismo,Realismo at iba pa)
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Tayahin
Pangwakas na Pagtataya
A. Panuto: Tukuyin ang mga hinihiling na sagot sa bawat aytem at piliin sa kahon
ang
kasagutan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
B. Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag, Mali naman kung hindi.
______ 11.Matinding depresyon ang naramdaman ni Okonkwo sa pagpatay niya sa
bata.
______ 12. Umalis sa kanilang nayon si Okonkwo kasama ang kaniyang pamilya
dahil
sa hirap ng buhay.
______ 13. Sinunog ang mga natirang hayop, kubo, at mga naiwang pag-aari ni
Okonkwo tanda ng paglilinis sa buong pamayanan sa kasalanan nito
______ 14. Layunin ng mga misyonero na dalhin ang Kristiyanismo sa Mbanta at
hindi
ang tuligsain sila.
______ 15. Tumiwalag ang mga kaangkan ni Okonkwo upang maghimagsik laban
sa
mga misyonaryo.
______ 16. Si Chinua Achebe ang nagsulat ng nobelang “Paglisan”.
______ 17. Labingsiyam taong gulang noon si Okonkwo nang matalo niya sa isang
labanan si Amalinze, ang Pusa.
______ 18. Kinilalang matatakutin at talunan si Okonkwo ng kanilang tribo.
______ 19. Si Unoka ang tatay ni Okonkwo na kilalang magiting na mandirigma.
______ 20. Pinatay ni Okonkwo si Ikemefuna upang ipakita ang kaniyang
katapangan.
16
Susi saPagawawasto
B
11. Simbolo Gawain 10: iba-iba ang sagot
12. Pananalita Gawain 11: iba-iba ang sagot
13. Pamamaraan
14. Damdamin Pangwakas na Pagtataya:
15. Tema A.
16. Tagpuan 1. Tagpuan
17. Tauhan 2. Tauhan
18. Banghay 3. Banghay
19. Pananaw 4. Pananaw
20. Nobela 5. Nobela
6. Simbolo
Gawain 1: iba-iba ang sagot 7. Pananalita
Gawain 5: 8. Pamamaraan
1. dekorasyon 9. Damdamin
2. ipinaalam 10. Tema
3. napagtagumpayan
4. nagpapusod B.
5. kagulat-gulat 1. Tama 6. Tama
Gawain 6. iba-iba ang sagot 2. Mali7. Tama
Gawain 7. iba-iba ang sagot 3. Tama 8. Mali
Gawain 8: iba-iba ang sagot 4. Tama 9. Mali
Gawain 9: 5. Tama 10. Tama
1. na
2. ng
3. ng
4. ng
5. g
17
Sanggunian
https://www.slideshare.net/FelixZacharyAsilom/pangugnay
https://www.slideshare.net/daniholic/filipino-grade-10-learning-module-unit-3?
fbclid=IwAR3SH8tdG0fN3cX3cTmyfEN3TzzVaWC3Zo9Vghk_ZKXukfcytdF27TUINc
M
https://www.slideshare.net/daniholic/filipino-grade-10-learning-module-unit-3
https://www.myph.com.ph/2011/10/ang-pang-ugnay.html#.YBpufFVfjIU
https://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/paglisan-buod.html
18