Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

10

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 6:
Talumpati mula sa South Africa
(Panitikan ng Africa at Persia)

Inihanda nina:

MARIECHU ASENCIO
Guro I, Pangasinan National High School
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Panitikan ng Africa at Persia!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng


mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang
gabayan ka, gurong tagapagdaloy at upang matulungang makamit ng mag-
aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay inaasahang maiuugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang hinihingi ng ika-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita


ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estr atehiyang magagamit sa
paggabay sa mag -aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mga mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan
ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula
sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Panitikan ng Africa at Persia!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksiyon at


layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto,
lumikha at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay
sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang
matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-
akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga
kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob
ng silidaralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong


maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha
mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o
isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang


kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Narito ang mga mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anomang marka o sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa
nakatatanda mong kapatid o sinoman sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
MODYUL 6- Talumpati mula sa South Africa
IKATLONG Panitikan: Nelson Mandela: Bayani ng
MARKAHAN Africa

Alamin

Ang Modyul 6 ay nakatuon sa isang sanaysay, partikular ang isang


talumpati na binigkas ni G. Nelson Mandela sa kaniyang inagurasyon o
pasinaya bilang pangulo ng Africa. Nilalayon ng talumpati niyang ito na
gisingin ang damdamin ng mga taga-Africa sa pagsulong ng kapayapaan,
katarungan, at kalayaan. Sa araling ito ay kailangang maipamalas mo ang
pag-unawa at pagpapahalaga sa talumpati sa tulong ng mga pahayag na
nanghihikayat. ay isang mitolohiya mula sa Kenya, bahagi ng araling ito
ang pagtalakay sa mga pamantayan sa pagsasaling wika. Inaasahang
masasagot mo ang mga pokus na tanong na: Paano susuriin ang mga
kaisipang nakapaloob sa mitolohiya na may iba’t ibang batayan?; Paano
magagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling wika?

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang makagagawa ng


balangkas ng napakinggang talumpati upang mas madaling matukoy ang
mahahalagang impormasyon na nais nitong ipabatid. Ito ay gagawin batay
sa sumusunod na pamantayan: a.) nilalaman, b.) taglay ang wastong
pagkuha ng mahahalagang impormasyon, at c.) makatotohanan.

Sa tulong ng iba’t ibang gawain, tuklasin kung mabisa bang paraan ang
sanaysay sa paglalahad ng mahahalagang impormasyon sa kultura ng Africa
at kung paano nakatutulong ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang
pahayag sa paglalahad nito
Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod:
Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)
1. Naipaliliwanag ang mga likhang sanaysay batay sa napakinggan.( F10PN-IIIf-g-
80)
2. Naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa ibang akda.
( F10PB-IIIf-g-84)
3. Naibibigay ang katumbas na salita ng ilang salita sa akda (analohiya). (F10PT-
IIIf-g-80)
4. Naibibigay ang sariling reaksiyon sa pinanood na video na hinango sa youtube
. (F10PD-IIIf-g-78)
5. Naisusulat ang isang talumpati na pang-SONA. (F10PU-IIIf-g-82)
6. Nagagamit ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paghahatid
ng mensahe.(F10WG-IIIf-g-75)
Subukin
Paunang Pagtataya
I. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.
Para sa bilang 1-3
Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay
nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa tuwing
makikita natin ang ating bansa na nalulugmok sa di pagkakasundo, at sa tuwing
makikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa batas at paghihiwalay ng mga tao sa
mundo, ito ay dahil sa naging pambansang batayan ang nakamamatay na
ideolohiya at pagkakaroon ng rasismo.
Salin mula sa talumpati ni Nelson Mandela
__1. Ang rasismo na binanggit sa bahagi ng talumpati na iyong binasa ay
nangangahulugang ____________________.
a. pagtanggi at paglaban sa batas
b. pakikipag-unahan ng bawat bansa sa pag-unlad
c. malalim na sakit na dala-dala ng ating mga puso
d. hindi pagkakapantay-pantay na pagtingin sa magkaibang lahi
.__2. Ito ang epekto ng pagkakaroon ng nakamamatay na ideolohiya at rasismo.
a. pagtanggi sa rasismo
b. pagkalugmok ng sarili
c. espiritwal at pisikal na kaisahan
d. paghihiwalay ng mga tao sa mundo
__3. Ang isa sa maaaring maging dahilan ng pagkalugmok ng isang bansa ay ang
_________.
a. pagpapahirap sa mamamayan
b. pagkakaroon ng malupit na pinuno
c. pagpapairal ng kontrakwalisasyon sa mga manggagawa
d. di-pantay na pagtingin sa mga mamamayang iba-iba ang estado sa buhay
__4.Ito ay pagpapahayag ng sariling opinyon, kaisipan, at ideyang binibigkas sa
harap ng maraming tao.
a. tula b. sanaysay c. talumpati d. balagtasan
__5. Isang lohikal o kaya’y kronolohikal at pangkalahatang paglalarawan ng
paksang isusulat. Ito rin ay isang panukalang buod ng komposisyon.
a. tula b. sanaysay c. balangkas d. balagtasan
II. Lagyan ng tsek(/) ang patlang kung ang pahayag ay tama at ekis(X) kung hindi.
__1. Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan.
__2. Ang talumpati ay isang halimbawa ng sanaysay.
__3. Si Michel de Montaigne ang tinaguriang “Ama ng Sanaysay.”
__4. Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-pormal o personal.
__5. Ang mahahalagang kaisipan sa sanaysay ay tumutukoy sa mahahalagang
impormasyong ibinibigay nito sa mambabasa.

Balikan

Balikan muna natin ang nakaraang paksa tungkol sa ang maikling kuwento ni
Barbara Kimenye, “Ang Alaga” na isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson.
Inilalahad sa akdang ito ang tungkol sa pagmamahal na inukol ng isang tao sa
kaniyang alaga. Bahagi rin ng nakraang paksa ang pagtalakay sa mga salitang
nagsasaad ng paghihinuha na makatutulong sa pag-unawa sa tatalakaying paksa
at sa paglalahad.
Para mas matiyak kong nakuha mo ang nakaraang paksang pinag-aralan natin,
sagutin mo pa ang kasunod na gawain. Kayang-kaya mo yan!
GAWAIN 1: Checklist
Lagyan ng tsek (/) ang patlang bago ang bilang na may kaugnayan sa maikling
kuwento. Mula sa naging sagot, bumuo ng isa o dalawang pangungusap na
magpapahayag tungkol sa maikling kuwento.
_____ 1. naglalahad ng mahahalagang kaisipan
_____ 2. maaaring pormal at di-pormal
_____ 3. banghay
_____ 4. wakas
_____ 5. simula
_____ 6. suliranin
_____ 7. tunggalian
_____ 8. may mga kabanata
_____ 9. kasukdulan
_____ 10. mga tauhan

Tuklasin

Basahin at unawain ang talumpati ni G. Nelson Mandela na binigkas niya


noong Mayo 10, 1994 nang siya ay pasinayaan bilang pangulo. Naging daan ang
panitikan partikular na ang sanaysay o talumpati sa paglalahad ng pagnanais ng
kalayaan ng kanilang bansa. Sa talumpati ay naihahayag din nila ang pagkauhaw
sa kalayaan, karapatan, at katarungan na naging bahagi na ng kanilang buhay, ng
kanilang kultura.
Nelson Mandela: Bayani ng Africa
Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum
Sa mga kapita-pitagan, kataas-taasang mga panauhin, mga kasama, at mga kaibigan…
Ngayon, lahat tayong naririto ay pagkalooban nawa ng pagpapala at pag-asa sa
kasisilang na kalayaan gayundin naman sa mga nagdiriwang sa iba pang bahagi ng mundo.
Mula sa mga karanasan ng di-pangkaraniwang kapahamakan ng tao na namayani nang
matagal, isisilang ang lipunang ipagmamalaki ng sangkatauhan.
Ang ating mga nagawa bilang ordinaryong mamamayan ng Timog Africa ay kailangang
magbunga ng tunay na mamamayan nito na magpapalawak sa paniniwala ng sangkatauhan
sa katarungan, magpapalakas sa tiwala sa kadakilaan ng kaluluwa, at magtutustos sa lahat
ng ating pag-asa sa kapakinabangan ng buhay ng lahat.
Ang lahat ng ito ay utang natin sa ating mga sarili at sa mga taong naririto ngayon.
Sa aking mga kababayan, wala akong alinlangang sabihin na ang bawat isa sa atin
ay kasinlapit ang puso sa lupa ng napakagandang bansang ito, sa tanyag na puno ng
jacaranda sa Pretoria, at sa mga puno ng mimosa.
Sa bawat oras, bawat isa sa atin ay dadamhin ang lupang ito, mararamdaman natin
ang pansariling pagbabago. Ang kalagayan ng bansa ay magbabago tulad ng panahon.
Tayo ay kumilos nang may kaligayahan at kagalakan sa paglunti ng kapaligiran at sa
pagbukadkad ng mga bulaklak.
Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay
nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa tuwing makikita natin
ang ating bansa na unti-unting nalulugmok ng di pagkakasundo, at sa tuwing makikita natin
ang pagtanggi, ang paglaban sa batas, at paghihiwalay ng mga tao sa mundo. Ito ay dahil sa
naging pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiya at pagkakaroon ng rasismo.
Tayo, ang mga mamamayan ng Timog Africa, ay nakadama ng kapayakan nang
ibinalik sa sangkatauhan ang pagkakaibigan. Tayo, na pinagkaitan ng batas kamakailan
lang, ay binigyan ng bihirang pribilehiyong mamahala sa mga bansa sa sarili nating lupain.
Pinasasalamatan namin ang aming mga pinagpipitaganang panauhin sa pagparito
upang angkinin, kasama ang mamamayan ng aming bansa, ang tagumpay para sa
katarungan, para sa kapayapaan, at para sa dignidad.
Naniniwala kami na ipagpapatuloy ninyo ang pagtulong sa amin sa pagharap sa mga
pagsubok sa pagbuo ng kapayapaan, kaunlaran, pagkakapantay-pantay ng mga lalaki at
babae, walang diskriminasyon sa lahi, at demokrasya.
Malugod naming tinatanggap ang tungkulin na ang aming mamamayan at ang
kanilang kalayaang politikal, pananampalataya, kababaihan, kabataan, negosyo, tradisyunal,
at mga pinuno na isagawa ang kongklusyong ito. Hindi mawawala riyan ang aking Second
Deputy President, ang Kagalang-galang na si F. W. de Klerk.
Pinasasalamatan din namin ang lahat ng bumubuo sa hukbong panseguridad sa
pagganap sa kanilang tungkulin na pangalagaan ang ating unang malayang eleksiyon at ang
transisyon sa demokrasya, mula sa “hukbong uhaw sa dugo” na nagaalangan pa ring
makakita ng liwanag.
Ang panahon para sa paghilom ng sugat ay naririto na.
Ang panahon upang pag-ugnayin ang pagkakaiba-iba ng opinyon na nagiging dahilan
ng pagkakahati-hati ay dumating na.
Ang panahon upang bumuo ay nasa atin na.
Sa wakas ay naabot na natin ang emansipasyon sa politika. Nangako tayong
palalayain ang ating mamamayan sa kahirapan, kakulangan, pagdurusa, kasarian, at iba
pang diskriminasyon.
Nagtagumpay tayo sa ating huling hakbang sa pagkakaroon ng kapayapaan.
Itinalaga natin ang ating sarili sa pagbuo ng kumpleto, makatarungan, at panghabambuhay
na kapayapaan.
Tayo ay nagtagumpay na magtanim ng pag-asa sa milyon-milyong mamamayan.
Pumasok tayo sa kasunduan na bubuo tayo ng lipunan kung saan anglahat ng mamamayan
ng Timog Africa, itim man o puti, ay maglalakad na walang takot sa kanilang mga puso, tiyak
ang kanilang karapatan sa pagkakaroon ng dignidad – isang bansang may kapayapaang
pansarili at pambansa.
Bilang simbolo ng pagbabago sa ating bansa, ang bagong Interim Government of
National Unity ay sa panahon ng biglaang pangangailangan, bibigyang-pansin ang isyu ng
amnestiya ng mga taong kasalukuyang nakakulong.
Inaalay namin ang araw na ito sa lahat ng mga bayani ng bansang ito at sa iba pang
bahagi ng mundo na nagsakripisyo at isinuko ang kanilang mga buhay upang tayo ay
lumaya.
Ang kanilang mga pangarap ay naging makatotohanan. Kalayaan ang kanilang
handog. Tayo ay may pagpapakumbaba at pagmamalaki sa karangalan at pribelehiyo na
ikaw, mamamayan ng Timog Africa ay iginagawad sa atin, bilang unang Pangulo ng
nagkakaisa, malaya, walang diskriminasyon ng lahi, at pamahalaang naniniwala sa
pagkakapantay-pantay ng kasarian.
Nauunawan naming walang madaling daan para sa kalayaan. Batid naming kung
nag-iisa ay hindi maaabot ang tagumpay.
Kailangan nating kumilos nang sama-sama bilang nagkakaisang mamamayan
para sa pambansang pagkakasundo-sundo, para sa pambansang pagkakabuo-buo,
para sa pagsilang ng bagong mundo.
Magkaroon nawa ng katarungan para sa lahat.
Magkaroon nawa ng kapayapaan para sa lahat.
Magkaroon nawa ng hanapbuhay, tinapay, tubig, at asin para sa lahat.
Malaman nawa ng bawat isa na ang katawan, ang isip, at ang kaluluwa ay dapat
lumaya upang mabigyang kasiyahan ang kanilang mga sarili.
Hindi, hinding-hindi na muling makararanas ang magandang lupaing ito ng
kawalang-katarungan at sakripisyo sa kawalang dignidad at kahalagahan ng pagiging
katutubo sa mundo.
Maghari nawa ang kalayaan.
Pagpalain ka ng Diyos, Africa!
Salamat.
- Mula sa
http://www.anc.org.za/show.php?id=3132
Ang talumpating binasa ay halimbawa ng sanaysay na pormal na nagbibigay ng
impormasyon tungkol sa dating kalagayan ng lahi ng nagtatalumpati at
nanghihikayat din na siya ay tulungan sa pagtupad sa kaniyang tungkulin at mithiin
– ang magkaroon ng kalayaan.
GAWAIN 2: Paglinang ng Talasalitaan - Analohiya
Pabuto: Ibigay ang hinihinging katumbas na salita ng sumusunod mula sa
talumpating binasa. Piliin ito sa kasunod na kahon. Ibigay ang ugnayan sa isa’t isa
upang mabigyang-linaw kung bakit ito ang iyong naging sagot.
kagubatan karagatan
katawan prutas
silid-aklatan tinapay

1. bulaklak : hardin :: aklat : _____________


2. berde : kapaligiran :: asul : ______________
3. espiritwal : kaluluwa :: pisikal : _______________
4. puso : katawan :: ___________ : puno
5. ____________ : gutom :: tubig : uhaw

GAWAIN 3: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa


Panuto: Sagutin ang mga gabay na tanong.
1. Bigyang kahulugan ang tinutukoy na kalayaan ni Nelson Mandela sa kaniyang
talumpati. Gaano ito kahalaga sa isang tao, sa isang lahi, at sa isang bansa?
2. Batay sa talumpati, ilarawan ang kalagayan ng mga taga-Timog Africa.
3. Anong mga katangian ni Mandela ang masasalamin sa kaniyang talumpati?
Ganito rin ba ang katangiang taglay ng namumuno sa ating bansa? Maglahad ng
mga pangyayaring nagpapatunay nito.
4. Kung ikaw ay isa sa mamamayan ng Timog Africa, ano ang iyong magiging
damdamin sa talumpati ni Mandela?
5. Sa ano-anong sitwasyon maituturing na hindi malaya ang isang tao, lahi o
bansa?
6. Bilang kabataan, paano ka magiging susi ng pinapangarap na kapayapaan,
kalayaan, at katarungan?

Suriin
Alam mo ba na...
ang sanaysay ay ginagamit upang makapagbigay ng mahahalagang kaisipan
tungkol sa paksang nais nitong talakayin? Ang mahahalagang kaisipan sa sanaysay
ay tumutukoy sa mahahalagang impormasyong ibinibigay nito sa mambabasa. Ang
mahahalagang impormasyong ito ay maaaring isulat nang pabalangkas. Ang
balangkas ay isang lohikal o kaya’y kronolohikal at pangkalahatang paglalarawan
ng paksang isusulat. Ito rin ay isang panukalang buod ng komposisyon. Ang
talumpati ay isang halimbawa ng sanaysay. Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan
na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling kaisipan, kurokuro, saloobin,
at damdamin na kapupulutan ng aral, at aliw ng mambabasa. Ayon kay Alejandro
G. Abadilla, ito’y “pagsasalaysay ng isang sanay.” Noong 1580, isinilang ito sa
Pransiya at si Michel de Montaigne ang tinaguriang “Ama ng Sanaysay.” Ito ay
tinawag niyang essai sa wikang Pranses na nangangahulugang isang pagtatangka,
isang pagtuklas, isang pagsubok sa anyo ng pagsulat. Ang dalawang uri ng
sanaysay ay pormal at di-pormal o personal. Naririto ang pagkakaiba ng dalawa:

GAWAIN 4: Deskripsiyon sa Sanaysay

Pormal Di-Pormal o Personal

Nagbibigay ng impormasyon. Nagsisilbing aliwan/libangan.

Nagbibigay ng mahahalagang kaisipan, o Nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng


kaalaman sa pamamagitan ng makaagham pagtalakay sa mga paksang
at lohikal na pagsasaayos sa paksang karaniwan, pang-araw-araw, at
tinatalakay. personal.
Maingat na pinipili ang pananalita. Ang himig ng pananalita ay parang
nakikipag-usap lamang.
Ang tono ay mapitagan. Pakikipagkaibigan ang tono.

Obhektibo o di-kumikiling sa damdamin ng Subhektibo sapagkat pumapanig sa


may-akda. damdamin at paniniwala ng may-
akda.
Panuto: Piliin ang mga salitang may kaugnayan sa sanaysay pagkatapos ay bumuo
ng mahalagang kaisipan gamit ang mga salitang napili.

Kuro-kuro ideya isyu


opinyon saloobin talumpati
tugma tauhan banghay
sukat balita pananaw

SANAYSAY

Ang isa pang anyo ng sanaysay ay di-pormal. Upang mas maunawaan pa, basahin
ang isa pang sanaysay na di-pormal na may kinalaman sa wika. Tayo ba ay malaya
sa wika o tayo ba ay nakatanikala pa rin sa anino ng mga dayuhan?

Ako ay Ikaw
ni Hans Roemar T. Salum
“Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa. Pinoy na isinilang sa ating bansa. Ako’y hindi
sanay sa mga wikang banyaga, ako’y Pinoy na may sariling wika. Wikang
Pambansa, ang gamit kong salita…” Hay, napakaganda sa pandinig ang awiting ito
ni Florante.
Damang-dama ang pagmamahal ng mang-aawit sa akin.
Matagal na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban ni dating Pangulong
Manuel L. Quezon. Ang pakikipaglaban niyang ito ay daan upang ako ay umusbong,
gamitin, at tangkilikin. Ako ang simbolo ng pagkakakilanlan ng ating bansa, ang
Pilipinas. Sa totoo lang, ako ay ginagamit sa maraming sitwasyon at pagkakataon.
Ah, tunay ngang malayo na ang aking narating bilang isang instrumento ng
komunikasyon. Patunay nito, sa paglipas ng panahon ay mabilis na naging
moderno na ang ating bansa. Modernong kagamitan, pamumuhay, moderno na rin
pati kabataan. Talagang ang mga Pinoy ay hindi nagpapahuli. Subalit, kasabay ng
pagbabago at pagiging modernong ito ay ginawa na rin akong moderno.
Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay sa makabagong panahon. Sa
katunayan, ang wika ng kabataan ngayon ay tinatawag na Taglish, mga jejemon
wika nga. Ang salitang nanay sasabihing mudra, ang tatay ay pudra. May
magsasabi ring I wanna make bili that sapatos! Hay, kailangan bang kasabay ng
pagbabago ay pagbabago sa akin? Nasaan na ang ipinaglabang wika? Mga
kabataan, ang totoo, ako ay ikaw na sasalamin sa ating bansa. Hindi masama ang
pag-unlad at ang pagbabago kung ang pagbabagong ito ay para sa ikabubuti at
ikaaayos ng komunikasyon. Sa makabagong panahon, gamitin mo ako sa iyong
wika kung iyan ang ibig mo, piliin lamang sa tamang panahon at tamang sitwasyon,
tiyak na ang ating patuloy na pag-unlad.

Ang nais iparating ng isang akda sa mambabasa ay tinatawag ding layunin at mas
madaling makita sa pamamagitan ng pagbabalangkas. Ano-ano ba ang tiyak na
layunin sa paggawa ng balangkas?
1. Nakatutulong ito sa pag-oorganisa ng mga ideya.
2. Naipakikita ang materyal sa lohikal na paraan.
3. Naipakikita ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya.
Ang mga ito ay dapat ding isaalang-alang sa pagkuha o pagtala ng mahahalagang
impormasyon
GAWAIN 5: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa
Panuto: Isulat ang sumusunod na tanong at ang iyong sagot sa iyong sagutang
papel.
1. Sa iyong palagay, bakit kailangang magkaroon ng wikang pambansa?
2. Bigyang interpretasyon ang pahayag na: “Mga kabataan, ang totoo, ako ay ikaw
na sasalamin sa ating bansa.”
3. Isa sa nakipaglaban para sa wika ay si Pangulong Quezon. Kung ikaw ay nasa
katayuan niya, tulad din ba ng kaniyang desisyon ang iyong gagawin upang
magkaroon tayo ng isang wikang pambansa? Bakit?
4. Sa kasalukuyan, makikita bang malaya ang mga Pilipino sa paggamit ng wikang
pambansa? Magbigay ng sitwasyon batay sa sariling karanasan o ng ibang taong
nakapaligid sa iyo.
5. Bilang isang kabataan, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa wikang
sarili?
6. Pakinggan ang awit na Ako’y Isang Pinoy. Anong damdamin ang namamayani sa
iyo tungkol sa wika? Ihambing ito sa damdaming namamayani sa awit.

Narito naman ang ilang gabay sa pagsukat ng balangkas.

Anyo ng Balangkas
Ang balangkas ay maaaring gumamit ng paksa o pangungusap. Sa anyong salita o
parirala, hindi ginagamitan ng bantas. Madaling mailahad ang maikling kabuuan
ng paksang tatalakayin at mabilis pa itong isulat kaysa pabalangkas na
pangungusap. Ang pabalangkas na pangungusap ay gumagamit ng buong
pangungusap sa lahat ng entrada at nilalapatan ng wastong bantas. Kung
sisimulan nang patanong ang balangkas, dapat ay patanong din ang iba pang
bahagi nito.
Halimbawa:
Mga Karapatan ng Mamamayan
I. Karapatang Likas
A. Karapatang mabuhay
B. Karapatang maging maligaya
C. Karapatang umibig
II. Karapatang Konstitusyonal
A. Karapatan sa Saligang Batas
1. Kalayaan sa paghalughog
2. Kalayaan sa komunikasyon
3. Karapatan sa pamamahayag
4. Kalayaan sa relihiyon
5. Kalayaan sa paninirahan
B. Karapatang itinatakda ng batas
1. Karapatan sa pagmamana

Makikita natin sa binasang sanaysay na Ako ay Ikaw ang mahahalagang


impormasyong nais nitong iparating sa mambabasa. Sa tulong ng gawain sa ibaba,
alamin kung anong mahahalagang impormasyon ang iyong nakita.

GAWAIN 6: Itala, Impormasyong Mahalaga


Sa sanaysay na binasa, isulat nang pabalangkas ang mahahalagang impormasyon
na nais nitong iparating sa mambabasa. Gawing gabay ang sumusunod:
Ako ay Ikaw
I. Bunga ng Pakikipaglaban
A.
B.
C.
II. Kalagayan sa Makabagong Panahon
A.
1.
2.
3.

Pagyamanin
Alam mo ba na…
nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang diskurso ang paggamit ng angkop
na mga tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag? Mahalaga ang mga ito sa pagkuha
ng mga impormasyong nais bigyang linaw. Nagiging mas malinaw ang isang
sanaysay/talumpati dahil sa mga tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag.
Madaling matukoy sa mga ito ang katotohanan o opinyon. May mga pang-ugnay na
nagpapatibay o nagpapatotoo sa isang argumento upang makahikayat. Kabilang
dito ang sa katunayan, ang totoo, bilang patunay, at iba pa
Ang tuwirang pahayag ay mga pahayag na may pinagbatayan at may ebidensiya
kaya’t kapani-paniwala. Samantalang ang di-tuwirang pahayag ay mga pahayag na
bagaman batay sa sariling opinyon ay nakahihikayat naman sa mga tagapakinig o
tagapagbasa.

Halimbawa:
1. Sa totoo lang, maraming magagandang lugar sa Pilipinas na dapat munang
pasyalan bago ang ibang bansa. - Di-tuwirang pahayag
2. Si Ranidel ay nanalo ng Ulirang Kabataang Award, bilang patunay, narito ang
kaniyang sertipiko. - Tuwirang Pahayag

Gawain 7: Tuwiran o Di-tuwiran?


A. Panuto: Suriin ang mga pangungusap. Uriin kung tuwiran o di-tuwiran ang
pahayag na ginamit.
__________________1. Ayon sa estadistika, mas marami ang bilang ng mga babae
kaysa mga lalaking Pilipino.
__________________2. Ang pagtaas ng bilihin ay maaaring maging dahilan upang mas
maraming tao ang magutom.
__________________3. Isang katotohanan ang lumabas sa balita na naipasa na ang
Freedom of Information sa Senado
. __________________4. Walang malaking nakapupuwing kaya’t huwag maliitin ang
inaakalang maliit na kakayahan ng kapwa
. __________________5. Mayaman ang bansa sa kalikasan. Patunay nito ang
magagandang paligid o tanawin na dinarayo ng mga turista.

B. Panuto: Balikan ang tekstong Ako ay Ikaw. Suriin ang mga salitang may
salungguhit sa ilang pangungusap, tuwiran ba o di-tuwiran ang pahayag? Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
1. Sa totoo-__________________
2. Patunay nito-__________________
3. Talagang-__________________
4. Sa katunayan-__________________
5. Ang totoo-__________________
Isaisip
Ngayong naunawaan mo na ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa iba
pang akdang pampanitikan at ang gamit ng tuwiran sa di-tuwirang pahayag, sa
bahaging ito ay tatayahin kung naunawaan mo na ang mahahalagang konsepto sa
aralin.
Gawain 8: Pagnilayan at Unawain
Panuto: Sagutin ang mga katanungan.
1. Mabisa bang paraan ang sanaysay sa paglalahad ng mahahalagang impormasyon
sa kultura ng Africa?
2. Paano nakatutulong ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa
pagkuha ng mahahalagang impormasyon?
3.Ano sa tingin mo ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa iba pang uri ng
akdang pampanitikan?

Isagawa
Gawain 9:Sanay-say
Panuto: Sumulat ng sariling sanaysay na may mga tuwiran at di-tuwirang pahayag
tungkol sa kasalukuyang pangyayari sa bansa na ang layunin ay makapanghikayat
sa kaniyang mambabasa. Maaaring gamitin ang sumusunod na mga transitional
device. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

sa katunayan sa totoo lang ang totoo


bilang patunay isang katotohanan

patunay nito ebidensiya ng

Tayahin
Pangawakas na Pagtataya

II. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.


Para sa bilang 1-3
Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay
nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa tuwing
makikita natin ang ating bansa na nalulugmok sa di pagkakasundo, at sa tuwing
makikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa batas at paghihiwalay ng mga tao sa
mundo, ito ay dahil sa naging pambansang batayan ang nakamamatay na
ideolohiya at pagkakaroon ng rasismo.
Salin mula sa talumpati ni Nelson Mandela
__1. Ang rasismo na binanggit sa bahagi ng talumpati na iyong binasa ay
nangangahulugang ____________________.
a. pagtanggi at paglaban sa batas
b. pakikipag-unahan ng bawat bansa sa pag-unlad
c. malalim na sakit na dala-dala ng ating mga puso
d. hindi pagkakapantay-pantay na pagtingin sa magkaibang lahi
.__2. Ito ang epekto ng pagkakaroon ng nakamamatay na ideolohiya at rasismo.
a. pagtanggi sa rasismo
b. pagkalugmok ng sarili
c. espiritwal at pisikal na kaisahan
d. paghihiwalay ng mga tao sa mundo
__3. Ang isa sa maaaring maging dahilan ng pagkalugmok ng isang bansa ay ang
_________.
a. pagpapahirap sa mamamayan
b. pagkakaroon ng malupit na pinuno
c. pagpapairal ng kontrakwalisasyon sa mga manggagawa
d. di-pantay na pagtingin sa mga mamamayang iba-iba ang estado sa buhay
__4.Ito ay pagpapahayag ng sariling opinyon, kaisipan, at ideyang binibigkas sa
harap ng maraming tao.
a. tula b. sanaysay c. talumpati d. balagtasan
__5. Isang lohikal o kaya’y kronolohikal at pangkalahatang paglalarawan ng
paksang isusulat. Ito rin ay isang panukalang buod ng komposisyon.
a. tula b. sanaysay c. balangkas d. balagtasan
II. Lagyan ng tsek(/) ang patlang kung ang pahayag ay tama at ekis(X) kung hindi.
__1. Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan.
__2. Ang talumpati ay isang halimbawa ng sanaysay.
__3. Si Michel de Montaigne ang tinaguriang “Ama ng Sanaysay.”
__4. Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-pormal o personal.
__5. Ang mahahalagang kaisipan sa sanaysay ay tumutukoy sa mahahalagang
impormasyong ibinibigay nito sa mambabasa.

Susi sa Pagwawasto

ARALIN 1.1

PAUNANG PAGTATAYA

I. 1. d II.1. /
2. d 2. /
3. d 3. /
4. b 4. /
5. c 5. /

Balikan Tuklasin Suriin Pagyamanin


Gawain 1 Gawain 2 Gawain 4 & 5 Gawain 6
Iba-iba ang sagot Iba-iba ang sagot
Gawain 7
1.silid-aklatan A. 1. Tuwiran
1. 2. 2. karagatan 2. di-tuwiran
3./ 3. katawan 3. tuwiran
4./ 4. kagubatab 4. di-tuwiran
5. 5. tinapay 5.tuwiran
6./ Gawain 3 B.
7./ Iba-iba ang sagot Iba-iba ang sagot
8.
9./
10/.

Isaisip Isagawa
Gawain 8 Gawain 9
Iba-iba ang sagot Iba-iba ang sagot

Tayahin
PANGWAKAS NA
PAGTATAYA

I. 1. d II.1. /
6. d 2. /
7. d 3. /
8. b 4. /
9. c 5. /
Sanggunian
Ambat, V.C., et al.(2015). Filipino 10 Modyul para sa Mag-
aaral, Pasig City: Vibal Group, Inc., pa. 263-273

You might also like