Filipino 9 Modyul1 ParabulaParabula NG Banga

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

9

99
Filipino 9
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Parabula ng Banga
Filipino 9
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Parabula ng Banga
Aralin
Parabula ng Banga
1
Marahil ay nakabasa ka na ng iba’t ibang halimbawa ng
parabula. Ito ay isang anyo ng panitikang maihahalintulad din sa
iba pang anyo ng panitikan tulad ng maikling kuwento, pabula, at
iba pa.
Naglalaman ang parabula ng matatalinghagang salita o
pahayag. Sa pagtalakay mo sa aralin, magagamit mo ang paraan
ng pagbibigay- kahulugan sa matatalinghagang salitang
tinatawag na metaporikal na pagpapakahulugan.

Inaasahang pagkatapos mo sa modyul na ito, natutuhan mo ang mga


sumusunod na kasanayan:

1. napatutunayan ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring


maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan (F9PB-IIIa-50); at
2. nagagamit nang wasto sa pangungusap ang matatalinghagang pahayag
(F9WG-IIIa-53).

Balikan

Sa bahaging ito ng modyul, iyong balikan ang mga anyo ng


panitikang iyo nang nabasa sa mga nakaraang aralin sa
ikalawang markahan.
GAWAIN 1:
Panuto: Gamit ang Venn Diagram, paghambingin ang
dalawang anyo ng panitikan. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay
na papel.
(15 Puntos)

Magaling! Alam kong naunawaan mo ang maikling kuwentong


iyong binasa. Sigurado rin akong may napulot kang mga aral na
iyong maisasabuhay at nakaugnay ka dahil ito ay nangyayari din sa
totoong buhay.

Gusto mo pa bang mapalawak ang iyong kaalaman? Halina’t


iyong suriin ang mga impormasyon sa ibaba bilang bahagi ng ating
aralin.

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Piliin ang letra ng


tamang sagot at isulat sa hiwalay na papel.

1. “Tigilan mo nga ako Elias, puro ka na lang bola.” Ang ibig sabihin ng salitang
may salungguhit sa pangungusap ay _____.
A. pagbibiro C. pangungutya
B. paglalaro D. bagay na ginagamit sa paglalaro
2. Pare-pareho ang tinanggap nilang upa sa kanilang pagtatrabaho. Ang
kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap ay ______.
A. bayarin C. pautang
B. kaukulang bayad D. utang
3. Ito ang simbolikong kahulugan ng salitang ubasan.
A. kaginhawahan C. kalungkutan
B. kaguluhan D. kasiyahan
4. Nagsakripisyo ang iyong magulang upang makapag-aral ka, pawis at dugo
ang kanilang ipinuhunan. Ang pagpapakahulugang ginamit sa pangungusap
ng mga salitang pawis at dugo ay ______.
A. espirituwal C. literal
B. metaporikal D. simboliko
5. Siya ay anghel sa aking paningin. Ang metaporikal na kahulugan ng salitang
anghel ay ______.
A. alipin C. maganda
B. matulungin D. mapagmahal
6. Ito ay isang akdang hinango sa Bibliya na kapupulutan ng aral at ang mga
pangyayari ay maaaring maganap sa totoong buhay.
A. anekdota C. parabula
B. pabula D. talambuhay
7. Ito ang higit na dapat malinang sa isang tao sa pagbabasa ng parabula.
A. dignidad C. kabutihan
B. espirituwal D. personalidad
8. Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating,
samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init
ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?” Ang pahayag
ay nagpapakita ng _______
A. kabutihang-asal
B. walang kasiyahan
C. pagiging matulungin
D. pagiging mapanumbat

9. “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay mahuhuli”, ito ay isang


pahayag sa parabula na nangangahulugang ________.
A. mahalaga ang oras sa paggawa
B. lahat ay may pantay-pantay na karapatan
C. ang nahuhuli, kadalasan ang unang umaalis
D. kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang unang aalis

10. Ito ay patunay na nangyayari sa totoong buhay ang pahayag na, “Maitutulad
sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang humanap ng
manggagawa para sa kaniyang ubasan.”
A. may mga taong naghahanap ng mauutusan
B. may mga taong nagbabahagi ng kanilang biyaya
C. may mga taong handang tumulong nang buong-puso sa mga
nangangailangan
D. may mayayamang humahanap lamang ng trabahador upang
pahirapan

Suriin

Ano ang Parabula?


Ang parabula ay isa ring anyo ng panitikan
gaya ng maikling kuwento, pabula at iba pa. Ito
ay makatotohanang pangyayaring naganap noong
panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na
Aklat.
Ang mga pangunahing tauhan sa parabula ay mga tao. Ang mga
aral na mapupulot dito ay magsisilbing patnubay sa marangal nilang
pamumuhay. Ang mga mensahe ng parabula ay isinusulat sa
matatalinghagang pahayag. Ang parabula ay maaaring iugnay sa
karanasan at pangyayari sa buhay ng tao o sa paligid.

Mga Halimbawa ng Parabula


1. Parabula ng Alibughang Anak
(Lukas 15:11-32)
2. Parabula ng Mabuting
Samaritano (Lukas 10:25-37)
3. Parabula ng Mayaman at si
Lazaro (Lukas 16:19-31)

Halina’t iyong basahin at unawaing mabuti ang parabula upang


higit na maunawaan ang pagkakaiba nito sa iba pang uri ng akdang
pampanitikan at ang kahalagahan nito upang mapatunayang ang
mga pangyayari dito ay maaaring maganap sa tunay na buhay sa
kasalukuyan.

PARABULA NG BANGA

“Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa,” ang


tagubilin ng Inang Banga sa kaniyang anak. “ Tandaan mo ito sa buong buhay
mo.”

“Bakit madalas mong inuulit ang mga salitang ito, Ina?” ang tanong ng anak
nabanga na may pagtataka.

“Sapagkat ayokong kalimutan mo ito. At ikaw ay nararapat na


makisalamuhalamang sa ating mga kauring banga.”
Kaya’t sa buong panahon ng kaniyang kabataan, itinatak niya sa kanyangisipan
na siya ay isang banga na gawa sa lupa. Hanggang sa makakita siya ng ibanguri ng
banga. Nakita niya ang eleganteng bangang porselana, ang isang makintab
nabangang metal, at maging ang iba pang babasaging banga. Tinanggap niya na sila
aymagkakaiba. Ngunit hindi niya lubos na maunawaan kung bakit hindi siya
maaaringmakisalamuha sa ibang banga. Marahil, gawa sila mula sa iba’t ibang
materyal atiba-iba rin ang kanilang kulay. May puti, may itim, may kulay tsokolate
at may dilaw.Sila ay may kaniya-kaniyang kahalagahan. Hinulma sila nang pantay-
pantay. Lahatsila ay ginawa upang maging sisidlan o dekorasyon.

Isang araw, isang napakakisig na porselanang banga ang nag-imbita


sakaniya na maligo sa lawa. Noong una, siya’y tumanggi. Nang lumaon,
nanaig sakanya ang paniniwalang ang lahat ng banga ay pantay-
pantay. Naakit siya samakisig na porselanang banga.

Napapalamutian ito ng magagandang disenyo atmatitingkad ang kulay


ng pintura. May palamuting gintong dahon ang gilid nito.Kakaiba ang
kaniyang hugis at mukhang kagalang-galang sa kaniyang tindig.

“Bakit wala namang masama sa paliligo sa lawa kasama ng ibang uri ngbanga.
Wala naman kaming gagawing hindi tama,” bulong niya sa sarili. At sumunod siya
sa porselanang banga at sinabing,”

"Oo, maliligo ako sa lawa kasama mo. Ngunit saglit lamang, nais ko lang na
mapreskuhan.”

‘’Tayo na,” sigaw ng porselanang banga na tuwang-tuwa.

Sabay silang lumundag sa lawa at nasarapan sa malamig na tubig.


Nakadama sila ng kaginhawahan sa mainit na panahon nang araw na iyon.

Nang sila’y lumundag sa tubig, lumikha ito ng mga alon. Ang


porselanangbanga ay tinangay papalapit sa kaniya.

Kahit hindi nila gusto, bigla silang nagbanggaan nang malakas. Isang
malaking alon ang humampas mula sa gilid nglawa. Lumikha ito ng napakalakas
na tunog.

Ang porselanang banga ay nanatiling buo na parang walang nangyari. Ngunit


ang bangang gawa sa lupa ay nagkalamat dahil sa malakas na banggaan
nila.
Habang siya’y nabibitak at unti-unting lumulubog sa ilalalim ng tubig,
naalaala ng bangang lupa ang kaniyang ina.

Ano ang Matalinghagang Pahayag?

Ang matalinghagang pahayag ay isang mahalagang sangkap ng panitikang


Pilipino. Ito ay anyo ng wikang may malalim na mga kahulugan o ‘di kaya’y halos
walang tiyak o kasiguraduhang ibig-ipahiwatig maliban sa literal na kahulugan
nito. Ito ay ginagamitan ng mga kasabihan, idyoma, personipikasyon, simile at iba
pang uri ng mabubulaklak at nakalilitong mga salita.

Alamin mo naman kung ano ang tawag sa pagpapakahulugan ng


matatalinghagang salita?

Ang pagpapakahulugang metaporikal ay pagbibigay-kahulugan sa


salita bukod pa sa literal na kahulugan nito. Ito ay nakabatay kung paano ginamit
ang salita sa pangungusap. Ito ay mas malalim na pagpapakahulugan.

Mga Halimbawa:
1. a. bola - bagay na ginagamit sa basketbol (literal)
Pangungusap: Dalian mo, ipasa mo na ang bola kay Jeron.
b. bola - pagbibiro (metaporikal)
Pangungusap: Tigilan mo nga ako, puro ka naman bola.
2. a. pawis - lumalabas na tubig sa katawan (literal)
Pangungusap: Punasan mo ang pawis mo sa likod para hindi ka
mapasma.
b. pawis - pinaghirapang gawin (metaporikal)
Pangungusap: Alalahanin mo na pawis ko ang ipinambayad ko sa
tuition fee mo.

Pagyamanin

Naunawaan mo ba kung ano ang parabula? Nalaman mo na rin ba ang


paraan ng pagbibigay-kahulugan sa matatalinghagang mga salita? Kung gayon ay
handa ka na sa pagsagot sa mga gawaing inihanda ko para sa iyo. Halina’t
simulan mo na!

Gawain 1: #Ugnayan sa Buhay


Panuto: Magbigay ng ilang pangyayari sa binasang parabula at patunayang ito ay
maaaring maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan. Kopyahin ang tsart sa ibaba
at sagutan ito sa hiwalay na papel.

Pangyayari sa Akda Sitwasyon sa Tunay na Buhay


1.
1.

2. 2.

3. 3.

Gawain 2.A: Kahuluga’y Ibibigay


Panuto: Ibigay ang metaporikal na kahulugan ng mga matalinghagang salitang
hango sa parabula at gamitin ito nang wasto sa pangungusap. Isulat ang iyong
sagot sa hiwalay na papel.

1. Oras
a. Metaporikal: __________________
b. Pangungusap: _________________
2. Manggagawa
a. Metaporikal: __________________
b. Pangungusap: _________________
3. Salaping pilak
a. Metaporikal: __________________
b. Pangungusap: _________________

4. Banga
a. Metaporikal: __________________
b. Pangungusap: _________________

5.May-ari

a. Metaporikal: __________________
b. Pangungusap: _________________

GAWAIN 3: Sagutin mo Ako!


PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. (10 Puntos)

1. Ihambing ang katangian ng bangang yari sa putik at yari sa porselana.

2. Sino ang kinakatawan ng bangang yari sa putik? ng bangang yari sa

porselana?

PERFORMANCE TASK:

Imagination Mo, Draw Mo!

Gumuhit ng isang bagay na maihahalintulad sa inyong ina at ipaliwanag kung


bakit iyon ang napili.

PAMANTAYAN PARA SA GAWAIN:

Gumamit ng ibang papel para rito. Narito ang mga paraan ng pagbibigay
puntos sa inyong awtput.

PAGKAMALIKHAIN 10
KAANGKUPAN NG MGA SALITANG 5
GINAMIT SA PANGUNGUSAP
KALINISAN 5
KABUOAN 20
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Piliin ang letra ng


tamang sagot at isulat sa hiwalay na papel.

1. “Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na


ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa
kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng
buhay na walang hanggan.” – Juan 3:16. Ano ang ibig sabihin ng
matalinghagang pahayag na bugtong na anak?
A. maalalahanin C. mapagmahal
B. mabuti D. nag-iisa

2. Ang may-ari ng ubasan ay may ginintuang-puso. Ano ang nais


ipakahulugan ng mga salitang may salungguhit?
A. maalalahanin C. masayahin
B. mabuti D. mayaman

3. Sino ang nakaaalam kung anong oras tayo mawawala sa mundo? Ano
ang nais ipakahulugan ng pahayag?
A. kaguluhan C. kasiyahan
B. kapighatian D. katapusan

4. Marami ang ayaw makipagkaibigan kay Victor dahil siya ay


masyadong mahangin. Ano ang kahulugan ng salitang mahangin?
A. mabait C. mayabang
B. malakas ang hangin D. sinungaling

5. Lahat tayo ay may kani-kaniyang papel sa buhay. Ano ang nais


ipakahulugan ng salitang may salungguhit?
A. pananaw C. sinusulatan
B. posisyon sa buhay D. sinusunod

6. Ano ang akdang pampanitikang nagsasaad ng mga pangyayaring


maaaring maganap sa totoong buhay?
A. anekdota C. parabula
B. pabula D. talambuhay
7. “Maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga
upang humanap ng manggagawa para sa kaniyang ubasan.”
Alin sa mga sumusunod ang magbibigay-patunay na ang pahayag na
ito ay nangyayari sa totoong buhay?
A. may mga taong naghahanap ng mauutusan
B. may mga taong nagbabahagi ng kanilang biyaya
C. may mga taong buong-pusong tumutulong sa kapwa
D. may mayayamang humahanap lamang ng trabahador upang
pahirapan

8. Ano ang nais ipakahulugan ng talinghagang, “Gayondin naman, ayaw


ng iyong Amang nasa Langit na mawala isa man sa maliliit na ito” –
Mateo 18:14?
A. maliit man, may bilang din sa Panginoon
B. mahalaga sa Panginoon ang kaniyang mga anak
C. lahat ay pantay-pantay sa paningin ng Panginoon
D. lahat ng kasalanan ng tao ay kayang patawarin ng Panginoon

9. Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling


dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa
nakapapasong init ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang
aming upa?” Anong sitwasyon sa tunay na buhay ang maihahalintulad
sa pahayag na ito?
A. maganda ang performance sa opisina na nabibigyan ng
pagkilala
B. mga nagtatrabahong nag-o-over time sa opisina ngunit sakto
pa rin ang kita
C. mga trabahador na maagang pumasok na ikinukumpara sa
late pumasok sa trabaho
D. mga manggagawa sa isang opisinang nagrereklamo sa
kanilang natatanggap na suweldo

10. Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na ito, “Ang nahuhuli ay


nauuna at ang nauuna ay mahuhuli?”
A. mahalaga ang oras sa paggawa
B. lahat ay may pantay- pantay na karapatan
C. ang nahuhuli, kadalasan ang unang umaalis
D. kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang unang aalis.
SUSI SA PAGWAWASTO
Modyul 1 (Ikatlong Markahan)

Modyul 1

Balikan
Gawain 1: 15 Puntos (Depende sa kasagutan ng mag-aaral)

Subukin: 10 Puntos
1. A
2. B
3. A
4. B
5. C
6. C
7. B
8. D
9. B
10.C

Pagyamanin

Gawain 1: 10 Puntos (Depende sa kasagutan ng mag-aaral)

Gawain 2.A: 10 Puntos (Depende sa kasagutan ng mag-aaral)

Gawain 2.B: 5 Puntos


1. Payo
2. Lalagyan
3. Nababasag
4. Dekorasyon
5. Gumawa

Gawain 3: 10 Puntos (Depende sa kasagutan ng mag-aaral)

Performance Task: 20 Puntos

Tayahin: 10 Puntos
1. D
2. B
3. D
4. C
5. B
6. C
7. C
8. B
9. D
10.B

Sanggunian

Dr. Voltaire M. Villanueva. 2018, “#ABKD (AKO BIBO KASE DAPAT)


Alpabeto ng Inobatibo at Makabagong Guro sa Agham
Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapakatao, at Filipino,”
VMV11483 Book Publishing House P. Binay St. Bangkal, Makati City.

Peralta, R.N. et al. (2014), “Panitikang Asyano 9,” Meralco Avenue, Pasig
City. Department of Education – Instructional Materials Council
Secretariat (DepEd- IMCS)

You might also like